Dahil ayaw na niyang gambalain ang mahimbing na tulog ni Ashley, ipinasya ni Zanjoe na huwag itong gisingin. Buong ingat niya itong binuhat mula sa sasakyan, dahan-dahang isinandal sa dibdib at tinakpan ang mukha ng buhok nito gamit ang kanyang palad. Minsan pa niyang naamoy ang pamilyar na bango nito—halimuyak ng lavender at baby powder. Nakaangkla ito sa kanya, tila nagiging mas magaan ang bigat ng mundo habang yakap niya ito.Pagdating nila sa bahay ng dalaga, sinalubong siya ni Manang Lydia, ang matagal nang kasambahay ng pamilya ni Ashley. “Ay, si Ma’am Ashley… tulog na tulog. Sige iho, ituloy mo na lang siya sa kwarto,” mahinang sabi nito.Tahimik siyang pumasok at tinungo ang silid ni Ashley. Binuksan niya ang pinto gamit ang siko, at nang makapasok, dahan-dahan niyang inihiga ang dalaga sa kama nito na parang isang babasaging bagay.Maingat niyang hinubad ang sapatos at medyas nito, siniguradong hindi ito magigising. Bahagya pa siyang lumuhod sa gilid ng kama at pinanood ang da
Last Updated : 2021-05-05 Read more