One of the biggest regrets ni Ashley ay hindi man lang siya nakapagpa-picture with Hugh. Nais man niyang bumalik sa oras, kahit ilang minuto lang, para lang masabi sa sarili niyang hindi niya pinalampas ang pagkakataon, pero syempre, hindi puwedeng rewind ang buhay. Tatlong selfie lang sana. O kahit isa lang. Isang picture lang sana habang hawak ang kamay nito sa ibabaw ng mesa—ebidensya na totoo ang lahat, hindi lang isang ilusyon o panaginip.
Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang mga dahong naglalaglagan sa gilid ng pathway ng BISU. Hawak niya ang kanyang notebook pero hindi siya nakakapagsulat. Imbes, paulit-ulit lang sa isip niya ang tanong na, “Babalik pa kaya si Hugh? Makikita ko pa kaya siya uli?”
Napapikit siya, sabay ngiti habang naaalala ang ngiti nito, 'yung pisil sa kamay niya, 'yung pagkasabi ng “It’s nice to hear that from you.” Para siyang kinilig muli kahit wala namang bagong nangyayari.
Pero bigla rin siyang nabalik sa realidad.
"Siopao for my Ash!"
'Isa pa naman ito. Bigla bigla na lang sumusulpot.' Nasa harapan na niya ngayon si Zanjoe habang iniaabot sa kanya ang paper bag na may lamang siopao mula sa isang kilalang convenient store.
"Ano na naman 'to? Tumataba na ako sa mga binibili mo eh. Paano pa ako magugustuhan ni Hugh My Loves nito?"
Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ni Zanjoe. Ngayon lang kasi siya nagcomplaint sa mga binibigay nito sa kanya.
"Hello! Iappreciate mo na lang ang blessing. Blessing yan galing kay Lord." naiiling na sabi nito. "Besides, hindi ka naman tumataba eh. At wala rin namang masama sa pagiging healthy. Tumaba ka man maganda ka pa rin. Hugh My Loves Hugh My Loves eh hindi ka naman kilala nun"
"Amen. Sige okay na. Nakumbinsi mo na ako don. Pero I beg to disagree about Hugh My Loves." nakaingos pero tumatawang sabi niya sa kaibigan. Besides naaappreciate naman talaga niya ang ganitong gestures nito sa kanya. Halos lahat yata ng kababaihan sa BISU ay naiinggit at nagseselos sa kanya. Bakit? Gusto lang naman nilang mapalapit sa kanyang kaibigan na si Zan.
He's the typical tall, dark and handsome na ideal para sa mga girls. His features insinuates that you can depend on him. With him around, you're confident that you're always safe.
*******************
Hugh couldn't help but reminisce the day he met a girl named Ashley. She was funny and cute. The way she opens her mouth whenever she's amazed. She didn't mind at all if she looks weird. So naive and innocent. Hindi niya malimutan ang maganda nitong mukha.
She wasn’t wearing fancy clothes. She didn’t even have makeup on. Pero sa dami ng taong bumati sa kanya noong araw na ‘yon, Ashley stood out. There was something magical about her—hindi sa pagiging sobrang ganda kundi sa pagiging totoo niya.
Yung reaction nito nang makita siya. Yung pagkakaawang ng bibig nito na para bang bata sa unang kita ng fireworks. She was amazed—and unapologetic about it.
Nakakatawang isipin, pero kahit sikat siya, madalas ay hindi na siya natutuwa sa mga umaaligid sa kanya. Puro scripted, puro pakitang-tao. Pero si Ashley, hindi. There was sincerity in her eyes. Walang arte. Walang pretensyon.
Hindi niya nakuha ang buong pangalan nito, ni hindi niya natanong kung may I* ba ito o kung may number ba siya. Ang tanging naiwan sa kanya ay pangalan: Ashley. At isang maikling alaala.
Siguro, I'll search for her some other time. Sa dami ng Ashleys sa mundo, good luck na lang. But still, he made a mental note to ask someone from the organizing committee kung may makukuha siyang clue. Kasi kung aasa lang siya sa memorya, baka mawala na lang sa hangin ang lahat.
Unfortunately, he didn’t have the luxury of time anymore.
Kakauwi lang niya ng Manila—actually, hindi pa nga talaga “uwi” ang naramdaman niya. Tuloy-tuloy ang tapings, photoshoots, endorsements, interviews. Sunod-sunod. Walang pahinga. That’s the price of being in demand. The price of being seen but not known. Of smiling at cameras while hiding how drained you really are.
Biglang bumukas ang pinto nang walang pasabi.
“Kahapon pa ako tumatawag sa’yo pero hindi ka sumasagot.” matigas ang boses ni Kristel, ang ka-loveteam niyang halos kasabay niyang sumikat. Pumasok ito sa dressing room na para bang may karapatang tanungin siya sa lahat ng kilos niya.
Walang emosyon sa mukha ni Hugh. Sanay na siya sa ganitong eksena. “I didn’t notice your call. Alam mo namang may schedule kami nina Keith at Matthew para gumawa ng cover.” Walang init ang boses niya. Walang pakitang guilt.
“But you didn’t call me back. Give me a valid reason.” mariin ang tono ni Kristel, hindi tinatanggap ang sagot.
Nagbuntong-hininga si Hugh at tumingin sa kanyang reflection sa salamin. Is this really what it means to be successful?
“Kristel…” mahina niyang sabi. “You know we’re not obligated to keep up appearances off-cam. We’re friends, you’re important to me, but I never led you on.”
May lungkot sa tono niya. Hindi galit. Hindi din pagtanggi na may damdamin si Kristel. Pero gusto niyang malinawan ito.
“Hindi ko sinabi sa’yo na gusto kita. I don’t want to lie—not to the public, and not to you. Even if that’s what the fans want. And you know that.”
Hindi sumagot si Kristel. Sa halip, tumitig ito sa kanya. 'Yung titig na puno ng hinanakit at pag-asa na unti-unting nauupos. Nang walang makuhang paliwanag na magpapalubag ng loob niya, ay padabog siyang lumabas ng silid. Iniwan siya sa gitna ng katahimikan.
Hugh leaned back, closed his eyes, and let the silence devour him.
He whispered to himself, barely audible, “Ashley… saan kita hahanapin?”
Sa lahat ng fake na nangyayari sa paligid niya, si Ashley lang ang naaalala niyang totoo.
At doon, sa gitna ng kawalan, nangako siya sa sarili: Next time, hindi na kita palalagpasin.
*****************
“Shit!” malakas at litong bulalas ni Ashley habang mabilis na lumingon sa likuran ng kanyang palda. Naramdaman niyang basa ito, at sa kasamaang-palad ay may pulang mantsang sumilip sa light-colored skirt niya. Perfect timing naman talaga, katawan! sabay pisil sa puson na unti-unti nang kinukuryente ng matinding dysmenorrhea.
Hindi na niya alam kung ano ang uunahin—ang pamumula ng kanyang pisngi sa hiya, ang sakit sa puson na tila nanununtok, o ang biglaang dami ng mga estudyanteng dumadaan sa corridor. She clutched her bag, trying to use it to cover her back, pero alam niyang kulang ito para mapagtakpan ang nangyari.
Napaka-unfair! Lagi na lang ganito. She inherited this cursed pain from her mom, Miles, who always warned her to keep extra pads and pain relievers in her bag. But today, she forgot. Sa sobrang pagmamadali niya kanina, ni hindi niya nadampot ang emergency pouch niya.
At bigla… may marahang dumampi sa kanyang likuran.
“Hey, I’ve got you covered!” bulong ng isang pamilyar na boses.
Paglingon niya, si Zanjoe iyon. Dahan-dahang itinatali sa kanyang beywang ang kulay gray nitong hoodie jacket. Inikot ng maayos, binuhol ang mga manggas, at siniguradong natakpan nang buo ang stain.
Para siyang na-freeze sa kinatatayuan. For a moment, nawala ang lahat ng tao sa paligid. Para silang nasa sariling mundo—siya, si Zan, at ang pulso niyang hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis.
Who else, nga naman? Sa dami ng tao sa campus, bakit sa tuwing may ganitong mga eksena, palaging si Zanjoe ang sumusulpot? May radar ba ito sa kanya? O baka lang talaga, he’s always been there—even when she wasn’t looking?
Naalala niya kung paano ito lumaking disiplinado. Anak ng mabait na mag-asawang sina Ninang Karren at Ninong Phem. Nag-iisang anak pero hindi spoiled. In fact, he’s one of the most grounded people she knew. A real gentleman. A real friend.
Napatingin siya sa paligid. Gaya ng inaasahan, maraming mga mata ang nakatingin sa kanila. May mga nakaawang ang bibig, may nag-aadjust ng salamin, at may nakakunot-noo na tila nagtataka kung bakit siya ang sinamahan ni Zan.
“Sana all!” narinig pa niyang bulalas ng isang babaeng may hawak na milktea.
“So lucky naman that girl.”
“That should be me.” sabay irap ng isa pa.
Pero hindi siya makaramdam ng inggit o kaba. Instead, she felt something strange. Parang may maliit na apoy na kumislot sa loob ng dibdib niya. Hindi siya sanay na nakakatanggap ng ganitong atensyon—lalo na galing sa mga babae sa paligid ni Zan, na parang laging nakaabang kung sino ang susunod nitong itatabi.
Habang inaayos ni Zan ang pagkakabuhol ng kanyang jacket sa bewang niya, napagmasdan niya ito ng mabuti. Hindi naman talaga nagbago ang kababata niya. Medyo tumangos lang ang ilong, naging mas defined ang panga, at nagkaroon ng konting broadness sa balikat. Pero ‘yung ngiti, ‘yung pagtitig, ‘yung ugali—pareho pa rin.
Ganun pa rin siya kakomportable rito. Ganun pa rin sila kalapit. Minsan nga, biruan pa nila, kilala nila ang isa’t isa to the point na kahit utot pa ni Zan ay alam niyang galing dito. Ganern sila ka-close. Walang arte. Walang ilangan.
“Okay ka lang ba? Do you want me to take you home?” may pag-aalalang tanong ni Zan. His brows furrowed, and his eyes scanned her face for any sign of pain. Halatang nag-aalala.
Nais sana niyang tanggihan. Ayaw niyang makaabala. Ayaw niyang ma-feel nito na responsibilidad siya. Pero ang sakit ng puson niya ay hindi na niya kayang itago. Tumango na lang siya habang napapapikit sa kirot.
“Puwede ba? Okay lang ba sa’yo?” tanong niya, mahina ang boses.
Ngumiti si Zan. Yung ngiti nitong may kakayahang magpakalma ng bagyo. “Yes, of course, Ash. Let’s go.”
Maingat siyang inalalayan ni Zan papunta sa parking lot. Ni minsan ay hindi ito bumitaw. Hinayaan siyang umalalay sa braso nito habang nilalakad nila ang path. Sa bawat hakbang, pakiramdam niya ay may taong handang damayan siya—hindi dahil sa obligasyon, kundi dahil may malasakit talaga.
Pagkaupo niya sa passenger seat, pakiramdam niya ay konti na lang, babagsak na siya. Napakapit siya sa seatbelt habang mahigpit na hawak ang kanyang tiyan.
“Salamat, Zan…” mahina niyang bulong, sabay ngiti bago niya ipinikit ang mga mata.
At bago pa man tuluyang bumigay ang katawan niya sa antok at sakit, naramdaman niya ang palad ni Zan na marahang hinaplos ang kanyang ulo.
“Rest ka lang, Ashley. I got you.” bulong nito, halos pabulong na panalangin.
And with that, she finally drifted to sleep—safe, warm, and somehow… comforted by something she couldn’t name yet.
Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Habang tinutulungan niyang mailagay si Ashley sa kama, napansin niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—wala na ang lahat ng mga posters ni Hugh sa dingding ng kwarto ni Ashley. Ang mga pumalit ay mga posters ng mga endorsements ni Zanjoe mismo. Napatingin siya nang matagal, parang hindi makapaniwala. “Totoo ba ito? Baka nananaginip lang ako,” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang ibinaba si Ashley sa kama, inalis ang sapatos nito para gumaan ang pakiramdam. Para bang bumalik siya sa mga panahong mad
Hindi maiwasan ni Zanjoe na muling lumingon kay Ashley. Siya — ang babaeng matagal na niyang minahal, na nasa puso niya nang higit pa sa anumang bagay. Aminado siyang mahal pa rin niya siya, kahit ang sakit ay hindi na niya maipagkaila. Ngunit kahit ganoon, itinuloy niya ang kanyang plano—ang pag-alis patungong New York.Bukod sa kailangang ayusin ang ilang endorsements at samahan si Graciella para sa kanyang treatments, kailangan din niyang magkaroon ng distansya, ng pagkakataong mag-isip nang malinaw. Tulad ng kanta ng Five for Fighting na Superman, “Even heroes have the right to bleed.” Kahit na para sa iba ay tila siya ang bida sa sariling kwento, siya rin ay tao—may mga sugat na kailangang paghilumin.Kailangan niyang maghilom, bago siya makapagsimula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay.Hindi madali para sa kanya ang pagiging si Zanjoe — higit pa sa pagiging isang modelo, artista, o kahit na kung sino pa siya sa mata ng ibang tao. Siya ay tao rin, na may mga pangarap, takot,
Kasalukuyang nagbi-brisk walking si Ashley sa gilid ng kanilang subdivision, nilalakad nang maayos ang daan habang nilalanghap ang sariwang simoy ng umaga. Ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang pag-asa, kahit sa likod ng kanyang puso ay may mabigat na tanong na hindi pa rin nasasagot. Ang mga tanong tungkol sa mga bagay na nangyari, sa mga damdaming hindi pa malinaw, at sa mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.Habang naglalakad, bigla niyang namataan ang isang sasakyan na dumarating sa driveway ng kanilang bahay. Nang lumapit ito, agad niyang nakilala si Hugh, na bumababa mula rito nang may dalang ngiti at palakaibigang aura na tila ba nagsasabing “nandito ako para sa’yo.”“Good morning, Ashley!” masiglang bati ni Hugh, na mabilis na nilapitan si Ashley at humalik sa kanyang pisngi nang may init ng pagkakaibigan at pagkalinga.“Oh hi, Hugh… Aga naman ng pagdalaw mo kay Jamie , ha,” tugon ni Ashley nang may konting biro, sinubukang aliwin ang sarili.“Yeah… yeah, inagahan ko
Pinili ni Ashley na mapag-isa. Masyado siyang naguluhan ng mga nangyari at kailangan niyang huminga nang malalim, lumayo sa ingay ng event, at payapain ang sarili. Lumabas siya ng hotel, dala ang mabigat na damdamin na hindi niya maipaliwanag. Kailangan niya iyon — ang makalayo, makalanghap ng sariwang hangin na magpapabawas ng tensyon sa kanyang dibdib.Habang nakatanaw sa malawak na kalangitan ng gabi, napaisip siya. Paano kaya kung maibabalik niya ang oras? Paano kung maibabalik niya ang panahon noong maayos pa ang lahat nila ni Zanjoe? Noong walang mga tampuhan, walang mga lihim, at walang mga sugat na pilit nilang tinatago sa puso. Kung maibabalik niya iyon, hindi na siya magpapalampas pa ng kahit isang pagkakataon para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang binata, kung gaano siya humahanga at umaasa sa kanya.Malalim na buntunghininga ang lumabas sa kanyang labi, na parang inaalis ang bigat ng mga luha na hindi niya pinapayagang dumaloy. “Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili
Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine.Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang mabasag ang eardrum niya sa tili nito over the phone. "Oh hi Kris.. What's up?" tanong n
The whole dinner was such a pain in the neck for Ashley. Para bang invisible siya sa lahat—no one was even looking her way. But honestly, she didn’t care about that part. Ang totoong inis niya? Dalawang tao na walang pakundangang nagdi-display ng affection sa harap niya, para bang wala nang ibang tao sa paligid.Duh! Manong intindihin na lang nila ang pagkain, hindi iyong kulang na lang ay maglabas ng keycard papunta sa hotel room. Nakakadiri. Nakakairita. At higit sa lahat… nakakasakit sa loob.“So, are you planning to stay for good?” tanong ng ama niya kay Tito Phem. Simula kasi nang mag-abroad si Tito Phem, doon na rin siya nagtrabaho sa isang kilalang ospital. Si Tita Karren naman, ipinasa na lang sa mga kaibigan ang pamamahala ng Sweet Buds. At si Zanjoe? Well… doon nagsimula ang career niya—kilala na ngayon bilang isang international ramp at commercial model. And by the way his presence filled the room tonight, halata kung bakit.“Yeah, yeah… we’re not getting any younger. We de