Share

ONE

last update Last Updated: 2022-03-28 10:43:44

RAFAELA'S POV

"Ano na, Raffi, papayag ka ba? Kailangan mo ng pera, 'di ba?" Napatingin ako sa matalik kong kaibigan,  Kimberly Trina Ann Salcedo,  a fine woman who was contented of being somebody else's mistress.

"Ano nga  ulit ang sinasabi mo?" tanong ko rito ng mawala ako sa pokus sa pinag-uusapan namin nang may makita akong isang gwapong lalaki na pumasok sa D****e cafe na pag-aari ni Trina, kasama ito ng isa sa mga lalaking kaibigan ni Trina at papalapit sila sa gawi namin.

Sasagot na sana si Trina sa akin nang marinig niya naman ang pagsambit ng kaibigan niya sa pangalan niya, "Trina." Kaya napalingon ito at napatayo... niyakap niya ang lalaki at nagbeso-beso sila.

"Siya na ba iyon, Atlas?" tanong naman ni Trina sa lalaki at tumingin sa gawi ng kasama ni Atlas na isang gwapong nilalang. Sana... sana ay single pa ito. Please po, Lord... sana siya na lang ang lalaking nakatakda para sa akin. piping panalangin ko naman sa aking isipan habang nakatingin at pinagpapantasyahan siya.

"Ah, yes... meet Gabriel Mondragon, one of my good friends in college," pakilala naman ni Atlas sa kaniyang kasama.

Gabriel Mondragon... ang lalaking bagay sa akin, at babagay lang sa akin.

Napa-upo naman ako ng maayos nang mapatingin ito sa gawi ko.

"Oh siya, maupo na kayo upang mapag-usapan na natin ang mga dapat pag-usapan."

Umupo naman si Atlas sa tabi ni Trina at syempre sa tabi ko naman umupo si Gabriel.

"Sino ang magandang babaeng kasama mo, Trina?" biglang tanong naman ni Atlas kay Trina nang mapadako ang pansin nito sa akin. Ngumiti lang din ako. Maganda raw ako eh!

"Ay oo, si Rafaela nga pala... Rafaela Santiago, kaibigan ko at ang sinasabi ko sa 'yo na maaaring makatulong sa kaibigan mo." Napakunot-noo naman ako sa sinabing iton ni Trina, anong makakatulong? Wala naman itong binabanggit sa akin ah.

"A-anong sinasabi mo, Trina?" pagtatakang tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pag-iling at ngisi ni Atlas.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Trina... you are always making things so complicated with the people around you. Akala ko ba pumayag na ang kaibigan mo..." 

Hinawakan naman ni Trina ang kamay ko na nakapatong sa mesa, at tinignan ako ng seryoso...

"You need money, right? At ayaw mo namang humiram sa akin. Ito na ang sagot sa problema mo, Raffi... just a night with him, and nine months of bearing his child."

"What do you mean? Surrogacy?" kunot-noo kong sambit kay Trina at napatingin sa gawi nong Gabriel Mondragon na tahimik na nakikinig lang sa amin.

"Oo, Raffi... in simplest term, maging baby-maker ka niya. And he is willing to give any amount that you needed. Right, Mr. Mondragon?"

Napansin ko naman ang pagtango nito bilang pagtugon kay Trina. Dumako naman ang pansin nito sa akin.

"Yes, I am willing to pay you in any amount that you want, basta mabigyan mo lang ako ng anak... an heir," sambit nito. 

There are sadness in his beautiful green eyes. And he had this aura na so powerful at kaya niyang ipaikot ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng pera niya, na kaya niyang makuha ang lahat ng gustuhin niya... ngunit may kulang, I can feel it sa paraan ng pagtingin niya sa akin. He looks begging to me for something that will make him whole as a man, again.

"Any amount? Even a million?" seryosong tanong ko sa kaniya.

Kung hindi ko lang kailangan ng pera... hindi ko ito gagawin. Ngunit may isang bagay lang na tumatakbo sa aking isipan. Isang tanong...

"Kailangan mo ng anak, bakit hindi ka na lang mag-asawa at gumawa kayo ng mga tagapagmana niyo? Why get a baby-maker like me?"

Napabuntong-hininga naman si Gabriel... pero si Atlas na ang sumagot ng katanungan ko.

"Gabriel is already married..."

At parang nabuhusan naman ako ng napakalamig na tubig nang maramdaman ko ang pangangatog ng aking tuhod, mabuti na lamang at naka-upo ako kaya hindi ako natumba dahil sa panghihina nito.

Kasal na siya... Hindi na kami pwede...

"Iyon naman pala eh! So why need me?" 

Alam ko naman na ang maaaring sagot sa tanong ko ngunit mas pinili ko pa ring marinig ito mismo mula sa kanila. I don't want to assume anything hangga't hindi ito harapang sinasabi sa akin.

"Dahil hindi pwedeng mabuntis ang asawa ko..." marahang sagot ni Gabriel na ikinatingin ko sa kaniya.

"At iyon din pala, Raffi... hindi pwedeng malaman ni Rowena Mondragon, ang mamamagitang kontrata sa inyo ni Gabriel. Sekreto lang ito between the four of us." Napatingin ako kay Atlas dahil sa sinabi niya.

"Paano iyon? Paano ang bata? Pagkatapos ko siyang iluwal, paano siya mapupunta sa kanila?" Naguguluhang tanong ko naman kay Trina.

"Ipapalabas ni Gabriel na mag-aampon siya... and that would be, iyong magiging anak niyo. Ano... okay na ba, Raffi? Are you willing to do the job... you need money,"

Napatingin ako kay Trina... alam ko gusto lang akong tulungan ni Trina, maresolba ang problema ko sa Hacienda namin. And maybe, Gabriel Mondragon is the right person to help me resolve it by me helping him resolving his own problem.

Just only a night with him and nine months of bearing his child...

"Teka, kailangan ba talagang sexual intercourse? Hindi ba pwedeng Intrauterine insemination, sperm niya, matres ko... ganoon lang."

"No, mas mapapadali ang lahat, Raffi, kapag mag-sex kayo, isang gabi lang naman... at siguradong makakabuo na kayo..."

"How sure you are, Trina na makakabuo kaagad kami sa isang gabi lang?"

"Dahil alam kong regular kang pumupunta sa isang Obgyne to check your fertility, di ba?"

"Oo, and so far... normal at healthy naman ako. And my doctor said, mabilis lang akong mabubuntis kaya pinag-iingat niya ako."

Tumikhim naman si Gabriel kaya napatahimik kami na naging signus naman niya para magsalita... at napansin ko ang pagbabago sa aura niya. Bigla siyang naging intimidating and nakakatakot.

"So, it's settled then... simple lang naman ang conditions ko na nasabi na rin naman ni Atlas, hindi ito maaaring malaman ng asawa ko, ayoko siyang masaktan... at isiping nabuntis ko ang kabit ko. I just want a happy life, a happy family with her and my own flesh and blood."

Napatingin naman ito sa akin, nag-iba na ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin ngayon unlike kanina na puno ng pagsusumamo. Now, he was looking at me na parang ang dumi kong babae to accept this kind of job. Kaya napayuko ako...

"Ako ang bahala sa lahat ng kakailanganin mo, kapag buntis ka na... I will pay in any amount that you want. At kapag nabayaran na kita, wala ka ng pakialam sa magiging anak natin, akin ang bata, sayo ang pera... at doon na matatapos ang kontrata natin sa isa't-isa, hindi ka maghahabol sa kung ano man. Deal?"

Napantingin ako kay Trina, at napataas-kilay lang ito at tumango.

A sign na pumayag na ako dahil ito lang ang pinakamabilis na paraan para mabawi ko ang Hacienda namin sa kamay ng mga De Guzman.

Just a business deal... nothing more, nothing less.

"Basta ba kukunin mo na kaagad sa akin ang baby, pagkaluwal ko sa kaniya... and don't you dare fall in love me," sambit ko at tumango naman siya sabay ngisi bilang pagsang-ayon sa mga kondisiyon ko.

"Then... it's a deal."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNRESTRICTED DESIRE   KAILAN TAMA ANG PAG-IBIG?

    RAFAELA'S POV"Kailan kaya masasabing tama ang isang pag-ibig? Hmm," sambit ko sa aking sarili. Napabuntonghininga na lamang ako."Nagmamahal tayo because we just felt it. No matter what the consequences are." Napatingin ako sa nagsalita.It's Avianna Alarcon.I smiled at her.Ngumiti ito pabalik sa akin at umupo sa aking tabi.Nandirito kami sa La Isla Paraiso.Having an intimate vacation together with our families, actually kami lang nina Gabriel, Primo at Avi ang nandirito ngayon. After a week nang magising kasi ako sa pagkaka-comatose ay nag-decide kaming magbakasyon muna with our kids."Kaya walang specific time o araw kung kailan nagiging tama ang isang pag-ibig... not until maramdaman mo na lamang ito na tama na pala ang lahat, sapat at masaya na kayong dalawa sa buhay na pinili niyo, which is loving each other to the fullest of what you can give and take, and of course by staying together forever." Dugtong pa nito bago pa man ako makapagsalita.Napangiti naman ako sa sinabing

  • UNRESTRICTED DESIRE   EPILOGUE

    THIRD PERSON'S POVKaagad sinugod si Rafaela sa hospital, isinakay sa stretcher habang nakasunod lang si Gabriel sa kanila. Naiwan naman si Gabriel sa labas ng Delivery Room. At kinakabahan dahil sa cesarean section na gagawin kay Rafaela dahil wala na itong malay at kailangan ng mailabas ng bata dahil pumutok na rin ang water bag niya.Sumaglit naman si Gabriel sa chapel ng hospital para ipagdasal ang kaligtasan ng kaniyang mag-ina."Diyos ko, alam ko marami akong nagawang kasalanan sa inyo at sa aking kapwa, alam ko hindi ko deserve ang humingi ng tulong at gabay sa inyo. Hindi ako nararapat sa awa ninyo ngunit pakiusap po, sana ay gabayan niyo ang mag-ina ko, na ligtas na makapanganak si Rafaela, mahal na mahal ko po siya at ang mga anak namin," dasal ni Gabriel na hindi na niya napigilang mapaluha dahil sa emosyong nararamdaman sa mga oras na ito."Mali man po ang naging simula ng aming pag-iibigan, mali man po sa mata ng tao at sa mata niyo ang naging relasyon namin noon pero san

  • UNRESTRICTED DESIRE   FORTY THREE

    "So everything is now going right, Raffi." Napalingon naman ako sa taong nagsalita na nasa aking likuran.“Trina?" I blurted out.Nagtaas-kilay lang ito and rolled her eyes at me. Kaya napangiti naman ako at marahang naglakad sa gawi niya kaso napapansin niya yatang medyo nahihirapan akong maglakad dahil sa laki ng tiyan ko.“Stop, ako na lalapit, Raffi," sambit niya at mabilis niyang hinakbang ang pagitan namin sabay yakap sa akin.“I miss you, Trina." At niyakap ko rin siya.Matagal din siyang nawala sa buhay namin ni Gabriella. Nangibang bansa kasi ito. And now she's back. . .“Buntis ka na naman! Di ba sabi ko. . . hays, pasalamat ka na lang talaga at mahal na mahal ka ng sexy devil na Mondragon na iyon," puna pa nito sabay ismid.“Kumusta ka naman na Trina? You've been away for so long. . ." sambit ko na ikinakibit balikat niya na lamang.“Ilang buwan lang naman akong nawala, Raffi. But I am fine, somehow okay na," walang emosyong sagot nito napasimangot naman ako.“Oh huwag ka n

  • UNRESTRICTED DESIRE   FORTY TWO

    ROWENA'S POV"So you are the ex-wife?" Napalingon ako sa nagsalita.Hindi ko siya kilala pero ang gwapo niya. Sinundan ko ang mga galaw nito nang kumuha siya ng glass of apple juice sa mesa. Hindi ako nagsalita kasi baka hindi ako ang kausap nito. Kaya ipinagpatuloy ko na ang pagsubo ng mga mallows habang sinasawsaw sa chocolate fountain.Andito ako ngayon sa Hacienda Santiago, attending the party of Gabriella's 5th Birthday. Wala akong planong pumunta but then isinabay ako nina Fernando at ng fiancee niya. That's why it leaves me no choice but to go.Maganda ang pagkakaayos ng buong lugar, so magical. Para akong nasa isang paraiso, nakakaluwag ng damdamin at nakakawala ng stress. Lalo na sa kid's area kung saan may bahay na gawa sa candy. At dito nga ako pumirmi, kaya hindi ko pa nakakausap sina Rafaela at Gabriel and the others. Mamaya na ako pupunta sa gawi nila kapag naumay na ako sa mga mallows at chocolates dito pero mukhang hindi ako magsasawa."Bakit andirito ka?" Napakunot-no

  • UNRESTRICTED DESIRE   FORTY ONE

    "Carlos," sambit ko sabay marahang napatayo.Hindi ko inasahan ang pagyakap niya sa akin."I missed you." At hinalikan niya ako sa aking pisngi, naramdaman ko ang pagtayo ni Gabriel sa kaniyang kinauupuan. He is about to attack Carlos nang hinawakan ko siya sa kaniyang braso at umiling. Napansin ko ang pag-porma ng kamao niya, tinignan niya ako at umismid. He is jealous I can tell, pero wala namang dapat ikaselos. It's just Carlos. . .Yes, Carlos De Guzman is in the house. Once my friend at dapat ipapakasal sa akin ni Mama to keep the Hacienda Santiago to us.Hinawakan ko naman ang kamao ni Gabriel to calm him down."Ah, Gabriel, si Carlos De Guzman nga pala. Carlos, si Gabriel Mondragon," pakilala ko sa kanilang dalawa. Carlos smiled and offered a handshake at kahit ramdam ko ang pagkadisgusto ni Gabriel tanggapin iyon ay naging propesyonal naman ito to accept it."You see, I got to come here when my daughter, Felipa told me that your son kissed her," malumanay na wika nito sa akin

  • UNRESTRICTED DESIRE   FORTY

    RAFAELA'S POV"Ang pogi ni Sir Gabriel, ano?" "Oo, sinabi mo pa! At ang ganda rin ng katawan,"Rinig kong pag-uusap ng mga kababaihan sa Hacienda, at tinitigan ko naman ang gawi kung saan sila nakatingin. Kaya pala! Nakatingin sila kay Gabriel na walang pang-itaas na damit habang nagsisibak ng kahoy na gagamitin para sa piging na gagawin sa Hacienda next week. Dahil ika-limang kaarawan kasi ni Gabriella at pasasalamat na rin sa naging magandang ani ng mga pananim katulad ng palay, mangga, at copra. Napatikhim naman ako para maagaw ang atensyon ng mga dalagang ito na imbis maghabi ng banig ay mas pinagtutuunan ng pansin ang katawan ni Gabriel. Ito naman kasing Gabriel na ito, naisipan pang maghubad, akala mo kagandahan ang abs at dibdib!Lumingon naman at napatingin sila sa akin, napayuko ang mga ito at humihingi ng pasensya. Hindi ko sigurado kung ano ang hinihingi nila ng kapatawaran, kung ang hindi nila pagtatrabaho o ang pagpapantasya nila kay Gabriel."Sige na, tapusin niyo na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status