Share

Chapter 5 - Rules

Penulis: GRAY
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-17 23:52:52

"P-Personal maid?" hindi makapaniwalang naitanong ko habang nakatingin sa babaeng may maiksing buhok. She was petite and cute. Personal maid ba talaga siya o—

"Ako pala si Mayang, Ma'am Emie," nakangiti niyang pagpapakilala sa akin. Matigas iyong accent niya. Kung hindi lang nagsalita ay mapagkakamalan ko siyang batang naliligaw at hinanap ang mama niya.

Naiilang akong ngumiti sa kanya. "H-Hello... parang inutusan ka lang bumili ng suka, ah?"

Nagulat ako dahil napatawa siya nang malakas. "Juker ka pala, ma'am!"

Kumuha ako ng pera sa bag ko at binigay sa kanya. "Bili ka ng meryenda."

"Hala, salamat kaayo, ma'am!" At kumaripas na siya ng takbo palabas ng hospital room ko.

Nang masigurong wala na siya ay naniningkit ang mga matang napatingin ako kay Uncle Troy. Prente siyang nakaupo sa may sofa at may binabasa yata sa tablet na hawak niya.

"Uncle—"

Natigil ako sa pagsasalita nang mula sa tablet ay nalipat ang atensyon niya sa akin. Ang naggagandahan niyang mga mata ay masamang nakatingin sa akin ngayon. Lihim akong napalunok ng laway. Kulang na lang ay may lumabas na kutsilyo sa mga mata niya at diretso ang tama sa akin.

"Rule number one." Dahan-dahan niyang binigkas ang tatlong salitang iyon. "Call me anything, except for uncle."

"Papa?"

"Yes, mama?"

Napasimangot ako. That was supposed to be a joke! Binalik ba naman sa akin? Mga matatanda talaga. Pero ang sagwa pala pakinggan.

Napabuntonghininga ako bago nagsalita sa kung anong dapat kong sabihin at baka sa kung saan pa mapunta ang usapan. "Kailangan ko ba talagang magkaroon ng personal maid? I mean, kaya ko namang kumilos kahit para na lang sa sarili ko. Gusto ko nga asikasuhin na ang JEF at EPH para—"

"At sinong nagsabi sa iyo na ikaw ang mag-aasikaso? You're maybe the CEO but I will not let you work," kaagad niyang sagot sa akin kahit hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita.

"Hindi pa tayo mag-asawa pero you're bossing me already?" Nakataas ang kilay ko habang seryosong nakatingin sa kanya. "If you're setting rules, I will also set my rules."

"You're not in the place to set you're own rules," matigas niyang sagot sa akin.

Aba, ang gurang na ito, iniinis ako!

"Oh, really?" Pinagkrus ko ang mga braso ko at hindi man lang kumurap. "Ikaw itong may offer sa akin at may karapatan akong tumanggi."

"Tumanggi ka kung gusto mo," sabi niya pa sa nanghahamong tono.

Tumayo ako at inaayos ang mga gamit ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa tonong parang naaalarma.

Hinarap ko siya habang hawak ang bag ko. "Aalis."

Napatayo naman siya at kaagad na binawi ang bag ko sa akin. "You're not going anywhere."

"At bakit? I'm refusing you're marriage proposal," matigas kong sagot sa kanya at nakipagtitigan pa para ipakita sa kanyang hindi ako nagbibiro, kahit pa parang natutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Mahirap bang ibigay sa akin ang mga gusto ko gayong anak at kasal ang ibibigay ko sa iyo?"

Inismiran ko siya nang hindi siya makasagot.

Pupunta na sana ako sa banyo para magbihis pero mabilis niyan nahawakan ang kamay ko. "Fine! Set your own rules. You win young brat."

"Madali ka naman palang kausap," sabi ko at bumalik ng upo sa kama habang nagdidiwang na ako sa loob-loob ko. "I have three rules and I'll follow all your rules."

"Name it," tipid niyang sagot pero alam kong naiinis na siya dahil natalo ko siya. Ang dali lang palang hanapin ng kiliti niya.

"First, I'll still work. But I'll let Kuya Diego do all the hard work. Gusto kong updated pa rin ako sa mga negosyo namin. I'll assure you that I'll take care of myself, nanjan naman si Mayang, ang kinuha mong personal maid ko," sabi ko sa kanya at hinintay siyang sumagot.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago tumango. "Okay, happy?"

Tumango ako at ngumisi. "Second, hanapan mo ako ng secretary na mapagkakatiwalaan, hindi iyong tatraydurin ako."

Sa sinabi kong iyon ay napatitig siya sa akin. Malamang ay alam niya ang ibig kong sabihin. "Okay, got it."

"Lastly..." sabi ko at pansin kong atat siyang malaman kung anong huling rule ko. "Saka na lang. Wala pa akong maisip."

Iyong mukha niya...

Bakit ang sarap kurutin?

Tang ina.

Naglilihi na ba ako?

"May sampung rules ako," sabi niya at nanlaki naman kaagad ang mga mata ko. Ganoon kadami? "Pero saka ko na lang din sasabihin."

Tsk, gagaya.

"At kapag hindi ka sumunod sa mga patakaran ko ay parurusahan kita..."

Bakit parang iba yata ang dating sa akin ng salitang parusa? "B-Bahala ka."

Naupo siya ulit at binalik ang atensyon sa tablet. Ano kayang meron sa tablet niya?

Nang may bigla akong maalala. "Kumusta ang kaso ko?"

Pangatlong araw ko na rito at wala akong balita kung anong nangyayari sa labas. Ni hindi ko pa nakakausap sina mama. Ang sabi ni Uncle Troy ay nasabihan niya sina mama na maayos ako at wala ng dapat problemahin.

"Malinis na ang pangalan mo," sagot niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa tablet.

"Ano raw ang nangyari? Bakit nagkaganoon?" sunud-sunod kong tanong. Kahit si Kuya Diego ay hindi ko pa nakakausap. Literal na hindi ko hawak ang cellphone ko. Wala ring tv rito para sana may alam ako sa kung ano ng balita sa labas.

Seriously? Private room pero walang tv?

Napaiwas na lang ako ng tingin ng makitang ang sama na naman ng titig niya sa akin. "Rule number two, don't stress and worry yourself too much."

Eh? Bakit parang advantage sa akin ang rule na iyon? Pambihira talaga magbigay ng mga patakaran ang lalakeng ito.

"Bukas ay makalalabas ka na," sabi niya pa at ikinatuwa ko naman iyon. "Uuwi ka sa inyo at ipapaliwanag sa pamilya mo ang lahat-lahat."

Tumango-tango ako. "Huwag kang mag-alala, sasabihin ko naman sa kanila na buntis ako at ikaw ang ama."

"Good," sagot niya na parang isang bata ang kausap. "Pagkatapos ay maghanda kayo dahil pupunta ang buong pamilya ko sa bahay ninyo."

Natigilan ako sa sinabin niya at mukhang naintindihan niya naman ang naging reaksyon ko. "Yes, kasama si Gio. So better prepare yourself. Don't ever let him see that you're not over him yet. And as for my third rule, kailangang magmukha tayong nagmamahalan sa harap ng lahat."

Hindi ko alam kung makakaya ko ba.

Biglang may tumawag sa cellphone niya ipinatong niya naman ang tablet sa ibabaw ng coffee table. Sumenyas siyang lalabas at tumango lang ako.

Nang makalabas siya ay nabalik ang tingin ko sa tablet, nakabukas iyon.

Dali-dali akong bumaba ng kama at sinilip ang tablet.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita sa search tab nito.

A pregnant woman's craving.

How to please a pregnant woman.

How to make a pregnant woman calm.

Puro tungkol sa pagbubuntis.

Ganoon ba siya kaseryoso sa pagbubuntis ko?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 5 - Rules

    "P-Personal maid?" hindi makapaniwalang naitanong ko habang nakatingin sa babaeng may maiksing buhok. She was petite and cute. Personal maid ba talaga siya o—"Ako pala si Mayang, Ma'am Emie," nakangiti niyang pagpapakilala sa akin. Matigas iyong accent niya. Kung hindi lang nagsalita ay mapagkakamalan ko siyang batang naliligaw at hinanap ang mama niya.Naiilang akong ngumiti sa kanya. "H-Hello... parang inutusan ka lang bumili ng suka, ah?"Nagulat ako dahil napatawa siya nang malakas. "Juker ka pala, ma'am!"Kumuha ako ng pera sa bag ko at binigay sa kanya. "Bili ka ng meryenda.""Hala, salamat kaayo, ma'am!" At kumaripas na siya ng takbo palabas ng hospital room ko.Nang masigurong wala na siya ay naniningkit ang mga matang napatingin ako kay Uncle Troy. Prente siyang nakaupo sa may sofa at may binabasa yata sa tablet na hawak niya."Uncle—"Natigil ako sa pagsasalita nang mula sa tablet ay nalipat ang atensyon niya sa akin. Ang naggagandahan niyang mga mata ay masamang nakatingin

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 4 - Questions and Answers

    "S-Sandali lang..." sabi ko at umiwas ng tingin.Naaalala ko pang tinawag niya akong baby nang gabing iyon. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko."May gusto kang idagdag? Sabihin mo lang," sagot niya naman at kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatingin siya sa akin ngayon.Nanunuot ang mga titig niya sa akin.Dati naman ay hindi ganito ang reaksyon ko sa twing nandyan siya. Bakit ngayon ay nai-intimidate ako sa presensya niya?"M-May mga katanungan lang ako. Nalilito ako sa mga nangyayari," sabi ko pa habang nakayuko."Five questions for now, saka na ang iba," malumanay niyang sabi. "The doctor said you need to take a full rest. Buong buwan kang naging abala at napagod nang husto ang katawan mo."Paano niya nalamang buong buwan akong abala?Sa pagkakataong ito ay sinalubong ko na ang mga tingin niya sa akin. Natitigan ko na naman ang mga mata niya."Ang ganda..." wala sa sariling nasabi ko at nang umarko ang kilay niya ay saka ko napagtanto kung anong luma

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 3 - Proposal

    Kakalibing lang ni papa ngayon at isa-isa nang nagsialisan ang mga nakilibing.Nasa ICU pa rin si kuya, na-comatose. Ang sabi ng doktor ay twenty percent lang ang pag-asang magigising pa siya. Kung magising man siya ay baka hindi rin bumalik sa normal ang buhay niya.Ang masaya naming pamilya ay bigla na lang nalunod sa malalim na kalungkutan.Kasalukuyan kaming pabalik sa bahay. Nagpahuli kami ng uwi, kasama si mama, ang bunso naming kapatid na si Harvey, ang asawa ni Kuya Harold na si Ate Gwen at ang anak nilang si Samantha."Babalik ako sa hospital pagkatapos kong i-drop sina Samantha ay Yaya Connie," saad ni Ate Gwen, halatang pagod na.Hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya natin ito, ate."Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Bago pa man kami maiyak na naman ay sumakay na siya sa kotse nila."Bye, Tita Emie," paalam sa akin ni Samantha habang nakaupo na sa backseat kasama ang yaya niya.Kumaway na lang ako at hinatid ng tingin ang papalayo nilang sasakyan."Emie..."Nilingon ko an

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 2 - Oh God!

    "T-Tumalikod ka." Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiyang nararamdaman ko. Gusto kong magdamit na at tumakbo palayo sa kwarto na ito."I've seen it already, everything..." malamig niyang sagot at para bang sinadya pang bigkasin nang may diin ang salitang everything. "Wala ng dapat itago pa."Saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Napapipikit ako nang mariin habang nararamdaman na ang pag-init ng mukha ko. "J-Just turn a-around.""How does it feel?" bigla niyang tanong at kahit gusto ko man siyang tingnan ay hindi ko magawa dahil nakahubad pa rin siya! "Am I good? Did I satisfy you?"Napalunok-laway pa ako nang biglang maalala ang mga nangyari kagabi. Bakit ba kasi nanlabo ang paningin ko kagabi? Naaalala ko ang lahat! Pwera na lang sa mga mata kong si Gio ang nakita!"U-Uncle—""Calling me uncle now like I didn't make you moan last night?" dagdag niya pang tanong na nagpairita sa akin. "What was the words you said? 'Undress me'.""Will you shut up and turn around!" H

  • Undress Me, Uncle Troy   Chapter 1 - First

    "Bakit, Gio! Bakit!" sigaw ko pagkatapos inisang lagok ang whiskey sa hawak kong shot glass. Wala rin namang makaririnig sa akin.Nasa loob ako ng isang sikat na bar dito sa lungsod. Mga VIP lang ang nakapapasok dito. Patok ang bar na ito lalo na sa mga kilala sa lipunan. Dahil sa lugar na ito ay ligtas ang bawat sikreto.At ako?Hindi naman ako sikat pero kilala ang kumpanya namin na isang engineering firm. Wala rin akong sikreto.Hindi ko ba alam kung bakit dito ako pumunta. Pinapasok naman ako ng mga bantay sa labas pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko. So I assumed that they knew me.Hindi ko na rin alam kung ilang shot ng whiskey na ang nainom ko. Ang alam ko lang ay hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko, sakit na dulot ng lalakeng pinakamamahal ko.Gio cheated on me with my secretary.Punyeta lang.Pinagpalit niya ang sampung taon namin!That was ten years of my life!"Mishhh..." tawag ko sa bartender. Lasing na nga talaga ako at hindi na tuwid ang pananalita ko. "Ishaa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status