Share

Chapter 2

NANG tumigil ang kotseng sinasakyan nilang tatlo na minamaneho ni Ren sa harap ng isang magarang building  napapikit si Almary ng mariin. Magkahalong pananabik at kaba ang kanyang nadarama na halos kumawala na ang kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib sa lakas ng tibok niyon.

“Hoy, day! Bakit tila hihiatayin ka na diyan? Huwag mong sabihing nagbago na isip mo at ayaw mo nang tumuloy tayo?”

Napamulat siya at napatingin kay Princess nakatabi niyang nakaupo sa may likuran ng kotse. Mabilis na umiling-iling siya na halos mabale na ang kanyang leeg sa bilis.

“Hindi no, kinakabahan lang ako,” mabilis na giit niya sabay hila pataas ang tube na bumaba at lumuwa ang kalahati ng kanyang cocomelon.

Tinampal ni Princess ang kanyang kamay kaya’t napatingin siya rito na magkasalubong ang kanyang mga kilay.

“Bakit ba?” inis na tanong niya at akmang hihilahin uli pataas ang kanyang tube pero mabilis na hinawakan ni Princess ang kanyang kamay.

“Huwag mo itago, asset mo iyan, sister,” seryosong giit ni Princess. Napatitig siya sa kaibigan tapos sa kanyang dibdib.

Bumuntonghininga siya. “Pwede naman siguro ako makahanap ng lalaki ngayong gabi na hindi ko pinapakita sa kanila ang kaluluwa ko, hindi ba? At saka baka puro manyakis lang ang pumatol sa akin kasi baka ini-expect nila na easy girl ako sa get up ko—”

“Loka! Mas okay na isipin nilang easy girl ka kaysa sa isipin nilang mabilis kang mauto kasi mukha ka walang alam sa mga ganitong bagay at saka, day. Paalala ko lang ha, bar po pupuntahan natin, natural lang ang mga ganiyang get up, iba nga ‘e malala pa diyan,” singit naman ni Ren at binuksan na ang pintuan ng driver seat.

“Mabuti pa ay bumaba na tayo,” giit naman bigla ni Princess at binuksan ang pintuan sa gilid nito at mabilis na bumaba.

Habang siya ay huminga muna ng malalim at bumaba na din sa kotse. Sumunod siya sa dalawa nang lumakad na ang mga ito papasok, hindi niya maiwasang mapalibot ang mga mata sa paligid, totoo nga ang sinabi ng dalawa, halos lahat ng babae ay kinulang sa tela ang mga suot ang iba ay mas malala pa na halos maghubad na. Kaya’t kahit papano ay napanatag siya, palihim pa siya napangiti dahil sa wakas mararanasan na din niya ang tinatawag na “night out”.

SA LOOB ng bar, nanlaki ang mga mata niya nang madaanan nila ang mga mata niya nang makita ang babae at lalaki na halos lamunin na ang labi ng bawat isa. Buong buhay niya nun lang siya nakasaksi ng live na halikan at iba pala ang pakiramdam. Parang gusto niya din maranasan ang ganung halik, ang hawakan na may pananabik.

“Doon tayo, day.”

Napalunok siya at napakurap-kurap ng marinig niya ang boses ni Ren at ang paghawak nito sa kanyang siko at ginaya siya papunta sa may gilid. Pinaupo siya ni Ren sa may gilid kung saan tanaw na tanaw niya ang dance floor kung saan may mga taong sumasayaw na akala mo ay may mga sariling mundo.

“I can sense freedom by looking at them,” mahinang sabi niya bigla. Napatingin siya sa dalawa niyang kaibigan ng marinig niyang natawa ang mga ito ng mahina.

“Bakit?” nalilitong tanong niya sa dalawa. Imbis na sumagot ay ngitian lang siya ng mga ito tapos sumenyas si Princess, nang sundan niya ng tingin kung kanino ito sumenyas ay kumibot ang kanyang mga labi kasi nakita niyang papunta sa direksiyon nila ang gwapong waiter bitbit malamang ang menu ng bar.

Sinabi na ng dalawa ang gusto ng mga itong orderin habang siya ay nilibot niya ang mga mata sa kabuan ng bar. Napansin niyang may second floor pala iyon, napatingin siya sa ibabaw na bahagi at napa-angat ang gilid ng kanyang mga labi nang magtama ang mga mata nila ng isang lalaking nakapusod ang buhok. Hindi sapat ang salitang gwapo para ilarawan ang lalaki, makapal ang itim na itim na mga kilay nito na bahagyang magkasalubong habang nakikipagtitingan sa kanya. Ang mga mata nito ay nakakaakit, iyong tipong para itong may magnet na ayaw niyang maalis ang kanyang paningin sa mga iyon. Napababa ang kanyang tingin sa mga labi ng lalaki, napalunok siya at napaiwas ng tingin dahil hindi niya kinaya makita ang mapulang labi ng lalaki na para bang niyaya siyang tikman iyon. May kalayuan ang kanilang distansya ng lalaki pero hindi iyon naging hadlang paran mailarawan niya ito.

“Hoy, Almary! Natulala ka diyan?”

Napa-angat siya ng tingin at palihim na huminga siya ng malalim at tumingin sa dalawa nakataas kilay nakatingin sa kanya.

“Sorry, ano iyon?” mahinang tanong niya at niyukom ang mga kamay para pigilan ang sariling sumulyap sa taas kung nasaan ang gwapong lalaki naka-eye to eye niya. She never felt this kind urgue in the past. Iyong tipong sabik na sabik siya makita ang isang lalaki. Nagkakaroon naman siya ng crush pero hindi ganito katindi.

“Kanina ka pa naming tinatanong kung ano gusto mong inumin pero parang nabingi ka diyan kaya’t nagdesisyon kami na gawin na lang tulad ng sa amin,” giit ni Princess.

“Ganun ba…ayos lang—”

“Talaga? Kahit pa sabihin kong hindi iyon juice kundi tequila?”

Bumuka-sara ang kanyang mga labi pero walang salita ang lumabas. Hindi niya kasi alam kung ano ba dapat niyang sabihin, o maramdaman.

“Don’t worry, hindi ka naman malalasing nun kung isang shot lang iinumin mo, besides, total dito ka na rin, why not try all the drinks here, right? Kasama mo naman kami so, there’s nothing to worry about kung malasing ka man,” nakangiting sabi ni Princess.

Alinlangang ngumiti siya. Ano pa ba magagawa niya ‘e na-order na ng dalawa, isa pa tama naman si Princess, total nandito na lang rin naman siya bakit hindi niya na lang i-enjoy at subukan ang mga inumin diba para worth it din naman ang magiging karahasan niya sa gabing ito.

MEANWHILE, Cenon can’t take away his eyes from a young lady who is wearing a red dress. Hanggang gitna ng babae ang dress na suot nito, hapit na hapit din sa katawan nito kaya’t litaw na litaw ang may kaliitang bewang nito at may kalakihang balakang ng babae. Huwag mo na idagdag ang dibdib nito na kalahati na lang ata ang natatakpan. Niyukom niya ang kanyang kamay na may hawak ba whiskey at umigting ang kanyang bangang.

“Hey, are you okay? Bakit tila bigla ka atang na-bad mood diyan?” natatawang tanong ni Peyami sa kanya. Ang kanyang business partner at kaibigan, may ari din ng bar na ito.

Uminom muna siya at tumingin sa kaibigan niya na mukhang hinihintay ang kanyang sagot.

“Nothing, may naalala lang ako,” tugon niya at sumulyap sa gawi ng babae na ngayon ay nakaupo na kasama ang dalawa pang kaibigan nito.

“Oh, okay, by the way, thank you for coming, Cenon, I know how busy you are but you manage to come to attend my birthday. I really appreciate it, man,” seryosong sabi ni Peyami at tinapik ang kanyang balikat.

“You’re welcome, man. I hope you enjoy my gift,” aniya.

“Of course, basta galing sa iyo. So, paano balik muna ako dun, enjoy okay,” giit ni Peyami bago ito tumalikod para bumalik sa loob ng VIP room kung saan ginaganap ang party nito.

Lumabas siya dahil plano na niya sanang umuwi kaso lang ay nakita niya ang babaeng matagal na niyang gustong makita kaya heto siya minamasdan ito mula sa malayo. Tumaas baba ang kanyang dibdib nang makita niyang nakatitig sa gawi niya ang babae na para bang pinag-aaralan nito ang kanyang mukha.

“That’s it, princess, look at me and memorize my face,” sa isip-isip niya at sinalubong ang titig ng babae.

Hindi niya akalain na magkikita sila ngayon ng babae at sa ganitong lugar pa. Hindi niya alam kung dapat ba siya matuwa dahil sa wakas ay nakita na niya ito hindi lang basta sa picture o magagalit siya dahil nasa ganitong lugar ang babae at pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan ang Maganda nitong mukha at katawan.

Nang magbawi ng tingin ang babae matapos nito titigan ang kanyang labi ay mabilis na inilagay niya sa may maliit na mesa ang hawak niyang baso at mabilis na tinahak ang daan pababa. He needs to be close to her para mabantayan niya ito.

NANG sinubukang sulyapan ni Almary ang puwesto ng gwapong lalaking nakita niya kanina ay nalaglag ang kanyang balikat dahil wala na doon ang lalaki. Mga ilang minute din kasi nagdaan bago niya ito sulyapan uli, nawili kasi siya sa mga sumasayaw sa kanyang harapan, hind inga rin niya napansin na apat na tequila na pala ang naubos niya.

“Parang gusto kong sumayaw,” mahinang sabi niya bigla. Siya na lamang mag-isa sa kanilang mesa dahil ang dalawa niyang kaibigan ay ayon sa dance floor nakikipagharutan sa mga lalaki habang sumasayaw.

Huminga siya ng malalim at tumayo, napahawak siya sa kanyang noo ng bigla siyang nakadama ng pagkahilo. Imbis na umupo uli ay tumawa siya tapos humakbang siya patungo sa dance floor. Nang makarating siya sa dance floor ay ngumiti siya at tinaas niya ang kanyang dalawang kamay at gumiling siya na aayon sa ritmo ng music. Pumikit pa siya sabay kagat labi habang gumigiling at binaba ang kanyang kamay inilagay sa kanyang leeg at pinalandas iyon pababa sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang hita. She never felt this kind of feeling before, and she like it!

She felt free. Pakiramdam niya habang nasa loob siya ng dance floor, she can be who she wants to be. Na hindi niya inaalala kung ano ang sasabihin ng tao nakapaligid sa kanya. Napamulat siya at napatigil sa paggiling nang maramdaman niyang may tao sa kanyang likuran. Muntik na siyang matumba nang pagkalingon niya ay nakita niya ang gwapong mukha ng lalaki naka-eye to eye niya kanina.

“Can I join you, princess?”

Napapikit siya nang narinig niya ang lalaking-lalaking boses ng gwapong estranghero. Napakagat siya ng kanyang mga labi at dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang paghawak ng dalawang kamay ng lalaki sa magkabilang bewang niya. Pakiramdam niya para siyang mapapaso na hindi niya mapaliwanang. Nang tama ang mga mata nila. Napalunok siya ng laway, hindi niya alam pero bigla siyang nakadama ng pagkauhaw, hindi nga lang niya mawari kung uhaw siya sa tubig o sa haplos at halik ng lalaki na ngayon pa lang niya nakilala.

“Dance with me,” bulong bigla ng lalaki sa kanya. Muntik na siyang masinghap ng tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga.

“This man is dangerous,” bulong ng utak niya.

“He has ability to make me feel nervous and excited at the same time,” hirit pa uli ng utak niya.

“Look at me, princess,”  utos sa kanya ng lalaki gamit ang malambing na boses. Tumingin nga siya sa lalaki. She never met a man who has this kind of charisma before. Ang mga mata nitong may kalakihan, mapang-akit, mahaba din ang pilikmata ng lalaki at makapal na labis niyang nagustuhan.

Nang bahagya itong ngumiti sa kanya ay para tumigil ang tibok ng puso niya. “Oh my! His smile is deadly.” Hiyaw ng kanyang utak. Wala sa sarili pa siyang napahawak sa kanyang bewang at pasimpleng kinapa kung nalaglag ba ang kanyang suot ana cycling at panty sa ngiti ng lalaki.

“C-can you take me home with you?” biglang na ibulalas niya. Nakita niyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki na para bang hindi niya inaasahan na magmumula iyon sa kanya. Huli na para bawiin niya pa, mas lalo lang siyang mapahiya kaya’t paninindigan na lamang niya. Ngumiti siya sa lalaki, iyong ngiting nang-aakit, sa buong buhay niya ngayon niya lang ito ginawa.

“It’s would be yes, right?” alinlangang tanong niya. Nagmumukha na siyang despirada sa lagay na ito pero pake niya, total naman uso na naman ngayon ang one night stand.

“How made you think l would say yes?” naaliw na tanong ng lalaki habang sumasayaw pa din naman sila ng dahan-dahan.

Tumingin siya sa mukha ng lalaki at inilagay niya ang kanyang kamay sa may balikat nito papunta sa malapad na dibdib ng lalaki. At pinaikot-ikot niya ang kanyang hintuturo roon at tumingala sa lalaki at bahagyang binuka ang kanyang mga labi. Nakita niyang tumaas baba ang adams apple ng lalaki nang tumingin ito sa mukha niya tapos sa kanyang cocomelon na litaw na litaw.

 “Why, you won’t?” maharot na tanong niya at hinawakan ang baba ng lalaki. Hindi niya alam kung dahil sa alcohol kaya’t ang lakas ng loob niyang makipaglandian sa gwapong binatang ito o sadyang gustong-gusto niya lang ang lalaki.

“Yes or no?” tanong niya rito gamit ang seryosong boses at inilagay ang kanyang hinlalaki sa ibabang labi nito at tumingin siya sa labi ng lalaki pabalik sa mga mata nito.

“Fuck, yes,” habol hiningang sagot ng lalaki at hinapit siya sa bewang at ginaya siya paalis sa dance floor. Napangiti siya ng malapad dahil nagawa niya itong akitin.

 PAGDATING nila sa labas, napatigil siya sa paglalakad dahil nakadama siya ng pagkahilo, mas malala pa kaysa sa kanina. Napahawak siya sa kanyang ulo, pakiramdam niya umiikot ang paligid niya. Muntik na siyang matumba kung hindi lang siya maagap na sinalo ng lalaki at kinulong sa balikat nito.

"Are you okay, princess?"

Napapikit siya ng mariin dahil ngayon niya lang napansin na kay sarap palang pakinggan na tinatawag siya ng lalaking "princess." Parang kinikiliti ang kanyang kalamnan.

Minulat niya ang kanyang mga mata at tumingala sa lalaki at matamis itong ngitian.

"Of course, handsome," maharot na sagot niya at hindi na intindi ang pagkahilo.

Minasdan muna ng gwapong binata ang kabuan ng kanyang mukha bago siya nito inakbayan at ginaya papunta sa may parking lot ng paubaya naman siya. Imbis na matakot siya dahil hindi niya masyadong kilala ang lalaki at heto sila, nilalakbay ang daan patungo sa kung saan, pwede siya nitong gawan ng masama na hindi man lang mapapansin ng mga tao pero she did no feel any fear instead she feel excited. 

"Get in, princess."

Napangiti siya at napatingala sa lalaki ng marinig niya muli ang lalaking-lalaki na boses nito. 

"Can you do it first?" maharot na sabi niya at hinila palapit sa kanya ang lalaki.

Nakita niyang napapikit ito ng mariin ng maamoy nito ang kanyang perfume.

"Fuck, you smell so good!" padaing na sabi nito at inamoy ang kanyang leeg.

Humikhik naman siya. "Ano amoy ko?"

Hinawakan ng lalaki ang kanyang pisngi at nilapit nito ang mga labi sa kanyang tenga.

"Baby, you smell like a baby," bulong ng lalaki sa kanya. 

Tumawa siya, iyong tawang abot hanggang kabilang bahagi ng parking lot.

"Come on, be a good girl and follow me okay, princess?"

Tumingin siya sa lalaki na mapungay ang kanyang mga mata at marahang tumango na parang bata.

"I will, handsome," aniya at pinilit na umayos ng tayo kahit pa hilong-hilo siya.

Ngumiti ang lalaki sa kanya na dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. 

"That smile is dangerous!" mahinang giit niya.

"Get it now, princess." 

Napatingin siya sa loob ng kotse nang marinig niya ang boses ng lalaki. Marahan siyang tumango at akmang papasok na, nasa may bandang pintuan ang lalaki nakaupo.

"Oh, you want me to sit in your lap, handsome?" maharot na tanong niya.

Ngumisi ang lalaki. "Yes, would you do that?"

Marahan siyang tumango at ngumiti. "Of course, l would love it!"

"That's good, come here," giit ng gwapong binata at inalok nito ang isang kamay para alalayan siya.

Mabilis naman niya iyong inabot. Natawa siya nang biglang d*****g ang lalaki dahil binagsak niya ang pwet sa kandungan nito at gumiling pa siya.

"Fuck! You're gonna be the death of me!" paungol na saad ng lalaki at hinawakan ang magkabilang bewang niya.

Humikhik siya at inilagay ang dalawang braso sa may batok ng lalaki at tumingin sa may kalakihang mga mata nito.

"Can l ask you a question?" mahinang tanong niya at nilaro-laro ang kanyang mga kamay sa nakapusod na buhok ng lalaki.

Minasdan muna ng lalaki ang kabuuan ng kanyang mukha.

"Sure, what is it, princess?"

"Bakit ang gwapo mo?" direktang tanong niya.

Nakita niyang bumukas-dili ang mga labi ng lalaki.

"Ang bango mo pa, ang ganda pa ng boses mo, hindi kaya't nanaginip ako? Because you're too good to be true. Para kang mga lalaki sa mga librong binabasa ko," walang prenong salaysay niya.

Umangat ang gilid ng labi ng lalaki habang sa tumawa ito kaya naman ang may kalakihan nitong mga mata ay bahagyang lumiit at may lumabas na maliit na dimple sa may gilid ng mga labi nito. 

"Oh my! Oh my! Huwag ka tumawa ng ganiyan please," aniya at pumikit ng mariin.

Tumigil naman ang lalaki sa kakatawa tapos nararamdaman niya ang kamay nitong pinisil ang kanyang ilong.

"You're being cute again, princess," pabulong na sabi ng lalaki at kiniskis ang tungki ng ilong sa kanya.

Napamulat siya at pakiramdam niya'y lumulutang siya sa alapaap sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Pakikurot nga ako baka kasi nananaginip talaga ako," mahinang aniya nang lumayo na ang mukha ng lalaki sa kanya at napagmasdan niya ng maayos ang gwapong mukha nito.

"May alam akong paraan para masigurado mong hindi ka nananginip, mas effective iyon kaysa sa kurot," nakangiting giit ng gwapong binata.

Tumaas bahagya ang kilay niya. "Ano?"

"This," tugon ng lalaki bago hinuli ang kanyang labi.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at napatulos siya sa kanyang kinakaupuan dahil napagtanto niyang hindi talaga siya nananaginip, totoo ang lalaki at totoo ang mga pangyayari ng mga sandaling iyon.

"Kiss me back, princess," pukaw ng lalaki sa kanyang atensyon nang pakawalan nito ang mga labi niya at tumingin ng direkta sa kanyang mga mata. 

"I-l can't," umiling-iling na sagot niya.

Hinaplos ng lalaki ang kanyang pisngi. "Why? Don't you like it?"

"I do, it's just that….l don't know how to kiss you back," nahihiyang pag-amin niya.

"Oh, i'm your first kiss?" gulat na bulalas ng lalaki at tinitingan siya ng malalim.

Marahan siyang tumango. "Yes…"

"Oh, princess, you don't know how much you make me happy right now," giit ng lalaki at hinalikan siya ulit ng may pagsuyo at pag-iingat.

Napapikit naman siya at napayakap sa may batok ng lalaki at sinubukan niyang sundin ang ginawa nito at nagawa nga niya. Lumalim pa ang halikan nila hanggang sa naramdaman niyang may tumutusok na matigas na bagay sa kanyang puson.

"He's very excited to meet you," nakangising sabi ng lalaki nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Who?" naguguluhang tanong niya. Nang nginuso ng lalaki ang ibabang bahagi ng katawan nito at sinunod naman ng kanyang mga mata ay napasinghap siya. Dahil napagtanto na niya kung sino at ano ang ibig sabihin ng lalaki. 

Although, may nakabalot pa ding pants, boxer at brief sa kaibigan nito sa ibaba ay hindi pa rin iyong hadlang para malaman niyang malaki, mataba at mahaba iyon. 

"Are you afraid?" 

Napa-angat siya ng tingin ng marinig niya ang boses ng lalaki. Mabilis naman siyang umiling.

"Good, l will not hurt you, princess. I'll make it slow," seryosong sabi ng lalaki at hinuli ulit ang kanyang mga labi. Ang tanging nagawa lamang niya ay tanggapin ang mainit at may papanabik na halik nito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status