LIANA GUILLERMO SALVACION POVSA ARAW-ARAW NA naghihintay ako kay Caden, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.Alam kong babalik ito sa amin. Excited na rin ako na makasama namin ang triplets. Pitong buwan na rin ang tiyan ko. Laking pasasalamat ko sa dalawang babaeng sundalo na sina Andrea at Annie na hindi ako pinababayaan. Lahat na pangangailangan ko binibigay nila ito. Minsan na ring dumalaw si Jarred sa akin. Isa pala itong Doktor. Isa-isa ko nakilala ang mga kaibigan ng asawa ko. "Hey, Liana," malapad ang ngiting bungad sa akin ni Annie.Agad ko naman ito sinalubong. "Hi. Ano na naman ang dala-dala mo?" Natatawang tanong ko rito."Gamit ng mga babies mo. Oo nga pala, bukas balik tayo sa kilala kong Doktor, pa check-up ulit kita."Nagtataka naman ako. Kailan lang kami nagpa-check-up. "Ha? 'Di ba kailan lang ako nagpa-check-up? At may mga vitamins pa ako.""Every month ang check-up mo. Ako ang bahala sa gastusin. At kung ano man ang nararamdaman mo, sabihin mo lang sa akin.""S
LIEUTENANT ANNIE MENDEZ "LIEUTENANT!"Napalingon naman ako sa kasamahan kong sundalo. Paalis na sana ako at pupuntahan ko si Liana. Kailangan ko siya madala sa ibang Doktor to confirm kung triplets ba talaga ang pinagbubuntis niya."Hey, what's up!" Nakangiting sagot ko rito."May binigay na bagong kaso si Major. Gusto ko sana ipasa sa'yo," aniya na inabot sa akin ang files."Oh, sure. Bukas ko na ito pag-aralan. May pupuntahan pa ako.""Thanks, Lieutenant."Bago ako umalis dumaan muna ako sa office ni Eya."Captain Santiago," nakangiting bati ko rito.Tumayo naman ito at malapad ang ngisi."What's up!" Aniya ni Eya sa akin.Hindi sa walang tiwala ako kay Eya, pero kailangan ko muna sarilinin ang plano kong ito."Alis muna ako, puntahan ko lan ang future hubby ko," nakangising saad ko rito.Napapailing naman si Eya. Alam niya na gaano ko kagusto si Mayor Walton."Sige ingat ka. Sana successful na iyang pagpipikot mo," natatawang saad niya.Nagkibitbalikat lang ako. " Bye. See you tom
CAPTAIN ANDREA SANTIAGO"Captain?"Napatingin naman ako sa aking tauhan. "Pakisagot ang tawag sa kabilang linya.""Okay, thank you."Agad ko naman sinagot ang tawag. "Yes, hello?""Eya, pumunta ka ngayon sa Estrella hospital. Tumawag si Annie, in-ambush sila sa hospital!"Nanlalaki naman ang mga mata ko. Nabitawan ko naman ang telepono. Agad ko kinuha ang susi ng sasakyan ko at dali-daling umalis.Damn, Annie!"Baka kasama niya si Liana! Alam ko may pagdududa si Annie sa ultrasound ni Liana. Alam kong gagawa siya ng sariling imbestigasyon niya. Hindi ko rin akalain ang Doktor na pinagkakatiwalaan ko, tatraidurin din ako. Naniniwala na triplets ang dinadala ni Liana, kalaunay bago siya patayin, binigay niya ang tunay na results. Utos ito ng organization na kunin ang isang anak ni Caden. Hindi alam ni Annie na patay na ang unang Doktor ni Liana. At alam ko rin na Quadruplets ang pinagbubuntis nito.Paglabas ko ng presinto, sinalubong agad ako ng asawa ko."Eya.""Let's go," tanging sag
LIANA GUILLERMO SALVACIONKAILAN lang, malaki pa ang tiyan ko. Halos gabi-gabi ko iniisip kung sino ang kanilang mukha. Pero isang iglap lang, nawala ang mga ito. Ni hindi ko pa nakita o nayakap man lang sila. Sobrang sakit! Sakit na nakakamatay. Na ayaw ko na rin magising. Sana nga namatay na lang ako. Halos araw-araw na walang tigil ang aking pag-iyak. Kapag wala na akong nailuha, titigil na lang ako at nakatulala na lamang."Liana, tama na. Ginagawa na namin ang lahat. Hahanapin namin ang mga anak mo," naaawang saad ni Jarred sa akin.Hindi ko ito pinapansin. Ilang araw na rin na pinapaasa nila ako na makikita nila agad ang mga anak ko. Pero, wala pa rin silang maibigay na magandang balita sa akin."Please, Liana. Tatagan mo naman ang loob mo," nakikiusap na saad ni Jarred sa akin.Napatingin naman ako rito.Tatagan?Madali lang sabihin dahil hindi sila ang nasa sitwasyon ko ngayon. Hindi nila alam ang nararamdaman ko. Nararamdamang sakit, na halos pinipiga na ang dibdib ko.Nag-uu
"How are you, Aiden," seryosong bati ko rito.Aiden Geller, kilalang negosyante sa buong mundo. Halos buong Germany, pinatayuan na niya ng mga enterprises at empire hotels."Hey, Salvacion. Long time no see. Sit down," nakangising saad nito. Umupo naman ako. Agad naman niya ako inabutan ng alak."Nakapagtataka ang isang Caden Salvacion, nakipagkita sa akin," natatawang saad niya.Napabuntonghininga naman. Sa ganitong sitwasyon, kailangan ko ibaba ang aking pride. Alang-alang sa mga anak ko at kay Liana. "Tulungan mo ako. Nakidnap ang quadruplets ko. Kahit anong gawin namin, hindi namin matatagpuan o ma-locate ang kumuha sa mga anak ko," malungkot na saad ko rito.Nakakunot naman ang noo ng binata sa akin. "What? Seriously? Anong silbi ng uyaman at organization mo kung hindi mo rin sila matatagpuan?"Umigting naman ang panga ko. "Yes, inaamin ko. Walang silbi ang pera ko at ang organization na ito dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin matatagpuan ang quads ko!"Naging seryoso naman
MAYOR VERNAN WALTON"BAKIT ayaw mo ba sa akin, sweetie pie!"Napahilot naman ako sa aking sentido. Halos araw-araw nandito na lang si Annie sa munisipyo. "Marami pa akong paper works, Annie. Puwede ba, pahingain mo muna ako," naiiritang saad ko sa dalagang sundalo.Nakasimangot na naman ito."Sabihin mo na kasi na ayaw mo sa akin! Para naman hindi na ako pabalik-balik dito!" aniya nagdadabog. Lumapit ito sa akin at umupo sa aking kandungan. Panay ang halik sa aking leeg, paakyat sa aking mukha at mariin akong hinalikan. Dahan-dahan ko naman itong itinulak."Stop, okay. Bigyan mo naman ng konting respeto ang sarili mo!" Nagulat ito sa sinabi ko. Kahit ako nabigla rin sa sinabi ko.Umalis ito sa aking kandungan. "Gan'yan ba ang tingin mo sa akin? Sobrang baba na talaga?" mahina itong napatawa.Napabuntonghininga naman ako. Napatitig ako kay Annie. Sa pananamit pa lang niya, sobrang layo ito sa naging babae ko. Mahilig magpantalon si Annie. Naka-ponytail ito at syempre medyo maluwag
ANDREA ALLEYA SANTIAGOPAGPASOK KO, nakangising mukha ng isang babae ang bumungad sa akin."Masaya ka na?" inis na tanong ko rito."Come on. Minsan lang ako nakiusap sa'yo" nakangising sagot niya naman."Ano naman ba ang plano mo, Annie?" seryosong tanong ko rito."Gusto ko lang muna, patay na ako sa paningin ng lahat," aniya na inabutan ako ng sigarilyo.Nag-usap na kami na ganito ang plano namin. Nagkataon din na pumunta daw si Caden at tinawagan ang kan'yang tauhan na sugurin ito sa condo niya, na kunwari kalaban ito. Ako nag-asikaso bumili ng bangkay para ipalit sa pagsabog. Hinubad ang kan'yang suot at pinasuot sa bangkay. Bago sumabog ang kan'yang sasakyan, nakalipat na ito sa sasakyan ng kan'yang mga tauhan. Yes, may sariling organization si Annie. Actually, hindi kami kasali sa grupo nila Caden. At ayaw ko rin na sumali sa underground. Pinaka-ayaw ko sa lahat na may humahawak sa leeg ko. Ayoko na may boss. Ayoko na dinidiktahan ako.Pasalya naman ako umupo sa sofa. Nilibot ko
CADEN SALVACIONHANGGANG ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Annie. Si Vernan, nagbago na rin. Naging mailap na ito sa grupo. Lagi niya sinisisi si Zeus."Caden, hindi mo kasalanan kung bakit namatay si Annie. Nalulungkot din ako, naging mabait at matulungin si Annie sa akin noong pinagbubuntis ko ang mga anak natin," mahinang saad ni Liana sa akin.Humarap naman ako sa asawa ko. Pilit naman ako ngumiti rito. "Ganito na ba ako kasama? Nawala na ang mga anak natin. Si Annie, namatay na walang kalaban-laban! Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat na ito. Lagi na lang ako hinahabol ng kamalasan!" Niyakap naman ako ng mahigpit ni Liana. "Lahat may chance magbago, Caden. At masaya ako na nakita ko na inaayos mo ang iyong buhay.""Thank you, love. Dahil sa'yo, naitama ko ang pagkakamali ko sa buhay,"maluha-luhang saad ko. Alam kong malalampasan ko rin ito. Hindi ko rin maiwasan mag-isip at parang nawawala na naman ako sa katinuan."Cheer-up na, okay. Naniniwala ako, kung hin