Share

Chapter 10

KIM

Nasa kasarapan ako ng tulog ng may maramdaman akong dumantay na mainit at malambot na bagay sa aking pisngi. Bahagyang humahaplos sa pisngi ko.

Taas baba na animoy dinadama ang balat ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapagsalubong ang kilay ko. Ang bigat bigat pa ng mga mata ko. Antok na antok pa dahil sa halos magdamag nakabukas ang aking mga mata.

Madaling araw na nang sa wakas ay dinalaw ako ng antok. Dahil sa matamis na halikang pinagsaluhan namin ni Freianne kagabi ay halos magdamag mulat ang mga mata ko. Gising na gising maging ang puso kong walang tigil sa pagwawala mula sa ribcage ko.

At tila may kung anong gumising sa diwa ko nang maalala ang pangyayari sa nagdaang gabi.

Natigilan at napakurap kurap ako nang ang sumalubong sa akin ay ang maamong mukha nga niya ang nasilayan ko. Nakatitig sa akin at may bakas ng luha sa mga mata. Ang kanang kamay ay nasa aking pisngi at mabini akong hinahaplos mula roon.

Nagsalubong agad ang aming mga mata. Naghinang ng ilang segundo o minuto a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status