ログインHindi na muling bumalik ang katahimikan sa bahay nang gabing iyon.Kung kanina ay puno lang ng tensyon ang sala, ngayon ay unti-unti itong nagbago—mula sa isang simpleng lugar ng pagtitipon, naging sentro ito ng isang operasyon.Isang tahimik pero organisadong laban.Isa-isang inilabas nina Charm, Valeria, at Rafael ang mga kagamitan nila. Hindi ito yung tipikal na setup na makikita mo lang sa opisina—mas kumplikado, mas mabilis, mas handa para sa kahit anong mangyari.May mga monitor na inilatag sa mahabang mesa. May mga laptop na sabay-sabay na binuksan. May mga cable na maingat na ikinabit sa bawat device.Sa loob lamang ng ilang minuto, ang sala ni Mama Estella ay hindi na mukhang bahay. Para na itong command center.Tahimik akong nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan sila. Hindi ko inaasahan na babalik kami sa ganitong sitwasyon—na ang lugar na ilang araw lang ang nakalipas ay puno ng tawanan at kasiyahan ay ngayon ay puno na naman ng pag-aalala.“Check mo yung feed sa east sect
Hindi nagtagal matapos naming malaman ang balita. Halos wala pang isang oras ang lumipas nang muling mapuno ang bahay ni Mama Estella. Kung ilang araw na ang nakaraan ay tahimik at payapa ang bahay na ito matapos ang kasal, ngayon ay parang bumalik ang pakiramdam ng mga panahong puno ng tensyon.Isa-isa silang dumating.Si Kuya Harold ang unang pumasok sa sala, hawak pa rin ang tablet niya na tila may kung anong data na binabasa. Kasunod niya sina Ate Gwen at Samantha na halatang nagmamadali pa mula sa pag-alis nila sa bahay.Ilang minuto pa ay dumating din sina Harvey, Charm, at Valeria.Ang huli ay si Rafael.Si TJ ay tahimik na nakaupo sa tabi ko.Tahimik ang sala habang nagtitipon ang lahat. Walang nagbiro. Walang nagsalita ng kung anu-ano. Ang balita tungkol kay Heidi ay parang malamig na ulap na biglang bumalot sa buong bahay.Nakatayo si Troy sa gitna ng sala, tahimik na nakatingin sa bawat isa habang papasok sila. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ang nasa isip niya.Ki
Tahimik na ang garden nang gabing iyon.Kung kanina ay puno ito ng tawanan, ingay ng kubyertos, at masayang usapan, ngayon ay marahan na lamang ang hangin na dumadaan sa pagitan ng mga puno. Unti-unti nang nagpaalam ang ilan sa mga bisita, habang ang iba naman ay nanatili pa sa veranda ng bahay ni Mama Estella para magkwentuhan.Nakatayo ako sa gilid ng garden habang pinagmamasdan ang mga ilaw na nakasabit sa mga sanga ng puno. Mahina ang kanilang liwanag, sapat lamang para bigyan ng kakaibang init ang paligid.Sa loob ng maraming taon, hindi ko naranasan ang ganitong katahimikan.Hindi yung katahimikan na may kasamang kaba o takot. Kundi yung katahimikan na may kasamang kapayapaan.May marahang humawak sa kamay ko mula sa likod. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.“Napapaisip ka na naman,” sabi ni Troy.Bahagya akong napangiti. “Masama ba?”“Hindi,” sagot niya. “Pero kilala kita.”Lumapit siya at tumabi sa akin. Pareho kaming nakatingin sa garden na kanina la
Nagsimula ang kasiyahan halos agad pagkatapos ng seremonya. Hindi na kami lumayo pa sa garden. Sa kabilang bahagi lamang nito ay nakahanda na ang mahabang mesa na puno ng pagkain. Simpleng handaan lang—walang engrandeng buffet, walang sobra-sobrang dekorasyon—pero sapat para sa mga taong naroon.Habang naglalakad kami ni Troy papunta roon, maririnig ang halakhakan ng pamilya. Si TJ ang unang tumakbo palapit sa amin, halos hindi maitago ang excitement.“Finally!” sigaw niya habang nakangiti. “Official na talaga kayo!”Napatawa si Troy. “Matagal na kaming official, hindi ba?”“Hindi, iba iyon,” sagot ni TJ. “Ngayon lang dahil natapos na ang lahat ng gulo.”Napangiti na lang kami ni Troy.Sa gilid ng garden ay nakaayos ang ilang bilog na mesa na may puting tela. May mga bulaklak sa gitna ng bawat isa—mga simpleng arrangement na si Samantha mismo ang nag-ayos kahapon.“Umupo na kayo,” sabi ni Ate Gwen habang inaayos ang isang upuan para sa akin. “Bride ka ngayon. Bawal kang magtrabaho.”“
Maaga akong nagising.Hindi dahil sa alarm. Hindi dahil sa ingay ng bahay.Kundi dahil sa kakaibang pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdaman—ang kaba na may kasamang saya.Sandali akong nakahiga habang nakatingin sa kisame. Tahimik ang kwarto, pero alam kong hindi magtatagal ang katahimikang iyon. Ngayon ang araw na matagal nang pinag-usapan sa loob ng bahay. Ilang linggong paghahanda, pag-aayos, pagtatalo tungkol sa maliliit na detalye.Ngayon na iyon.Ang kasal.Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumangon. Sa bintana ng kwarto ay sumisilip na ang maagang liwanag ng araw. Ang langit ay kulay mapusyaw na asul, may kaunting ulap na parang marahang kumakalat sa hangin.Garden wedding.Napangiti ako sa sarili ko.Hindi ko akalaing darating ako sa puntong ito—hindi dahil sa hindi ko gustong magpakasal ulit, kundi dahil sa dami ng nangyari sa buhay ko. Maraming beses na rin akong naniwala na ang kapayapaan ay hindi para sa mga taong tulad ko.Pero narito ako.At ngayon ay hindi n
Maingay ang bahay kinabukasan.Hindi na iyon ang tahimik na umagang tulad ng kahapon. Parang may nagising na bagong enerhiya sa loob ng bahay—isang halo ng excitement, kagalakan, at kaunting kaba na karaniwang kasama ng mga bagay na malapit nang mangyari.Kasal.Ang salitang iyon ay parang hindi pa rin ganap na nagsi-sink in sa akin.Nakaupo ako sa dining table habang hawak ang tasa ng kape. Sa harap ko ay nakabukas ang isang notebook na ibinigay ni Samantha kanina lang.“Planner ‘yan,” sabi niya kanina habang halos ihagis iyon sa harap ko. “Kailangan nating magsimula.”Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan. Hindi pa man nagsisimula ang araw ay parang may meeting na agad.Mula sa kusina ay maririnig ang boses ni Mama Estella.“Harvey, pakipasa nga ‘yung tinapay!”“Hindi ako si Harvey, Lola!” sagot ni TJ mula sa sala.“Edi ikaw na! Pakipasa!”Napailing ako habang napapangiti.Normal na ingay. Normal na umaga. Mga bagay na matagal kong hindi naranasan.“Hindi ka pa rin nagsusul
Limang buwan.Limang buwang ubod ng haba, ubod ng dilim, ubod ng sakit.Limang buwang parang bawat segundo ay hinihiwa ang kaluluwa ko gamit ang kalawangin na kutsilyo ng takot, pagod, at kawalan ng pag-asa.Pero ngayon...Ito na ang araw ng “kamatayan” ko.Hindi literal. Pero paraan ito para maiba
Hindi ko na alam kung paano ako nakatayo matapos ang nangyari sa dining hall. Parang bawat hakbang ko ay posporo—konting galaw lang, pwedeng magliyab yung sakit, yung hiya, yung pagod. Pero kailangan kong bumangon. Kailangan kong lumakad palayo kahit wala naman akong matinong pupuntahan.Nangingini
Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Hindi ko alam kung paano ko nagawang huminga habang hinihila ako ng dalawang jail guard papasok sa makipot na pasilyo ng city jail. Ang alam ko lang… mabigat ang bawat hakbang. Para bang bawat paglapit ko sa rehas ay isa pang pintuang nagsasara sa pag-a
Hindi ko na alam kung ilang araw na akong halos hindi kumakain nang maayos. Bawat subo kasi rito ay parang kailangan munang pagdaanan ang sampung desisyon bago mo maisubo: ligtas ba? may lason ba? may gumalaw ba rito? o mas pipiliin ko na lang bang magutom kaysa maabuso?Pero ngayong tanghali, napi







