"Napapagod din ang puso Ribal, mahal kita pero pagod na akong magmahal nang ako lang. Falling for you is my worst decision." - Yshara Marie Buena Once a heart is broken and closed for love, it will hard to open again. But for Yshara, kahit masakit mahalin ang isang Ribal El Diente ay patuloy si Yshara na nagtitiyaga upang makapasok siya sa puso ni Ribal. Ilang beses ng nanganib ang buhay niya, at kahit ilang beses din siyang hindi niligtas ni Ribal ay patuloy na tumitibok ang puso niya. Pero hanggang saan magtitiis si Yshara? Hanggang saan makakaya ng puso niya na mahalin si Ribal. Hanggang kailan ilalaban ni Yshara ang pagmamahal niya kay Ribal na nanlamig ang puso dahil din sa pag-ibig.
View MorePaging Doctor Buena, paging doctor Buena, you are needed to the ICU. Please response immediately.
AGAD ISINUOT ni Yshara ang kaniyang coat habang may subo-subo na lollipop, at lumabas na sa clinic niya habang nag-iipit. Si Yshara ang isa sa General Surgeon ng Han International Hospital, masipag at magaling na doktor. Ilan sa mga kapwa niya doktor sa HIH ay naiinis sa kaniya lalo pa at malapit siya sa Director nila. Yshara doesn't care about her co-workers who hates her, ang mahalaga kay Yshara ay makapagtrabaho siya at matulungan niya ang mga pasyenteng kailangan ng treatment. Nang makarating si Yshara sa tapat ng ICU ay siyang pagbukas ng pintuan kung saan nakasalubong ni Yshara ang isang nurse galing sa loob ng ICU. "Oh? Doc Yshara...." "Anong nangyari sa pasyente?"tanong ni Yshara sa nurse. "May Inflamed appendix ang pasyente. Pero doc. kung papasok na kayo sa loob..." ani ng nurse na tinuro ang lollipop na subo-subi ni Yshara. "Oh? Nakalimutan ko." ani ni Yshara na kinuha ang lollipop na subo niya at binigay sa nurse bago pumasok sa loob. Naglinis muna siya ng kamay, at nagsuot ng kaniyang PPE bago pumasok sa loob ng ICU. "Anong lagay ng pasyente?" agad natanong ni Yshara habang nagsusuot siya ng gloves papalapit sa aiding nurse na katulong niya sa operasyon. "Kailangan niya na ng appendectomy surgery doc." sagot ng nurse na ikinatango ni Yshara. "Then prepare for her surgery." Masaya si Yshara sa propesyon na kaniyang pinili, being a doctor is one of Yshara's dream. Hindi siya galing sa mayamang pamilya, pero nagawa ng mga magulang niya na maipagtapos siya ng kaniyang pag-aaral. At ang mabalik lahat sa kaniyang mga magulang ang sakripisyo na ginawa ng mga ito para sa kaniya, ang kaniyang inuuna. Matapos ang Isa at kalahating oras na operasyon ni Yshara, ay matagumpay niyang nailigtas ang buhay ng kaniyang pasyente. Simula ng magtrabaho si Yshara sa HIH ay wala pa siyang failed operation, isa pa sa dahilan bakit nayayabangan sa kaniya ang mga katrabaho niya. "Iiwan ko na sa inyo ang stitching." bilin ni Yshara bago siya naglakad palabas ng ICU. "Kailangan ko ng mainit na kape after ko makatapos ng isang surge----" hindi natapos ni Yshara ang sasabihin niya ng dumaan sa kaniya ang mga nurse at doctor na mabilis na tinatakbo ang stretcher papunta sa ikalawang ICU, kung saan nakasunod ang mga umiiyak na magulang ng pasyente. "Aurora lumaban ka!" iyak ng ina habang inaalalayan ito ng asawa niti. "Ano ka yang nangyari sa pasyente na 'yun?" tanong ni Yshara habang nakatanaw siya sa mga ito, hanggang maipasok na sa ICU ang pasyente. Nagkibit balikat nalang si Yshara since hindi niya hawak ang operation na 'yun. Naglakad na si Yshara pabalik sa clinic niya upang mag-ayos, nang may makabangga siya dahilan upang paupo siyang bumagsak sa sahig. Pero imbis na tulungan siya ng nakabunggo sa kaniya ay dali-dali itong tumakbo na parang walang nagawa. "Wala man lang bang sorry!" angil na reklamo ni Yshara na sinundan ang tingin ang lalaking nakabungguan niya na hindi man lang siya tinulungan. "Wala ba siyang mata? Ang sakit ng pagkakabungo niya sa akin tapos hindi man lang ako tinulungan." reklamo pa ni Yshara ng makarinig siya ng tumatawa di kalayuan, sa paglingon niya ay ang kanilang Director na nakasandal sa may pader ay pinagtatawanan siya na bahagya niyang ikinasimangot. Hindi itinuturing ni Yshara ang Director nila na matured na lalaki, dahil para sa kaniya isip bata ito at malayo sa pagiging matured. "Kung ang tinatawa mo kaya diyan ay tinutulungan mo akong tumayo." sermon ni Yshara na ikinalakad nito palapit sa kaniya. "Hindi ba ang tunay na kaibigan, tatawanan muna ang nangyari bago tumulong. Sobrang pagod ka na ba at diyan mo napiling umupo ha?" pang-aasar nito bago hawakan si Yshara at itayo ito. "May isang gagong lalaki kasi na bumunggo sa akin, hindi man lang ako tinulungang tumayo."pagrereklamo ni Yshara na ikinabuntong hininga ng kanilang direktor. "Pagpasensyahan mo na ang isang 'yun, nawala na sa sarili dahil fianceé niya ang sinugod dito." "Pero hindi 'yun reason para mambungg---wait Director Han, kilala mo 'yung lalaking 'yun?" ani na tanong ni Yshara na ikinatango nito. "Let say na kakilala ko nga ang isang 'yun, puwedeng kaibigan pero hindi katulad ng kina Amadues. Ako na ang humihingi ng despensa kay El Diente, akala ko seryoso lang ang isang 'yun pero nagmamahal pala. Gusto mo magkape?" ani nito na walang nagawa si Yshara kundi ang magpambuntong hininga nalang. Tinapik ng director nila ang balikat niya at niyaya na sa canteen na ikinahampas niya sa balikat nito. "Pabalikin mo muna ako sa clinic ko bago mo ako ilibre ng kape!" "Wait? I didn't say that I will treat yo---" "Yes you will, kaibigan mo ang nakabunggo sa akin so ikaw ang magcompensate. May bagong deliver na pastries sa canteen, pipili ako ng mahal."putol ni Yshara na naglakad at ngiting ikinasunod ng director nila. "Pineperahan mo na ako ngayon, Ysha." "Well, pera is everything." ani ni Yshara na natatawang ikinasunod ng direktor nila sa kaniya. "Aurora?!" Napahinto si Yshara sa malakas na sigaw na pumuno sa pasilyo at ikinalingon niya pero pinigilan siya ng director nila at hinila na siya palayo. HINAGPIS AT SAKIT ang napupunong iyak sa loob ng ICU matapos ideclared ng doctor ang time of death ng nag iisang anak ng mag-asawang negosyante. Yakap-yakap nila ang katawan ng kanilang anak na namatay dahil sa car accident na kinasangkutan nito. "Aurora...." sambit na tawag ni Ribal sa pangalan ng kaniyang minamahal na wala ng buhay. Agad na tumayo at lumapit kay Ribal ang ama ng nobya niya at galit na galit na kinuwelyuhan si Ribal. "It's your fault! Ikaw ang dahilan bakit namatay ang anak namin, kung sumipot ka lang sa usapan niyo hindi mangyayari ang pangbaboy at pagpatay sa kaniya! Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko pero wala na siya ng dahil sayo! Pinatay mo ang anak ko!" galit na iyak ng ama ng kaniyang nobya na walang imik lang na tinanggap ni Ribal ang paninisi nito sa kaniya. "Kung inuna mo lang ang anak ko, kung pinuntahan mo lang siya agad hindi siya aalis ng bahay para puntahan ka! Hindi sana siya naaksidente, kasama pa sana namin ang anak ko! Umalis ka dito!" "Let me see my Auro---" "No! Stay away from our princess, you killed our daughter! Paano mo naiisip na lapitan ang anak namin matapos ng nangyari sa kaniya na ikaw ang dahilan! Mas mahalaga ba ang ginagawa mo kaysa sa aming anak?! Kaya wala kang karapatan na lapitan o makita pa kahit bangkay ng aming anak?!" iyak na sigaw ng ina ni Aurora bago hinila ng asawa nito si Ribal palabas ng ICU. Nagulat ang mga taong napapadaan sa ICU ng malakas na sigaw ang pumuno sa hallway, at malakas na sinuntok ni Ribal ang pader na ikinadugo ng kamao niya. "Aurora?!"*AFTER ONE YEAR*"Mom you don't have to fetched me here in the airport, as i said i can manage myself to go home. Just wait for me, you and dad, okay" "Are you sure?""Yes mom, trust me." ngiting saad ni Yshara sa kaniyang ina bago ito nagpaalam.Isang taon ang lumipas simula ng magdesisyon si Yshara na i-grab ang opportunity na ibinigay ni Tadeus sa kaniya sa Michigan. One year learning more from top surgeons around the globe adds knowledge and skills for Yshara. At hindi siya nagsisi na tinanggap niya ang offer ni Tadeus sa kaniya, one year ago.Nakalabas na siya ng KIA at naghihintay ng taxi na puwede niyang sakyan pauwi sa bahay ng kaniyang mga magulang. Sa isang taong nakalipas, malaki din ang pinagbago ni Yshara.She gets sexy even more, bahagyang nagkalaman ang mukha niya na bumagay ar mas ikinalabas ng ganda ng mukha niya, at bumagay sa katawan niya. Wala na rin ang mahaba niyang buhok, Yshara comes back with a short hair at maraming foreign doctor suitors sa Michigan ang nab
NAKATULALANG hindi makapaniwala sina Audimus at Devin sa kinalabasan ng kanilang laro na ilang beses nilang inulit, pero iisa ang naging resulta."What the fuck are you, Chen?" bulaslas na ikinalingon ni Audimus kay Mount na inaayos ang mga nagkalat na baraha."Scholar ka ba ni Yvanov? Tangna, six straight win, Chen.." gulat na hindi matanggap ni Devin, habang si Exxon at Leroi ay umalis sa bilog nila at nilapitan si Roberto Custavo na sinusubukang makaalis sa pagkakatali nito."You can try to escape, but you'll be dead here inside our bound. In this place you're trying to sneak in, this is the safest place for you." malamig na saad ni Leroi kay Roberto na natigil sa ginagawa."I lost may fucking villa to Chen." inis na reklamo ni Audimus nang lumapit ito kina Leroi.Nilingon naman ni Leroi si Devin na nagrereklamo sa result ng anim na laro kung saan lahat sila ay may naitalong property kay Mount."Maybe Chen graduated to Yvanov's gamble academy." plain na ani ni Leroi na ikinaingos l
KINABUKASAN, sa underground society north bound ay may malay na si Roberto Custavo at nakaluhod ito sa harapan nina Audimus habang nakatali ang kamay sa likuran nito."Pakawalan niyo ako dito!""Alam mo 'yung bihag? Kung alam mo at may ideya ka, gets mo kung bakit kailangan ka naming itali. Besides, hindi ka ba masaya na nakapasok ka na sa underground society na pinagbabalakan mong pasukin without consent or invitation of our head founder?" pagkausap ni Devin dito nang itulak ito ni Audimus."Tagna mo, Smith! Nakikita mong nakikipag-usap pa ako kay Custavo nanunulak ka diyan! Alam mo 'yung salitang epal?" pikong reklamo ni Devin na ngising ikinalingon ni Audimus sa kaniya."Ofcourse even the definition alam ko, and that definition is standing at my sight right now.""A-Ako? Aba! Gusto mo yatang makipagbalian ng buto sa akin ngayong umaga Smith!""Gusto mo ba? Don't worry hindi kita uurungan."Naguluhan si Roberto Custavo sa pagtatalo ng dalawa, nang lumapit si Leroi kay Roberto at tin
"What the fuck you're screaming?!"Agad na natigilan si Yshara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig mula sa bulto na nakikita niya sa kaniyang harapan."Te-Teka pamilyar sa akin ang boses mo." ani ni Yshara na naglakad si Yshara palapit dito kung saan nakikita na niya ito ng malapitan.Nanlaki ang mga mata ni Yshara nang makita niyang si Ribal ang nasa harapan niya, duguan ang mukha nito at may tama ng baril ang kaliwang balikat nito."Mr. El Diente?!!" bulaslas ni Yshara kung saan may gulat niyang pinagmamasdan si Ribal."A-Anong nangyari sayo?""This was nothing. What are you doing here in this late night?" seryosong tanong ni Ribal sa kaniya nang ibaling nito ang tingin sa harapan nito.Nang lingunin ni Yshara ang tinitingnan ni Ribal ay bahagya siyang natigilan nang makita niya ang isang litrato ng isang magandang babae, na may magandang ngiti.Siya si Aurora, ang fianceé ni Mr. El Diente? ani ni Yshara sa kaniyang isipan bago inalis ang tingin doon at ibinalik kay Ribal na sa
SA LA CUISINE RUSSIANO, isang russian fine dining restaurant ay magkakasamang nag-dinner si Yshara with her parents. Yshara always reserves her time sa tuwing nag-aaya ang kaniyang mga magulang ng lunch or dinner with her.Masayang nag-uusap ang mag-asawa, yet si Yshara ay nakatuon ang tingin sa kinakain niya habang si Ribal ang laman ng isipan niya.Hindi ko talaga maisip paano ko nagustuhan sa maikling panahon ang masungit na lalaking 'yun. Maliban sa guwapo siya, anong rason bakit nagre-reak ang puso ko sa kaniya?! angal ng ni Yshara sa kaniyang isipan."May problema siguro sa puso ko..." bulaslas ni Yshara kung saan natigil ang pag-uusap ng kaniyang magulang at napilingon sa kaniya."What do you mean by that, Marie? May nararamdaman ka bang kakaiba sa puso mo?" ani ng kaniyang ama kung saan nakuha na nito ang atensyon ni Yshara."Po?""Sumasakit ba ang dibdib mo? Anong problema ng puso mo? Meron ka bang hindi sinasabi sa amin?" may pag-aalalang tanong ng kaniyang ina na agad na um
SA HARAPAN NG malaking bahay ni Devin ay magkakasama na sila nina Leroi, Mount, Exxon, at Audimus. Naghihinatay sila kay Ribal na wala pa sa mga oras na 'yun.Ngayong araw ang alis nila papuntang Nasugbu Batangas upang linisin ang kalat na may balak pasukin ang underground society. Maraming gustong sumubok pasukin ang underground, pero lahat mga ito ay hindi nagtagumpay lalo pa at ayaw ni Valdemor ang mga outsider na walang invitation mula sa kanilang head founder."Sanay na naman tayong si El Diente ang late dumadating sa mga meeting place natin, pero our Prince is fifteen minutes late and counting. Nasaan na ba 'yun? Natawagan mo na ba, Smith?""I'm trying Natievez, but his fucking phone is out of coverage." inis na reklamo ni Audimus nang makarinig sila ng tunog ng parating na motorbike."Speaking of the devil." ani ni Leroi kung saan dumating na si Ribal sakay ng black motorbike nito na mismong kumpanya niya ang nag design, and exclusive just for him."Ang aga mo Prin--""You're f
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments