Share

Chapter 7

Author: Maui Azucena
last update Last Updated: 2021-05-05 17:23:08

     

Pudpod na yata ang swelas ng suot niyang Bahamas flip-flops sa kakaparoo’t parito niya sa may garden nina Ashley. Ilang ulit na niyang nilibot ang maliit na daan mula gate hanggang pinto, pero ni anino ng dalaga, wala pa rin.

Kanina pa siya pinapapasok sa loob ng bahay ni Apollo, pero panay ang tanggi niya. Tumigil na nga si Apollo sa kakayaya at hinayaan na lang siyang mag-panic sa sarili.

Hindi kasi siya mapakali. Dapat, nasa bahay na si Ashley ilang oras na ang nakakaraan. Sabi nito, pupunta lang sa Odyssey Multi Media Store para bumili ng VCD.

“Eh kung saan-saan pa napadpad ‘to…” mariin niyang bulong habang tumingin sa langit, na tila ba umaasang may sagot doon.

Kumunot ang noo niya habang paulit-ulit na tinatawagan ang dalaga. Ring lang ng ring. Walang sumasagot.

‘Damn it, Ash! Pick up the phone!’ Lalo siyang pinanlamigan ng pawis. Hindi nakakatulong ang naaalalang trauma — yung insidenteng muntik nang hindi na makauwi si Ashley. Simula noon, kung puwede lang talaga, 24/7 niya itong babantayan.

Napailing siya at tuluyang pumasok sa bahay. Hindi na siya mapakali, at mas pipiliin pa niyang siya na mismo ang susundo.


“Susunduin ko na lang po si Ashley, Tito, Tita,” aniya.

“Eh di sige, ikaw na bahala, iho,” ani Tito Jerson habang nakapatong ang kamay sa balikat ni Tita Miles.

“Ingat sa pagda-drive ha, at text mo agad si Apollo kung may balita,” paalala pa ni Tita.

Tumango siya, nagmadaling lumabas. Pagbukas niya ng gate…

Biglang—

“Hi, Zan!”

Napatigil siya. Muntik na niyang ibagsak ang hawak niyang susi.

Naroon si Ashley, naka-sling bag, may hawak pang plastic na may VCD. Basang-basa ng pawis pero fresh pa rin ang aura—at maluwang ang pagkakangiti, parang walang nangyari.

‘What the fu—’ Pinilit niyang tapusin ang pagmumura sa isip. Mabilis siyang nag-inhale-exhale. Para siyang sumabog na lobo sa sobrang pressure na biglang nabutas.

Nilapitan niya ito. Mataman. Diretsong tingin.

“Bakit ngayon ka lang?” sunod-sunod ang tanong niya. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Alam mo bang paalis na ako para hanapin ka?!”

Parang alertong sundalo, biglang tinaas ni Ashley ang dalawang kamay at naningkit ang mga mata.

“Hep hep hep! Isa-isa lang please. Mahina ang kalaban,” nakangiti niyang sabi. Tila hindi ramdam ang kaba’t inis ng kaharap.

Napahawak si Zanjoe sa buhok niya. Halos mapasabunot sa sarili. Tila ba gusto niyang batuhin ng tsinelas ang sarili niyang nerbiyos. Pinameywangan niya ang dalaga.

“Una, nagkita kami ni Hugh kaya nagtagal ako. After he gave me this,” itinaas niya ang plastic na may VCD, “kumain na rin kami. I consider it as my first date ever!

Boom. Tumigil ang mundo ni Zanjoe. Nanlaki ang mata niya.

Parang naputol ang hininga niya. “First wha—?”

Agad siyang yumuko at hinipo ang noo ng dalaga. “Nilalagnat ka ba? May sinat ka ba? Binat mo ba ‘to?”

Tumawa si Ashley habang iniiwas ang noo. “Zan! You’re thinking I’m crazy. I’m not. I’m perfectly fine. Sa totoo lang, sobrang saya ko ngayon.”

Hindi pa rin siya makapaniwala.

“Nagsasabi ka nga ng totoo Ash…” yumuko siya ulit, mas malapit ngayon. “...Naka-drugs ka ba?”

“ZAN!” Napahalakhak si Ashley. “Puro ka kabaliwan!”

“Sorry, pero after everything that happened last month, hindi ko ma-process agad na chill ka lang ngayon habang ako, parang mamamatay na kanina sa nerbiyos!”

Inakap niya ito bigla. Mahigpit.

“Next time, Ash… please. Kahit isang text lang. Kahit emoji. Kahit sticker. Wag mo na ulitin 'to. Baka mamatay na talaga ako sa panic attack, promise,” bulong niya.

Medyo natigilan si Ashley. Naramdaman niyang totoo ang kaba sa boses ni Zanjoe. Marahan siyang huminga at niyakap din ito pabalik.

“Okay. Sorry na. Hindi ko na uulitin, pinky swear,” sabay taas ng pinky.

Napailing na lang si Zanjoe at pinisil ang pinky nito.

“Come on, drama queen,” aniya sabay akbay kay Ashley. “Pumasok ka na nga’t baka paliguan ka pa nila Tita ng sermon.”

********************************    

Nag-guilty talaga siya.

Kanina pa niya iniisip kung paano siya magsisimula ng paghingi ng tawad habang nakaupo sa hapag, kasalo ang buong pamilya—si Mommy, Daddy, si Kuya Apollo na halos hindi umiimik, at si Zanjoe na tahimik lang habang kumakain.

"Sorry po talaga. Di ko po sinasadya. Hindi ko po alam na ganun ang magiging dating... Hindi ko po intensyong mag-alala kayo."

Hindi man perpekto ang pagpapaabot niya ng saloobin, ramdam niya ang sinseridad sa sarili. At salamat sa langit, tinanggap ito ng mga magulang niya nang bukas-palad. Si Mommy ang unang ngumiti at hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa.

"Basta next time, hija... kahit simpleng lakad lang, mag-update ka, ha?"

Tumango siya agad. "Opo, Ma."

Si Daddy naman ay tipikal na tahimik, pero sa simpleng tango at pagkagat sa paborito niyang lumpiang shanghai, alam niyang okay na rin ang lahat.

Pero si Kuya Apollo?

Wala. Deadma. Parang hindi siya nakita. Parang invisible siyang multo sa mesa.

"Yeah, great. I have an invisible twin brother now," bulong niya sa isip habang napapairap.

Kung hindi lang siya inabutan ni Zanjoe ng tubig, baka napatitig na lang siya sa kawalan buong hapunan. Buti na lang, andun si Zan. Tahimik, pero lagi pa ring nararamdaman.

Pagkakain, maaga siyang nagpaalam na magpapahinga na. "Salamat po sa masarap na dinner. Good night!" At saka siya umakyat sa kwarto, habang si Zanjoe naman ay umuwi na rin sa kabilang bahay.

Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag. Finally, tapos na ang guilt trip.

***************************

...tapos ayun po, bigla siyang sumulpot sa may record section.!”

Tuwang-tuwa si Ashley habang nakaupo sa couch, animated ang gestures habang kinukuwento ang “first date” kuno nila ni Hugh. Hawak-hawak pa rin niya ang VCD na parang trophy, nilalapit-lapit pa sa mga magulang niya na parang nanalo sa raffle.

Nakangiti si Tita Miles, habang si Tito Jerson ay tumatawa lang nang mahina.

“Parang may potential ‘yung Hugh na ‘yan ah,” biro ni Tito sabay tingin kay Ashley.

“Papa!” sabay kurot ni Ashley sa braso nito.

Sa kabilang gilid ng sofa, tahimik lang si Zanjoe.

Nasa isang upuan siya, nakahalukipkip, nakasandal pero hindi mapakali. Tila ba nanonood ng horror film habang nagku-kuwento si Ashley tungkol sa magical moments niya sa department store kasama si “Prince Hugh.”

Sa bawat “aww” ni Ashley, kumikirot ang loob niya.

Napatingin siya sa hawak nitong VCD. The Notebook.

‘Talaga lang, ha. “First date” daw. VCD lang pala ang katapat ng kilig mo.’

Tumingin siya sa kisame. Saka na-realize—ilang taon na ba ngayon? VCD? Hindi man lang Blu-ray? Hindi ba ‘yan parang red flag?

Hindi niya namalayang nakangiti na siya ng pilit.

“Zanjoe, anak, okay ka lang ba? Tahimik ka lang d’yan,” tanong ni Tita Miles, sabay abot sa kanya ng juice.

“Ah… opo, Tita. N-nakikinig lang po,” pilit niyang sagot sabay lagok ng juice — pero nabulunan siya.

“Khu-khu-khu—”

“Uy! Dahan-dahan naman!” Agad na inabot ni Ashley ang tissue.

Napahawak siya sa dibdib, umiiling habang sinisilip ang VCD sa mesa.

Dahil lang diyan? Buntong-hiningang VCD?’

Huminga siya nang malalim.

"Next time, ako na ang magdadala ng VCD.”

Nagkatinginan sila. Kumurap si Ashley. Napailing, natawa.

“Talaga? Anong title, Fast & Furious?”

Tumango siya, naka-half-smile. “Mas bagay sa’kin ang Taken. Yung ‘I will find you… and I will kill you’ vibe.”

Napatawa ng malakas si Ashley. Pero habang tumatawa siya, napatigil ito nang makita ang seryosong tingin ni Zanjoe bago ito lumakad palayo.

At isang thought lang ang laman ng isip ni Zanjoe:

Game on, Hugh. Game on.’

 ***************

Pagkapasok sa kwarto, agad siyang dumiretso sa banyo para makapag-half bath. Nang matapos ay suot ang malambot na oversized shirt at naka-bun ang buhok, kinuha niya agad ang VCD na kanina pa niya gustong mapanood.

Sinaksak niya sa player, binuksan ang LED TV, at naupo sa kama habang sabik na naghihintay sa intro.

At doon lumabas si Hugh.

“OMG. Ang guwapo talaga ni Hugh. Ang ganda at lamig ng boses.”

Sa bawat eksena, lalo siyang kinikilig. Hindi na siya umupo nang maayos. Humiga na siya sa kama, kinuha ang unan at niyakap ito nang mahigpit habang nakatitig sa screen. Hindi niya maalis ang tingin sa maamong mukha ni Hugh. Napapailing pa siya habang iniisip kung paano ito ginuwa ng langit na ganun ka-perfect.

"From the jet-black eyes, sharp nose, pinkish lips, hanggang sa flawless na kutis… ano to, tao ba ‘to o sinapian ng photoshop?"

Napapasinghap siya, napapangiti. Minsan napapakagat-labi.

"Sana ako na lang si female lead."

Naputol ang pantasya niya nang biglang umilaw ang cellphone niya. Napakunot-noo siya.

Unregistered number.

"Sino naman kaya ‘to?" bulong niya habang binubuksan ang message.

I had a great time. See you when I see. Sweet dreams.

– Michael Hugh

Saglit siyang natigilan. Parang hindi makapaniwala. Binasa ulit. Dalawang beses. Tatlo.

At doon na siya napaimpit ng tili.

"EEEEEEEEEHHHHHHHHHH!!!"

Napapadyak siya sa kama. Kinagat ang unan. Napaikot sa bed. Tumakbo sa harap ng salamin.

"Yes! Yes! Yes! Ang saya lang! Hindi ako nananaginip!"

Nagpaikot-ikot siya na parang nakatanggap ng love letter mula sa langit.

"This must be love!"

At habang nasa tuktok siya ng kilig, hindi niya napansin na ilang hakbang lang mula sa bintana ng kanyang kwarto, may isang aninong tahimik na nakatingin—hawak ang isang luma nang flipflop, habang naglalaro sa isipan kung paano nga ba siya magpaparamdam.

************

Tahimik ang buong paligid. Tanging ang mahinang ugong ng electric fan sa kanyang kwarto ng naririnig niya.

Kasalukuyan siyang nakahiga, nakasampay ang braso sa kanyang noo habang nakatitig sa kisame. Hindi siya mapakali.

Kanina pa niya sinusubukang ipikit ang mga mata, pero parang kahit anong gawin niya, may kung anong kaba at inis ang gumagapang sa dibdib niya. Parang may mali. Parang may kulang.

O baka naman... siya lang talaga ang hindi maka-get over.

“First date, huh…” bulong niya sa sarili habang pilit nilulunod sa unan ang buntung-hininga.

Hindi niya maalis sa isipan ang itsura ni Ashley habang masigla nitong kinukuwento sa pamilya nila ang nangyaring “first date.” Ang saya ng mata nito. Ang tuwa sa boses. Parang ibang Ashley ang nakita niya—isa na hindi siya kasali.

Napalingon siya sa lumang drawer sa tabi ng kama. Hinila niya ang unang compartment. At doon, maingat niyang inilabas ang isang lumang photo album na asul ang takip—yung may design ng mga lobo at bituin. Nursery pa lang sila ni Ashley.

Isa-isang lumitaw ang mga alaalang matagal na niyang kinukubli. Doon siya tumigil sa isang larawan—si Ashley, nakapusod, nakangiting may chocolate sa labi habang hawak niya ang kamay nito. Sa likod ng larawan, nakasulat:

"Nursery Bestfriend Day – Me and Ash."

"Kahit kelan, hindi na kita binitawan." bulong niya habang pinadaanan ng daliri ang mukha ni Ashley sa litrato.

Ibinaba niya ang album at muling humiga. Doon na sana siya pipikit nang biglang—

"EEEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHH!!!"

Napabalikwas siya ng bangon. Tumigil ang mundo niya.

"Si Ash ‘yon. Diyos ko, ano na naman yun?!"

Saglit siyang napatulala, pero hindi makapigil ang sariling isip. Tumakbo agad sa bintana. Binuksan ang kurtina. Walang ilaw sa kwarto ni Ashley pero alam niyang andun ito.

Muling sumigaw ang dalaga, mas mahina pero punong-puno ng kilig.

"Yes! Yes! Yes!"

Napakuyom siya ng kamao.

"Talaga lang ha..." bulong niya habang pilit pinapakalma ang sarili.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya, maiinis, o… masasaktan.

"Kung kailan ako bumibigay, saka ka naman nagkakagusto sa iba."

Umatras siya sa bintana, ibinalik ang kurtina, at marahang isinara. Naglakad pabalik sa kama, pero hindi na siya humiga.

Umupo lang siya sa gilid nito, hawak-hawak pa rin ang larawang may chocolate lips si Ashley.

Tahimik.

Pero sa loob niya, maingay.

"Pwes. Game on talaga."

"Hindi pa huli ang lahat."

At sa gabing iyon, habang nagbubunyi si Ashley sa kilig, may isang Zanjoe namang nagdesisyong—hindi siya basta-basta magpapatalo.

***************

 

 

            

         

Michael Hugh couldn’t help but smile as he sat in the quiet of his temporary rest house, a mug of coffee steaming gently on the center table in front of him. Sa kabila ng lamig ng gabi, tila ba may kakaibang init ang bumabalot sa kanya ngayon.

He had a very wonderful experience today. A rare one, in fact.

Akalain ba niyang muling magtatagpo ang landas nila ng babaeng ilang buwan nang laman ng kanyang isip?

Months ago, he met her . Back then, she was just this bright-eyed girl who didn’t seem that affected by his presence—at least, not like the others who screamed and swarmed him. May kung anong aura ang dalaga na hindi niya malimutan. But then he got caught up with tours, album promotions, and tapings. Life moved fast—and so did time.

Pero kahit pa gaano siya ka-busy, she would still cross his mind in odd moments—like when he composed songs at midnight, or when he looked at crowds and searched for a familiar face. A face like hers.

And today, that face turned around in front of him… holding his VCD.

It felt too cinematic to be real.

He was just supposed to go home to Manila today. May taping siya bukas. But something told him to pass by Odyssey Multi-media Store. Gusto lang niyang makita ang placement ng album niya. Kung kumusta na ang sales.

Nag-hoodie siya at shades. Siyempre, safety first. Baka bigla siyang ma-recognize at magkagulo. Ayaw na niyang maulit yung insidenteng hinabol siya sa escalator last month.

Pagpasok niya ng store, agad niyang narinig ang kantang siya mismo ang kumanta. “Falling Deep”. Napangiti siya. May impact pa rin talaga. Nilingon niya ang rack—two copies left.

He was just about to grab one copy when a girl in front of him beat him to it. Then, as if scripted by fate, paglingon nito… boom—slight collision.

Muntik na siyang matawa habang inaabot niya ang braso ng dalaga para hindi ito matumba. Kumapit pa ito sa leeg niya!

The whole moment was just… surreal.

Pagkaayos ng babae ng sarili nito, sabay ang pagkabigla nilang dalawa. Siya—dahil hindi niya inaasahang si Ashley iyon. At ito—dahil hindi nito aakalaing si Michael Hugh ang nasalo niya.

“Ashley, right?” tanong niya, medyo nag-aalangan, pero sure na rin deep inside.

Kitang-kita niya ang gulat sa mata nito. Ang bahagyang pagbuka ng bibig. Halos matawa na siya sa reaction nito, pero pinigilan niya. Baka makatawag-pansin pa lalo.

Nagpanic pa si Ashley nang kilalanin siya, kaya napilitan siyang takpan ang bibig nito habang pabulong na sinabing, “Shhh… not here.”

Napalinga-linga siya—tama ang kutob niya. May paparazzi sa sulok. Muntik na silang maspot-an.

Pagkalagpas ng mga kabataang tila nagpa-picture kanina sa ibang artist, agad niyang kinuha ang VCD na nalaglag sa sahig. Tinapunan niya ng tingin si Ashley, amused.

“You want to buy this?” tanong niya.

Tumango ito na parang bata.

Ngumiti siya, ibinalik ang CD sa rack, tapos humarap dito.

“Then come with me.” sabay hila sa kamay ng dalaga.

Hindi na siya humintay ng sagot. Sa likod ng shades niya, masayang-masaya siyang nakita ulit ito.

***************         

At the restaurant inside the store, nag-enjoy siya sa simpleng kwentuhan nila. Walang filter. Walang pretensyon. Hindi siya Michael Hugh the celebrity. Sa mata ni Ashley, tila isa lang siyang ordinaryong lalaki na marunong sumalo ng VCD at kumain ng burger.

Nagulat pa siya nang orderin nito ang combo na paborito rin niya tuwing bata pa siya. Pagkatapos ay napunta ang usapan sa mga embarrassing childhood stories, at nagkatawanan pa sila ng malakas.

“Grabe, ikaw ‘yung artista pero ikaw ‘yung mas nahulog kanina,” kantiyaw nito.

“Excuse me? Hindi ako nahulog—sumalo ako,” balik niya, sabay kindat.

Masayang oras. At ang gusto niyang mas tumagal pa.

Pero kailangan na rin nitong umalis.

“My parents and kuya are probably worried already,” anito, habang inaayos ang bag.

Ayaw pa sana niyang bitawan, pero hindi naman siya pwedeng maging creepy. Kaya nang makaalis na ito, agad siyang nagtype ng message:

I had a great time. See you when I see. Sweet dreams. – Michael Hugh

Saglit siyang naghintay.

Ilaw. Vibration. Message received.

Thanks for a wonderful experience. Same to you. – Ash

Napahigpit ang hawak niya sa phone. Hindi niya mapigilan ang ngiti.

That night, Michael Hugh realized something.

He wasn’t letting her walk away this time.

No longer just a face in the crowd.

She had a name now.

She had a number.

She had his attention—fully and completely.

And from that day forward, Ashley wasn't just a girl from a chance encounter.

She was someone he would fight to keep in his story.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 30

    Parang replay lang ang nangyari. Ang sabi ng school nurse okay naman daw si Ashley. Baka puyat at pagod lang kung kaya't hinayaan na siya ng School Head na iuwi ang dalaga sa kanila. Dahil walang malay sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ginising ni Zanjoe si Ashley sa pagkakatulog. Dahil naitawag na niya ito sa bahay ng dalaga ay hindi na siya nahirapang ipasok ang sasakyan sa bakuran. Pinangko niya ito at dire - diretso na siya sa silid nito matapos tanguan ni Manang Lydia. Habang tinutulungan niyang mailagay si Ashley sa kama, napansin niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—wala na ang lahat ng mga posters ni Hugh sa dingding ng kwarto ni Ashley. Ang mga pumalit ay mga posters ng mga endorsements ni Zanjoe mismo. Napatingin siya nang matagal, parang hindi makapaniwala. “Totoo ba ito? Baka nananaginip lang ako,” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang ibinaba si Ashley sa kama, inalis ang sapatos nito para gumaan ang pakiramdam. Para bang bumalik siya sa mga panahong mad

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 29

    Hindi maiwasan ni Zanjoe na muling lumingon kay Ashley. Siya — ang babaeng matagal na niyang minahal, na nasa puso niya nang higit pa sa anumang bagay. Aminado siyang mahal pa rin niya siya, kahit ang sakit ay hindi na niya maipagkaila. Ngunit kahit ganoon, itinuloy niya ang kanyang plano—ang pag-alis patungong New York.Bukod sa kailangang ayusin ang ilang endorsements at samahan si Graciella para sa kanyang treatments, kailangan din niyang magkaroon ng distansya, ng pagkakataong mag-isip nang malinaw. Tulad ng kanta ng Five for Fighting na Superman, “Even heroes have the right to bleed.” Kahit na para sa iba ay tila siya ang bida sa sariling kwento, siya rin ay tao—may mga sugat na kailangang paghilumin.Kailangan niyang maghilom, bago siya makapagsimula ng panibagong kabanata sa kanyang buhay.Hindi madali para sa kanya ang pagiging si Zanjoe — higit pa sa pagiging isang modelo, artista, o kahit na kung sino pa siya sa mata ng ibang tao. Siya ay tao rin, na may mga pangarap, takot,

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 28

    Kasalukuyang nagbi-brisk walking si Ashley sa gilid ng kanilang subdivision, nilalakad nang maayos ang daan habang nilalanghap ang sariwang simoy ng umaga. Ang bawat hakbang niya ay tila may kasamang pag-asa, kahit sa likod ng kanyang puso ay may mabigat na tanong na hindi pa rin nasasagot. Ang mga tanong tungkol sa mga bagay na nangyari, sa mga damdaming hindi pa malinaw, at sa mga pangarap na tila unti-unting naglalaho.Habang naglalakad, bigla niyang namataan ang isang sasakyan na dumarating sa driveway ng kanilang bahay. Nang lumapit ito, agad niyang nakilala si Hugh, na bumababa mula rito nang may dalang ngiti at palakaibigang aura na tila ba nagsasabing “nandito ako para sa’yo.”“Good morning, Ashley!” masiglang bati ni Hugh, na mabilis na nilapitan si Ashley at humalik sa kanyang pisngi nang may init ng pagkakaibigan at pagkalinga.“Oh hi, Hugh… Aga naman ng pagdalaw mo kay Jamie , ha,” tugon ni Ashley nang may konting biro, sinubukang aliwin ang sarili.“Yeah… yeah, inagahan ko

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 27

    Pinili ni Ashley na mapag-isa. Masyado siyang naguluhan ng mga nangyari at kailangan niyang huminga nang malalim, lumayo sa ingay ng event, at payapain ang sarili. Lumabas siya ng hotel, dala ang mabigat na damdamin na hindi niya maipaliwanag. Kailangan niya iyon — ang makalayo, makalanghap ng sariwang hangin na magpapabawas ng tensyon sa kanyang dibdib.Habang nakatanaw sa malawak na kalangitan ng gabi, napaisip siya. Paano kaya kung maibabalik niya ang oras? Paano kung maibabalik niya ang panahon noong maayos pa ang lahat nila ni Zanjoe? Noong walang mga tampuhan, walang mga lihim, at walang mga sugat na pilit nilang tinatago sa puso. Kung maibabalik niya iyon, hindi na siya magpapalampas pa ng kahit isang pagkakataon para ipakita kung gaano niya pinahahalagahan ang binata, kung gaano siya humahanga at umaasa sa kanya.Malalim na buntunghininga ang lumabas sa kanyang labi, na parang inaalis ang bigat ng mga luha na hindi niya pinapayagang dumaloy. “Kaya ko ‘to,” bulong niya sa sarili

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 26

    Napapitlag si Ashley nang tumunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa parke ng paaralan at pauwi na sana nang mag ring ang kanyang cellphone. It was a call coming from Kristel. They became friends kahit long distance. Naging constant ang kanilang communication. At lalo na nang maging magkababayan sila dito sa Batangas. Kristel bought a farm near Villa. She had a daughter Dawn Allaire na hindi naman niya alam kung sino ang ama. She didn't dare to ask. If she opened up about it, then fine.Kristel even made her Allaires' Ninang. Even Hugh. Naging magkaibigan din sila. And what surprised her is knowing na nagkamabutihan ito at si Jamie. They really looked in love with each other. "Hello Ashley!" masiglang bati ni Kristel. As usual high pitch na naman ito pag ganitong excited o masaya. Just like noong simula itong ligawan ng Big Boss o CEO ng network na si Gunner. Muntik nang mabasag ang eardrum niya sa tili nito over the phone. "Oh hi Kris.. What's up?" tanong n

  • Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series   Chapter 25

    The whole dinner was such a pain in the neck for Ashley. Para bang invisible siya sa lahat—no one was even looking her way. But honestly, she didn’t care about that part. Ang totoong inis niya? Dalawang tao na walang pakundangang nagdi-display ng affection sa harap niya, para bang wala nang ibang tao sa paligid.Duh! Manong intindihin na lang nila ang pagkain, hindi iyong kulang na lang ay maglabas ng keycard papunta sa hotel room. Nakakadiri. Nakakairita. At higit sa lahat… nakakasakit sa loob.“So, are you planning to stay for good?” tanong ng ama niya kay Tito Phem. Simula kasi nang mag-abroad si Tito Phem, doon na rin siya nagtrabaho sa isang kilalang ospital. Si Tita Karren naman, ipinasa na lang sa mga kaibigan ang pamamahala ng Sweet Buds. At si Zanjoe? Well… doon nagsimula ang career niya—kilala na ngayon bilang isang international ramp at commercial model. And by the way his presence filled the room tonight, halata kung bakit.“Yeah, yeah… we’re not getting any younger. We de

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status