Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Habang tinutulungan niyang mailagay si Ashley sa kama, napansin niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—wala na ang lahat ng mga posters ni Hugh sa dingding ng kwarto ni Ashley. Ang mga pumalit ay mga posters ng mga endorsements ni Zanjoe mismo. Napatingin siya nang matagal, parang hindi makapaniwala. “Totoo ba ito? Baka nananaginip lang ako,” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang ibinaba si Ashley sa kama, inalis ang sapatos nito para gumaan ang pakiramdam. Para bang bumalik siya sa mga panahong mad
Hindi maiwasan ni Zanjoe na muling lumingon kay Ashley. Siya — ang babaeng matagal na niyang minahal, na nasa puso niya nang higit pa sa anumang bagay. Aminado siyang mahal pa rin niya siya, kahit ang sakit ay hindi na niya maipagkaila. Ngunit kahit ganoon, itinuloy niya ang kanyang plano—ang pag-alis patungong New York.Bukod sa kailangang ayusin ang ilang endorsements at samahan si Graciella para sa kanyang treatments, kailangan din niyang magkaroon ng distansya, ng pagkakataong mag-isip nang malinaw. Tulad ng kanta ng Five for Fighting na Superman, “Even heroes have the right to bleed.” Kahit na para sa iba ay tila siya ang bida sa sariling kwento, siya rin ay tao—may mga sugat na kailangang paghilumin.Kailangan niyang maghilom, bago siya makapagsimula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay.Hindi madali para sa kanya ang pagiging si Zanjoe — higit pa sa pagiging isang modelo, artista, o kahit na kung sino pa siya sa mata ng ibang tao. Siya ay tao rin, na may mga pangarap, takot,
Kasalukuyang nagbi-brisk walking si Ashley sa gilid ng kanilang subdivision, nilalakad nang maayos ang daan habang nilalanghap ang sariwang simoy ng umaga. Ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang pag-asa, kahit sa likod ng kanyang puso ay may mabigat na tanong na hindi pa rin nasasagot. Ang mga tanong tungkol sa mga bagay na nangyari, sa mga damdaming hindi pa malinaw, at sa mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.Habang naglalakad, bigla niyang namataan ang isang sasakyan na dumarating sa driveway ng kanilang bahay. Nang lumapit ito, agad niyang nakilala si Hugh, na bumababa mula rito nang may dalang ngiti at palakaibigang aura na tila ba nagsasabing “nandito ako para sa’yo.”“Good morning, Ashley!” masiglang bati ni Hugh, na mabilis na nilapitan si Ashley at humalik sa kanyang pisngi nang may init ng pagkakaibigan at pagkalinga.“Oh hi, Hugh… Aga naman ng pagdalaw mo kay Jamie , ha,” tugon ni Ashley nang may konting biro, sinubukang aliwin ang sarili.“Yeah… yeah, inagahan ko
Pinili ni Ashley na mapag-isa. Masyado siyang naguluhan ng mga nangyari at kailangan niyang huminga nang malalim, lumayo sa ingay ng event, at payapain ang sarili. Lumabas siya ng hotel, dala ang mabigat na damdamin na hindi niya maipaliwanag. Kailangan niya iyon — ang makalayo, makalanghap ng sariwang hangin na magpapabawas ng tensyon sa kanyang dibdib.Habang nakatanaw sa malawak na kalangitan ng gabi, napaisip siya. Paano kaya kung maibabalik niya ang oras? Paano kung maibabalik niya ang panahon noong maayos pa ang lahat nila ni Zanjoe? Noong walang mga tampuhan, walang mga lihim, at walang mga sugat na pilit nilang tinatago sa puso. Kung maibabalik niya iyon, hindi na siya magpapalampas pa ng kahit isang pagkakataon para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang binata, kung gaano siya humahanga at umaasa sa kanya.Malalim na buntunghininga ang lumabas sa kanyang labi, na parang inaalis ang bigat ng mga luha na hindi niya pinapayagang dumaloy. “Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili
Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine.Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang mabasag ang eardrum niya sa tili nito over the phone. "Oh hi Kris.. What's up?" tanong n
The whole dinner was such a pain in the neck for Ashley. Para bang invisible siya sa lahat—no one was even looking her way. But honestly, she didn’t care about that part. Ang totoong inis niya? Dalawang tao na walang pakundangang nagdi-display ng affection sa harap niya, para bang wala nang ibang tao sa paligid.Duh! Manong intindihin na lang nila ang pagkain, hindi iyong kulang na lang ay maglabas ng keycard papunta sa hotel room. Nakakadiri. Nakakairita. At higit sa lahat… nakakasakit sa loob.“So, are you planning to stay for good?” tanong ng ama niya kay Tito Phem. Simula kasi nang mag-abroad si Tito Phem, doon na rin siya nagtrabaho sa isang kilalang ospital. Si Tita Karren naman, ipinasa na lang sa mga kaibigan ang pamamahala ng Sweet Buds. At si Zanjoe? Well… doon nagsimula ang career niya—kilala na ngayon bilang isang international ramp at commercial model. And by the way his presence filled the room tonight, halata kung bakit.“Yeah, yeah… we’re not getting any younger. We de