Shane opened her eyes. Asul na kisame ang namulatan niya. Pakiramdam niya pagod na pagod siya. Ang mga talukap ng kanyang mga mata ay gusto ulit mag-sara. Ang likod niya ay gusto ulit mahiga sa komportableng kama.
Kama? Mabilis na inayos niya ang takbo ng kanyang utak. Pilit ina-alala ang huling nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay hinahanap niya si Greene. Dahil nawawala ito. Nilibot na niya halos ang buong park pero hindi niya ito makita. Binundol muli ng takot ang puso niya. Nasaan ba siya? Paano niya hahanapin ang anak niya?
Akma siyang bababa sa kama nang mapuna ang suot niya.
Red see-through lingerie? Kanino ito? Wala siyang matandaan na may ganoon siyang damit pantulog. Mahilig siya sa pajamas kaya hindi niya alam kung kanino ang damit na suot niya. Halo-halo na ang takot sa puso niya. Takot para sa anak niya at takot para sa kanyang sarili. Ngayon siya naniniwalang na-kidnap nga siya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Maluwang ang kwarto. Kompleto sa modernong kagamitan. Hindi siya pamilyar sa lugar pero pakiramdam niya ay nakita na niya ang silid na ito. Pakiramdam niya ay minsan na niyang napuntahan ang lugar at pinamalagian ng maraming panahon.
Dinama niya ang ulo niya. Bago siya nawalan ng malay-tao ay tila siya nahilo matapos niyang may maamoy na kakaibang amoy at doon na nga nagsimulang magdilim ang lahat sa kanya.
May iba't-ibang klase ng figurines ang naka-display sa bawat sulok ng kwarto. Mga miniature house at kung anu ano pa. Ang mga hitsura ng mga iyon ay tila inaakit siya. Maganda at detalyado ang pagkakagawa. Wala siyang oras para usisain ang mga bagay na yon. What she concerned more is kung nasaan siya. At nasaan nag anak niya. If this one of the ransom kidnapping. Wala siyang maii-bayad. Wala siyang maii-bigay na pera. So she needs to think wisely. Kailangan siya ni Greene. Kailangan siya ng anak niya. At lalong kailangan niya ito. She can't live without her son.
Nasa may pinto na siya nang mapadako ang mga mata niya sa head board ng kama. At umakyat ‘yon ilang pulgada pa. From there, she saw her face. Smiling at the camera. Wearing a simple white dress. At sa gilid niya. A man who prominently stood up beside her. Smiling genuinely. Love and happiness are visible to his eyes. He's wearing a simple white long sleeve polo. His arms possessively wrapped around her.
“Do you Gregory Sevilla Lopez accept Shane Anson Montalvo as your lawfully wedded wife?”Tanong ng judge kay Greg. Si Judge Arnisto Velasco. Ninong naman ni Greg.
Hindi magarbo ang kasal nila. Isang simpleng kasalan lamang sa huwes. Wala ring maraming tao. Kung di isang pares lang na pareho nilang matalik na kaibigan ang saksi sa kasalang nagaganap. Tutol ang mga magulang niya kaya hindi siya umaasa na darating ang mga ito. But Greg promise her a church wedding sa oras na maka-graduate silang dalawa. For now, masaya sila na matatali na sila sa isa't isa. Sa legal na paraan.
“I do.”She heard Greg "I do” Bakit kahit alam na niya ang sasabihin nito ay bilyon-bilyong kaba pa rin ang nararamdaman niya. And when the Judge finally asked her. It's always been the same. I do.
Her biggest mistake. Hindi na niya kailangan tanungin ang sarili niya ng paulit-ulit. It's now obviously where she is. At mas dumoble na ang takot niya. Kung may pinakanakakatakot na nilalang sa mundo. Si Gregory iyon. A man she used to love before. Ang lalaking pinagalayan niya ng lahat sa kanya. Ang lalaking pinagkatiwalaan niya. At ang lalaking handang pumatay. Pinahid niya ang luhang tumulo sa mga mata niya. Matapang na siya. Hindi na siya mahina. Pinatapang siya ng panahong nagiisa siya. Mga panahong sarili lang niya ang kinakapitan niya. Bahagya pa siyang napaigtad ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang babae.
“Patty?”
Gulat na bulaslas niya. “Anong ginagawa mo dito?” Bagkus na sagutin siya pumasok ito sa loob at nilapag ang bihisan niya. O mas tamang sabihing bagong bihisan niya.”Ate, maligo na po kayo. Nakahanda na ang almusal.”
“Sumagot ka! Tinatanong kita!”
Sabi niya sa galit na boses.Napayuko ito. Bakas dito ang takot sa kanya. “Sorry po Ate. Hindi ko naman gustong lokohin ka. Napag—”
“That's it! Kasabwat ka niya”. Nanggigigil niyang sabi.
“Ate hindi sa ganoon —”
Pinatahimik niya ito. Hindi na niya gustong marinig ano man ang magiging paliwanag nito sa kanya. Ang laki ng tiwalang binigay niya dito pero sa huli ay hindi niya pa rin pala dapat ito pinagkatiwalaan pa.
Gagawin talaga ni Greg ang lahat. I-kulong lang siya muli sa marumi at nakakasal na buhay nito. Pero hindi na siya papayag. Hindi siya papayag na pati ang anak niya ay madamay dito. “Si Greene? Narito din ba siya?”
Nililinga niya ang paligid iniisip kung may bagay ba doon na makakapagturo sa kanya kung saang lupalop siya ng mundo naroroon. Hinintay naman niyang sumagot si Patty.
Nag-aalala na siya sa anak niya. Baka iyak na ito ng iyak dahil wala siya. “Safe po si Greene Ate. N-Narito din po siya.”
Tumakbo siya sa pintuan. ”Ok po si Greene hindi siya naiyak. Nasa baba po siya. Naglalaro, kasama ang Papa niya.”
Kasama ang Papa niya.
Kasama ang Papa niya.
Kasama ang Papa niya.
She get froze after she heard what Patty said. Paulit-ulit iyon sa isip niya na parang sirang plaka. Hindi niya lalo maintindihan sa sarili niya kung makakapag-isip pa ba siya ng paraan kung paano muling makaka-layo sa asawa niya. Gregory lives only in her memories. Hindi na sa reyalidad ng buhay niya. Nang iwanan niya ito ay pinanindigan na niya ang desisyong hinding-hindi na siya babalik dito kahit na kailan pa man.
Narinig niya muli si Patty. Telling her that Greene is okay and doing fine with his father.
No, It can't be. Binabangungot lamang siya. Magigising din siya. Hindi totoo ang lahat ng ito. She shake her head two times then she open her eyes. Pilit pa rin niyang kinakalog ang isip dahil baka isa lamang iyon masamang panaginip at dala lamang ng mga pagod na pinagdaanan niya ng mga nakakaraang araw. Pero nanatiling ganoon pa rin ang lahat. Hindi nagbago, naroroon pa rin siya sa lugar na sinumpa niyang hinding-hindi na niya itatapak muli ang kanyang mga paa. Another nightmare.
Ang matayog at mahabang hagdan ay walang pinagbago, maski ang kulay niyon at ang disenyo ay walang naging pagbabago sa nakalipas na taon. Even the antique vase ay naroon pa rin sa gilid ng hagdan. Pero hindi niya na masyadong pinansin ang lahat. What matters to her right now is to get her son away fromhim.Mali na ma-punta pa sila dito at maibalik. Mali na naririto sila. At lalong mali na magkasama pa sila ni Greg. Maling-mali na makita nito ang anak niya dahil hinding-hindi siya papayag na mapunta ang anak niya sa lalaking iyon. She heard some laughters. And it came outside the living room. Dahan-dahan niyang binuksan ang screen door at saka lumabas. Bumigat ang dibdib niya when she saw her son Greene laughing while hispapaislifting him in the air. May butil nang luha ang nag-landas sa pisngi niya. Kung sana sa ibang pagkakataon ay masisiyahan siya sa nakikita pero iba ngayon. Takot ang nararamdaman niya. Lalo pa't napakaramin
Tatlong araw nang wala si Greg. At kahit ganoon, mahigpit ang bantay nilang mag ina. Kulang nalang kahit sa pagtulog ay may bantay sila. Naiinis na siya dahil tila nawalan na sila ng karapatang makalabas at sumagap man lang ng hangin sa labas. Tila sila isang mga preso sa loob ng kulungan na ang tawag ay, tahanan. Umalis nga si Greg pero ikinulong naman sila nito sa bahay. At si Greene ay mukhang nasanay na sa presensya ng ama nito kaya palaging umiiyak sa gabi. Hindi naman dating ganoon ang anak niya. Nagpasya siyang bumaba ng hagdan. Ang una niyang gustong gawin ay magpahangin sa pool area at tanawin ang maliliwanag na bituin sa kalangitan. Iniwan niyang natutulog si Greene sa silid nila kaya malaya siyang nakalabas upang makapagpahangin. Gabi na at tahimik na ang buong kabahayanan. Dati-rati, natutulog siya sa sofa makita lamang niyang dumating ang asawa niya tuwing gagabihin ito. Hindi siya makatulog ng mahimbing hangga’t di niya alam kung ku
"Baby..." Humakbang siya palayo kahit nangingig ang mga tuhod niya. "W-Wag kang lalapit sa ‘kin," sabi niya. Her voice were shaking. Parang may mga yelo sa balat niya. Hindi niya rin alam paano niya ito titigan sa mga mata nito nang hindi niya naiipakita dito ang kakaibang trauma niya. Pumataysiya.Pumataysiyang tao. He killed someone right in front of me. Right in my eyes!Humakbang siya. Akala niya, bali-balita lang na kaya nitong gumawa ng ganoon klaseng bagay, pero kaya nga nito. Kaya nitong pumatay nang walang babala. "Baby, It's me." Humakbang pa ito papalapit sa kanya. Bumaha ang liwanag at nagmamadaling pumasok ang mga tauhan nito na may dalang kanya kanyang armas. Hindi na siya nagulat na makita sa mukha nang mga tauhan nito na tila sanay na sila sa mga ganoong aktibidades. Wala man lamang kahit na anong pagkagulat sa kanila na makakita sila nang bangkay na nakahandusay at nagkalat na dugo. Bumaling ang mg
"Isla Rosal?" Ulit ni Shane sa sinabi ni Gregory nang sa wakas ay makababa ang helicopter na sinasakyan nila. Ngayon lang kasi umimik si Gregory pagkatapos ng pagtatalo nila kagabi at ang mga binitiwan nilang salita sa isa’t isa na alam niyang hanggang ngayon ay nasa isip pa rin nito. Maging ang huling sinabi nito ay nasa isip pa rin niya. Pero hindi na niya ipinilit ang gusto niya na umalis na hindi ito kasama dahil kahit anong gawin niya ay alam niyang hindi ito papayag. Mula Maynila ay sumakay sila sa isang private plane patungong Palawan at saka doon sumakay ng helicopter patungo dito sa isla. Maaga siyang ginising ng isang kasambahay upang sabihin na mag-empake na daw siya ng mga gamit nila ni Greene kaya kanina ay mabilis siyang gumayak. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya nab aka may isa pa sa mga tauhan ng asawa niya ang mag-tangka sa buhay niya o sa kanilang mag-ina sa oras na malingat si Greg. Isang tagong isla na nasa dulong bahagi ng Palawan ang
“Can we talk?”Shane stood up from her seat when she heard what Greg have said. They had a normal dinner along with their helpers. Nalaman niya kasi na malapit si Greg sa mga kasama nito sa bahay kaya normal palang sumabay ang mga ito sa hapag. Pero mukhang mahiyain ang mga kasama nila kaya mabilis din silang namaalam matapos kumain.Si Greene naman ay nakatulog na ng maaga pagkatapos niyang ipagtimpla ng gatas.“Para saan?” tanong niya.When he rose up to his seat ay humarap ito sa kanya. “Us. Let’s talk about us,” he said.“Us? Hindi ba’t tapos na tayo?” may diin niyang sabi.She avoided his stares para hindi niya makita ang mga emosyong iniiwasan niyang makita sa mga mata nito. Hanggang sa papel na lamang ang kasal nila at hindi na babalik iyon sa dapat asahan nila dahil matagal nang tapos ang pagsasama nila.“Pero wala akong sinabi sa ‘yo na tapos na tayo. I a
Alas diyes na pasado na nang magmulat siya ng mga mata. Ang mga maliliit na daliri ni Greene ang gumising sa kanya."Mimi-mi" narinig niyang sabi nito habang nakapasok sa ilong niya ang daliri nito. Sinusundot-sundot niya iyon at sabay hahagikhik na akala mo’y kinikiliti.Humalik muna siya sa pisngi nito. "How's your sleep little Man?"Tumawa si Greene sa kanya. Nilingon niya ang katabing bahagi nila pero bakante na iyon. Gising na marahil si Greg at nasa baba na. Nilinis muna niya ang bata. Pinalitan niya ang diaper nito pati na rin ang damit na naipantulog niya. Saka siya nag-ayos ng sarili. Isang simpleng floral dress lamang ang naisipan niyang suotin kung saan siya presko at komportable.Nang makababa silang mag-ina ay hindi nila naabutan si Greg sa baba. "Wala na po si Sir Ma'am," ani ng kasambahay na dinatnan niya sa kusina."S-Saan siya nagpunta?" di niya mapigilang itanong. Iniisip niya na baka nasa Maynila na ito at iniwan na sila sa
Tinitigan niya ang album na inabot ni Lita sa kanya pagpasok nila sa loob ng library. Ibinaba niya sa carpet na sahig si Greene at hinayaang magpaikot-ikot doon. May inabot siyang mga laruan dito na safe naman hawakan at paglaruan ni Greene.Umupo siya sa leather settee na naroroon at binuklat ang album. Tumambad sa kanya ang mga lumang litrato nila noon. May kuha pa noong namasyal sila sa Maynila dahil unang anniversary nila. Mga masasayang memories nila na nabaon na sa limot at panahon.Hindi niya akalain na na-ipon nito ang mga iyon. Iniwan sila ni Manang Lita sa loob ng library, nagpaalam kasi ito na maraming aasikasuhin sa kusina kaya hinayaan na lamang niya. Hinayaan naman niyang maglaro lamang si Greene. Matapos bisitahin ang album, gumawi naman ang mga mata niya sa hilera ng mga libro na naroroon. Mahilig siyang magbasa kaya sa tuwing pupunta siya sa library noon, ay sinasamahan siya ni Greg para bitbitin nito ang mga hiniram niya
“S-Shane!”How could she possibly think that living with him makes her feel safe and unharmed? Shane ran through the passage that connects to the guests room. Mabilis niyang ibinaba sa kama si Greene at ini-lock niya ang pinto. Sinusubukan niyang mag-isip ng isang bagay na magagawa niyang dahilan para tuluyan na niyang iwan si Gregory. Kagat-kagat niya ang kuko nang maulingan niya ang malalaking yabag mula sa labas ng pintuan. Maya-maya pa’y magkakasunod na katok naman ang narinig niya. “Open this door, Shane!” Shane carried her child at saka sumiksik sa isang sulok. Hindi siya makapagsalita. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin niya dito. Basta ang alam lang niya ay natatakot siya. “Kung ano man ang narinig mo, come out there and let’s talk it over. I can explain to you,” he said. But s