1 WEEK LATER "Buksan mo ang mga mata mo. Dahan-dahan ha." Unti-unting sumilip ang liwanag mula sa kanyang paningin. Lahat malabo at labis na nakakasilaw. Her forehead creased as she tried to focus her eyes on something. Until someone familiar came into shape. "H-Harry?" "Ako nga," masayang bati sa kanya ng binata. "Kamusta ang paningin mo, Yanna?" "M-Medyo lumilinaw na. Pero mahapdi ng konti." "Ganon talaga. It'll take time to heal." "N-Nasaan sila?" Nilingon niya ang buong paligid at pilit pinagmasdan ang silid. "Si Kael? Si Ethan at Zea, si Kaito? Nasaan sila?" Hindi nakaimik si Harry at napatingin lang sa mga mata ng dalaga. "Hoy, bakit di ka sumasagot?" buong ngiti niyang tinapik ang braso nito. Pero unti-unting din nawala ang ngiting iyon, nang hindi pa rin magawang sumagot ng kausap. "Harry, sagutin mo ko. May nangyari ba?" Mapait itong napangiti. "Wala na si Kaito, Yanna..." "A-Ano?" Gustong tumawa ni Yanna sa kalokohang narinig. "Si Kaito, mamatay? Eh ang tinik non!"
MAKALIPAS ANG ISANG TAON."Wow! Ang ganda naman ni baby Hanna! Manang-mana sa Ninang!""Hoy, mahiya ka naman sa adam's apple mo, Yanna. Baka mausog mo 'tong bata."Sumimangot ang dalaga sabay hampas sa braso ni Ethan na ikinatawa naman ng binata."Ikaw talaga, inaano mo na naman 'tong si Yanna. Bisita natin yan," saway ni Zea kay Ethan na di matigil sa pangaasar kay Yanna."Uy, thank you ha. Alam ko sobrang busy mo sa SIBS ngayon. Pero lumuwas ka pa rin dito sa Baguio para kay Baby Hanna.""Aba, siyempre naman. Palalampasin ko ba naman ang binyag ng inaanak ko?" sambit ni Yanna saka pinangigilan ang inaanak na karga ni Zea. "Sus! Sabihin mo si Hadrian ang di mo mapalampas kaya nandito ka!" kantyaw ni Ethan sa dalaga.Sasagot pa sana si Yanna nang biglang pumarada ang isang itim na kotse sa driveway at bumaba si Hadrian mula roon. "Uy! Mabuti nakarating ka!" bati ni Zea. Ngunit kaagad silang napatigil nang muling bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse. Unti-unting nanlaki ang m
It was a cold and windy night in December. Brightly colored lights glistened in her eyes as she happily walked across the busy streets, filled with colorful lights and lanterns.Everything looks spectacular and everybody seems to feel the holiday cheer. Marahil siguro ay dahil sa nalalapit na Pasko.Ngunit naiiba ang araw na ito. Lalong-lalo na para sa isang dalagang ito na ngayo'y nakatayo sa harapan ng isang sikat at mamahalin na restaurant.Napangiti siya habang pinagmamasdan ang sarili mula sa salamin ng bintana. Sino nga ba'ng hindi matutuwa? Lalo na kung ito ang araw ng iyong kaarawan.Maingat niyang inayos ang mahaba niyang itim na buhok at pati na rin ang puting bestidang kanyang suot. Mukha pa siyang nag-aaral sa high school pero hindi lang kanyang mga kaedad ang napapatingin sa kanyang taglay na ganda."Good evening. Ma'am!"Mabilis siyang napatingi
White crop top that fits perfectly on her slender waist, topped with an elegant cutout blazer that matches her white skirt. Her luscious soft pink curls bounced smoothly as she struts her killer legs along with her killer heels. Walang kawala ni-isang mata—lahat ng masalubong niya ay napapatingin sa kanya. Bumukas ang pinto ng elevator sa may lobby at nag-uunahan pa na pumasok ang mga tao sa loob nito. Papasara na sana ang ito nang makita nila ang magandang babae na papalapit sa kanilang direksyon. Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagsipag-urungan ang mga kalalakihan sa loob saka pinindot stop button makasabay lang siya. Halos mapunit ang mga labi nito kangingiti habang papalapit ang dalaga. Ngunit ngumiti lamang ito sabay liko sa deluxe elevator para sa mga VIP guests. She swiped her golden card to gain access and the door immediately opened. Pumasok siya sa loob at kaagad pinindot ang close but
Umayos ng upo si Zea sa kanyang first class seat. Labing siyam na oras na siyang nasa eroplano pabalik ng Pilipinas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapalagay. Tumingin siya sa kanyang relo, ngunit ang nahagip ng mata niya ay ang kanyang tattoo sa bandang ilalim ng kaliwa niyang pulso.Her eyes followed the trail of an artistically made circular ambigram tattoo that twisted into a yin yang design forming the initials of K and Z.Parang unti-unting nilamukos ang puso niya habang minamasdan ang itsura nito. Hindi tuloy mapigilan ng isipan niya na maligaw muli sa alaala ng nakaraan..."Saan tayo pupunta?" tanong niya habang tumatakbo, kasama ang isang lalaki na kanina pa hawak ang kanyang kamay. Hindi niya tuloy mapigilan ngumiti matapos masuyo nitong pisilin iyon at lingunin para sa isang matamis na ngiti.Nagtungo sila sa sentro ng bayan at tumigil sa harap ng isang pulang gusali."You said you wanted to have a t
She went to Ethan's room first thing in the morning. Pero inabot niya itongnakabihis na at naghahanda na para umalis."Good morning..." he said as he eyes himself in the mirror. He adjusted his gray slim-fit shirt and put on his navy blue hoodie. He ran his fingers through his hair and his eyes looked totally smexy in his new carbon eyeglasses.God...Bahagyang tinakpan ni Zea ang kanyang ilong. Halos masukol kasi siya sa bango ng after shave nito."Paalala ko lang ha. Sa eskuwelahan ang tungo natin, hindi sa club.""Good thing you're already here," sambit ni Ethan habang ikinakabit ang maliit na hikaw sa taas na bahagi ng kanyang tenga. It was a silver dot earring. It's so small you won't be able to see it unless you look at it closer.After he's done with it, he walked towards her and looked at her beautiful face. But she froze when she felt his fingers ran through her hair. He leaned closer, so close she can almost die sm
Zea was about to enter the secret hallway but the doorbell suddenly rang. Lumapit siyasa cassette player at isinara ang lalagyanng tape. Kaagad namang sumara secret door at muling nanumbalik sa ayos ang shelf. Nagtungo siya sa pinto at maingat na sinilip kung sino ang naroon."Tao po!"Pinagmasdan niyang maigi ang dalawang dalaga sa harap ng gate bago niya binuksan ang pintuan."Good morning!" Bati sa kanya ng isa.Lumapit siya sa gate para alamin ang pakay nito. Pero mabilis na nahagip ng kanyang mata ang jacket na suot ng mga ito.Kapag sinuswerte ka nga naman.The girls are wearing a white jacket with a black SIBS logo on its sleeves."Kung wala ka naman masyadong ginagawa baka puwedeng pumasyal ka sa event namin diyan sa kabilang kanto," wika ng isa saka mabilis na nag-abot ng flyers.Zea's eyes narrowed towards the leaflet. "SIBS Bazaar?""Yes, we're having a bazaar right across the street. S
Mabilis na nahawi ang mga tao sa daan. Lahat kusang umiiwas habang naglalakad si Yohan palabas ng bazaar kasama ang buong grupo."Oh? Sinong uupakan? Dami natin ah!" mayabang na tanong ng isang chubby na lalaki habang nag-iistretching."Ikaw!" badtrip na sagot ni Yohan. "Tumabi ka nga diyan." Tinulak niya ang matabang lalaki sabay bukas ng pintuan ng kotse."Ako na magdra-drive dre," awat ni Gino sa pagpasok sa kotse ni Yohan. Gano'n din ang matabang lalaki at naupo sa tabi ni Gino.Inis niyang ginulo ang buhok. Hindi na mapinta ang mukha niya kanina pa."Ano bang nangyari dre?" tanong ulit ng chubby na lalaki pero hindi siya sumasagot."May nakasagutan kasi yang si Yohan sa loob Bem-Bem." paliwanag ni Gino habang nagmamaneho."Oh? Ano? Buhay pa?"Nangiti bigla si Gino at pinigil ang tawa. "Kaya nga hindi maipinta mukha niyan kasi buhay pa.""Tang-ina kasi..." Napapikit si Yohan sa inis. Naalala na naman niya ang nangyari kanina.