NAKATUTOK sa telebisyon si Maristela habang nagbabalat ng orange, wala siyang pasok ngayon sa Classique kaya nasa condo unit lang muna siya. Nagkukulong siya sa kuwarto kanina pero paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang mga nangyari sa Tagaytay kaya lumabas siya para aliwin ang sarili.
"Patay ang magnobyo na nakatira sa isang apartment sa Quezon City dahil sa arsenic poisoning. Ayon sa mga kapitbahay ay maging sila ay nakadama ng ilang sintomas na lason ngunit tanging ang magnobyo lang ang hindi naagapan." Nabitin ang pagsubo niya ng slice ng orange dahil sa balita. Lumitaw sa screen ang statement ng city health office na nagsasabing may contaminant and linya ng tubig sa baranggay at pinayuhan ang mga nakatira doon na huwag iinom ng tubig na galing sa gripo.Napaisip si Maristela, kung water contaminant ay bakit ang magnobyo lang ang malalang tinamaan? The neighbors survived but not those two. Pagtingin niya sa cellphone ay may tawag mula sa kanyang ama.
Nagulat si Maristela nang madatnan si Seig sa harap pinto ng flat niya, wala siyang pinagsasabihan kung saan siya nakatira. May dala itong paperbag mula sa isang fastfood chain at pumpon ng red roses. Ngumiti ito nang makita siya. “Hi!” bati nito sa kanya. “Hi! How did you get here?” nagtatakang tanong niya. Dinukot niya ang susi sa kanyang bulsa at isinuksok sa doork knob. Pinagbuksan niya si Seig ng pinto at pinatuloy. “I followed you earlier, yayayain sana kitang mag-breakfast pero may emergency call na dumating kaya ngayon na lang kita yayayaing kumain.” Ipinatong nito ang mga bulaklak at mga pagkain sa dining table. “Sorry kung nagulat kita.” Inihain na nito ang dala at pinaupo siya sa upuan. “What would you want me to know about Kristof?” “Nothing. Kumain na tayo, I’m starving!” Totoong kumakalam na ang sikmura niya dahil hindi pa siya nag-aagahan at dinadalaw na rin siya ng antok. Habang ngumunguya ng sausage ay may nag-uudyok sa kanya na di
MASARAP ang gising ni Maristela, nag-inat siya bago umalis ng kama. Kung may ngiti ang mga labi niya bago matulog ay mayroon din sa paggising. Ngayon lang ulit siya nakatulog ng mahimbing at walang iniisip na problema. Wala na si Aquina roon ngunit may iniwan itong note sa side table kasama ang isang tangkay ng pulang rosas.I cooked spaghetti at pizza for you, inilagay ko na sa ref dahil hindi ko alam kung anong oras ka magigising, iinit mo na lang sa microwave. There’s a package for you it’s in the living room. A. Isinalang muna niya ang mga pagkain sa microwave bago kinuha ang package, ayon sa Scorpion na nakatatak sa ibabaw ng kahon ay mga bagong gamit ulit ito para sa kanya. Ipinasok niya sa kuwarto ang kahon at bumalik sa kusina, eksakto namang tapos na ang timer ng microwave kaya nagsimula na siyang kumain. Aquina is a good
SINIGURO muna ni Maristela na tulog na ang kanyang ama bago tumawag sa Classique, kailangan niyang malaman kung naroon ba si Kristof. Isa sa mga waiter ang sumagot ng tawag at sinabing kaalis lang ni Kristof. Kailangan niyang makalabas ngayon din. Isa-isa niyang minanipula ang mga cctv sa loob at labas ng bahay gamit ang laptop ng kanyang ama sa library.Ayaw niyang sugurin ang mga bantay dahil alam niyang hindi rin siya makakalabas, may security ang bawat entrance at exit ng buong kabahayan. Mataas ang bakod roon kaya kumuha siya ng mahabang lubid na may hook sa dulo at mano-manong itinapon sa puno na nasa likod ng bakod. Nang kumapit ang hook ay mahigpit niyang itinali ang lubid sa grills ng bintana.Nang makasiguro na kakayanin ang bigat niya ay bumitin na siya at isinampay ang dalawang binti. Saglit siyang tumigil nang may nakita siyang bantay at nang nakaalis ay nagpatuloy siya sa pagtawid.Maayos naman siyang nakababa at tumakbo palayo, sumakay siya ng tax
NAKANGISING kinuha ni Seig ang wolfsbane na nakalagay sa basurahan. Alas-otso ng umaga, sarado na ang Classique at siya na lamang ang natira roon. Nabalitaan niya na nakaligtas si Marci mula sa gas attack sa unit nito noong isang linggo. That woman cheated death so many times at gigil na gigil siya dahil doon. His phone chimed, tiningnan niya kung sino ang nag-text and binasa iyon.Macau.Iyon lang ang laman ng mensahe ngunit alam niya kung kanino galing iyon. He tried calling the number pero naka-block na agad iyon. Umakyat siya sa opisina at binuhay ang laptop. Kailangan niyang magpunta sa Macau.Tumunog ulit ang callphone niya.Bring Virgo.Anong nasa isip ni Zircon at gusto nitong dalhin niya si Maristela? Kahit kailan ay hindi niya mabasa ang taong ito. Matagal na siya sa underground business ngunit kahit kailan ay hindi pa niya nakikita si Zircon. Tanging untraceable messages ang paraan nito para makausap siya. Unang kita pa l
CAN you please get a grip of yourself?! Ilang beses mo nang nabigyan ng maling orders ang mga customer?! Are you even listening to what they want to drink?!” gigil na sabi ni Seig sa bago niyang empleyadong si Marci. Ito ang bagong bartender ng exclusive night club na pagmamay-ari niya kasama ang dalawang pang kaibigan na sina Cane at Kristof. Hinila niya si Marci sa staff room bago pinagalitan. Hindi naman makatingin ng diretso ang babae sa kaniya. Higit pa sa limang beses itong nagkamali sa pagtitimpla ng cocktails at iyon ang unang pagkakataon na may narinig siyang complaint mula sa mga customers.Binigyan niya si Marci ng benefit of doubt dahil may gusto siyang malaman tungkol rito at maganda naman ang feedback ng dalawa niyang kaibigan sa babae. Mas malaki pa sa mukha nito ang suot na salamin sa mata at dinaig pa ang isang teenager dahil sa suot na braces. Noong una ay nag-request pa kung puwedeng hanggang sakong ang skirt bilang uniform, hindi siya pumayag kaya bi
PININDOT ni Maristela ang dial pad ng telepono upang tawagan si Kristof. Magpapaalam siya dahil kailangan niyang mag-emergency leave. Natapos ang trabaho niya kaninang alas-kuwatro ng madaling-araw at nagising siya mag-aalas-onse na ng tanghali. Ayaw niyang magsabi kay Seig sapagkat aawayin na naman siya nito. Muntik na siyang mahuli ng lalaki at ayaw niyang paghinalaan pa siya. Isinuksok niya ang headset sa magkabilang tainga at kinuha ang dumbbell sa sulok. Umabot muna ng tatlong ring bago may sumagot.“Classique Bar, how may I help you?” Boses iyon ni Kristof. Siniguro niyang pasado alas-dose ng tanghali siya tatawag dahil wala pa roon si Seig sa mga oras na iyon. “Sir Kristof, si Marci po ito. Hindi ako makakapasok mamaya. Emergency leave. Naimpeksyon yata ang sugat ko. Medyo masama ang pakiramdam ko.” Umubo pa siya para epektibo ang pagsisinungaling. Lahat ng katrabaho niya sa bar ay napansin ang sugat niya kaya hindi na si
TAHIMIK na nakatingin si Zircon sa natutulog na si Maristela. Himbing na himbing ito without knowing that an enemy already infiltrated her home. Matagal na niya itong pinagmamasdan and the poor girl didn't even notice. Umupo siya sa ottoman, tiningnan niya ang wallclock sa pader, ala-una na ng hapon, paparating na ang hinihintay niya. Nakatanggap siya ng text na nasa tapat na ng bahay ang lalaki, inayos niya ang sarili at saka lumabas.A guy leaning on the hood of a Black Mercedez was parked in front of the condo unit, patiently waiting for her. Sa pagkakatanda niya ay isa itong foreigner na nagbabakasyon sa Pilipinas, they met in a bar few nights ago. When the guy asked her to hang out ay pumayag siya, Philip is an interesting fellow. He's in his thirties at may negosyo ito sa ibang bansa. Sumakay sila sa sasakyan at dumiretso siya sa hotel na tinutuluyan nito. "I need to leave around six,I have to attend an important business." paalala niya rito habang sinasalinan s
ABALANG-abala si Marci sa pagnguya ng ensaymada nang may humila ng upuan sa harap niya at naki-share sa lamesa ng walang paalam. Aalis na sana siya nang mapagtantong si Seig pala ang intruder sa puwesto niya. Maliwanag sa coffee shop kaya kitang kita niya ang abot-taingang ngiti nito.“Are you okay?” tanong niya habang ninanamnam ang makesong tinapay. Ito na ang pinakamasarap ng ensaymada na natikman niya. “Yeah! I’m cool. Kailan ulit ang appointment mo sa doktor?” Nabitin sa ere ang tinidor na may ensaymada at tiningnan niya si Seig. “Bakit?” May napansin siyang kakaiba sa mukha nito, parang gumaguwapo ito sa paningin niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo, baka naghahalusinasyon lang siya dala ng pain killer na iniinom niya. “I just wanted to make sure that you’re wound will heal so soon. Saan mo ba nakuha ‘yan?” She can sense a hint of concern from his voice. “Sabog k