Share

Chapter 6

Author: Maui Azucena
last update Last Updated: 2021-05-05 17:20:57

   

Kinabukasan ng Umaga

Maagang umaga. Maambon pa rin sa labas. Tahimik ang buong paligid maliban sa mahinang pagtili ng hangin sa siwang ng bintana. Sa loob ng kwarto, banayad na liwanag lamang mula sa kurtinang cream ang tumatama sa mukha ni Ashley.

Maingat na binuksan ni Zanjoe ang pinto ng kwarto, hawak-hawak ang maliit na tray na may prutas, isang baso ng tubig, at gamot. Tahimik niyang isinara ang pinto at lumapit sa kama.

Nakahiga pa rin si Ashley, nakabalot sa kumot. Maputla pa rin ang pisngi nito, at medyo namumugto ang mga mata. Ramdam niyang hindi pa ito ganap na nakaka-recover—hindi lang sa ginaw at sakit ng katawan kundi pati sa takot na iniwan ng gabi ng kahapon.

“How do you feel now?” malumanay na tanong ni Zanjoe, habang inilalapag ang tray sa bedside table.

Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang buhok ng dalaga, tila sinasalisod ang bawat hibla ng pag-aalala. Tumingin lang si Ashley sa kanya—walang imik pero puno ng damdamin ang mga mata.

“Are you mad at me?” usisa niyang muli, halos pabulong. Hindi mawala sa isip niya na kung hindi siya pumunta… baka ibang klaseng bangungot ang inabot ni Ashley.

Umiling si Ashley. Mula sa pagkakahiga, marahan siyang umangat paupo, at maagap naman siyang inalalayan ni Zanjoe, sinigurong hindi ito mabibigla.

“No. I’m not,” mahinahong sagot ng dalaga. “Bakit naman ako magagalit sa'yo? Hindi mo naman ginusto na mangyari iyon, Zan. If anything, thankful ako sa’yo. Lagi kang nandiyan. You're the best man ever.” Bagaman malamlam ang mukha, pinilit nitong ngumiti.

Napangiti si Zanjoe. Pakiramdam niya, nabunutan siya ng tinik. Thanks, God.

“Did you take your meds already?” tanong niya, habang inaayos ang kumot sa likod ng dalaga.

Tumango si Ashley. “Yes, I did. Mama brought them here earlier.”

“Good,” sagot niya. “Para mas mapadali ang paggaling mo. Pero seriously, ang laki mong tao, sakitin ka pa rin.”

Napairap si Ashley, sabay sabing, “You’re so mean!”

Ngumiti si Zanjoe, sabay kuha ng isang poster mula sa likuran niya. “I got something for you.”

Agad niyang iniladlad ang hawak, at tila sumigla bigla si Ashley nang makita ito. Namilog ang mga mata nito at napaupo nang tuwid.

“Wow! Really? Binili mo ‘to?” sabay abot sa poster.

Ngumiting pasimpleng namilosopo si Zanjoe. “Hindi, dinampot ko lang sa kalye. Malakas naman hangin kagabi eh.”

Nagmake-face si Ashley, sabay hagikhik. “Hehehe… Funny.”

Tinitigan niya ang poster—isa sa mga paboritong banda niya mula pa noong high school. Kinilig itong parang bata na binigyan ng bagong paborito niyang plushie.

Maya-maya’y bumangon ito ng bahagya at kinuha sa drawer ang double-sided tape. “Where will I paste this?” tanong niya kay Zanjoe.

Tinuro ni Ashley ang parte ng dingding kung saan wala pang nakadikit. Agad siyang tumayo at maingat na itinapat ang poster.

“Pantay ba?” tanong niya.

“Hmm… Kunti pa. Ayun. Ganyan. Ayos na.”

Habang idinidikit ang poster, napalingon siya kay Ashley. Nakatitig ito sa kanya—mas maaliwalas na ang mukha, may konting pamumula na ang pisngi, at higit sa lahat, maluwang na ang ngiti.

Napabuntong-hininga si Zanjoe, parang tahimik na nagpasalamat sa langit.

Anything for Ashley.

Bumalik siya sa gilid ng kama at tinakpan muli ang balikat nito ng kumot.

“Rest ka ulit. I’ll make you something warm to drink later. Gusto mo champorado?”

Natuwa si Ashley. “With tuyo?”

Tumango siya, kunwaring seryoso. “Siyempre. The Zanjoe Special.”

Napatawa ulit si Ashley. “You’re full of surprises.”

Tumango siya. “Laging may surprise basta ikaw.”

At sa gitna ng mahinang ulan sa labas, at ng katahimikan ng silid, nabalot sila ng isang di matawarang init—hindi ng katawan, kundi ng pagtitiwala, pag-aalaga, at isang damdaming hindi na kayang itago ng kahit sinong hindi umamin.

**************

     

Kasalukuyang nasa loob ng Odyssey Multi-Media Store si Ashley, tahimik na namimili ng CD habang pinapakinggan ang instrumental na musika sa background. Sa kabila ng maliwanag at makulay na ilaw ng department store, may bahid pa rin ng pag-iingat sa bawat hakbang niya. Hindi pa rin siya ganap na kampante. Masyado siyang binabantayan ng mga magulang at lalo na ni Zanjoe—tila lahat ay naging paranoid simula nang mangyari ang insidente sa labas ng unibersidad. Ayaw na siyang palabasin mag-isa. Pero ngayon, pinayagan siya, basta’t tumawag agad kapag tapos na. Sa wakas, kahit papaano, parang may kaunting kalayaan.

“Finally…” mahina niyang bulong sa sarili nang makita ang matagal na niyang hinahanap—ang VCD ng album ni Hugh Perez. Hinawakan niya ito na parang isang kayamanang matagal na niyang pinapangarap. Excited siyang mapanood ito mamayang gabi. Hugh Perez—ang lalaking hindi lang magaling umawit, kundi nagtataglay din ng kakisigan na tila nakakatunaw ng puso.

Habang nakangiti siyang pumipihit paharap sa counter, biglang—

THUD!

“Ah!” Napasinghap siya nang bahagya silang magkabungguan ng isang lalaki. Nabitiwan niya ang VCD, at nahulog ito sa sahig, gumulong pa palayo. Ang mas malala—muntik na siyang matumba sa lakas ng impact kung hindi lang siya mabilis na nahawakan ng lalaki. Ipinulupot nito ang kanyang bisig sa bewang niya, hinila siya papalapit upang huwag matumba.

“Ayy!” Mabilis na reaksyon niya ay ang kapit sa leeg ng lalaki, parang natutong humawak sa buhay.

Ilang segundo ang lumipas bago siya naka-recover. Nang makabawi ay agad siyang umatras ng kaunti at tinanggal ang kamay sa pagkakakapit sa lalaki. Napansin din niyang inalis na rin nito ang pagkakayakap sa kanya. Tumango siya, nagpaumanhin, ngunit nanatili siyang nakatitig sa mukha ng lalaki.

Muntik na siyang mapahiyaw.

Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeee! Si Hugh!

Nanlaki ang mga mata niya. Si Hugh Perez. Si Hugh Perez talaga ang kaharap niya. Hindi ito hallucination. Hindi ito panaginip. Ito pa rin ang Hugh na nakita niya ilang buwan na ang nakalilipas—mas gwapo pa yata ngayon. Naka-hood ito, mukhang low profile, pero imposibleng hindi siya makilala ng sinuman.

“Ashley, right?” tanong nito sa kanya, may bahid ng pagkakakilala sa boses nito.

Napakurap siya. Napanganga.

Oh my God. OH. MY. GOD. Kinala—kilala niya ako? Napasigaw ang utak niya, pero impit lang ang lumabas sa kanyang bibig. “Eeee—” naputol ito nang bigla siyang tinakpan ni Hugh ng kamay sa bibig.

“Shh…” bulong nito habang palinga-linga sa paligid, sinisigurong walang ibang nakarinig o nakakilala sa kanya. “Delikado.”

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Oo nga pala. Sikat si Hugh. Baka biglang magka-gulo sa store kung makita siya.

Nang makalampas sa kanila ang isang grupo ng kabataan, agad siyang binitawan ni Hugh. Yumuko ito at dinampot ang nahulog na VCD. Nang makita kung anong album iyon, napangiti siya.

“You want to buy this?” tanong nito, hawak-hawak ang VCD.

Tumango siya, parang batang nahuli sa pagkakaguilty.

Ngumiti si Hugh at maingat na ibinalik ang VCD sa rack. “Then come with me,” sabay hawak sa kamay niya.

Parang nakuryente si Ashley. Agad siyang napasunod. Wala nang tanong-tanong. Sundan si Hugh. Always follow the cute guy holding your hand.

Wala pa ring imik ang dalaga habang naglalakad silang dalawa. Nakaduck cap at hoodie si Hugh, pero kahit anong tago niya, malakas pa rin ang aura nito. Parang may sariling gravity.

Sumakay sila sa elevator papuntang ground floor. Buti na lang at walang ibang sakay kundi sila. Sa sulok ng elevator, inayos ni Hugh ang hood niya, sabay silip kay Ashley. Tahimik lang siya, pero kitang-kita sa mga mata ang kaba at excitement.

“What?” tanong ni Hugh, nang mapansing nakatitig lang siya.

“Nothing,” mabilis niyang iwas. “Just… this is surreal.”

Ngumiti ito. “Get used to it.”

Pagkabukas ng elevator ay agad silang lumabas at tumuloy sa car park. Nilabas ni Hugh ang susi at pinindot ang remote. Isang matte black na kotse ang nagbukas ng pinto.

“Where are we going?” naitanong niya habang papasok siya sa loob.

“To my car,” sagot ni Hugh. “I’ll give you my personal copy of that VCD you wanted to buy earlier.”

Napanganga ulit siya.

“W-wow. Seriously?” bulalas niya. “Are you giving me your—like, your own copy?”

Tumango si Hugh. “With autograph and message. Exclusive, brat.”

Tila mapapatili na naman siya ngunit pinigilan ang sarili. Natawa si Hugh sa hitsura niya.

“Brat…” aniya habang sumisilip sa glove compartment. “I’m going to kiss you if you don’t shut your mouth.”

Agad niyang tinikom ang bibig, habang nanginginig sa kilig ang puso. Gusto niyang humalakhak, pero baka seryoso ito. O baka hindi. Hindi niya alam. Basta, ito ang pinaka epic na araw ng buhay niya.

Ilang saglit lang, iniabot na ni Hugh ang VCD. May pirma ito, at may nakasulat:

"To Ashley – Keep shining. You’re unforgettable. – Hugh"

Kipkip niya iyon sa dibdib na parang relikya.

“Aalis na ako, baka hinahanap na ako sa bahay,” mahina niyang paalam.

Ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod—

“Care if we eat snacks somewhere?” tanong ni Hugh, tinititigan siya na parang may sinserong paghikayat sa mga mata.

Hindi siya agad nakasagot. Para siyang natulala.

‘Yeah great!’ sigaw ng utak niya.

Hindi makapaniwala si Ashley sa swerte ng araw na ito. Isang simpleng araw na sana’y pagbili lang ng VCD, pero ngayon… parang nanalo siya sa lotto ng buhay.

Ito na siguro ang araw na hindi niya kailanman malilimutan.

           

*************************

           

Sa isang cozy na resto sa loob pa rin ng mall, nagkaharap sina Hugh at Ashley sa isang maliit na round table. Semi-private ang area, kaya hindi sila masyadong kita sa ibang customers. Naka-cap at hoodie pa rin si Hugh, habang si Ashley ay panay ang silip at iwas ng tingin—parang di makapaniwalang kaharap niya talaga ang iniidolong singer.

“Order ka na,” sabi ni Hugh habang nakapatong ang isang siko sa mesa, chin-resting habang tinititigan siya.

Kinabahan si Ashley. Bakit ba ganito ang titig ni Hugh? Parang may halong tukso at pang-uusisa. Kaya ayun—ang ending, napa-blurt out siya ng order nang hindi nag-iisip.

“Cheeseburger. Dalawang rice. Atsara. At milk tea. Large.”

Napakagat siya sa labi pagkatapos—OMG Ashley ano ‘yan, gutom ka girl o gutom ka sa attention?!

Natawa si Hugh. “Dalawang rice agad? Gutom pala si idol ko.”

Namula siya. “Sorry! Di ako nag-lunch eh.”

Tumawa lang si Hugh. “Okay lang. At least wala kang ‘arteng pa-cute.’ Gusto ko ‘yan.”

Dumating ang order. Nagsimula silang kumain. Habang ngumunguya si Ashley ng cheeseburger, bigla siyang napaubo—may cheese palang naipit sa ngalangala.

Koff! Koff!” sunod-sunod na ubo.

“Whoa—water, wait!” Agad na tumayo si Hugh at inabutan siya ng tubig, pero dahil sa taranta, natapon niya ito… sa sarili niya.

Basang-basa ang hoodie niya sa harap.

Natawa si Ashley kahit hinihimas pa ang lalamunan.

“OH MY GOD! I’m sorry! Grabe. Ako na nga ‘yung nalunod sa cheese, ikaw pa ‘yung nabasa!”

Ngumisi si Hugh habang hawak ang tissue. “Okay lang. At least pareho tayong may drama ngayong date.”

“Date?!”

Napanganga siya. Napahinto si Hugh. Parang natawa sa sarili.

“Well... Not really a date-date. I mean—wait. Forget I said that. Kakahiya.” Tinakpan niya ang mukha ng tissue.

Ashley laughed so hard this time. “Hugh, seriously. Di kita ine-expect na clumsy ka rin pala. Kala ko cool ka lang lagi.”

“I am cool!” depensa niya, pero natapik niya ulit ang baso ng tubig—this time, muntik matapon sa cellphone niya.

“Ay sige, ikaw na ang cool,” pang-aasar ni Ashley habang pinupunasan ang mesa.

Sandaling natahimik. Pero mas relaxed na ang vibe nila. Parang wala nang awkward.

“Seriously though,” sabi ni Hugh habang naglalagay ng ketchup sa fries. “I don’t get to do this a lot. Kumain lang… with someone na di plastik, di showbiz. You’re... refreshingly weird.”

Ashley blinked. “Uhm… Thank you? Compliment ba ‘yun?”

“Very much,” sagot ni Hugh, sabay kurot sa fries at isinubo.

Ngumiti siya. Gosh. Iba ‘tong araw na ‘to talaga. Ang weird. Ang saya.

Pagkatapos nilang kumain, sabay silang naglakad palabas ng resto—mas magaan na ang loob ni Ashley. Hindi lang siya basta fan. Hindi lang basta kwentong “I saw him once.” Ngayon, may kwento na siya: Nakilala ko siya. Nakasama ko siya. At halos malunod ako sa cheese sa harap niya.

************

Hindi pa rin makapaniwala si Ashley sa nangyaring dinner kanina. Hindi lang basta nakita o nakausap si Hugh Perez—nakabonding pa niya! At ngayon, narito sila nakaupo sa waiting bench ng isang sikat na waterpark.

“Ashley, ano bang napasukan mo?!” Napahawak siya sa noo.

“Do you wanna ride?” tanong ni Hugh na suot ang shades at cap na pang-disguise pa rin.

“Hoy, seryoso ka ba?! May fans kang biglang lumitaw, lagot tayo!”

“Relax. Konti lang ang tao sa private zone.”

“Wow, artista nga talaga. May pa-private zone.”

“Dapat lang. VIP ka ngayon,” sabay kindat.

“Thank you, Hugh,” mahina niyang sabi. “For giving me this day.”

Humarap ito sa kanya. “You deserve it. Alam mo, Ashley… it’s weird.”

“Ano?”

“You’re the first girl I’ve spent this much time with outside work. And I don’t feel exhausted. I feel… light.”

Napatingin si Ashley. “Maybe it’s the cheese.”

“Maybe,” natawa ito. “Or maybe it’s you.”

************

Pagkaraan ng lakad, humiga sila sa grass area kung saan tanaw ang langit na may golden glow ng sunset. Tahimik lang sila, parehong nakatingin sa ulap na dahan-dahang kumikilos.

“Look,” ani Ashley. “Parang unicorn ‘yung cloud na ‘yon.”

“Looks like a hippo to me,” sabat ni Hugh.

“Hindi kaya. Mali ka.”

“Okay, unicorn hippo,” sagot nito. “Para walang gulo.”

Tumawa si Ashley.

“Do you miss this?” tanong niya.

“Miss what?”

“This kind of life. Yung normal lang. Walang camera, walang fans.”

Tahimik si Hugh. “Every day.”

Bumaling ito sa kanya. “But right now, this feels like home.”

            

            

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 30

    Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Habang tinutulungan niyang mailagay si Ashley sa kama, napansin niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—wala na ang lahat ng mga posters ni Hugh sa dingding ng kwarto ni Ashley. Ang mga pumalit ay mga posters ng mga endorsements ni Zanjoe mismo. Napatingin siya nang matagal, parang hindi makapaniwala. “Totoo ba ito? Baka nananaginip lang ako,” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang ibinaba si Ashley sa kama, inalis ang sapatos nito para gumaan ang pakiramdam. Para bang bumalik siya sa mga panahong mad

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 29

    Hindi maiwasan ni Zanjoe na muling lumingon kay Ashley. Siya — ang babaeng matagal na niyang minahal, na nasa puso niya nang higit pa sa anumang bagay. Aminado siyang mahal pa rin niya siya, kahit ang sakit ay hindi na niya maipagkaila. Ngunit kahit ganoon, itinuloy niya ang kanyang plano—ang pag-alis patungong New York.Bukod sa kailangang ayusin ang ilang endorsements at samahan si Graciella para sa kanyang treatments, kailangan din niyang magkaroon ng distansya, ng pagkakataong mag-isip nang malinaw. Tulad ng kanta ng Five for Fighting na Superman, “Even heroes have the right to bleed.” Kahit na para sa iba ay tila siya ang bida sa sariling kwento, siya rin ay tao—may mga sugat na kailangang paghilumin.Kailangan niyang maghilom, bago siya makapagsimula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay.Hindi madali para sa kanya ang pagiging si Zanjoe — higit pa sa pagiging isang modelo, artista, o kahit na kung sino pa siya sa mata ng ibang tao. Siya ay tao rin, na may mga pangarap, takot,

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 28

    Kasalukuyang nagbi-brisk walking si Ashley sa gilid ng kanilang subdivision, nilalakad nang maayos ang daan habang nilalanghap ang sariwang simoy ng umaga. Ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang pag-asa, kahit sa likod ng kanyang puso ay may mabigat na tanong na hindi pa rin nasasagot. Ang mga tanong tungkol sa mga bagay na nangyari, sa mga damdaming hindi pa malinaw, at sa mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.Habang naglalakad, bigla niyang namataan ang isang sasakyan na dumarating sa driveway ng kanilang bahay. Nang lumapit ito, agad niyang nakilala si Hugh, na bumababa mula rito nang may dalang ngiti at palakaibigang aura na tila ba nagsasabing “nandito ako para sa’yo.”“Good morning, Ashley!” masiglang bati ni Hugh, na mabilis na nilapitan si Ashley at humalik sa kanyang pisngi nang may init ng pagkakaibigan at pagkalinga.“Oh hi, Hugh… Aga naman ng pagdalaw mo kay Jamie , ha,” tugon ni Ashley nang may konting biro, sinubukang aliwin ang sarili.“Yeah… yeah, inagahan ko

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 27

    Pinili ni Ashley na mapag-isa. Masyado siyang naguluhan ng mga nangyari at kailangan niyang huminga nang malalim, lumayo sa ingay ng event, at payapain ang sarili. Lumabas siya ng hotel, dala ang mabigat na damdamin na hindi niya maipaliwanag. Kailangan niya iyon — ang makalayo, makalanghap ng sariwang hangin na magpapabawas ng tensyon sa kanyang dibdib.Habang nakatanaw sa malawak na kalangitan ng gabi, napaisip siya. Paano kaya kung maibabalik niya ang oras? Paano kung maibabalik niya ang panahon noong maayos pa ang lahat nila ni Zanjoe? Noong walang mga tampuhan, walang mga lihim, at walang mga sugat na pilit nilang tinatago sa puso. Kung maibabalik niya iyon, hindi na siya magpapalampas pa ng kahit isang pagkakataon para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang binata, kung gaano siya humahanga at umaasa sa kanya.Malalim na buntunghininga ang lumabas sa kanyang labi, na parang inaalis ang bigat ng mga luha na hindi niya pinapayagang dumaloy. “Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 26

    Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine.Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang mabasag ang eardrum niya sa tili nito over the phone. "Oh hi Kris.. What's up?" tanong n

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 25

    The whole dinner was such a pain in the neck for Ashley. Para bang invisible siya sa lahat—no one was even looking her way. But honestly, she didn’t care about that part. Ang totoong inis niya? Dalawang tao na walang pakundangang nagdi-display ng affection sa harap niya, para bang wala nang ibang tao sa paligid.Duh! Manong intindihin na lang nila ang pagkain, hindi iyong kulang na lang ay maglabas ng keycard papunta sa hotel room. Nakakadiri. Nakakairita. At higit sa lahat… nakakasakit sa loob.“So, are you planning to stay for good?” tanong ng ama niya kay Tito Phem. Simula kasi nang mag-abroad si Tito Phem, doon na rin siya nagtrabaho sa isang kilalang ospital. Si Tita Karren naman, ipinasa na lang sa mga kaibigan ang pamamahala ng Sweet Buds. At si Zanjoe? Well… doon nagsimula ang career niya—kilala na ngayon bilang isang international ramp at commercial model. And by the way his presence filled the room tonight, halata kung bakit.“Yeah, yeah… we’re not getting any younger. We de

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status