Share

Chapter 12

SINIGURO muna ni Maristela na tulog na ang kanyang ama bago tumawag sa Classique, kailangan niyang malaman kung naroon ba si Kristof. Isa sa mga waiter ang sumagot ng tawag at sinabing kaalis lang ni Kristof. Kailangan niyang makalabas ngayon din. Isa-isa niyang minanipula ang mga cctv sa loob at labas ng bahay gamit ang laptop ng kanyang ama sa library.

Ayaw niyang sugurin ang mga bantay dahil alam niyang hindi rin siya makakalabas, may security ang bawat entrance at exit ng buong kabahayan. Mataas ang bakod roon kaya kumuha siya ng mahabang lubid na may hook sa dulo at mano-manong itinapon sa puno na nasa likod ng bakod. Nang kumapit ang hook ay mahigpit niyang itinali ang lubid sa grills ng bintana.

Nang makasiguro na kakayanin ang bigat niya ay bumitin na siya at isinampay ang dalawang binti. Saglit siyang tumigil nang may nakita siyang bantay at nang nakaalis ay nagpatuloy siya sa pagtawid.

Maayos naman siyang nakababa at tumakbo palayo, sumakay siya ng tax

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status