"Kung makahila ka naman Director Han akala mo naman bata ako, bakit may paghila ka?" reklamo ni Yshara bago niya inalis ang pagkakahawak ni Tadeus Han, ang CEO, Director nila sa Han Internation Hospital nang makarating sila sa malawak na canteen ng ospital.
"Kilala kita Ysha, alam kong makiki-usosyo ka sa nangyayari sa may ICU. And i'm telling you, there's no hope even you butt in and help." ani ni Tadeus habang naghahanap ito ng mesa na uupuan nila ni Yshara. "Hindi ako makikiusosyo, i'm just curious lang sa pasyente na fianceé ng bastos mong kaibigan." "As i said, he's not a friend." ani ni Tadeus na may napili ng mesa na agad nitong ikinaupo. "Anong kape ang gusto mo? Pagbibigyan kita sa libre since ikaw ang best surgeon doctor ko sa trauma department. "Come on Director Han, sinasabi mo lang 'yan dahil ako lang naman ang sumasalo ng trabaho mo pag may emergency lakad ka with your friends." angil ni Yshara na bahagyang ikinatawa ni Tadeus. "Anyway director Han, anong nangyari sa fianceé ng hindi mo kaibigan pero kakilala mo?" tanong ni Yshara na ikinasandal ni Tadeus sa kinauupuan nito. "Wala talagang ligtas sayo pag may gusto kang malaman." "Maybe because i'm a doctor and i want to know what happened since that poor woman died here on your so precious expensive hospital."saad ni Yshara. "Hindi ko alam kung nilalait mo ang ospital ko o compliment ang sinabi mo. El Diente's fianceé was gang rape in an ally then they killed her, magkikita dapat sila ni El Diente kaya lang may prior commitment siya na dapat tapusin kaya hindi niya agad napuntahan ang fianceé niya. I'm sure El Diente will blame himself for what happened." sagot na pahayag ni Tadeus na ikinapangalumbaba ni Yshara sa mesa. "What prior committment he did at inuna niya iyon kaysa puntahan ang fianceé niya?" "Why are you asking? Don't tell me gusto mo pang malaman ang ibang detalye? Hindi mo naman ako inin-form, Ysha na chismosa ka na ngayon." "Excuse me? Curiousity ang tawag sa pagtatanong ko na okay lang kahit hindi mo sagutin. Anyway, i'll choose expensive pastry bread here, ikaw ang magbabayad okay?" ani ni Yshara na tumayo na at deretsong umalis patungong pantry. "Curiousity sometimes is not good to have. I'm sure Westaria already knew about what happened." ani ni Tadeus nang tumunog ang cellphone niya. At ng makitang si Demon ang tumatawag ay sinagot niya ito. "Kung makikibalita ka, Mondragon II, mali ka ng tinawagan. Call El Diente to confir--" "--gago! Paano ko matatanong ang isang 'yun matapos ang nangyari sa fianceé niya? Besides, hindi pa tayo totally bumabalik sa underground society after nating mabuo ulit para pansinin ni El Diente. Si Boss Taz palang ang may connection ulit sa mga underboss niya." putol na ani ni Demon. "Isa lang ang masasabi ko, wala ng kasal na magaganap sa buhay ni El Diente. His fianceé died a few moments ago." pagbibigay alam ni Tadeus nang mapakunot ang noo niya ng hindi niya makita sa pantry si Yshara. "Masakit na balita 'yan, hindi naman natin madadamayan ang isang 'yun since matagal na panahon rin nang huli nating makita ang mga underboss ni boss Taz sa north bound. Anyway, tumawag ako hindi lang gusto ko makichismiss, papunta kami sa isang ospital dahil nadala roon si Kiosk dahil trip yatang idaan sa dagat ang kotse niya. Sumunod ka nalang pag trip mong sumunod, i'll send the address." ani ni Demon bago ito mawala sa kabilang linya. "Kiosk did that?" ani ni Tadeus na agad tumayo upang tingnan ang isa sa mga kaibigan niya. KAKALABAS LANG ni Yshara galing sa opisina niya, umalis muna siya sa canteen upang kunin ang phone niya. Naglakad na siya pabalik sa canteen upang pag-gastusin ng mahal ang director nila, nang matigilan siya nang makita niya ang isang bulto ng lalaki na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader habang nakayuko ito. Nasa may gilid ng hallway ito na wala masyadong mga taong dumadaan. Nakayuko lang ito, kung saan agad napansin ni Yshara ang sugatang kamao nito. Dahil sa curiousity ay nilapitan ni Yshara ang lalaki, nang makarating siya sa harapan nito ay nanatili lang itong nakayuko. "Excuse me, hindi sa pinakikielaman ko ang pagtambay mo dito sa hallway but, your knuckles have bruises. You should clean those before it become infectio--" "--leave me fucking alone." walang emosyon na putol nito kay Yshara. "Nasa hallway ka ng ospital, you can just sit her--" hindi natapos ni Yshara ang sasabihin niya ng tumayo ang lalaki at binagsak ang walang emosyong mga mata nito, kung saan agad itong namukhaan ni Yshara. "I-Ikaw 'yung lalaking bumunggo sa aki--" "--you're fucking noisy woman." malamig na putol nito kung saan natigilan ito ng marealize nitong doctor si Yshara. "Wala akong intensyon na pakialaman ka, but as a doctor, i'm just suggesting na ipagamot mo sa nurse ang kamao mo para hindi iyan maimpeksyon." "This bruise is nothing compared to the pain in my heart. If you, a doctor, can heal a simple bruise, why couldn't you save her life? Doctors are meant to save lives, yet my Aurora... my Aurora is gone. Why?!" may kalakasang bulyaw nito na bahagyang sinamaan ito ng tingin ni Yshara. Ilan sa mga tao na napapansin na sila ay napapatingin nalang sa kanilang dalawa. "Excuse me, huwag mong sisihin mga doctor sa nangyari sa fianceé mo. I'm sure ginawa nilang lahat para iligtas ang buhay niya, yet hindi diyos ang mga doctor dito. We saves lives but pero hindi sa lahat ng oras. Besides, hindi ba kasalanan mo kung bakit namatay ang fianceé mo? Inuna mo ang ibang bagay kaysa sa kan--" natigilan si Yshara ng marealize niya ang mga sinasabi niya. Dahil sa inis sa lalaking kaharap niya, hindi na niya napigilan ang mga lumalabas sa bibig niya. "I apologize for what i've said, it's just ang dating kasi ng sinabi mo sa akin ay hinuhusgahan mo kaming mga dokto--" "--you're fucking right. It's my fucking fault, i'm the reason my Aurora died." walang emosyon na ani nito bago naglakad paalis. Mahinang pinalo ni Yshara ang kaniyang bibig dahil alam niyang mali siya sa kaniyang mga sinabi. May times na nagiging pranka siya pag naiinis siya kaya hindi na niya naiisip ang mga sinasabi niya. "Why did i said that? I should not blame that person." ani ni Yshara na hindi maiwasang ma-guilty. DERE-DERETSONG lumabas si Ribal sa HIH at pumasok sa kotse niya. Hindi siya pinayagan ng mga magulang ng kaniyang fianceé na makita ito sa huling pagkakataon at hindi iyon matanggap ni Ribal. Ribal clenched his jaw and hold his tears for the death of his fianceé. Gusto niyang suntukin ang kaniyang sarili, because somehow tama ang narinig niya sa doctor na lumapit sa kaniya. Kasalanan niya kung bakit wala na sa kaniya ang babaeng mahal niya. Hinayaan niyang maghintay ito sa kaniya dahilan upang makaranas ito ng pambababoy, kung saan pinatay pa ito. Kung inuna niyang puntahan ang fianceé, baka buhay pa ito ngayon. "I'm sorry, Aurora, your dead beacuse of me." walang emosyon na sambit ni Ribal nang tumunog ang cellphone niya. Wala siyang balak na sumagot ng tawag sa kahit na sino, yet hindi siya tinantana nito kaya kinuha ni Ribal ang cellphone niya at hindi na nito tiningnan ang caller at sinagot ito. "Don't disturb me right no--" "---alam kong nagluluksa ka pang gago ka. We know how painful for you the death of Aurora but fucking grip yourself El Diente, may mga daga ka pang kailangang patayin after ng ginawa nila sa prinsesa mo." "You found them, Smith?" malamig na tanong ni Ribal. "Chen found them, and your lucky dahil magkakasama lahat ng mga gumahasa at pumatay kay Aurora." "Tell me. Where can i find those bastards?" malamig na tanong ni Ribal kung saan mababanaag ang galit nito. "Now i can sense bloodthirst in your voice, El Diente, those fucktards are doomed. There's an old building sa isang secluded place sa may silangan ng Rizal, remember the bridge na minsan na nating nadaanan? Malapit lang doon ang abandon---" hindi pa man natatapos ni Audimus ang sasabihin niya nang pagpatayan na siya ni Ribal ng tawag nito. Inihagis ni Ribal ang cellphone niya sa backseat at agad pinaandar ang kotse niya af pinaharurot iyon paalis. Ribal drives fast as he could at tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan niya makikita ang mga bumaboy at pumatay sa babaeng mahal niya. Ribal has this presence at that moment, na wala siya ni isang ititirang buhay sa mga ito. Kalahating oras ng biyahe niya nang makarating si Ribal sa abandonadong building na sinabi ni Audimus. Inilabas ni Ribal ang dal niyang baril at wala ng pagdadalawang isip na pumasok sa loob ng building. Pagkapasok niya ay nakarinig na siya ng mga nagtatawanan, kung saan tinungo niya ang direksyon nito. Nang makarating si Ribal sa sentro ng building ay nakita niya ang apat na mga lalaki na nakaupo sa mesa habang umiinom at nagkakasiyahan. "Mag inom lang tayo ng mag inom, matapos nating makatikim ng masarap na putahe kanina, alak ang masarap isunod." ani ng isang lalaki. "Pero kailangan ba talagang patayin mo 'yung babae na 'yun? Dapat iniwan nalang natin 'yun." "Tanga ka ba? Ginahasa natin 'yung babae na 'yun, kung hindi siya pinatay si Gimo magsusumbong pa 'yun sa pulis. Huwag mong sabihin na kabado ka?" natatawang biro ng lalaki na agad ikinailing ng kasama nito. "Hindi ako kabado, walang nakakita sa ginawa natin." "Kaya nga uminom ka nalang diyan, nag enjoy ka rin naman kanina. Kita sa mukha mo habang naglalabas masok ang k*****a mo sa babaen--" naputol ang sasabihin ng lalaki dahil sa pagkasa ng baril narinig nila mula sa likuran nito. Agad silang napalingon sa kasamahan nila kung saan hindi nila napansin ang paglapit ni Ribal na nakatutok sa sintido ng lalaking naputol ang pagsasalita. "Sino ka?! Anong ginaga--" gulat na hindi natapos ng lalaki ang sasabihin niya na ikinatayo nilang tatlo at lumayo kay Ribal ng walang salitang ibinaon nito ang bala sa sintindo ng kasama nilang agad na nawalan ng buhay. Walang buhay at duguan na bumagsak sa sahig ang lalaki, kung saan dumaloy ang dugo nito. "Si-Sino ka b--" Ang abandonadong building ay napuno ng ingay ng baril na tuloy-tuloy ang pagputok. Walang sinayang si Ribal na bala at lahat iyon ay ibinaon niya sa bawat parte ng katawan ng tatlong lalaki na wala man lang nagawa. Naliligo na sa sariling dugo ang mga ito matapos ang ginawa ni Ribal, naubusan na ito ng bala kaya binitawan ni Ruhk ang hawak niyang baril. May ilang mantsa ng dugo ang damit ni Ribal, walang buhay ang kaniyang mga mata habang nakatuon ang tingin niya sa walang buhay na mga katawan ng gumahasa at pumatay kay Aurora. "I'm not fucking satisfied." malamig na ani ni Ribal kung saan inapakan niya ang ulo ng isa sa tatlong lalaki. "Killing all of you won't bring back my Aurora." ani ni Ribal kung saan sunod-sunod na mabibigat at may galit na pinagaapakan niya ang ulunan ng napatay niya. "El Diente!" Natigilan si Ribal sa ginagawa niya at nilingon ang bagong dating na sina Audimus, Leroi, Devin, Exxon at Mount na kasama niya bilan underbosses ng north bound. "What are you doing? The person you're kicking is already dead."ani ni Leroi. "Death is not enough, Gozon." "Nauunawaan namin ang galit at hinagpis mo El Diente, nawala si Aurora sayo dahil sa mga gago na 'yan. But you already killed them, that's enough." ani ni Audimus. "Killing them more won't bring Aurora back, El Diente. It's over." pahayag naman ni Exxon na ikinalakad ni Ribal palapit sa kanila. "Natievez, lend me you fucking gun." "Ha? Anong gagawin mo sa baril ko?" "I'm not fucking satisfied, so hand me your fuck--" hindi natapos ni Ribal ang sasabihin niya nang mawalan ito ng malay na agad nasalo ni Devin, matapos itong hampasin ni Mount sa may batok nito. "You hit our prince, Chen?" di makapaniwalan bulaslas ni Devin kay Mount. "What? He's not in his own fucking mind." plain na ani ni Mount kung saan kinuha ni Audimus si Ribal at binuhat ito sa likuran niya. "Tara na. Dalhin na natin si El Diente sa bound." "Paano kung magwala 'yan pag nagising sa bound?" ani na tanong ni Devin. "Bind him until he calms down. Even if he killed those bastards multiple times, his woman will never return to life. That's a brutal fact he must accept." seryosong ani ni Exxon kung saan umalis na sila sa abandonadong building at iniwan ang apat na lalaking wala ng buhay na mga pinatay ni Ribal.*AFTER ONE YEAR*"Mom you don't have to fetched me here in the airport, as i said i can manage myself to go home. Just wait for me, you and dad, okay" "Are you sure?""Yes mom, trust me." ngiting saad ni Yshara sa kaniyang ina bago ito nagpaalam.Isang taon ang lumipas simula ng magdesisyon si Yshara na i-grab ang opportunity na ibinigay ni Tadeus sa kaniya sa Michigan. One year learning more from top surgeons around the globe adds knowledge and skills for Yshara. At hindi siya nagsisi na tinanggap niya ang offer ni Tadeus sa kaniya, one year ago.Nakalabas na siya ng KIA at naghihintay ng taxi na puwede niyang sakyan pauwi sa bahay ng kaniyang mga magulang. Sa isang taong nakalipas, malaki din ang pinagbago ni Yshara.She gets sexy even more, bahagyang nagkalaman ang mukha niya na bumagay ar mas ikinalabas ng ganda ng mukha niya, at bumagay sa katawan niya. Wala na rin ang mahaba niyang buhok, Yshara comes back with a short hair at maraming foreign doctor suitors sa Michigan ang nab
NAKATULALANG hindi makapaniwala sina Audimus at Devin sa kinalabasan ng kanilang laro na ilang beses nilang inulit, pero iisa ang naging resulta."What the fuck are you, Chen?" bulaslas na ikinalingon ni Audimus kay Mount na inaayos ang mga nagkalat na baraha."Scholar ka ba ni Yvanov? Tangna, six straight win, Chen.." gulat na hindi matanggap ni Devin, habang si Exxon at Leroi ay umalis sa bilog nila at nilapitan si Roberto Custavo na sinusubukang makaalis sa pagkakatali nito."You can try to escape, but you'll be dead here inside our bound. In this place you're trying to sneak in, this is the safest place for you." malamig na saad ni Leroi kay Roberto na natigil sa ginagawa."I lost may fucking villa to Chen." inis na reklamo ni Audimus nang lumapit ito kina Leroi.Nilingon naman ni Leroi si Devin na nagrereklamo sa result ng anim na laro kung saan lahat sila ay may naitalong property kay Mount."Maybe Chen graduated to Yvanov's gamble academy." plain na ani ni Leroi na ikinaingos l
KINABUKASAN, sa underground society north bound ay may malay na si Roberto Custavo at nakaluhod ito sa harapan nina Audimus habang nakatali ang kamay sa likuran nito."Pakawalan niyo ako dito!""Alam mo 'yung bihag? Kung alam mo at may ideya ka, gets mo kung bakit kailangan ka naming itali. Besides, hindi ka ba masaya na nakapasok ka na sa underground society na pinagbabalakan mong pasukin without consent or invitation of our head founder?" pagkausap ni Devin dito nang itulak ito ni Audimus."Tagna mo, Smith! Nakikita mong nakikipag-usap pa ako kay Custavo nanunulak ka diyan! Alam mo 'yung salitang epal?" pikong reklamo ni Devin na ngising ikinalingon ni Audimus sa kaniya."Ofcourse even the definition alam ko, and that definition is standing at my sight right now.""A-Ako? Aba! Gusto mo yatang makipagbalian ng buto sa akin ngayong umaga Smith!""Gusto mo ba? Don't worry hindi kita uurungan."Naguluhan si Roberto Custavo sa pagtatalo ng dalawa, nang lumapit si Leroi kay Roberto at tin
"What the fuck you're screaming?!"Agad na natigilan si Yshara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig mula sa bulto na nakikita niya sa kaniyang harapan."Te-Teka pamilyar sa akin ang boses mo." ani ni Yshara na naglakad si Yshara palapit dito kung saan nakikita na niya ito ng malapitan.Nanlaki ang mga mata ni Yshara nang makita niyang si Ribal ang nasa harapan niya, duguan ang mukha nito at may tama ng baril ang kaliwang balikat nito."Mr. El Diente?!!" bulaslas ni Yshara kung saan may gulat niyang pinagmamasdan si Ribal."A-Anong nangyari sayo?""This was nothing. What are you doing here in this late night?" seryosong tanong ni Ribal sa kaniya nang ibaling nito ang tingin sa harapan nito.Nang lingunin ni Yshara ang tinitingnan ni Ribal ay bahagya siyang natigilan nang makita niya ang isang litrato ng isang magandang babae, na may magandang ngiti.Siya si Aurora, ang fianceé ni Mr. El Diente? ani ni Yshara sa kaniyang isipan bago inalis ang tingin doon at ibinalik kay Ribal na sa
SA LA CUISINE RUSSIANO, isang russian fine dining restaurant ay magkakasamang nag-dinner si Yshara with her parents. Yshara always reserves her time sa tuwing nag-aaya ang kaniyang mga magulang ng lunch or dinner with her.Masayang nag-uusap ang mag-asawa, yet si Yshara ay nakatuon ang tingin sa kinakain niya habang si Ribal ang laman ng isipan niya.Hindi ko talaga maisip paano ko nagustuhan sa maikling panahon ang masungit na lalaking 'yun. Maliban sa guwapo siya, anong rason bakit nagre-reak ang puso ko sa kaniya?! angal ng ni Yshara sa kaniyang isipan."May problema siguro sa puso ko..." bulaslas ni Yshara kung saan natigil ang pag-uusap ng kaniyang magulang at napilingon sa kaniya."What do you mean by that, Marie? May nararamdaman ka bang kakaiba sa puso mo?" ani ng kaniyang ama kung saan nakuha na nito ang atensyon ni Yshara."Po?""Sumasakit ba ang dibdib mo? Anong problema ng puso mo? Meron ka bang hindi sinasabi sa amin?" may pag-aalalang tanong ng kaniyang ina na agad na um
SA HARAPAN NG malaking bahay ni Devin ay magkakasama na sila nina Leroi, Mount, Exxon, at Audimus. Naghihinatay sila kay Ribal na wala pa sa mga oras na 'yun.Ngayong araw ang alis nila papuntang Nasugbu Batangas upang linisin ang kalat na may balak pasukin ang underground society. Maraming gustong sumubok pasukin ang underground, pero lahat mga ito ay hindi nagtagumpay lalo pa at ayaw ni Valdemor ang mga outsider na walang invitation mula sa kanilang head founder."Sanay na naman tayong si El Diente ang late dumadating sa mga meeting place natin, pero our Prince is fifteen minutes late and counting. Nasaan na ba 'yun? Natawagan mo na ba, Smith?""I'm trying Natievez, but his fucking phone is out of coverage." inis na reklamo ni Audimus nang makarinig sila ng tunog ng parating na motorbike."Speaking of the devil." ani ni Leroi kung saan dumating na si Ribal sakay ng black motorbike nito na mismong kumpanya niya ang nag design, and exclusive just for him."Ang aga mo Prin--""You're f