Share

Chapter 5

Author: Maui Azucena
last update Last Updated: 2021-05-05 16:56:07

Dahil ayaw na niyang gambalain ang mahimbing na tulog ni Ashley, ipinasya ni Zanjoe na huwag itong gisingin. Buong ingat niya itong binuhat mula sa sasakyan, dahan-dahang isinandal sa dibdib at tinakpan ang mukha ng buhok nito gamit ang kanyang palad. Minsan pa niyang naamoy ang pamilyar na bango nito—halimuyak ng lavender at baby powder. Nakaangkla ito sa kanya, tila nagiging mas magaan ang bigat ng mundo habang yakap niya ito.

Pagdating nila sa bahay ng dalaga, sinalubong siya ni Manang Lydia, ang matagal nang kasambahay ng pamilya ni Ashley. “Ay, si Ma’am Ashley… tulog na tulog. Sige iho, ituloy mo na lang siya sa kwarto,” mahinang sabi nito.

Tahimik siyang pumasok at tinungo ang silid ni Ashley. Binuksan niya ang pinto gamit ang siko, at nang makapasok, dahan-dahan niyang inihiga ang dalaga sa kama nito na parang isang babasaging bagay.

Maingat niyang hinubad ang sapatos at medyas nito, siniguradong hindi ito magigising. Bahagya pa siyang lumuhod sa gilid ng kama at pinanood ang dalagang napayapang nakahiga. May bahid pa rin ng pagod sa mukha nito, marahil dahil sa sakit na nararamdaman. Pinagmasdan niya ang bawat detalye ng mukha nito—ang bahagyang pagkakunot ng kilay, ang mapupulang labi, at ang makinis nitong balat.

Napalingon siya sa bookshelf sa gilid ng kama. Sa itaas nito ay may ilang picture frames—mga larawan ng kabataan nila. May isang photo na kuha pa noong nursery graduation nila. Naka-toga sila pareho, parehong may duling sa mata habang pilit pinapaling ang tingin sa kamera. Natawa siya ng bahagya.

“Naalala mo pa ba ‘to, Ash?” mahinang bulong niya. “Ikaw pa nga ang nagtanggal ng dumi sa ilong ko bago kuhanan. Akala mo hindi ko alam, pero nakita ko sa salamin.”

Nilapitan pa niya ang ibang larawan. May isang photo noong kinder, pareho silang may hawak na ice cream—si Ashley ay nakangiti habang siya naman ay umiiyak dahil nahulog sa semento ang kanyang cone. Nasa likod nila ang teacher nilang si Ma’am Therese, litaw ang pagkagulat.

Isa pa ay mula sa elementary school intramurals—pareho silang nakasuot ng green team shirt, si Ashley may hawak pang pom-poms. Siya naman ay nakataas ang kamay, proud na nanalo sa sack race. Tila ba buong buhay nila ay nakatala sa mga larawang iyon—at siya, isang tahimik na saksi sa lahat ng yugto ng buhay ni Ashley.

‘Hays... ito talaga ang mahirap sa magkasamang lumaki,’ nasambit niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalaga. ‘Maaga pa lang, na-friendzone na ako. Pero paano kung… hindi kami lumaki nang sabay? Baka may pag-asa akong makita niya bilang lalaki, hindi lang bilang kababata.’

Lumapit muli siya sa kama at inayos ang ilang hibla ng buhok ni Ashley na tumatabing sa mukha nito. Lalo siyang natulala.  For Ashley what they have is a platonic relationship, but for him it was the other way around. He didn't know when did he start loving her in a romantic way. Basta ang alam niya nagising na lang siya isang araw na inaamin sa sarili ang pagmamahal sa dalaga, na hinahanap-hanap ang presensiya nito. Na natutunaw siya sa mga ngiti nito. Na nagseselos kapag may ibang lalaking bumabanggit sa pangalan nito nang may halong paghanga. Bagay na hindi niya maamin sa dalaga sa takot na lumayo ito sa kanya. Maigi nang manatili sa friendzone than going outside the box nang walang kasiguraduhan kung ano ang sasapitin. Ayaw niyang sirain ang matagal na nilang pinagsamahan. Mas gugustuhin pa niyang masaktan sa katahimikan kaysa mawala ito sa piling niya.

Dinampot niya ang fleece blanket at marahang itinakip sa katawan ng dalaga. Isang halik ang pinakawalan niya sa hangin at inilapat sa noo nito, ngunit hindi tinouch ang balat. Sana lang palagi siyang kailanganin nito. Sana hindi dumating ang puntong kailangan nilang maghiwalay ng landas. 

*****************

   

Nagising si Ashley na medyo maayos-ayos na ang pakiramdam. Hindi na masyadong mabigat ang ulo niya, at tila nakahinga na rin siya nang mas maluwag. Dahan-dahan siyang bumangon, ininat ang mga braso at leeg, sabay pikit at isang mahabang buntong-hininga. Ramdam pa rin ang panghihina ng katawan, pero wala na ang kirot sa sikmura.

Tahimik ang buong bahay, tila ang lahat ay abala na sa kani-kanilang gawain. Napansin niyang maliwanag na sa labas—tanghali na pala. Nang maramdaman ang pagkurkur ng kanyang tiyan, bumangon siya mula sa kama, lumakad papunta sa kusina, naglalakad ng medyo may kabagalang sinadya para hindi sumakit muli ang sikmura.

Paglapit pa lamang niya sa entrada ng kusina ay sinalubong siya ng masarap na amoy ng pinagsama-samang bawang, gatas, manok, at kung ano-ano pang pampalasa—sopas, naisip niya agad. There she saw Zan, nakatalikod habang abalang naghahalukay ng mga sangkap sa pantry. Naka-tshirt lang ito ng puti na medyo fitting at naka gray cotton shorts. Basa pa ang buhok nito, mukhang bagong ligo.

Napangiti si Ashley. Ang sexy naman ng cook namin. Teka, bakit “namin” agad? Tumawa siya sa sarili. Ngunit bago pa siya makapagtago ng ngiti, napansin siya ni Zan. Tumalikod ito at agad na napangiti.

"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Zan habang pinahinaan ang apoy sa stove. Inayos nito ang takip ng kawali saka lumapit ng kaunti sa kanya, tila tiniyak kung okay talaga ang kalagayan niya.

Tumango lang si Ashley bilang sagot. Wala mang salitang namutawi agad sa kanyang bibig, nangingibabaw naman ang tiwala sa mga mata niya.

“Wait lang. Soup will be served after five minutes. Mainam ito para mainitan ang sikmura mo.” Balik ni Zan sa kalan at inabot ang chopping board. Kinuha nito ang mga hiniwang carrots at cabbage saka inilaglag sa mainit na sabaw. “Mas gusto ko 'yung gulay na crunchy. Mas buhay 'yung lasa,” dagdag pa nito habang hinahalo ang sopas.

Umupo siya malapit sa counter kung saan kita niya ang kabuuan ng kusina. Pinagmasdan niya ito habang nagluluto—banayad ang kilos, pulido ang bawat galaw. Hindi ito nagmamadali pero hindi rin alanganin. Tila ba kabisado nito ang bawat sulok ng kusina, kahit pa bahay nila Ashley ito.

Naalala niya bigla ang kwento ng magulang ni Zan—sina Karren at Phem—na kahit may kaya sa buhay ay pinili pa ring huwag kumuha ng katulong. Ayon daw sa mga ito, hindi kailanman masasabi ang takbo ng buhay. Kaya pinilit nilang sanayin si Zan sa gawaing bahay para maging handa ito sa anumang pagsubok. At ngayon, kitang-kita nga ang bunga ng pagpapalaki sa kanya—isang lalaking kayang alagaan hindi lang ang sarili, kundi pati ang mga taong mahalaga sa kanya.

“Pinakialaman ko na 'tong kitchen niyo ha,” sabi ni Zan habang pinapatay ang apoy. “Nagpaalam naman ako kay Manang Lydia,” dagdag pa nito, sabay kindat. Kinuha nito ang isang mangkok at sinimulang salinan ng sopas, maingat na hindi mapuno upang madaling sipatin.

Maya-maya'y nasa harap na ni Ashley ang umuusok na sopas.

“Serving one bowl of soup for my Ash!” masiglang anunsyo ni Zan, sabay bow na parang waiter sa isang restaurant.

Napatawa si Ashley. “Ang OA mo talaga minsan,” sabay abot ng mangkok.

Sa unang subo pa lang ay napapikit na siya. Ang sarap... Malamig pa rin ang katawan niya, pero sa bawat lagok ng sabaw ay parang unti-unting bumabalik ang sigla niya. Nakakaaliw ang texture ng manok, pasta, at gulay. Hindi niya namalayang halos ubos na ang laman ng mangkok.

Pagtingala niya, napansin niyang si Zan ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Nakapatong ang siko nito sa lamesa at naka-sandal ang pisngi sa kamao, parang natutuwa sa panonood.

“Kain ka na rin,” yaya niya rito.

Kumibit-balikat lang si Zan. “Parang nabusog na rin ako eh. Maybe later, Ash. After you. Gusto mo pa ba?”

Napangiti siya at tumango. “Sige, kaunti na lang,” lambing niya.

Agad namang tumayo si Zan, kinuha ang mangkok niya, at muli itong nilagyan ng sopas.

“Thank you, Zan,” wika niya habang tinanggap ang mangkok. Tiningnan niya itong mabuti habang naglalakad pabalik sa kanya—relaxed ang postura, kalmadong-kalmado ang mukha, pero sa likod ng mga mata nito ay may halong init na hindi niya matukoy.

Napatingin si Ashley sa sopas, pagkatapos ay muli sa binata. Buti na lang may Zan sa buhay ko. Naibulong niya sa sarili. Paano na lang kaya kung wala siya?

*********************

        Bigla ang naging pagbuhos ng ulan kung kailan naman wala si Zanjoe dahil biglaan itong kinailangan ng  ina nito sa delivery ng cakes and pastries. Nagkaroon daw kasi ng emergency ang taga deliver nila kung kaya't walang ibang available para magdeliver. Nangako naman ang kaibigan na babalikan agad siya ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito.

        Mataas na ang baha sa kalye na sumasakop sa unibersidad. 

        'Zan.. san ka na?'  bulong niya sa sarili. Nilalamig na rin siya dulot ng panahon. 

        Unti - unting naubos ang mga estudyante sa Gate 2 kung saan siya naghihintay sa kaibigan. Nang tignan niya ang kanyang cellphone kung may text si Zanjoe ay bigla naman itong namatay. 

        'Wah! Lowbat! Minamalas naman talaga, oo.'

        Naisipan niyang maglakad lakad na at sumakay sa dadaang dyip pauwi sa bayan ng San Diego. Pagdating naman ng San Diego ay sasakay siya ng tricycle papunta naman sa San Fermin. Dahil hindi naman sanay makipagsiksikan at punuan na ay hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na makasakay sa mga dyip na dumaraan.  

        Hanggang sa  siya na lamang ang natitirang estudyante sa kalye. Inalihan siya ng takot nang mula sa peripheral vision niya ay makita niyang may papalapit na dalawang bulto ng mga lalaki. 

        'Zanjoe.. san ka na Zan?'

        Nahigit niya ang kanyang hininga nang bigla siyang hawakan sa kanang braso ng isa sa mga ito. 

        Bigla siyang napatingin sa humawak sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata sa takot sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Samahan pang mapula ang mga mata nito at nakangisi  na tila demonyo. 

         Napapikit ang kanyang mga mata. Naramdaman na lamang niya nang biglang bumitaw sa pagkakahawak sa kanya ang lalaking maaskad. 

        'Lord help me please!' usal niya habang mariing nakapikit ang mga mata.

        Nagulat siya sa kalabugan at ingay na narinig kaya iminulat niya ang isang mata. 

        

***********************

            

        

        Pack up ang shooting nila dahil bukod sa masama ng panahon ay hindi dumating ang isa sa mga main characters due to emergency. Sa halip na umuwi ng Manila ay tinahak niya ang daan pauwi sa bahay nila sa Batangas. 

        Kinuha niya sa dashboard ang CD ng bagong self titled album niya at isinalang sa CD player. Karerelease lang nito pero agad na naghit. Pumailanlang ang latest single niya na Isang Sulyap. Most requested ito sa mga Radio Stations mapa AM o FM man. One of the most viewed naman ang video nito sa You Tube.

        Kahit may kadiliman sa kalyeng kanyang tinatahak ay malinaw niyang nakita ang isang dalaga wearing her school uniform sa aktong panghaharass ng dalawang lalaki. 

       Nagulat siya nang makitang hinawakan ito ng lalaki sa braso nito habang ang isa naman ay pumunta sa kabilang gilid nito.

        'Oh boy. You got yourself into trouble.' aniya sa sarili

        Agad niyang itinigil ang sasakyan sa isang tabi. Sandali niyang pinag - aralan ang sitwasyon. Napabuntunghininga na lamang siya bago hinawakan ang pintuan ng sasakyan.

********************* 

“Damn! Bakit pa ba ngayon ako nasiraan kung kailan pabalik na ako sa BISU?” asar at pag-aalalang bulong ni Zanjoe habang pinapalo ng palad ang manibela ng sasakyan. Nilamon ng ulan ang kalsadang binabaybay niya kanina—ngayon ay wala na siyang ibang magawa kundi hintayin ang tulong.

Muli siyang sumandal sa upuan at napatingin sa passenger seat kung saan nakapatong ang isang lumang photo album na puti at may burdadong bulaklak sa gilid—ang album na nakita niya kanina sa bahay nila sa Batangas habang naghahanap ng CD. Hindi niya napigilang isama iyon sa biyahe. Binuksan niya ito.

Sa unang pahina pa lang, isang litrato nilang dalawa ni Ashley habang naka-uniporme pa sa Nursery—nakaupo sa parehong swing, si Ashley ay nakangiting hawak ang kanyang pigtails habang si Zanjoe ay natulala na para bang kahit bata pa’y alam na niyang may kakaiba sa batang babaeng ‘yon.

“You promised you'd protect her, remember?” bulong ng konsensyang bahagi ng alaala niya.

Napabuntong-hininga siya, sinapo ang noo. “Ilang taon na ang lumipas, Ashley, pero sa tuwing naiipit ka… bakit parang palaging ako ang dapat dumating?”

Kinuha niya ang telepono at agad nag-dial. “C’mon Zeus... sagutin mo ‘to...” Mabilis ang kaba niya, nanginginig ang daliri sa lamig at pagkabahala.

Sa unang ring pa lang ay may sumagot.

"What's up, Zan?"

“I need your help.” Agad niyang ipinaliwanag ang nangyari, at gaya ng inaasahan, hindi siya binigo ni Zeus. Dumating ito sa loob lamang ng dalawampung minuto, kasama ang mekanikong si Kuya Roldan.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon nang iabot sa kanya ni Zeus ang susi ng SUV nito. “Thanks, bro!” singhal niya, hawak na ang pinto.

"You owe me one," tugon ni Zeus habang binubuksan ang trunk ni Kuya Roldan.

“Yeah, yeah. Brat ka pa rin,” bulong ni Zanjoe habang nginitian ito. Pero totoo, he owed him one.


Habang binabagtas niya ang highway, ang ulan ay tila sumasabay sa bilis ng tibok ng puso niya. Ang mga ilaw ng poste ay tila humahabol-habol sa kanyang likod habang binabaybay niya ang daan, halos wala na siyang pakialam kung 100 kph na ang takbo niya.

“Please... let her be okay.”

Pagliko niya sa Gate 2 ng BISU, agad niyang nakita ang sinag ng ilaw mula sa guardhouse… at sa gilid niyon, sa ilalim ng mahinang bubong ng waiting shed, ay naroon si Ashley. Nanginginig, nakaupo, habang dalawang lalaking estranghero ang nakatayo sa magkabilang gilid nito.

‘Damn!’ Umalon ang galit sa dibdib niya.

Hindi na siya naghintay pa. Bumusina siya ng isang beses, bumaba ng sasakyan na parang bagyong paparating, at sa loob ng ilang segundo ay nakatayo na siya sa harapan ng isa sa mga lalaki—at nang tangkaing hawakan nito ang braso ni Ashley, isang malakas na groin kick ang pinakawalan niya.

“AAARRGH!” napasigaw ang lalaki habang napaluhod.

Hindi pa nakakahuma ang isa ay sinapol na rin niya ng hammer strike gamit ang susi sa kanang mata nito. Napahawak ito sa mukha, at nang yumuko ay sinundan niya ng isa pang groin kick na nagpahiga rito sa kalsada.

“How dare you threaten my girl like that!” singhal ni Zanjoe habang lumalapad ang kanyang anino sa ilalim ng ilaw. Nanginginig ang mga kamao niya—at ang panga, mahigpit na nakakuyom.

Tumayo pa ang isa, pero agad niyang sinalubong ng isang suntok sa panga, at sipa sa hita. Tumilapon ito, sumalpok sa poste, at hindi na muling tumayo.

Sumugod ang isa pa pero sinalubong niya ito ng hawak sa kuwelyo at isang matalim na suntok sa sikmura. Napaatras ito, bumagsak, at nagpagulong-gulong.

Hingal si Zanjoe. Ang kamay niya ay bahagyang nanginginig—hindi sa takot, kundi sa sobrang pagpigil ng galit.

He could’ve crushed them both. Kaya niyang ipag-umpog ang mga ulo ng mga ito, pero alam niyang hindi siya dapat bumaba sa antas nila.

But he needed to protect her. No—he wanted to protect her.

Maya-maya ay dumating na ang mga security guards ng BISU, mabilis ang kilos habang isinubsub ang mga lalaki sa semento at tinawagan ang pulisya. Inilayo nila ang mga ito habang si Zanjoe ay lumapit kay Ashley.

“Ash…” mahina pero puno ng pangamba ang kanyang boses. Palapit siya, nakaluhod, binuksan ang payong para sa kanila kahit siya’y basa na rin.

Nanlalaki ang mata ni Ashley. Nanginginig ang buong katawan nito, basang-basa ng ulan, at may bahid ng luha ang pisngi.

Nang lapitan niya ito at yakapin, walang atubiling isinubsob ni Ashley ang mukha sa kanyang dibdib at humagulhol.

"T-thank you for coming, Zan..."

“Shhh... I’m here now, okay? As promised… I’ll always be here.”

He cupped her face, looked her in the eye—and for a moment, kahit ang ulan at ingay ng paligid ay tila nawala. Isa na lamang tahimik na mundo ang namagitan sa kanilang dalawa.

He kissed her temple—banayad, puno ng pangakong hindi siya kailanman pababayaan.

At sa gitna ng unos, sa ilalim ng patak ng ulan, sa yakap nilang iyon—bumalik ang isang alaala ng dalawa pa lang silang bata.

“Tandaan mo, Ash… kapag umuulan, ako ang payong mo.”

"At kapag nawawala ako..."

"Ako ang maghahanap sa'yo."

At ngayon, muli silang nagtagpo. Hindi lang dahil sa ulan. Hindi lang dahil sa pangako.

Kundi dahil sa pagmamahal sa isa't isa. 

*********************

   

'Woah! That was fast!'

Nanlalaki pa ang mga mata niya sa bilis ng pangyayari. Ilang segundo pa lang mula nang maisip niyang bumaba upang tulungan ang babaeng tila nasa panganib, nang bigla na lang may lalaking rumatrat ng takbo mula sa kabilang bahagi ng kalsada at agad na inatake ang dalawang goons na nambabastos sa estudyanteng babae. Parang eksena sa pelikula—may groin kick, suntok, at sigaw ng galit. Mabilis, mapanganib, pero mapagligtas.

Natahimik siya. Napanganga pa nga.

"What a scene," bulong niya sa sarili habang nananatiling nakaupo sa driver's seat, ang mga kamay ay nakakapit pa rin sa manibela. Kahit gusto niyang bumaba at tulungan din, nakita naman niyang ligtas na ang dalaga. At sa paraan ng pagkakatingin ng lalaki sa babae—kung paano niya ito niyakap at pinakalma—malinaw na magkalapit ang dalawa. Siguro nobyo niya 'yon… o di kaya'y matalik na kaibigan na higit pa sa inaakala ng isa.

Napailing na lang siya, isang kindat ng admiration at kaunting pag-aalinlangan ang gumuhit sa kanyang mukha. "Tila wala na kong papel sa eksenang 'to."

Bigla namang nag-vibrate at tumunog ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang jacket, sabay flash ng screen: "Mom Calling."

Pinindot niya agad ang green button sa screen. "Hello, Ma?"

May halatang pag-aalala sa kabilang linya.

"Where are you, son? You're supposedly here by this time."

Napakamot siya ng batok. Oo nga pala. Kanina pa niya naitext ang ina na malapit na siya sa Batangas, pero he got caught up dahil sa insidente sa may Gate 2. Hindi na rin siya nag-update. Tiningnan niya ang oras. Mahigit isang oras na pala siyang naantala.

"Sorry Ma, I got stuck in traffic… may nangyaring kaunting abala sa daan." Hindi na niya binanggit ang eksaktong detalye. Hindi na importante 'yon ngayon. Ang mahalaga ay makauwi siya.

Mabilis niyang pinihit ang manibela at iniwas ang kotse mula sa gutter. Malumanay ngunit tuluy-tuloy ang takbo niya sa highway pabalik ng Batangas, habang nasa background pa rin ang instrumental version ng "Isang Sulyap" na marahang tumutugtog sa stereo. Ilang ulit na niyang naririnig ang kantang ito, pero ngayong gabi, tila mas may bigat ang bawat nota. Parang sinasakyan ng musika ang kung anumang hindi niya maipaliwanag na bugso ng damdamin.

'Was that fate? Or just timing?' tanong niya sa sarili, sabay sulyap sa side mirror. Parang gusto niyang balikan 'yung babae. Gusto niyang makita kung okay ba talaga ito, kung kumusta na. Pero napailing na lang siya. "Too late, bro. Someone got there first."

Makalipas ang tatlumpung minuto, narating na rin niya ang pamilyang mansiyon. Sa harap pa lang ng napakataas na gate, awtomatikong lumapit ang naka-duty na security personnel, tinanong kung siya ba ang paparating na anak ng may-ari, saka marahan at may paggalang na binuksan ang gate.

Pagdating niya sa driveway, isang valet guard na naka-all black ang agad lumapit, yumuko, at sabing,

"Good evening, Sir. I'll park your car."

Tumango lang siya at iniabot ang susi. Pagkababa ng sasakyan, nilingon niya muna ang madilim na langit. Basa pa rin ang kalsada. Malamig ang hangin. Pero mas malamig ang lungkot na bigla niyang naramdaman sa dibdib.

"Sa dami ng pagkakataong makakatulong ako, ngayon pa ako na-late."

Tahimik niyang tinahak ang marmol na hagdan papasok sa loob ng mansiyon, habang sa malayo ay aninag niya ang kanyang ina sa may malaking hallway, nakaabang, at may dalang bath towel. Parang kaninang-kanina lang, siya ang laging pinaghihintay. Pero ngayon, siya na ang huli.

At kahit siya na ang sikat, siya na ang may album, siya na ang hinahangaang artista—hindi pa rin maiiwasan ang pakiramdam na minsan, he missed the moment that could have meant something more.

    *********

Dumating sila sa bahay nina Ashley bandang alas-diyes ng gabi. Huminto ang sasakyan sa harap ng porch ng dalawang-palapag na bahay. Maliwanag ang buong kabahayan, halatang gising pa ang lahat. Halos hindi pa humihinto ang sasakyan ay bumukas na ang pintuan ng bahay.

Lumabas si Tito Jerson,  kasunod si Tita Miles, parehong balisa ang hitsura, at halatang kanina pa sila nag-aabang. Sunod na lumabas si Apollo, nakasuot pa ito ng loose shirt at pajama, pero alerto, at may hawak-hawak na cellphone, waring kagagaling lang sa tawag.

“Ashley!” sambit ni Miles, agad na lumapit sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit. “Anak, Diyos ko! Saan ka ba nanggaling? Bakit ngayon ka lang?”

Hindi nakasagot si Ashley. Nakayuko ito, nanginginig pa rin, habang si Zanjoe ay hindi bumibitaw sa pagkakaalalay sa kanya.

“Nasiraan po ako ng sasakyan sa daan kaya natagalan. Pero hinabol ko siya agad nang makuha ko ang sasakyan ni Zeus,” paliwanag ni Zanjoe. “May dalawang lalaki po… sinubukan siyang guluhin sa labas ng BISU. But I got there just in time.”

Napasinghap si Jerson habang hawak-hawak ang balikat ng anak. “Ano raw?!”

“B-but what if you were late, Zanjoe?” tanong ni Apollo, namumula ang mata. “What if something worse happened to Ashley? I’ve been calling her non-stop!”

“Pol,” marahang sabi ni Zanjoe, nilapitan niya ito at tinapik sa balikat. “I understand. Kung ako ang nasa lugar mo, baka mas grabe pa ang reaksyon ko. But I’m here. Nasa bahay na si Ash. She’s safe.”

Tumango si Apollo, ngunit halatang pigil pa rin ang galit at takot. Lumapit ito sa kapatid at niyakap ito mula sa gilid. alam—”

“Mabuti na lang at may tumulong,” ani Miles habang pinupunasan ang pisngi ng anak. “Salamat, Zanjoe. Hindi namin alam kung anong mangyayari kung hindi mo siya nasundo.”

“Mama, Papa…” mahina pero buo ang tinig ni Ashley, “…can I stay in my room tonight? Gusto ko po munang makapagpahinga.”

“Sige anak, sasamahan ka na namin,” sabi ni Jerson.

“Ok lang po ba hayaan n’yo po ako na samahan muna siya,” sabat ni Zanjoe. “Kung okay lang po. Hindi pa siya handang mag-isa.”

Nagkatinginan sina Miles at Jerson, tapos tumango si Miles. “Sige, pero sandali lang. Pahinga na rin kayo, ha.”

Umakyat sina Ashley at Zanjoe sa second floor. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ng dalaga. T

Matapos ipainom ni Zanjoe ang gatas, umupo ito sa kama, balot ng kumot. Nakatingin ito sa sahig, pero kita sa mata ang tensiyon.

“Tulog na siguro silang lahat sa baba,” mahinang sabi ni Zanjoe. “Gusto mong may kasama hanggang makatulog ka?”

Tumango lang si Ashley. “Takot pa rin ako… baka bumalik sila…”

Umupo si Zanjoe sa tabi niya, at dahan-dahang hinawakan ang kamay nito.

“Hindi na sila makakalapit,” bulong niya. “Promise ko ‘yan. Hindi ko hahayaang may manakit sa’yo. Kahit kailan.”

Nag-angat ng tingin si Ashley at dahan-dahang isinandal ang ulo sa balikat ni Zanjoe.

At sa oras na ‘yon, habang pinikit ni Ashley ang kanyang mga mata, niyakap siya ni Zanjoe ng mahigpit—hindi lang para pakalmahin siya, kundi para tiyakin sa sarili niyang hindi niya ito kailanman papabayaan.

**********

POV ni Apollo

Tahimik ang buong bahay.

Nasa sala siya ngayon, mag-isa sa sofa, nakatitig sa kawalan habang unti-unting nauupos ang hawak niyang tasa ng malamig nang tsaa. Sa labas ng bintana, kita niya ang ilaw sa itaas—Ashley's room. Alam niyang nandoon si Ashley. Kasama si Zanjoe.

Hindi niya alam kung dapat siyang magalit o magpasalamat.

Kanina pa siya balisa. Nang tumawag si Mama na hindi pa rin dumarating si Ashley, agad siyang umalis ng dorm, hindi na nagpalit ng sapatos, at humarurot pauwi. But he was too late—nauna si Zanjoe. At kung hindi raw ito dumating, baka… baka ibang kuwento na ang hinaharap nila ngayong gabi.

Napahawak siya sa sintas ng kanyang hoodie, pinaglaruan ito habang mariing napapikit. Naiiyak na naman siya. Hindi siya sanay na makitang gano’n ang kapatid niya—basang-basa, nanginginig, parang wala sa sarili. Si Ashley na palaban, masayahin, at matapang—ngayon ay parang isang basag na salamin.

Naalala niya ang mga panahong lagi niyang binubuhat ito noong bata pa sila. Ang Ashley na iyakin sa tuwing natatalisod sa hardin. Ang Ashley na takot sa kulog kaya dumidikit sa kanya tuwing umuulan. Akala niya, habang tumatanda sila, mababawasan ang mga ganung eksena. Pero hindi pala. Mas lumalaki lang pala ang mga takot habang lumalawak ang mundong ginagalawan.

At mas lumalalim din ang kanyang pagiging kuya.

Napabuntong-hininga siya at napatingin sa hagdan. Ilang minuto pa, at unti-unting bumaba si Zanjoe. Tahimik ang hakbang nito, halatang pagod, pero alerto pa rin ang mata. Pagkakita niya kay Apollo, saglit itong huminto at lumapit.

"Kamusta si Ashley?" tanong ni Apollo, halos pabulong.

"Nakainom na siya ng gatas, nakatulog na rin, pero mahina pa rin ang loob niya," sagot ni Zanjoe, naupo sa kabilang dulo ng sofa.

Saglit silang natahimik.

"Zan… salamat, ha," ani Apollo. "Alam kong hindi ko palaging sinasabi, pero… salamat talaga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung—"

"‘Wag na," putol ni Zanjoe. "Pare, alam mo naman kahit kailan, hindi ko pababayaan ‘yon."

Tumango si Apollo. At sa wakas, napangiti siya nang bahagya.

“Alam mo, kahit pa madalas tayong nag-aasaran dati—lalo na nung high school—ikaw pa rin ang pinili ko na pagkatiwalaan para kay Ashley,” aniya. “Hindi lang dahil matagal na tayong magkaibigan. Kundi dahil alam kong... mahal mo siya.”

Hindi agad nakasagot si Zanjoe. Napatingin lang ito kay Apollo, saka tumango.

“Buong-buo ang tiwala ko sa’yo, Zan,” dagdag pa ng kuya. “Pero kung sakaling may araw na mapagod ka… wag mong hayaan si Ashley na masaktan. Kahit emosyonal man o pisikal.”

Tumango si Zanjoe, seryoso ang mukha.

“Hindi ko siya iiwan. Hindi ko siya pababayaan,” sagot niya. “Hindi lang dahil mahal ko siya, kundi dahil kapatid mo siya. At ayokong sirain ang tiwalang ‘yon.”

Tumayo si Apollo, saka tinapik ang balikat ni Zanjoe. “Sige. Magpahinga ka na rin. Alam kong ikaw rin, pagod ka na.”

Habang paakyat na si Apollo pabalik sa kwarto niya, muling lumingon ito kay Zanjoe at seryosong sinabi:

"Alagaan mo siya. Hindi lang ngayong gabi—kundi araw-araw."

Tumango si Zanjoe, at sa saglit na tinginan nila, parehong alam nilang may bagong yugto nang nagsisimula. Hindi lang para kay Ashley, kundi para sa kanilang tatlo—bilang magkaibigan, bilang magkakapatid sa paninindigan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 30

    Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Habang tinutulungan niyang mailagay si Ashley sa kama, napansin niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—wala na ang lahat ng mga posters ni Hugh sa dingding ng kwarto ni Ashley. Ang mga pumalit ay mga posters ng mga endorsements ni Zanjoe mismo. Napatingin siya nang matagal, parang hindi makapaniwala. “Totoo ba ito? Baka nananaginip lang ako,” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang ibinaba si Ashley sa kama, inalis ang sapatos nito para gumaan ang pakiramdam. Para bang bumalik siya sa mga panahong mad

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 29

    Hindi maiwasan ni Zanjoe na muling lumingon kay Ashley. Siya — ang babaeng matagal na niyang minahal, na nasa puso niya nang higit pa sa anumang bagay. Aminado siyang mahal pa rin niya siya, kahit ang sakit ay hindi na niya maipagkaila. Ngunit kahit ganoon, itinuloy niya ang kanyang plano—ang pag-alis patungong New York.Bukod sa kailangang ayusin ang ilang endorsements at samahan si Graciella para sa kanyang treatments, kailangan din niyang magkaroon ng distansya, ng pagkakataong mag-isip nang malinaw. Tulad ng kanta ng Five for Fighting na Superman, “Even heroes have the right to bleed.” Kahit na para sa iba ay tila siya ang bida sa sariling kwento, siya rin ay tao—may mga sugat na kailangang paghilumin.Kailangan niyang maghilom, bago siya makapagsimula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay.Hindi madali para sa kanya ang pagiging si Zanjoe — higit pa sa pagiging isang modelo, artista, o kahit na kung sino pa siya sa mata ng ibang tao. Siya ay tao rin, na may mga pangarap, takot,

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 28

    Kasalukuyang nagbi-brisk walking si Ashley sa gilid ng kanilang subdivision, nilalakad nang maayos ang daan habang nilalanghap ang sariwang simoy ng umaga. Ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang pag-asa, kahit sa likod ng kanyang puso ay may mabigat na tanong na hindi pa rin nasasagot. Ang mga tanong tungkol sa mga bagay na nangyari, sa mga damdaming hindi pa malinaw, at sa mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.Habang naglalakad, bigla niyang namataan ang isang sasakyan na dumarating sa driveway ng kanilang bahay. Nang lumapit ito, agad niyang nakilala si Hugh, na bumababa mula rito nang may dalang ngiti at palakaibigang aura na tila ba nagsasabing “nandito ako para sa’yo.”“Good morning, Ashley!” masiglang bati ni Hugh, na mabilis na nilapitan si Ashley at humalik sa kanyang pisngi nang may init ng pagkakaibigan at pagkalinga.“Oh hi, Hugh… Aga naman ng pagdalaw mo kay Jamie , ha,” tugon ni Ashley nang may konting biro, sinubukang aliwin ang sarili.“Yeah… yeah, inagahan ko

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 27

    Pinili ni Ashley na mapag-isa. Masyado siyang naguluhan ng mga nangyari at kailangan niyang huminga nang malalim, lumayo sa ingay ng event, at payapain ang sarili. Lumabas siya ng hotel, dala ang mabigat na damdamin na hindi niya maipaliwanag. Kailangan niya iyon — ang makalayo, makalanghap ng sariwang hangin na magpapabawas ng tensyon sa kanyang dibdib.Habang nakatanaw sa malawak na kalangitan ng gabi, napaisip siya. Paano kaya kung maibabalik niya ang oras? Paano kung maibabalik niya ang panahon noong maayos pa ang lahat nila ni Zanjoe? Noong walang mga tampuhan, walang mga lihim, at walang mga sugat na pilit nilang tinatago sa puso. Kung maibabalik niya iyon, hindi na siya magpapalampas pa ng kahit isang pagkakataon para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang binata, kung gaano siya humahanga at umaasa sa kanya.Malalim na buntunghininga ang lumabas sa kanyang labi, na parang inaalis ang bigat ng mga luha na hindi niya pinapayagang dumaloy. “Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 26

    Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine.Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang mabasag ang eardrum niya sa tili nito over the phone. "Oh hi Kris.. What's up?" tanong n

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 25

    The whole dinner was such a pain in the neck for Ashley. Para bang invisible siya sa lahat—no one was even looking her way. But honestly, she didn’t care about that part. Ang totoong inis niya? Dalawang tao na walang pakundangang nagdi-display ng affection sa harap niya, para bang wala nang ibang tao sa paligid.Duh! Manong intindihin na lang nila ang pagkain, hindi iyong kulang na lang ay maglabas ng keycard papunta sa hotel room. Nakakadiri. Nakakairita. At higit sa lahat… nakakasakit sa loob.“So, are you planning to stay for good?” tanong ng ama niya kay Tito Phem. Simula kasi nang mag-abroad si Tito Phem, doon na rin siya nagtrabaho sa isang kilalang ospital. Si Tita Karren naman, ipinasa na lang sa mga kaibigan ang pamamahala ng Sweet Buds. At si Zanjoe? Well… doon nagsimula ang career niya—kilala na ngayon bilang isang international ramp at commercial model. And by the way his presence filled the room tonight, halata kung bakit.“Yeah, yeah… we’re not getting any younger. We de

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status