Share

Chapter 5: Unexpected Road Trip

NAPATINGIN siya sa pintuan at nabitin ang kamay niya sa eri dahil biglang may pumasok, nanlaki ang mga mata niya nang makita si Doc. Cyrex na nakasimangot habang nakasunod rito si Shyra.

"Sige na, Doc. Isama mo na ako, sige na one-time lang, please!! Please—"

"Stop," putol ni Doc. Cyrex sa pangungulit ng babae at nilingon si Shyra.

Napalabi naman ang babae, nakita niyang napabuntonghininga ang Doctor at akmang magsasalita ito ng...

"Omg! Mari-dear, nandito ka pala, namiss kita alam mo ba?" hiyaw nito at mabilis na nilagpasan si Doc. Cyrex at dire-diretsong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Hulog ka talaga ng langit, mare," bulong nito na kinataka niya.

"Huh?" nalilitong bulalas niya.

Bitiwan siya nito at ngiti-ngiting tumingin sa kanya kaya mas lalo siyang nalito sa kinikilos ng babae.

"Ba't ka pala na rito? Sasama ka din?" tanong nito.

Napabuntonghininga siya. "No, that crazy playboy kidnap me," seryosong sagot niya at tinuro si Mikael na napatingin din sa kanila.

Napa "O" ang labi ni Shyra at nanunuksong tinitigan si Mikael na ngayon ay busy pa rin sa laptop nito.

"Oy ikaw, Chief ah, domadomoves ka rito sa kaibigan ko, may asawa na ito, oy at saka nandudukot na pala ngayon ang mga police, tsk, tsk, tsk," umiling-iling na sabi ni Shyra.

Tinignan ito Mikael. "Gusto mo sumama?"

'Di niya inaasahan iyon ang sasabihin ng lalaki, mabilis na tumango naman si Shyra.

"Oo, Chief, isama niyo na ako at saka best friend ako ni Lhalhaine remember? Kaya ako kakaalam kung saan exactly ang bahay niya kaya sama niyo na ako," pamimilit nito.

"Well kung gusto mo sumama, pilitin mo itong isa mo pang kaibigan na sumama," nakangising turan ni Mikael.

Nakinalaki ng mga mata niya, patay talaga ang kulit pa naman itong si Shyra, talagang hindi siya nito titigilan pag 'di siya sumasang ayon, alinlangan ngumiti siya sa babae.

"I can't," mabilis na sagot niya.

Humaba ang nguso ng babae at umupo ito sa tabi niya kaya napa-usog siya palapit kay Mikael.

"Sige na naman, mars, minsan lang naman eh, isipin mo na lang regalo natin 'to sa dalawa, sige na, ayaw mo bang magka-happy ending ang kaibigan natin??" pangongonsensya nito sa kanya.

Napakagat labi naman siya at palihim na kinurot ang kamay ni Mikael sa inis niya sa lalaki.

"Shit! What the!!" bulalas nito at tinignan siya.

Inirapan niya lang ito nang tumingin ito sa kanya imbis na mainis ay nginisihan lang siya ng lalaki sabay kimindat pa ito sa kanya.

"Gusto ko...pero bawal kasi akong umalis pag 'di about sa medical mission, my husband will be mad, ganun din si dad—" paliwanag niya na pinutol ni Shyra.

"Nariyan naman si Doc. baback upan ka niya, diba Doc.?" nakangiting katwiran ng babae at tumingin sa Doctor.

Napatingin siya kay Doc. Cyrex, napabuntonghininga ito at kinuha ang cellphone sa bulsa, tinatawag nito ang ospital, napakurap siya ng pumalakpak si Shyra.

"Okay, set na, pwedeng-pwede na tayo mag-road trip," parang nanalo sa lottong sabi ni Shyra kulang na lang lumundag ito sa saya.

"This is not a road trip—" masungit na angil ni Doc. Cyrex na pinutol ni Shyra.

"Oh, stop being uptight, doc, mabilis kang tatanda niyan pero kahit ganun love pa din kita."

Kumidat pa ito, napa "Ohh" naman ang mga boys habang siya 'di mapakali.

"Are you okay?" tanong ng tinig.

Napatingin siya kay Mikael, nababasa niya ang pag-alala sa mga mata nito, umiwas siya ng tingin.

"Do I look am?" malamig na tanong niya.

Napatahimik ito, napabuntonghinga na lamang siya. Nandito na ito wala na siyang kawala kaya sasabay na lamang siya sa agos, tatawagan niya na lang mamaya ang mayordoma nila sa bahay kung uuwi ba si chad o hindi, hiniling niya sana, may business trip ang lalaki para 'di siya malalagot rito.

"Bahala na," bulong niya at sumunod sa mga kasamahang palabas na sa bahay.

...

Binibining Mary ✍️

A/N: Enjoy reading, para mas maintindihan mo pala ang kwento, read the series 1 first or mas better if unahin mo ang MY XL BOSS, dahil dun lahat ng simula. You can read them in yugto and d****e just search my pen name, Binibining Mary.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status