Share

Chapter 4: Meeting his friends

last update Huling Na-update: 2023-03-27 22:20:10

PAGTIGIL ng sasakyan sa isang malaking bahay agad siyang kinabahan, hindi niya alam pero parang pamilyar sa kanya ang lugar.

"Let's go."

Napakurap kurap siya ng marinig ang tinig ng lalaki nasa gilid na niya ito ngayon, inalis na nito ang takip sa bibig niya, akmang sisinghalan niya ito ng...

"Hep, hep, don't you dare to think about it, kung ayaw mo lagyan ko uli ng tape 'yang nakakaakit mong labi," saway nito na may pagbabanta at inalis ang posas pero sa isang kamay niya lang, nanlaki mata niya ng inilagay nito sa isang kamay nito ang isang posas.

"There, tingnan lang natin kung makakawala ka pa, nakatali ka na ngayon sa akin," nakangising turan nito.

Sisipain niya sana ang lalaki sa binti pero mabilis na hinuli nito ang paa niya dahilan para samaan niya ng tingin ang lalaki.

"Opss, too slow," nakangising asar nito sa kanya.

Sumingot siya sa pang-aasar ng lalaki, ewan ba niya pero ang bilis uminit ang ulo niya pag ito ang kanyang kaharap.

"Ahh ganun ah!"

Dahil malapit ito sa kanya, wala pagdadalawang isip na binunggo niya ang ulo sa noo nito dahilan para mapaatras ito.

"What the!! Ouch!!" Hinawakan nito ang noo kung saan niya binunggo ang kanyang ulo.

Tinignan siya nito na para bang 'di makapaniwala na magagawa niya 'yon. Tinaasan niya lang ito ng kilay pero nanlaki ang mata niya ng bigla siyang hinapit ng lalaki sa bewang na halos magkadikit na ang mga labi nila sa lapit ng mga mukha nila.

"I wanted to punished you right here, right now so badly—" bulong nito sa tenga niya na naputol dahil may tumikhim.

"Aherm!!"

Lumayo ito sa kanya, nagbaba siya ng tingin pakiramdam niya kasi umiinit buong mukha niya sa kahihiyan na nadarama.

"Bud..."

Ngumiti sa kanya ang isang gwapo lalaki sa pagkakaalam niya Heckson ang pangalan nito, lumipat ang tingin nito sa kaibigan.

"Sabi ko tatanungin mo lang si Doc. 'di ko sinabing kidnapin mo," natatawang turan nito.

Napakamot sa batok si Mikael. "Eh? Parang ayaw kasi niya akong kausap kaya dinala ko na lang," katwiran nito.

"Whatever you say, bud," natatawang sabi na lang ni heckson.

Hinawakan siya ni Mikael sa bewang at walang sabi-sabing binuhat siya nito napakapit naman kaagad siya sa leeg ng lalaki.

"What are you doing? I can walk by myself, put me down, Mr.!" Angil niya.

Subalit parang bingi ang lalaki pinababa lang siya nito ng nasa harap na sila ng pintuan ng bahay.

"Why did you bring me here??" tanong niya nang nasa loob na sila.

Umupo si Mikael at dahil naka posas ang kamay nila dalawa wala siyang magagawa kundi umupo sa tabi nito.

"May itatanong lang kami sa iyo–papa-clarify pala, pasensya ka na kay Mikael kinidnap ka pa, sabi ko tatanungin ka lang niya—"

"Cut that drama, bud, ask her already." Putol ni Mikael sa pag paliwanag ni Heckson, imbis na mainis natawa lamang ang lalaki.

"Okay, okay," nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Heckson.

"So, ano iyong itatanong niyo sa akin at kailangan pa ako kidnapin ng lalaking ito?" seryosong tanong niya.

Nakita niyang umangat ang gilid ng labi ni Heckson tila ba gustong nitong tumawa pero pinigilan lang nito dahil masama ang tingin ni Mikael rito pero mukhang 'di talaga nito na kayanan, malakas na tawa ang kumawala sa labi nito. Napahawak pa ito sa tiyan at may pahampas-hampas pa sa mesa na nasa harap nila.

"Hahahahahahahaha, sorry—hahahahahaha—wait—hahahaha," putol-putol na sabi ng lalaki na tila mauubusan na sa hangin sa pagtawa nito.

Habang sila dalawa ni Mikael ay nakatingin lang sa lalaki, mamaya pa ay tumigil na ito na pinagsalamat niya ng palihim.

"So, what is it?" tanong niya uli.

Imbis na si Heckson ang sumagot si Mikael ang sumingit. "Well, Heckson found out, you buy a ticket, a plane tickets going to philippines, is it yours? Or for Lhalhaine?" seryosong tanong nito.

Napaayos siya ng umupo, oo bumili siya ng ticket para sa babae, dahil gusto daw nito umuwi sa pilipinas dahil sa nakita, magkasama sila noon sa mall at nakita nitong may kasamang babae si Tyeron doon, well 'di na din lingid sa kaalaman niyang ikakasal si Tyeron sa ibang babae and that's made Lhalhaine hurt so much pero swerte pa din ang kaibigan dahil my Throne ito, at pwedeng-pwede itong lumayo at piliin ang sarili hindi gaya niya.

Napakurap siya ng biglang may lumapat na kamay sa kanyang mga pisngi, bumungad sa kanya ang nag alalang mukha ni Mikael.

"Why are you crying? May masakit ba sa iyo?" masuyong tanong nito.

Natigilan siya at wala sariling napahawak sa kanyang pisngi basa nga iyon, umiwas siya ng tingin.

"Don't mind it, for your question, yes i did buy tickets," malumanay na tugon niya na 'di tumitingin sa lalaki.

"For whom?" mabilis na tanong nito.

"Can I know first? The reason why you two need to know about this?" balik tanong niya.

Napaayos ng umupo si mikael ganon din si Heckson.

"Well, we're trying to help a friend, I can't explain the whole story to you because we don't have so much time, so tell me if it's for you or for Lhalhaine, the ticket you buy?" Si Mikael ang sumagot gamit ang seryosong tinig.

Napatingin siya sa orasan nasa dingding. "Her flight is today," sabi niya habang nakatingin sa orasan.

"Fuck!! I need to call Tyeron, he needs to know about this," bulalas ni Heckson at mabilis na tumayo at kinuha ang cellphone.

Habang seryosong nakatitig sa kanya si Mikael kaya na pababa siya nang tingin hindi siya sanay sa pagiging seryoso ng lalaki.

"Why did you buy her ticket?" seryosong tanong nito.

At tumingin ng diretso sa kanyang mga mata na tila ba pati kaluluwa niya ay sinusuri nito. Tumititig din siya rito, minasdan niya ng mabuti ang mukha ng lalaki.

"Well, I can't tell you why," malumanay na tugon niya.

Nakita niyang tumaas kilay nito, malapit sila sa isa't isa dahil magkatabi sila at nakaposas pa din ang mga kamay nila.

"Why?" seryosong tanong nito.

Bumuntonghininga siya. "It's not my story to tell, just ask her," tugon niya.

Bumuntonghininga ang lalaki, kinuha nito ang laptop nasa gilid lang nito at may kinulikot dun habang siya 'di mapakali.

"Hey, Mr. Can I go home now?" tanong niya.

"No," sagot nito habang ang mga mata ay nasa laptop.

"And why is that?? I already told you right? I need to go back in the hospital, my patient is waiting for me, I don't have time with this, nasabi ko na ang gusto niyo malaman, so let me go already," nauubusan ng pasensya na sabi niya.

'Di siya nito pinansin kaya mas lalo kumulo dugo niya, tumayo siya at dahil magkaposas pa din ang kamay nila napaangat din ang kamay ng lalaki kaya napatingin ito sa kanya.

"What?? Alisin mo na 'tong posas at uuwi na ako," seryosong turan niya.

Binalik uli nito ang tingin sa laptop na tila ba 'di siya narinig kaya mas lalo siya nainis na hindi niya naman nararamdaman sa iba ngayon lang, sa lalaki lang ito.

"MIKAEL!!!!!" tili niya.

Tumingin ito sa kanya tapos umungat ang gilid ng labi nito na tila natutuwa pa sa pagtili niya. Nagbaba siya ng tingin ng napansing nakatingin sa kanila si Heckson nakatayo sa gilid at may kinakausap sa cellphone.

"Aalisin mo na ito at nag maka-uwi naku," mahinang sabi niya at bumalik sa pagkaupo.

"Hindi ka pa pwede umalis," tugon nito.

"And why is that??" nauubusan ng pasensya na tanong niya.

"Just do what I say and stop asking," seryosong turan nito at tumingin sa kanya.

Bago pa man siya maka-angal may 'di inaasahang panauhin ang dumating.

...

Binibining mary ✍️

A/N: I would like to say thank you sa mga unang reader nito, wala akong narinig na negative comments mula sa inyo. Salamat dahil kahit hindi ako nakaka-update everyday nagtitiyaga pa rin kayong maghintay. Enjoy reading and don't forget to vote and leave some comments every chapter, thank you!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Underground Romance Series #2: Mikael Louise Wingston   Special Chapter 3: Reception

    HINDI mapawi-pawi ng ngiti sa mga labi ni Mari habang nakaupo na silang dalawa ni Mikael sa harap ng kanyang kaibigan, bisita at pamilya. Sa mga sandaling iyon ay nasa hotel reception na sila, tapos na ang kasal, oras na para sa kainan at kasayahan. “Masaya ba lahat?” malakas na tanong ng kanilang MC na si Jason. Isa sa mga kakilala ni Shyra na siyang kinuha nila bilang Mc nila ng mga sandaling iyon. Halos pilipino ang guest nila, mas ginusto kasi nila ni Mikael magpakasal dito sa pinas kaysa sa Nevada. “YES!!” sigaw naman ng mga bisita.“Mabuti, busog ba lahat?” nakangiting tanong ulit ni Jason.“YES NA YES!!” malakas na sigaw ng mga bisita.“Kung gayon ay panahon na para saksihan natin ang intermission performance ng ating groom,” anunsyo ng kanilang MC.Nagulat siya at mabilis na napatingin sa kanyang mister na ngayon ay nakatayo na pala. Yumuko ito at kinuha ang kanyang kamay at dinala iyon sa mga labi nito sabay sabing,“This is for you, sweetheart.”Bago pa man bumuka ang kany

  • Underground Romance Series #2: Mikael Louise Wingston   Special Chapter 2: Officially Married

    SOMEHOW, Mari felt nervous at the same time excited sapagkat ang susunod ay, magbibigay na sila ng vow nila sa isa’t-isa, she knows she will probably cry when she will give her message to him.“The couple has prepared vows that they would like to now exchange before those gathered here today. Mikael Louise Wingston and Mari Elliyian Green, please step forward and speak your promises to one another before all who are here to witness your love,” anunsyo ng Pari habang sila namang dalawa ni Mikael ay kaagad na sinunod ang inutos nito.“Mikael, you may begin.”“Mari, my sweetheart, my sunshine, my angel and my everything, I can’t believe this day will come, that you will be here with me. That you will marry me, I admit I’m no hero, I’m not a perfect man. I’m not worthy of any of your affection, time and attention. The pain I cost you is unforgivable, it’s hurt me that I hurt you. Thank you so much for giving me a chance to prove myself to you, that l love you, I will take care of you and

  • Underground Romance Series #2: Mikael Louise Wingston   Special Chapter 1: Wedding Day

    NO one could ever think that this day would come but she is happy that she has it now. She can finally marry the man she loves, the father of her unborn child. Yes, today is their wedding day. Time goes fast indeed, one month of preparation was not easy but they became the result today and she can say it's worth it. "You may now open your eyes, ma'am." Dahan-dahang minulat ni Mari ang kanyang mga mata, nasa loob sila ngayon ng dressing room. Inaayusan siya ng kanyang make-up artist na si Argie. Yes! Araw ng kasal nila ngayon ni Mikael. Napangiti siya, muntik na ito hindi matuloy pero heto siya, nakasuot na ng kanyang wedding gown, looking good and glowing with happiness. "Ang ganda mo naman, Mari!" Napatingin siya sa kanyang gilid ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. "Shyra…" sambit niya sa pangalan ng babae na ngayon ay nakasuot ng kulay yellow na gown. "The one and only, my dear," nakangiting sabi nito. "Finally the tuloy din," nakangiting sabi ni Lhalhaine

  • Underground Romance Series #2: Mikael Louise Wingston   Epilogue

    PAGKAPALABAS ni Mari sa ospital ay dun sila dumeristo sa bahay ni Mikael at nagulat ang dalawa sa sumalubong sa kanila."WELCOME BACK MARI!" sabay na sigaw ng mga kaibigan nila. "Aw, thank you guys," naiiyak na sabi ni Mari at niyakap sina Lhalhaine, Lara, Anna at Shyra. "Welcome, basta huwag mo kalimutan na ninang kami ng anak ninyo ha," nakangiting sabi ni Shyra."Oo naman," masayang sagot niya."Goods, hala tara na kumain na tayo, maya na tayo mag-chika minutes," giit ni Shyra at bumalik sa tabi ni Cyrex na walang emosyon ang mukha as usual.Masaya silang nagsalo-salo sa may likod ng bahay ni Mikael, kung saan may malapad na garden at sa gilid ay may malawak na swimming pool.PAGDATING ng gabi. Naiwan na sila ni Mikael sa may garden. Nakahiga silang dalawa sa may picnic blanket habang tinatanaw ang mga bituin sa langit."Mikael…""Hmm?""Ano gusto mong gender ng baby natin?" tanong niya sa lalaki at tumingala rito. Nakaunan kasi siya sa may dibdib ni Mikael."Kahit ano, ikaw ba?"

  • Underground Romance Series #2: Mikael Louise Wingston    Chapter 75: Not a perfect hero

    NAGISING si Mari na puro puti ang nakikita niya. Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtanto niya kung nasaan siya-ospital. Kaagad na napahawak siya sa tiyan niya nang maalala niya ang nangyari, napaiyak siya nang makapa niyang may malaki pa rin tiyan niya. "Thanks god! Akala ko mawawala ka na sa akin," umiiyak na wika niya. Napa-angat siya ng tingin nang marinig niyang bumukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang mukha ng kanyang ina."Mari, anak, mabuti naman at gising ka na, kamusta ang pakiramdam mo?" Napatitig siya sa Ginang. "Medyo ayos na po. S-sino po ang nagdala sa akin rito?" Upo ang Ginang sa may upuan na nasa gilid ng kama niya at inabot ang kanyang kamay. "Napaka-swerte mo sa kanya anak. Mukhang mahal na mahal ka talaga niya-""S-si Mikael po ba?" pigil hiningang tanong niya."Siya nga. Siya ang nagdala sa iyo rito at siya rin ang nag-donate ng dugo para mailigtas kayo mag-ina. Hindi lang iyon, siya rin ang nagbantay sa iyo araw at gabi halos dito na nga tumira ang bat

  • Underground Romance Series #2: Mikael Louise Wingston   Chapter 74: He can't afford to lose them

    ANG bilis lang ng panahon, tatlong buwan na siyang nakatira sa bahay ni Mikael. Lumaki na nga ang tiyan niya at nasanay na rin siyang magigising sa umagang may makikitang isang piraso ng bulaklak sa gilid ng kanyang kama. Makakatanggap ng mga pagkaing gusto niyang kainin at mga grocery. Ngayong araw nga'y heto siya nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang nakatitig sa isang piraso ng lily of valley. "Mukhang wala siya talagang planong sukuan ako," mahinang aniya at inabot ang lily of valley at dinala iyon sa kanyang ilong.Napapikit siya. "Ang sariwa, maganda at nakakaakit. Mahirap tanggihan at huwag pansinin ang bulaklak na ito ngunit, lily of flower is poisonous plant but it's safe to smell just don't eat it. Parang si Mikael, kahit alam kong bawal siya mahalin dahil siya ang lalaking tuluyang sumira sa tiwala ko sa mga lalaki. Ang lalaking siyang akala ko'y iba sa ama at ex husband ko ngunit hindi pala, siya pala ang puno't-dulo ng lahat pero bakit? Hindi ko siya magawang iwasan at

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status