Share

Chapter 6 - Lies

Author: Ms_inkerbell
last update publish date: 2026-06-30 19:46:34

“Ano' ng sinabi mo?”

Hindi makapaniwala si Elara. Nanginig ang buong katawan niya nang hindi mapigilan at bigla siyang nilamig.

Parang may malamig na hangin na gumapang mula sa kanyang gulugod papunta sa bawat bahagi ng kanyang katawan, dahilan upang manginig siya nang tuluyan.

Maraming taon na ang nakalipas, tinanong siya ng kanyang lolo.

“Apo, kung gusto ni Sven na makasama ka at pakasalan ka, papayag ka ba?” tanong ng abuelo habang nag-uusap silang dalawa noon.

“Lolo, kusa ba niyang gagawin iyon?” tanong ni Elara.

Noon pa man ay alam na niyang mahal ni Sven si Nadine, kaya iyon ang una niyang itinanong.

Sinabi niya sa sarili na kung pinipilit lamang ito ng kanyang lolo, hinding-hindi siya papayag. Ayaw niyang itali si Sven sa isang kasal na hindi nito gusto.

Ayaw niyang makuha ang lalaki sa ganoong paraan.

“Baliw na bata. Napakatigas ng ulo ni Sven. Kung ayaw niya, sa tingin mo ba mapipilit ko siya?” ani pa ng abuelo niya.

Dahil sa hindi na mapigilan ni Elara ang dila at kating-kati na siyang tanungin iyon kay Sven. Kalaunan, direkta rin niyang tinanong sa asawa.

“Pinakasalan mo ba ako dahil gusto mo? Alam kong mahal ako ni Lolo at ayokong mapilitan kang pakasalan ako dahil lamang sa utos niya. Ayokong ilagay ka sa mahirap na sitwasyon.”

“Kusa ko itong ginagawa. Wala na kami ni Nadine. Magkasundo tayo sa isang bagay—tatlong taon. Susubukan kong mahalin ka. Kapag hindi pa rin kita minahal matapos ang tatlong taon, maghihiwalay tayo nang maayos. Pumapayag ka ba?”

“Oo!” walang paligoy-ligoy na sagot niya kay Sven.

Napakaliwanag ng kanyang ngiti noon.

Tinanong din siya ni Sven. “Bakit mo ako gustong pakasalan? Wala ka bang taong mahal? Handa ka bang itali ang sarili mo sa kasal? Ayaw mo bang hanapin ang sarili mong pag-ibig?” matiim na tanong naman ni Sven kay Elara. Seryoso ang mukha nito ngunit hindi mo mababasa kung ano man ang nasa kanyang isipan.

Inamin niyang mayroon siyang minahal sa loob ng walong taon.

“Hindi ko na hahabulin," tipid niyang sagot. 'Dahil asawa na kita, kung alam mo lang.'

Akala niya ay mamahalin niya lang sa malayo si Sven pero hindi niya akalain na maikakasal siya sa lalaki, natupad na ang pinakamahalagang yugto ng kanyang buhay.

Ngunit ngayon, sinasabi ni Nadine na kasinungalingan lamang ang lahat.

Kung totoo ang mga sinabi nito?

Ibig sabihin, mula pa sa simula, niloloko na siya ng lahat.

Tatlong taon?

Binilang iyon ni Elara sa kanyang mga daliri at mapait siyang napangiti.

Pag-ibig?

Isa lamang pala itong balot sa isang magandang kasinungalingan.

Naalala niyang naiyak pa siya noon sa tuwa, iniisip na nakalimutan na ni Sven si Nadine at gusto na nitong magsimulang muli kasama siya.

Ngunit, ngayon, ay napagtanto niyang siya pala ang napaglaruan

Napakalaki niyang tanga!

“Napakainosente mo talaga, Elara. Ako ang babaeng tunay niyang mahal. Sa tingin mo ba kusa ka niyang pinakasalan?" nauuyam na sabi ni Nadine, "Alam mo ba kung bakit niya iminungkahi ang tatlong taong kasunduan?" ngisi nito na ikinatuwa ang reaksyon sa mukha ni Elara. "Para kapag lumipas na ang tatlong taon, ikaw mismo ang makikipagdiborsyo nang walang reklamo at magiging malaya siyang pakasalan ako. Alam niyang kapag siya ang humiling kay lolo, hindi ito papayag. Pero kung ikaw ang hihingi, tiyak na papayagan ka. Napakarami niyang isinakripisyo para sa akin. Pati ang magandang bitag na ito, maingat niyang inihanda.”

Parang itinapon si Elara sa isang malalim hukay.

Nanlamig ang buong katawan niya.

Kung peke ang lahat?

Ibig bang sabihin, ang bawat araw at gabing magkasama sila ay pag arte lamang? Bahagi lang ng pagkukunwari?

Pati ang mga gabing yakap-yakap siya nito?

Ang mga haplos at lambing nito?

Lahat ba iyon ay kasinungalingan?

Wala ni isa man ang totoo?

Napakasakit. Pakiramdam niya ay isa siyang payaso.

Isang hangal na niloko nang lubusan.

Kaya pala planado ang lahat. Mula umpisa hanggang dulo.

“Hindi kita paniniwalaan hangga’t hindi mo sinasabi kung paano siya pinilit ni Lolo.”

Mahigpit na kinuyom ni Elara ang kanyang mga kamao.

Kilala niya si Sven.

Sa ugali nito, kahit tutukan pa ng kutsilyo sa leeg, hindi ito susuko kung walang mahalagang dahilan.

Ngumiti nang nakakaloko si Nadine. “Elara, talagang hindi ka titigil hangga’t hindi ka tuluyang nasasaktan, ano? Pero, sige, dahil gusto mong malaman, sasabihin ko sa iyo," saad ni Nadine habang nagbubunyi dahil alam niyang nasasaktan si Elara. Para sa kanya, kulang pa iyon sa mga pinagdaanan niya nang magkahilay sila ni Sven.

“Binantaan siya ng lolo mo na kung hindi ka niya papakasalan, ipapadala ako sa ibang bansa at hindi na kami magkikita habambuhay. Kaya kahit hindi kami maaaring magsama, nagkompromiso siya para lamang magkaroon kami ng pagkakataong magkita muli balang araw.”

Kinagat ni Elara ang kanyang labi. Parang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit ng kanyang nalalaman mula kay Nadine. Napakasakit!

Ngunit hindi pa rin tumigil si Nadine. “Tungkol naman sa binti ko... naaalala mo ba noong araw ng kasal ninyo? Nakatawag sa telepono si Sven at halos mawalan siya ng ulirat?”

“Oo.”

Paano niya makakalimutan ang araw ng kanyang kasal?

“Nabangga ako habang papunta sa kasal ninyo. Muntik na akong mamatay. Isang buong araw akong nasa kritikal na kondisyon bago nakaligtas. At ngayon, wala nang silbi ang mga binti ko.”

Biglang naunawaan ni Elara ang lahat. Kaya pala pagkatapos ng kasal ay nagmamadaling umalis si Sven noon ay tinanong niya ito kung may problema ba sa kumpanya.

Sinabi nitong may kaibigan daw na naaksidente at kailangan nitong alagaan. Hindi raw ito pinayagan ng lolo nito kaya hiniling nitong pagtakpan siya.

Naalala pa niyang tinawagan siya ng kanyang lolo.

"Apo, nasa bahay ba si Sven at sinasamahan ka?”

“Opo, Lolo. Katabi ko lang siya," pagsisinungaling niya noon.

Pero sa gabing iyon, hindi man lang ito umuwi. Ang unang gabi nila bilang mag-asawa... Kasama pala nito ang ibang babae.

Sa mga sumunod na araw, maaga itong umaalis at gabi nang umuuwi.

Mukhang pagod na pagod.

Ngunit ni minsan ay hindi nito sinabi na si Nadine ang “kaibigang” sinasabi nito.

Paano kung nalaman niya noon?

Mapait siyang napangiti. Alam niyang pagtatakpan pa rin niya ito.

Dahil mahal na mahal niya si Sven. Ayaw niyang pagalitan ito ng kanyang lolo.

“Kaya ano ngayon? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin?” Tumingin siya kay Nadine. Parang isang hedgehog na itinataas ang lahat ng tinik nito upang protektahan ang sarili.

“Sabihin mo sa akin. Ako ba ang dahilan kung bakit ka naging pilay?”

"Elara, tanungin mo ang sarili mo. Hindi halata?”

Biglang naging emosyonal si Nadine. “Kung hindi dahil sa iyo, hindi kami pinaghiwalay ni Lolo. Kung hindi dahil sa iyo, hindi siya napilitang pakasalan ka. At kung hindi dahil sa iyo, hindi sana ako nadisgrasya habang papunta sa kasal ninyo. Hindi sana ako naging pilay! Kung hindi dahil sa iyo, matagal na kaming kasal ni Jianshen. Baka marami na kaming anak ngayon at masaya kaming nagsasama," sunod-sunod na panumumbat ni Nadine kay Elara na lahat ng sisi ay nasa kanya.

Huminga nang malalim si Elara. Matapos ang mahabang katahimikan, inangat niya ang kanyang ulo at matapang na tinitigan si Nadine.

“At hindi ko kasalanan iyon. “Gumagawa ka lang ng dahilan upang may masisi sa nangyari sa iyo. Naniniwala ako kay Lolo. Mahal niya ako, pero sigurado akong may dahilan kung bakit ayaw niya kayong magsama ni Sven. Kung talagang karapat-dapat kang maging asawa ni Sven. Kahit isang libo o sampung libong Elara pa ang lumitaw, walang makakaagaw sa posisyon mo! Kung totoo ngang napakaraming ginawa ni Lolo para paghiwalayin kayo, isang bagay lang ang pinatutunayan noon– “Ikaw ang may problema, Nadine," determinadong sagot naman ni Elara. Biglang nagdilim ang mukha ni Nadine sa mga simabi ni Elara sa kanya.

"Maaaring hindi ako mayamang tagapagmana, pero hindi ako taong maaari mong apihin. Kaya huwag mong ipasa sa akin ang lahat ng sisi. Walang nag-imbita sa iyo sa kasal. At lalong walang nagsabing magmaneho ka habang lasing," matatag at malinaw ang bawat salitang binitiwan ni Elara.

Walang mahanap na butas sa kanyang lohika.

Napatitig si Nadine sa kanya. Dalawang taon na ang lumipas. Hindi niya inakalang ang dating mahiyain at madaling mamulang batang babae na sunod-sunod kay Sven ay magiging ganito katapang.

“Ang taong pinakamamahal ko ang ikinakasal. Sa tingin mo ba hindi ako pupunta?” inis na sagot ni Nadine na ngayo 'y nagtatangis ang ngipin sa galit.

“Pinakamamahal mo?” Mapanuyang ngumiti si Elara.

“Nadine, hindi porke’t may mga bagay na hindi alam si Sven ay hindi ko rin alam. Huwag mo akong pilitin na ilabas ang lahat ng marurumi mong ginawa noon.”

“Nagsisinungaling ka! Wala akong ginawang masama!" hindi napigipang sigaw ni Nadine sa sobrang galit, nawalan ito ng balanse at nahulog mula sa wheelchair.

Eksakto sa sandaling iyon, bumalik si Sven.

Ibinaba nito ang termos na hawak niya at agad na tinulungang makatayo si Nadine.

Pagkatapos ay kinusot niya ang kanyang sentido at malamig na nagtanong, “Anong nangyayari rito habang wala ako?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 21 - Tinulak

    “Sandali lang,” sagot ni Sven.Mariing naikuyom ni Elara ang kanyang mga kamao. Wala na siyang kailangang sabihin pa.“Nagpa-checkup si Nadine ngayon. Hindi maganda ang naging resulta. Emosyonal siya at kailangan niya ako.”Agad na itinaas ni Elara ang kanyang mukha. Nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon habang tinitigan niya si Sven.“Sige. Bilisan mo.”Ayaw na niyang makarinig ng anumang dahilan.Kung nakapagdesisyon na ito, bakit kailangan pa nitong magpaliwanag?Pagkaalis ni Sven, nanatili si Elara sa birthday celebration ng kanyang lolo at ipinagpatuloy ang pagtulong sa pagtanggap sa mga kamag-anak at bisita.Marahil dahil sa kanyang pagbubuntis, mabilis siyang napagod matapos ang ilang oras na pagtayo.Sumasakit na rin ang kanyang mga paa.Bagong pares ng sapatos ang suot niya at, sa kasamaang-palad, unti-unti nitong kinikiskis ang kanyang mga sakong.Nang hindi na niya matiis ang hapdi, pansamantala siyang umupo sa isang bakanteng upuan at kumuha ng band-aid upang takpan an

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 20 - Diborsyo

    Mainit ang hininga ni Sven, at dumampi iyon sa ilong at pisngi ni Elara. Sa sobrang lapit nila, tila biglang uminit ang buong mukha niya.Namula siya hanggang tainga. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa kurbata ni Sven, ngunit bigla siyang nawalan ng ideya kung paano ito itatali.Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.“Tumayo ka nang maayos,” sabi niya, pilit na iniiwas ang tingin.“Sigurado ka?” Karaniwan lang ang tono ni Sven, pero sa ganitong kalapit na distansya, kakaiba ang dating ng boses nito—mababa, malumanay, at nakakapagpakaba. Lalo na’t halos dumidikit pa ang labi nito sa kanyang ilong. “Oo. Sigurado ako.”“Sige," pagkasabi niyon, agad na tumuwid si Sven. Para itong poste na biglang itinayo sa harapan niya.Napakurap si Elara.Lalong uminit ang kanyang mukha.Nakakahiya. Noong madalas pa silang magkasama, hindi niya napapansin kung gaano talaga katangkad si Sven kumpara sa kanya. Pero ngayon, dahil tuwid na tuwid itong nakatayo, halos hindi niya maabot nang maayos ang k

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 19 - Hindi papayagan

    Halos mapalundag si Elara sa sinabi ni Manang Sonia.Bubuka pa lamang ang kanyang bibig para magsalita nang mauna si Sven. “Manang, hindi siya buntis." diretso at walang pag-aalinlangan ang tono nito.Napakunot-noo si Manang. “Hijo, base sa mga sintomas niya, posible talaga! Ang pagsusuka at pagiging sensitibo sa amoy ng pagkain—”“Imposible,” putol muli ni Sven.Gusto sanang sabihin ni Sven na maingat naman sila at umiinom si Elara ng birth control pills. Ngunit ayaw niyang pag-usapan iyon sa harap ni Lolo kaya nagdagdag na lamang siya ng dahilan.“Abala ako nitong mga nakaraang linggo. Madalas akong nasa biyahe dahil sa trabaho. Wala kaming panahon para sa ganoong bagay.”Saglit na natahimik si Manang “Ah…”Bahagya itong nadismaya, ngunit hindi na nagtanong pa.“Bata pa naman kayo. Darating din ang araw na magkakaroon kayo ng anak. Basta alagaan ninyo ang inyong kalusugan.”Tumango si Elara. Ngunit hindi niya magawang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 17 - Tatlong Araw

    “Ako na nga ba?" diretsahang pag-amin ni Sven.Napangiti si Elara nang mapait. Kahit nahulaan na niya ang dahilan, gusto pa rin niyang marinig iyon mismo mula sa bibig ni Sven.“Sven, sino ba ang nagmamadali?” mahinahon niyang tanong. “Nangako na ako sa iyo na pag-uusapan natin ang diborsyo pagkatapos ng kaarawan ni Lolo. Natural lang na makukuha ko sa kanya ang marriage certificate at family registry natin. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin.”“Hindi ko iyon makakalimutan.” Namula ang mga mata ni Elara. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may mabigat na bagay na paulit-ulit na gumugulong sa kanyang dibdib.Kung gusto ni Sven ang mga dokumento, maaari naman nitong sabihin nang diretso. Bakit kailangan pa nitong gamitin ang sinabi ni Nadine?Napatingin si Sven sa kanya at bahagyang nakaramdam ng konsensya. Kahapon, nang magising si Nadine, umiiyak itong yumakap sa kanya.Sinabi nitong takot na takot siya nang maaksidente at mawalan ng malay. Natakot siyang baka

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 16 - Selos

    Napaatras si Elara.Hindi na niya kayang panoorin pa ang eksenang nasa loob ng silid.Mabilis siyang tumalikod at tumakbo palayo.Kung maaari lamang niyang ibalik ang oras, sana ay hindi na niya binuksan ang pintuang iyon.“Sven… Napakalupit mo talaga!"Sumandal siya sa pader habang humihingal dahil sa pagmamadali niya. Sobrang sakit ng kanyang dibdib na mahigpit niya itong hinawakan, na para bang kapag pinisil niya iyon ay mawawala rin ang sakit.Ngunit bago pa man siya tuluyang makabawi, biglang kumulo ang kanyang sikmura.Mabilis siyang tumakbo sa banyo.Paulit-ulit siyang nagsuka hanggang sa wala nang lumabas kundi mapait na likido.Namumutla siya at gulo-gulo ang buhok na nakadikit sa kanyang mukha.Mayamaya, may kumatok.“Elara, buksan mo ang pinto," oses iyon ni Sven.Sinundan pala siya nito. Bakit?Kung nakita na nitong kasama si Nadine, bakit kailangan pa nitong sundan siya?Ayaw niyang sumagot. Ngunit lalo lamang lumakas ang katok.“Alam kong nasa loob ka. Bibigyan kita ng

  • Unchosen : EL, LEGAL WIFE   Chapter 15 - Ayaw aminin

    Nang akmang sisigaw na si Elara, isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa itaas.“Huwag kang matakot. Ako ito.”Nanlaki ang kanyang mga mata.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga ito at nakita ang pamilyar na mukha ni Sven.“Sven?”“Hmm?”“Bakit ka bumalik?” Tumaas ang isang kilay nito.“Sa tono mo, parang ayaw mong bumalik ako.”“Akala ko kasi magdamag kang mananatili sa ospital kasama si Nadine," pagkasabi niya noon, agad niyang pinagsisihan.Biglang naging tahimik ang silid.Hindi sumagot si Sven. Sa halip, pinatay nito ang ilaw at hinila siya patungo sa kama.“Kumot ka.”Maingat nitong tinakpan si Elara bago bumulong sa kanyang tainga.“Matulog ka na.”Napakalapit nito.Ramdam niya ang mainit na hininga ni Sven sa kanyang balat kaya agad namula ang kanyang mga tainga.Mabilis siyang napasubsob sa dibdib nito.Pamilyar ang amoy nito.At higit sa lahat, pamilyar ang tibok ng puso nito.Mahigpit niyang ipinatong ang mga kamay sa dibdib.“Hindi ka pa naliligo, ‘di ba?”Napating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status