LOGINMariing pinisil ni Elara ang kanyang mga labi at nanatiling tahimik.
"Nadine, ikaw ang magsalita,” may diin ma sani ni Sven. Agad namang nagmukhang kawawa si Nadine, umarteng siya ang dehado. "Sven, huwag mong sisihin si Elara Sisihin mo na lang ako. Wala akong silbi. Gusto ko lang sanang tumayo, pero napagtanto kong hindi ko talaga kaya," naiiyak na sabi pa nito. “Talaga ba?” Tumingin si Sven kay Elara na nanatili pa ring tahimik. Pagkatapos ay bumaling si Sven kay Nadine.. “Hindi pa magaling ang mga binti mo. Maayos kang nakaupo kanina, bakit bigla mong gustong tumayo?” Kaagad na nagpanggap na naiiyak si Fang Qinglian. “Pasensya ka na, Sven. Dahil kasi… Dahil sobrang sa emosyonal ko. Sinabi kasi ni Elara na hindi niya babanggitin kay Lolo ang tungkol sa diborsyo. Mas gugustuhin pa raw niyang mamatay kaysa hiwalayan ka.” “Huwag mo akong siraan! Kailan ko sinabi iyon?” galit na tutol agad ni Elara na bakas ang galit sa kanyang mga mata. Ngayon lang naging ganoon katapang at direkta si Elara sa harap ni Sven. “Hindi mo sinabi?” malamig na tanong ni Sven. “Kung ayaw mong maniwala, maaari akong pumunta ngayon din kay Lolo at sabihin ang tungkol sa diborsyo.” Ibinuka ni Nanxi ang kanyang mga kamay na parang walang pakialam. Kinusot ni Sven ang kanyang sentido at napabuntong-hininga. “Nadine, alam kong gusto mong matapos agad ito at makipagdiborsyo ako. Pero hindi ba't nagkasundo tayo? Hindi maganda ang kalagayan ni Lolo ngayon. Pagkatapos na lang ng kaarawan niya natin pag-uusapan ang diborsyo. “Kung hindi ka makapaghintay kahit ilang araw lang, pasensya ka, pero sa pagitan mo at ni Lolo, si Lolo ang pipiliin ko.” Biglang kinabahan si Nadine sa sinabing iyon ni Sven. Hinawakan niya ang manggas ni Sven nang may pagsusumamo. “Pasensya ka na, Sven. Hindi ko sinasadya. Masyado lang akong nag-aalala. Natatakot akong maging komplikado ang lahat. Natatakot akong hindi mo na gustuhing makipagdiborsyo. At higit sa lahat, natatakot akong iwan mo ako," habang nagsasalita, bigla niyang niyakap si Sven. Lumaki ang mga mata ni Elara. Sa kalagitnaan ng araw at sa harap pa niya, niyayakap ng kabit ang kanyang asawa nang walang kahihiyan. Bubuka na sana ang kanyang bibig nang isang malamig na boses ang biglang umalingawngaw. “Talagang pababa nang pababa ang mundo. Mula kailan naging napakalakas ng loob ng isang kabit na yumakap sa asawa ng iba at magmukhang siya pa ang tama?” Pamilyar ang boses na iyon. Paglingon ni Elara, narinig niyang nagsalita si Sven. “Mom, what are you doing here?" "Bakit? Hindi ba ako puwedeng pumunta rito?” Nag-iikot lang ako sa mall at may nakita akong kahindik-hindik na eksena. Akala ko kung sino ang dapat kong pagalitan, pero sarili ko palang anak!” Matalim na sabi ni Serra. “Mom, hindi kasalanan ni Nadine. Hindi niya sinasadya at—” Hindi pa natatapos si Sven nang putulin siya ni Serra. “Kung hindi niya kasalanan, e 'di sa iyo ang kasalanan. May asawa ka na pero nakayakap ka sa ibang babae. Nahihiya akong tingnan ka. At huwag mong sabihing anak kita.” Matagal nang galit si Serra sa mga kabit. “At ikaw, ilayo mo ang mga kamay mo. Kapag nakita kitang yumayakap sa ibang babae bukod sa asawa mo, huwag ka nang umuwi sa bahay ng pamilya Peligrino. Nakakahiya ka!" Direkta, matalim, at walang paligoy-ligoy ang bawat salita ni Serra. Bawat isa ay tumatama sa mismong punto. Nakatayo si Elara sa gilid habang tulala. Sa sandaling iyon, gusto niyang magwagayway ng bandila at isigaw: “Napakagaling ng biyenan ko!” Gayunpaman, nagulat pa rin siya. Mula nang magpakasal sila ni Sven, bihira silang bumalik sa mansyon ng pamilya Peligrino. Kapag umuuwi man sila, para lamang bisitahin ang kanyang lolo. At tungkol naman sa kanyang biyenan, ilang beses lang silang nagkita. Sa alaala ni Elara, malamig at seryoso si Serra. Bihira itong makipag-usap sa kanya at parang hindi siya gusto. Kaya lagi niyang iniisip: “Normal lang iyon. Isang mayamang babae si Mama. Siguro gusto niya ng manugang na galing din sa mayamang pamilya, elegante at edukada. Paanong magkakagusto siya sa isang tulad kong ordinaryong babae?” Dahil doon, hindi siya kailanman lumapit kay Serra kung hindi siya nito kinakausap. Pero ngayon, hindi niya inakalang ipagtatanggol siya nito nang ganito. Minsan talaga, may taong kayang patahimikin ang isa pang tao. At para kay Nadine, tila si Serra ang katapat niya. Mahigpit na kinuyom ni Nadineang kanyang mga kamao. “Tita, tama po kayo. Nagkamali ako at sumobra ako at wala sa lugar. “Alam mo na pala ang mali mo, pero ginawa mo pa rin!" Hindi nagbago ang ekspresyon ni Serra “Kakabalik ko lang. Narinig kong inagahan ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo kaya gusto ko sanang maghanda ng regalo para sa kanya. Alam ni Sven ang mga gusto ni Lolo kaya isinama ko siya. Huwag po ninyo siyang sisihin.” “Isang napakagandang araw ng pahinga ang sinayang niya sa pagsama sa ibang babae imbes na sa asawa niya.” “Siyempre sisisihin ko kita! At isa pa…” Matalim niyang tiningnan si Nadine. "Wala akong natatandaang inimbitahan ka ng aking ama. Huwag ka nang bumili ng regalo dahil hindi mo rin iyon maibibigay.” “Mom, tama na. Ako ang nag-imbita sa kanya.” Hindi napigilan ni Sven na magsalita. "Tumahimik ka!" Isang tingin lang ni Serra ay napatahimik nito si Sven. "Tatay ko ang may kaarawan, hindi ikaw. Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang magdesisyon para sa kanya? Kung gusto mong mag-imbita ng bisita, hintayin mong ikaw naman ang mag-80 anyos!" Namutla si Nadine.. Halos mawalan siya ng kulay sa mukha. Ngunit ngumiti lamang si Serra. “Ang mga gusto ng ama ko ay pawang mamahaling koleksiyon. Kahit may pera ang pamilya Falcon, hindi pa rin iyon maihahambing sa pamilya Peligrino.” “Tita, huwag po kayong mag-alala. Kahit hindi na tulad ng dati ang pamilya Falcon , kaya pa rin naming bumili ng regalo.” “Talaga ba?” Malamig na ngumiti si Serra. “Naniniwala naman ako. Kahit bumagsak na ang pamilya Falcon may natitira pa rin naman silang yaman. Pero sa pagkakaalam ko, mas paborito ngayon ng pamilya ninyo ang nakababata mong kapatid na si Nadia. At dahil wala nang silbi ang mga binti mo at hindi ka na makakasayaw, bumaba rin ang katayuan mo sa pamilya. Sa tingin ko nga wala ka nang gaanong allowance. Sa halip na gastusin mo iyon sa walang saysay na regalo, mas mabuti pang itabi mo para sa sarili mo. Paano kung hindi ka bayaran ng pamilya Fang pagkatapos mong gumastos? Hindi ka ba magugutom? O baka naman balak mong si Sven ang pagbayarin?” Pagkatapos ng mahabang sermon ni Serra pakiramdam ni Ealra ay para siyang nanonood ng isang napakasayang palabas. Halos mapalakpak siya sa tuwa. Hindi na nakayanan ni Nadine ang mga narinigula sa ina ni Sven. “Auntie, nirerespeto ko kayo kaya lagi akong magalang sa inyo. Pero sobra na po ang mga sinabi ninyo. Kahit bumagsak na ang pamilya Falcon at wala akong allowance, mas mabuti pa rin ako kaysa sa pamilya ni Elara. Ang pamilya ni Elara ay walang kahit isang kusing. Umaasa lang sila sa pera ng pamilya Peligrino– at siya?" hinanakit ni sabi ni Nadine. “Paano siya makakabili ng regalo?”“Sandali lang,” sagot ni Sven.Mariing naikuyom ni Elara ang kanyang mga kamao. Wala na siyang kailangang sabihin pa.“Nagpa-checkup si Nadine ngayon. Hindi maganda ang naging resulta. Emosyonal siya at kailangan niya ako.”Agad na itinaas ni Elara ang kanyang mukha. Nanatiling malamig ang kanyang ekspresyon habang tinitigan niya si Sven.“Sige. Bilisan mo.”Ayaw na niyang makarinig ng anumang dahilan.Kung nakapagdesisyon na ito, bakit kailangan pa nitong magpaliwanag?Pagkaalis ni Sven, nanatili si Elara sa birthday celebration ng kanyang lolo at ipinagpatuloy ang pagtulong sa pagtanggap sa mga kamag-anak at bisita.Marahil dahil sa kanyang pagbubuntis, mabilis siyang napagod matapos ang ilang oras na pagtayo.Sumasakit na rin ang kanyang mga paa.Bagong pares ng sapatos ang suot niya at, sa kasamaang-palad, unti-unti nitong kinikiskis ang kanyang mga sakong.Nang hindi na niya matiis ang hapdi, pansamantala siyang umupo sa isang bakanteng upuan at kumuha ng band-aid upang takpan an
Mainit ang hininga ni Sven, at dumampi iyon sa ilong at pisngi ni Elara. Sa sobrang lapit nila, tila biglang uminit ang buong mukha niya.Namula siya hanggang tainga. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa kurbata ni Sven, ngunit bigla siyang nawalan ng ideya kung paano ito itatali.Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.“Tumayo ka nang maayos,” sabi niya, pilit na iniiwas ang tingin.“Sigurado ka?” Karaniwan lang ang tono ni Sven, pero sa ganitong kalapit na distansya, kakaiba ang dating ng boses nito—mababa, malumanay, at nakakapagpakaba. Lalo na’t halos dumidikit pa ang labi nito sa kanyang ilong. “Oo. Sigurado ako.”“Sige," pagkasabi niyon, agad na tumuwid si Sven. Para itong poste na biglang itinayo sa harapan niya.Napakurap si Elara.Lalong uminit ang kanyang mukha.Nakakahiya. Noong madalas pa silang magkasama, hindi niya napapansin kung gaano talaga katangkad si Sven kumpara sa kanya. Pero ngayon, dahil tuwid na tuwid itong nakatayo, halos hindi niya maabot nang maayos ang k
Halos mapalundag si Elara sa sinabi ni Manang Sonia.Bubuka pa lamang ang kanyang bibig para magsalita nang mauna si Sven. “Manang, hindi siya buntis." diretso at walang pag-aalinlangan ang tono nito.Napakunot-noo si Manang. “Hijo, base sa mga sintomas niya, posible talaga! Ang pagsusuka at pagiging sensitibo sa amoy ng pagkain—”“Imposible,” putol muli ni Sven.Gusto sanang sabihin ni Sven na maingat naman sila at umiinom si Elara ng birth control pills. Ngunit ayaw niyang pag-usapan iyon sa harap ni Lolo kaya nagdagdag na lamang siya ng dahilan.“Abala ako nitong mga nakaraang linggo. Madalas akong nasa biyahe dahil sa trabaho. Wala kaming panahon para sa ganoong bagay.”Saglit na natahimik si Manang “Ah…”Bahagya itong nadismaya, ngunit hindi na nagtanong pa.“Bata pa naman kayo. Darating din ang araw na magkakaroon kayo ng anak. Basta alagaan ninyo ang inyong kalusugan.”Tumango si Elara. Ngunit hindi niya magawang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong mabigat
“Ako na nga ba?" diretsahang pag-amin ni Sven.Napangiti si Elara nang mapait. Kahit nahulaan na niya ang dahilan, gusto pa rin niyang marinig iyon mismo mula sa bibig ni Sven.“Sven, sino ba ang nagmamadali?” mahinahon niyang tanong. “Nangako na ako sa iyo na pag-uusapan natin ang diborsyo pagkatapos ng kaarawan ni Lolo. Natural lang na makukuha ko sa kanya ang marriage certificate at family registry natin. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin.”“Hindi ko iyon makakalimutan.” Namula ang mga mata ni Elara. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may mabigat na bagay na paulit-ulit na gumugulong sa kanyang dibdib.Kung gusto ni Sven ang mga dokumento, maaari naman nitong sabihin nang diretso. Bakit kailangan pa nitong gamitin ang sinabi ni Nadine?Napatingin si Sven sa kanya at bahagyang nakaramdam ng konsensya. Kahapon, nang magising si Nadine, umiiyak itong yumakap sa kanya.Sinabi nitong takot na takot siya nang maaksidente at mawalan ng malay. Natakot siyang baka
Napaatras si Elara.Hindi na niya kayang panoorin pa ang eksenang nasa loob ng silid.Mabilis siyang tumalikod at tumakbo palayo.Kung maaari lamang niyang ibalik ang oras, sana ay hindi na niya binuksan ang pintuang iyon.“Sven… Napakalupit mo talaga!"Sumandal siya sa pader habang humihingal dahil sa pagmamadali niya. Sobrang sakit ng kanyang dibdib na mahigpit niya itong hinawakan, na para bang kapag pinisil niya iyon ay mawawala rin ang sakit.Ngunit bago pa man siya tuluyang makabawi, biglang kumulo ang kanyang sikmura.Mabilis siyang tumakbo sa banyo.Paulit-ulit siyang nagsuka hanggang sa wala nang lumabas kundi mapait na likido.Namumutla siya at gulo-gulo ang buhok na nakadikit sa kanyang mukha.Mayamaya, may kumatok.“Elara, buksan mo ang pinto," oses iyon ni Sven.Sinundan pala siya nito. Bakit?Kung nakita na nitong kasama si Nadine, bakit kailangan pa nitong sundan siya?Ayaw niyang sumagot. Ngunit lalo lamang lumakas ang katok.“Alam kong nasa loob ka. Bibigyan kita ng
Nang akmang sisigaw na si Elara, isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa itaas.“Huwag kang matakot. Ako ito.”Nanlaki ang kanyang mga mata.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga ito at nakita ang pamilyar na mukha ni Sven.“Sven?”“Hmm?”“Bakit ka bumalik?” Tumaas ang isang kilay nito.“Sa tono mo, parang ayaw mong bumalik ako.”“Akala ko kasi magdamag kang mananatili sa ospital kasama si Nadine," pagkasabi niya noon, agad niyang pinagsisihan.Biglang naging tahimik ang silid.Hindi sumagot si Sven. Sa halip, pinatay nito ang ilaw at hinila siya patungo sa kama.“Kumot ka.”Maingat nitong tinakpan si Elara bago bumulong sa kanyang tainga.“Matulog ka na.”Napakalapit nito.Ramdam niya ang mainit na hininga ni Sven sa kanyang balat kaya agad namula ang kanyang mga tainga.Mabilis siyang napasubsob sa dibdib nito.Pamilyar ang amoy nito.At higit sa lahat, pamilyar ang tibok ng puso nito.Mahigpit niyang ipinatong ang mga kamay sa dibdib.“Hindi ka pa naliligo, ‘di ba?”Napating







