Mag-log inNairita si Sven sa tatlong sunod-sunod na tanong ng kayang ina. Niluwagan niya ang kanyang kurbata at kalmadong sinabi, “Mom, wala namang problema kay Elara. Hindi tulad ng iniisip mo!" “Walang problema?! Pinilit ni Serra na pakalmahin ang sarili bago muling tumingin sa anak. “Hindi pa alam ng lolo mo ang tungkol dito. Kapag nalaman niya ito, magpasalamat ka kung makaligtas ka sa galit niya. Kaya mag-ingat ka, at huwag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip mo! Kung gusto mong itago ang bagay na ito, siguraduhin mong maitatago mo nang maayos. Mahina na ang kalusugan ng lolo mo ngayon kumpara noon. Kapag may nangyari sa kanya dahil dito, kahit anak pa kita, mananagot ka! Huwag mong isipin na dahil si Elara ang nagbanggit ng diborsyo ay papayag na kami! Kalimutan mo na ang ideyang iyan. Anak kita, kaya kilalang-kilala kita!" galit na galit na si Serra, ang akalang makakapagtimpi pa sa anak ay naubos. “Ang babaeng si Nadine ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Noon, umalis siya na
Matapos magsuka nang ilang beses, saka lamang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ni Elara. Huminga siya nang malalim, naghugas ng mukha, inayos ang kanyang makeup, at saka lumabas. “Mom, pasensya na po at nakita ninyo ako sa ganoong kalagayan. Medyo nawalan po ako ng kontrol kanina,” nahihiyang sabi ni Elara habang nakatingin kay Serra na nakaupo sa sofa. Ngumiti lamang si Serra. “Ayos lang.” Pagkatapos ay sinenyasan niya si Elara na maupo. Agad naman itong umupo sa tabi niya nang maingat. Dahil sa kaba, halos lumundag palabas ng dibdib niya ang kanyang puso. Hindi rin maayos ang kanyang paghinga. Ngunit higit sa lahat, ang pinakakinatatakutan niya ay ang tanungin siya ng kanyang biyenan tungkol sa kanyang pagsusuka. At tila sadyang pinaglalaruan siya ng tadhana. Sa sumunod na sandali, narinig niya ang tinig ni Serra. “Ano ba ang nangyari kanina? Nakita kitang nagsuka nang marami. Gusto mo bang magpatingin tayo sa ospital?” Napatili sa isip si Elara! 'Diyos ko! It
Napangisi ng nakakaloko si Serra nang may pangungutya. Anong pagkukunwari iyan.Sayang lang dahil sa harapan niya, isa lamang itong payaso.“Si Elara ang asawa ni Sven at miyembro ng pamilya. Ano ang karapatan mong ikumpara ang sarili mo sa kanya?” Tila sampal iyon sa mukha ni Nadine. "Natural lang na gastusin niya ang pera ni Sven. Hindi lang pera ng asawa niya, kun 'di maging ang buong yaman ng pamilya Peligrino ay maaari niyang gastusin kung gugustuhin niya." Pakiramdam ni Nadine ay sobrang liit niya. Gano'n ang ipinaparamdam sa kanya ng ina ni Sven mula noon–hanggang ngayon! "At tungkol naman sa regalo, kahit isang dahon lang ang ibigay niya kay Lolo, ituturing iyon nitong kayamanan. Pero kahit gintong dahon pa ang ibigay mo, hindi ka niya pahahalagahan. Pinapahiya mo lang ang sarili mo!" Bubuka pa lamang sana ang bibig ni Nadine nang hawakan ni Sven ang kanyang pulso at binigyan ng makahulugang tingin si Elara. Labis ang sakit na nararamdaman ni Elara sa sandaling iyon. Tila
Mariing pinisil ni Elara ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik."Nadine, ikaw ang magsalita,” may diin ma sani ni Sven. Agad namang nagmukhang kawawa si Nadine, umarteng siya ang dehado. "Sven, huwag mong sisihin si Elara Sisihin mo na lang ako. Wala akong silbi. Gusto ko lang sanang tumayo, pero napagtanto kong hindi ko talaga kaya," naiiyak na sabi pa nito. “Talaga ba?” Tumingin si Sven kay Elara na nanatili pa ring tahimik. Pagkatapos ay bumaling si Sven kay Nadine..“Hindi pa magaling ang mga binti mo. Maayos kang nakaupo kanina, bakit bigla mong gustong tumayo?”Kaagad na nagpanggap na naiiyak si Fang Qinglian.“Pasensya ka na, Sven. Dahil kasi… Dahil sobrang sa emosyonal ko. Sinabi kasi ni Elara na hindi niya babanggitin kay Lolo ang tungkol sa diborsyo. Mas gugustuhin pa raw niyang mamatay kaysa hiwalayan ka.”“Huwag mo akong siraan! Kailan ko sinabi iyon?” galit na tutol agad ni Elara na bakas ang galit sa kanyang mga mata. Ngayon lang naging ganoon katapang at direkt
“Ano' ng sinabi mo?” Hindi makapaniwala si Elara. Nanginig ang buong katawan niya nang hindi mapigilan at bigla siyang nilamig.Parang may malamig na hangin na gumapang mula sa kanyang gulugod papunta sa bawat bahagi ng kanyang katawan, dahilan upang manginig siya nang tuluyan.Maraming taon na ang nakalipas, tinanong siya ng kanyang lolo.“Apo, kung gusto ni Sven na makasama ka at pakasalan ka, papayag ka ba?” tanong ng abuelo habang nag-uusap silang dalawa noon. “Lolo, kusa ba niyang gagawin iyon?” tanong ni Elara. Noon pa man ay alam na niyang mahal ni Sven si Nadine, kaya iyon ang una niyang itinanong.Sinabi niya sa sarili na kung pinipilit lamang ito ng kanyang lolo, hinding-hindi siya papayag. Ayaw niyang itali si Sven sa isang kasal na hindi nito gusto.Ayaw niyang makuha ang lalaki sa ganoong paraan.“Baliw na bata. Napakatigas ng ulo ni Sven. Kung ayaw niya, sa tingin mo ba mapipilit ko siya?” ani pa ng abuelo niya.Dahil sa hindi na mapigilan ni Elara ang dila at kating
“Elara–”Hindi pa natatapos si Sven sa pagsasalita nang biglang magpreno ang driver at sa sandaling iyon ay tumilapon si Elara diretso sa mga bisig ni Sven at panandaliang lumabo ang kanyang paningin.Buti na lamang at agad siya nitong sinalo at pinrotektahan ang kanyang ulo gamit ang kamay. Kung hindi, malamang na nabagok siya nang malakas.“Pasensya na po, Sir” paulit-ulit na paghingi ng tawad ng driver.“Mag-ingat ka sa pagmamaneho,” malamig na sabi ni Sven bago muling bumaling kay Elara.“Sino ang nagsabing gamitin mo ang tonong iyan?”“Asawa, ikaw naman ang nagsabing magmakaawa ako sa ’yo,” matamis at malambing na sagot ni Elara. Sa dami ng taon nilang magkasama, halos ngayon lang siya nagpakita ng pagiging malambing kay Sven.Noon, lagi siyang nag-aalala na baka hindi nito magustuhan, o isipin nitong maarte siya, kaya lagi niyang pinipigilan ang sarili.Ngunit ngayon, dahil alam niyang magdidiborsyo na rin sila, naging mas matapang siya.Tutal, kahit hindi nito magustuhan, huli







