ログインHindi ako agad umalis ng opisina matapos ang meeting. Kahit tapos na. Kahit malinaw na ang resulta. Kahit alam ko nang aprubado na ang Aether Grid.Nanatili lang ako roon nang tahimik. Nakatayo sa harap ng glass wall. Parehong lungsod ang nasa harap ko—pero hindi na ito katulad ng kanina.Kanina, ito ay isang posibilidad.Ngayon—isa na itong responsibilidad.Huminga ako nang malalim. Mabigat. Hindi dahil sa pagod. Hindi dahil sa kaba. Kundi dahil sa bigat ng katotohanan.Ang project na ito— hindi na lang sa amin ni Samantha.Hindi na lang sa kumpanya.Hindi na lang sa lungsod.Nasa radar na kami ng gobyerno.Ng presidente.At alam ko— na sa sandaling iyon ay nagbago na ang lahat.Hindi ko na pinatagal pa.Kung may isang tao na kailangang makaalam agad— si Papa iyon.Gabi na nang makarating ako sa bahay. Pareho pa rin. Tahimik ang paligid. May ilaw sa veranda. May presensya sa labas na hindi halata pero alam mong nandiyan.Hindi nawala ang pagbabantay kahit ilang taon na ang lumpias at
May mga sandali sa buhay mo na kahit gaano ka kahanda, may darating na isang pangungusap na kayang baguhin ang lahat.At iyon na ang sandaling iyon.“I'm here on behalf of the President of the Philippines.”Tahimik ang buong conference hall. Hindi iyong normal na katahimikan na puno lang ng paghihintay. Ibang klaseng ang katahimikan na ito.Mas mabigat. Mas malalim. Mas totoo.Parang lahat ng hangin sa loob ng kwarto ay sabay-sabay na nawala. Hindi agad gumalaw ang kahit sino. Walang nagtanong. Walang sumingit. Walang nagpakita ng hayagang reaksyon.Pero ramdam ko, ang lahat ay nag-iisip.At ako— ako ang pinakaunang tinamaan ng sinabi niya.Napatingin ako kay Alessia. Hindi siya nagbago ng ekspresyon. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagpakita ng kahit anong emosyon. Parang normal lang ang sinabi niya.Pero hindi iyon normal.Hindi kahit kailan.“Nasa listahan na ng presidente ang Arizcon Technologies.”Mas lumalim ang katahimikan.“Listahan?” tanong ko.Hindi dahil hindi ko na
Hindi ako nagising dahil sa alarm. Nagising ako dahil sa bigat ng araw na ‘to.Hindi ito katulad ng mga nakaraang meeting. Hindi ito simpleng presentation. Hindi rin ito negotiation lang.Ito na ang punto kung saan ay hindi na kami lang ang magdedesisyon. Hindi na kami lang ang may kontrol. Ito na ang araw na haharap kami sa mga taong may kakayahang ituloy o tuluyang ihinto ang lahat ng plano namin ni Samantha.Maaga akong dumating sa opisina. Mas maaga pa kaysa sa kahapon. Mas maaga pa kaysa sa lahat.Tahimik ang buong building. Ilaw pa lang ang gising. Ang mga hallway ay walang laman. Ang conference floor—sarado pa.Pero sa loob ko ay hindi tahimik. Ayaw ko mang aminin pero kinakabahan ako.Pagpasok ko sa opisina ko, hindi na ako dumiretso sa upuan. Dumiretso ako sa bintana. Parehong tanawin. Parehong lungsod.Pero ngayon, ito na ang huhusga sa akin.“Sir.”Napalingon ako. Si Melvin.“Lahat po ay confirmed,” sabi niya. “Board of directors—Arizcon Technologies, Board of directors ng
Hindi na naging payapa ang isipan ko pagkatapos ng meeting namin ni Samantha sa mayor. Hindi sa masamang paraan kundi dahil nakikita ko na ang isang payapang lungsod.Bumalik ako kaagad sa opisina hindi dahil may kailangan pa akong tapusin—kundi dahil kailangan kong i-process ang lahat ng nangyari.Support ng mayor.Expansion ng scope.Responsibilidad sa buong lungsod.Hindi na ito basta project. Hindi na ito basta plano. Ito na ang magiging pundasyon ng lahat ng mga susunod na henerasyon. At para sa unang pagkakataon mula nang simulan namin ito—ramdam kong gumagalaw na talaga kami.Hindi na kami naghahanda lang. Nagsisimula na kami.Pagbalik ko sa opisina, hindi na kasing tahimik ang floor. May galaw na ulit. May ingay ng keyboard. May mga usapan sa malayo. May mga taong may kanya-kanyang ginagawa.Normal na araw.Pero iba na ang pakiramdam ko ngayon sa normal na ‘yon.Mas malinaw. Mas may direksyon.“Sir?”Napalingon ako. Si Melvin.“May tawag po si Ms. Samantha.”Tumango ako. “Put
Mas maaga ako kaysa kahapon. Mas maaga kaysa sa kailangan. At mas maaga kaysa sa inaasahan ng kahit sino.Hindi dahil may hinahabol akong oras—kundi dahil may hinahabol akong direksyon.Pagpasok ko sa opisina, tahimik pa ang buong floor. Iilan pa lang ang empleyado. Ilaw pa lang ang gising. Ang mga screen ay naka-standby. Ang lungsod sa labas ay nagsisimula pa lang gumalaw.Ganito ko gusto ang umaga.Malinaw ang isip. Tahimik ang paligid. At wala pang ingay ng mundo.Huminto ako sa harap ng glass wall. Parehong tanawin. Pero ngayon— mas malinaw na sa akin kung anong gusto kong mangyari sa lungsod na ‘to.Hindi lang pag-unlad. Hindi lang modernisasyon. Kundi— proteksyon.“Sir, maaga kayo ngayon.”Napalingon ako. Si Melvin.“Schedule?” tanong ko.“Meeting with Ms. Samantha, 8:30,” sagot niya. “Then city hall by 10.”Tumango ako. “Prepare everything.”“Already done, sir.”Of course.Pagdating ng 8:25, dumating si Samantha.Walang pagbabago. Diretso pa rin ang lakad. Hawak ang tablet. Wal
Gabi na nang makauwi ako. Hindi ko na namalayan ang oras. Karaniwan, alam ko kung anong oras ako aalis ng opisina. Nakasanayan ko na ang schedule—meeting, reports, site visits, follow-ups. Lahat may oras. Lahat may lugar.Pero ngayong araw—parang may naiwan sa isip ko na hindi ko matanggal.O baka naman— may nadagdag.Huminto ang sasakyan ko sa harap ng bahay. Ang bahay ni Lola Estella. Hindi na kami umalis dito simula nang ikasal muli sina Mama at Papa.Pareho pa rin ang bahay.Labinlimang taon na ang lumipas, pero may mga bagay talagang hindi nagbabago. Ang gate. Ang ilaw sa may veranda. Ang pakiramdam na kahit gaano ka kalayo nanggaling—dito pa rin ang uwi mo.Bumaba ako at tahimik na naglakad papasok. Hindi na ako nagulat nang mapansin ang presensya ng mga tauhan ni Papa. Hindi sila halata sa unang tingin, pero kung sanay ka na—makikita mo sila.Sa anino.Sa galaw.Sa katahimikan.Hindi nawala iyon kahit lumipas ang mga taon at hindi ko rin gustong mawala sila. Dahil hanggang nga
Umuwi ako gaya ng sinabi niya, pero hindi para magpahinga.Umuwi ako para maghanda.Pagpasok ko sa apartment, agad kong isinara ang pinto at siniguradong naka-double lock. Ibinaba ko ang mga blinds. Pinatay ko ang main lights at iniwan lang ang desk lamp na nakatutok sa mesa ko.Tahimik ang paligid
Pag-akyat namin mula sa underground ay tila ibang mundo ang sumalubong sa akin.Pareho pa rin ang estruktura. Pareho pa rin ang malamig na marmol sa sahig. Pareho pa rin ang tahimik na mga ilaw sa kisame na parang walang alam sa nangyayari sa ilalim. Ngunit iba na ang pakiramdam ko.Mas mabigat, ma
Hindi humupa ang ingay sa buong building. Hindi ito iyong uri ng ingay na malakas at magulo lamang.Ito ang ingay na may bigat at maraming bulungan. May mga pabulong na tawag sa telepono. Mayroon ding mahihinang usapan sa gilid ng mga cubicle.Ang buong Arizcon Technologies ay parang isang higanten
Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang liwanag mula sa telepono ko ay paulit-ulit na sumasalamin sa kisame tuwing nagre-refresh ang news feed.Laman na ng balita si Harvey.Hindi na bulong. Hindi na tsismis sa loob ng building. Hindi na internal investigation lang.Isa na siyang pam



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



