Share

Chapter 05- Shopping Disaster

Pumunta ako sa dairy section, kumuha ako ng gatas, butter, at margarine. Pagkatapos no'n ay nagpunta ako sa veggies section. At kumuha ng mga gulay, malamang.

“Pechay.. Patatas, Bell pepper..”

Matapos kong kumuha ng mga gulay ay tinulak ko na ang trolley papunta sa ibang section.

--

Nandito ako ngayon sa tapat ng mga biscuit. Pipili nalang ako ng mga nakain ko na.

"Hmm, Hiro, Fudgee bar, Sky Flakes, Hansel. Oka-"

Napatigil ako sa pagka-usap sa sarili ko nang may tumabi sa 'kin, at kumuha ng Stick-O saka umalis. Nalalanghap ko pa din 'yung pabango.

Lalaki siguro 'yon? Eh ano bang pake ko kung lalaki ‘yon?

Pagkatapos ko ro'n aytinahak ko na ang daan papunta sa counter.

"Argh!" I grunted when someone bumped into me while running.

 "Sorry." A monotoned voice of a man said.

His scent….

I heard another footstep coming here. "HOY, SINABI KO NANG HINDI PWEDENG LUMABAS NG DORM! HOY!" Sigaw ng isang lalaki.

A man with long hair and glasses stopped in front of me, "Excuse me, have you seen a guy, this tall, na dumaan?"

"Uh, no?" I don't know why that was my response when I was supposed to say yes.

 His eyes squinted, "Darn, those kids again." Then walked past me. Was I mind controlled for a sec?

He looked familiar…..

Ah- RIGHT! He was one of the professors sa Quire Academy. The one I saw na in-interview before. But who was he chasing after?

--

 After we shopped for groceries, iniwan muna namin 'yon doon at ipinakisuyo sa guard, saka kami nagpunta ni lola sa mga boutiques.

"Ito apo, subukan mo 'tong dress, siguradong bagay sa 'yo." She gave me a black sleeveless dress. Plain lang siya pero maganda.

But I don't wear dresses.

Wala na akong nagawa nang itulak ako ni lola sa dressing room at ibinigay ang dress.

Damn, here goes nothing then.

I wore it and went out of the dressing room, "Naks naman apo! Ang ganda ganda mo oh!"

 "Lola, I don't wear this type of clothe.." Nadismaya ang mukha niya, uhm. "But, maybe it'll come in handy someday..?" Her face lit up once again.

And that perhaps was a bad idea.

We shopped for more clothes, pambahay, underwears and mga pang-lakad na damit. At lahat ng iyon sagot ni lola, I even insisted na gamitin namin ang ipon ko but she refused. Ang mamahal din ng mga damit sa boutique na ‘yon ‘no! ‘Yung iba inabot ng 1,000 silvers!

After namin mamili ng damit dumiretso naman kami sa Stationary and Book Store. My favorite place. Kahit na hindi ko pa alam ang itsura no’n ay alam ko naman ang mga nasa loob, napanood ko kasi sa TV noon na puro libro ang laman ng Book Store, at mayroon ding notebooks, pencils, at kung anu-ano pang gamit pang-school.

I’m really looking forward sa pag-pasok ko sa academy.

--

Here we are at the Stationary & Book Store.

"Oh, Vex, bilhin mo ang lahat ng kakailanganin mo ha." Paalala ni lola.

Alam ko ang laman nitong Stationary, pero hindi ko alam ang mga kakailanganin ko.

I scractched the tip of my nose. 

Pumasok na kami sa loob at kumuha ako ng basket, hindi naman siguro ganoon karami ang kailangan ko 'no?

"Oh, Felicia! Bumibili rin ng gamit ang apo mo?" Rinig kong tanong ni lola. I looked back at her and saw a woman, probably in her late 50's, she has a normal appearance, so I can't determine her ability.

"Ay oo, pasukan na kasi bukas. In-enroll ko siya sa Quire Academy, gustong-gusto makapasok roon 'e! Eh ikaw? Bakit ka nandito?" Saad naman nung babae, her name's Felicia, from what I've heard from lola.

Tinawag niya 'ko, "Sinamahan ko rin ang apo ko."

Tinanguan ko 'yung Felicia, ngumiti naman siya sa 'kin, "Hindi ko alam na may apo ka pala, Synthe! Kamukhang-kamukha ang ama!" 

Napangiti naman ako nang palihim, "Ganda 'no? Maganda ang lola 'e! Hahaha!"

"Ah- La, dito ho muna ba kayo? Ako nalang ho mag-isa ang bibili ng gamit ko, usap muna po kayo diyan."

Napalingon naman si lola sa 'kin, "Ayos lang ba sa 'yo? Sorry apo, minsan ko lang kasi ma-chikahan 'tong si Felicia." 

Tumango ako at umalis na.

I searched the Stationary and saw a shelf, "School Supplies" was written on it. I walked through it and saw multiple items.

I picked up the familiar things I know like pencils, pens, notebooks.

"Hmmm? Stabilo?" I confusedly uttered, I opened the lid and swatched it sa isang papel na nasa itaas nito. 

A marker? 

It looked like a marker, pero mas light 'yung kulay at iba ang consistency.

I shrugged, dinampot ko na rin ang ibang kulay nito. Kumuha rin ako ng eraser at ruler, at sharpener.

Sabay punta sa books section. 

Napako ang tingin ko sa isang maskara. Kulay itim ito na may printed white roses na nakapalibot, simple pero maangas tignan.

....

Should I-?

Bahala na, kinuha ko na rin ito, for emergency purposes sa school, baka biglang magbago itsura ko kapag nag-switch kami ng ability ko.

Then walked sa isang isle ng ancient books.

"Huh? Book of Wisdom?" I said out of nowhere. Bakit andami nito?

Famous writer ba ang papa ko? Or iba ang author no'n at bumili lang si papa? Wala kasing pen-name na nakalagay sa cover

Pero ang ipinagtataka ko, wala namang ibang feeling na ipinapadama ang nga librong 'to unlike sa libro na nasa akin.

I opened a book without the plastic wrap, okay lang naman sigurong basahin 'to, ano?

I turned to its 1st page.

"What..." I muttered, iba ang contents nito.

Hindi siya parang diary, para lang siyang history book.

This is weird.

Nilapag ko na 'yon sa shelf at nag-tingin nalang ng ibang libro.

--

After paying my supplies, I hurriedly went back to lola. Nag-uusap pa rin sila nung babae.

Nilapitan ko sila, "Osiya, mauna na kami, baka nagugutom na itong apo ko." Rinig kong sabi niya.

"Ay sige, hihintayin ko na muna ang alaga ko. Kita nalang ulit tayo sa susunod. Ingat!" Paalam ni Lola Felicia. 

Binitbit ko na ang mga ipinamili namin ni lola, "Ang groceries pala natin. Ipa-sunod nalang natin sa bahay. Wala naman tayong sasakyan, mabigat 'yon." 

"Ang lolo mo naman kasi laging gamit ang kotse." Dugtong pa niya.

Hinawakan niya ang balikat ko, "Hintayin mo na 'ko dito, sasabihan ko nalang 'yung gwardya doon."

Naalala ko ang tuhod niya, "Ay, ako nalang, La. Baka sumakit nanaman ang tuhod niyo, saglit lang po ako."

Tinakbo ko na ang daan papunta doon sa Grocery Section.

"Kuya, paki-deliver nalang ho 'yung groceries namin, #5624 box po. Sa Block 5 Lot 6, Sernin Street sa Torne's Village po. Pakisama na rin po itong mga paper bags." 

May biglang nag-appear na box sa harapan ko, "Ito ba Ma'am?" 

Oh- it's our box, ability niya teleportation? "Uh- Yeah. Thank you po." Sabay nod sa kaniya, binigay ko sa kaniya 'yung mga hawak kong paper bags na may school supplies at bumalik na kay Lola.

--

Napahinto ako sa pag-takbo pabalik kay Lola nang makarinig ako ng pagsabog.

What was that?

People started to panic. “Jusko! Nandito sila! Flaxed! Tulong!”

Flaxed…

No, Lola…

Not this again…

I hurriedly made my way back to lola.

Please be okay.

Sa bawat pagsabog na naririnig ko ay mas bumibilis ang takbo ko.

“TULONG! ANG ANAK KO!” I heard a woman’s voice, panicking.

Nagkagulo na ang mga tao. Asking for help, running for their lives.

Ang iba’y papunta na sa 2nd exit ng mall para umalis, samantalang ako ay papalapit sa pinagmulan ng pagsabog.

“LOLA!” I shouted as soon as I saw Lola, she’s on the floor, and no one bothered to help. Selfish fools.

I immediately assisted her to stand up. “Ayos ka lang po ba? Are you hurt?”

Umiling siya at ngumiti, thank God.  “Halika apo, umuwi na tayo bago pa tayo madamay sa gulo.”

Inalalayan ko siya makalakad papunta sa exit ng mall.

Pero hindi pa kami nakakalayo nang may sumabog nanaman, making both of us fall to the ground.

Bakit wala pang nadating na tutulong sa ‘min?

Hindi ba ito ang kailangan nilang gawin? Lalo na expected sa kanilang iligtas ang nangangailangan. Pero nasaan sila ngayon?

I looked back sa sumabog, it was the Stationary & Book Store.

And- HUH?

There were people coming out of the shop, with white dirty bags, full of silvers. One of them caught my attention.

It was the driver of the Fen we rode earlier.

He’s grinning, happy for the money he got at this moment.

Bigla akong nag-init. I hate these kind of people.

“Apo?” I heard lola’s concerning voice. I looked at her and checked if she’s okay. “Apo, you’re bleedi-“

“MAMA! WAAH! MAMA! T-TULONG!” A child’s cry made me look back again. He was captured by the driver I saw earlier.

Each of those people started to have glowing arms. Damn it.

‘Yung nakita ko kanina sa driver ay isang symbol, sa braso niya. It was shaped as a spiral with thorns on it. I know for a fact it has something to do with the Flaxed. I once read sa isang libro na kapag umilaw ang mga tatak na ‘yon, may na-achieve nanamang goal ang mga Flaxed na gumawa no’n.

This symbol determines their rank in their organization, pero hindi ko pa alam kung ano ang symbol ng pinaka-malakas sa kanila.

Whenever these Flaxed did a crime, their scores goes up, also making their abilities be enhanced. They suck powers to double the effectiveness of their powers.

“Mama..”

A blink of memory started to flash over me.

“My daughter.. My one and only daughter..” A woman infront of me said.

Her appearance was odd, hindi siya ang mama ko.

I shook my head, kung saan-saan nanaman napupunta ang utak ko.

“Apo? Nakikinig ka ba sa ‘kin? Sabi ko umalis na tayo dito. Baka mapahamak ka. Tignan mo ang braso mo may dug-”

I caressed Lola’s cheek, “Go ahead, Lola. I need to save that child. If no one would, I will.”

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘tong tapang ko. But I know that I should save that child. I don’t want to see another person dying in front of me.

I looked back at the child, sinasakal siya nung driver.

“Vex, anong sinasabi mo? Hindi! Sabay tayong aalis dito!” Sigaw ni Lola.

I’m sorry, La.

“Kuya Guard! Paki-dala ho ang lola ko sa exit. Tumawag na rin kayo sa Agency para tumulong dito.” Saad ko sa nakita kong guard na tumutulong sa pag-evacuate ng mga tao.

He nodded and assisted Lola. “Hindi ako aalis! Ang apo ko!”

Pero hinatak na siya ng Guard. “I’ll see you later, La, I’m sorry.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status