LOGIN"A-Ano?"
Kita ko sa mga mata ni mama na hindi siya makapaniwala matapos kong sabihing buntis ako. Nanatili akong tahimik. "Hindi naman sa ayaw kong magkaanak ka, pero..." Halatang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba on hindi na lang. "Pero ano po, mama?" tanong ko sa tonong kinukumbinsi siyang magpatuloy sa pagsasalita. "Paano ka nabuntis?" Hindi ko alam kung matatawa ba o kung maiinis sa tanong na iyon ni mama. "Mama naman..." Napakamot pa sa batok si Harvey na katabi lang ni mama sa may sofa. Si Ate Gwen naman ay nasa kabilang sofa. Silang tatlo muna ang kinausap ko. "Baka ang ibig sabihin ni mama ay paano kang mabubuntis kung wala ka namang pinakilala sa amin na boyfriend mo," pagpapaliwanag ni Ate Gwen. "O-Oo, iyon ang i-ibig kong sabihin," pagdedepensa ni mama sa kanyang sarili at saka nahampas naman sa balikat si Harvey. "Ikaw na bata ka! Ano-anong naiisip mo." "Eh, mama, ayusin mo kasi ang pagtatanong," reklamo naman ni Harvey habang hinihimas ang balikat na nahampas ni mama. "Kahit sinong makaririnig ay iba talaga ang iisipin." "O baka naman may boyfriend kang hindi pinapakilala sa amin?" tanong pa ni Ate Gwen na may malisyosong mga ngiti. Nalipat naman ang atensyon namin sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Kaagad na nag-init ang mukha ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Madali lang sabihing buntis ako pero hindi madaling sabihin kung sinong ama. Naalala ko ang sinabi ni Uncle Troy na sabihing may relasyon na kami bago pa ako mabuntis. Sabihin ko raw na siya ang nag-comfort sa akin habang nagmu-move on ako kay Gio. Iyon dapat ang irason ko para magkatugma kami ng kwento. Nanlalaki ang mga mata ni mama nang magsalita. "H-Huwag mong sabihing..." Mas doble pa yata ang inilaki ng mga mata ko sa sinabing iyon ni mama. May alam ba siya? Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Si Gio ba?" Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Akala ko pa naman ay may alam siya. "Kung siya man lang, Ate Emie, magkalimutan na tayo," nakasimangot na sabi ni Harvey. "Hindi ko pa nakakalimutan kung paano natin sila nahuli noon." Magkasama kami ni Harvey na dumating noon sa office ko, sa EPH. Nasa parking lot kami at napansin ko ang kotse ni Gio. Dati kasi ay close talaga si Harvey at Gio. Parang sila ang magkapatid. Kaya nang makita nito ang kotse ni Gio ay kaagad itong kumaripas ng takbo. Hindi ko alam kung tadhana na ba ang gumawa ng paraan para mahuli ko na sila dahil kaagad nabuksan ni Gio ang pinto ng kotse. Hindi nila kami napansin na papalapit na dahil abala sila sa isa't isa. At si Gio mismo ang unang nakakita. Kaya marahil ay ganoon na lang ang galit nito. "H-Hindi siya..." kaagad kong sagot at nakita kong kumalma si Harvey. "Si Troy ba?" Lahat kami ay napatigil sa tanong ni Ate Gwen. "Talaga ba? " mahinang saad ni mama. "Cool..." sabi naman ni Harvey. Hindi ko alam kung masaya ba sila sa naging reaksyon nila. Kinakabahan ako na para bang maiihi na. "Kaya pala noong nawalan ka ng malay ay siya kaagad ang bumuhat sa iyo," sabi pa ni mama na ikinagulat ko naman. "N-Nandito siya noong forty days ni papa?" gulat kong tanong. "Yes," sagot ni Ate Gwen. "Siya rin ang nagbalita sa amin na maayos na ang kalagayan mo." "At ang pinaka-cool pa ay siya ang umayos ng kaso mo, ate," sabi naman ni Harvey. "Nabalik lahat ng shares at nalinis pa ang pangalan mo." Hindi ko alam iyon. He was there all the time. "Pero, malayo ang agwat ninyo sa isa't isa..." dagdag na saad ni mama. "Ten years, I guessed?" hindi siguradong saad ni Ate Gwen. "Oo, ten years," sagot ko naman. "Hindi naman halatang may edad na si Uncle Troy," sabi pa ni Harvey. "Isa pa mas gwapo naman siya kaysa roon sa ex mong hayop, ate." Hindi naman iyon problema sa akin. Gaya nga ng sabi ni Harvey ay hindi halatang ten years ang agwat ng mga edad namin ni Uncle Troy. Ni hindi pumasok sa isipan ko na aabot ang lahat sa ganito. Pero mas hindi ko inaasahan na ganoon ang pagtrato sa akin ni Uncle Troy, na parang nasa isang relasyon talaga kami. "Wala namang kaso sa akin, anak, kung siya ang ama ng magiging apo ko, " biglang saad ni mama sa mahinahong tono. "P-Pero ipapanganak mo bang illegitimate ang apo ko?" "May plano po kaming magpakasal at pupunta sila rito bukas para pormal na hingiin ang permiso mo, mama," dire-diretso kong sabi. "What?" "Ano?" Sabay pang nagulat sina mama at Ate Gwen. "Holy son of cool!" bulalas naman ni Harvey. Parang siya lang itong tuwang-tuwa na si Troy ang ama ng magiging pamangkin niya. "Kailangan nating magpalinis ng bahay!" sabi ni Ate Gwen. "Ako mismo magluluto para bukas!" natataranta namang saad ni mama. "Kumalma nga kayo—" "Paano kami kakalma, Maria Emerald?" Halata nga sa mukha ni mama ang pagkataranta dahil buong pangalan ko na ang binanggit niya. "Anak si Troy at hindi si Gio na apo lang." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. "Hindi ko maintindihan kung anong pinupunto mo, mama." "Ang CEO ng Arizcon Technologies ang pupunta rito sa bahay!" Doon ko lang napagtanto na anak nga pala si Troy ni Apollo Arizcon— ang nangungunang negosyante sa bansa, sikat at nirerespeto ng lahat. Bakit hindi ko iyon naisip? Kaya ngayon ay nilukuban na ako ng kaba! Naniningkit ang mga mata kong napalingon kay Harvey. Kaya pala ang saya niya. May plano ba siyang humingi niyong bagong release ng kumpanya nila Uncle Troy? "Pero, ate..." biglang sambit ni Harvey sa seryoso nitong tinig. "A-Alam na ba ni Ku— ni Gio?" Natigilan ako. Kahit sina mama at Ate Gwen ay ganoon din ang reaksyon. "Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalamang magpapakasal kayo ni Troy?" nag-aalalang tanong ni mama. "Panigurado ay mapupuno ka ng mga negative comments, anak." Hindi ko rin alam. Bahala na. May pakiramdam akong hindi naman ako pababayaan ni Uncle Troy.Tahimik ang paligid nang tuluyan kaming pumasok sa bagong hideout.Hindi ito katulad ng dati naming tinirhan—mas malawak, mas moderno, mas organisado. Halatang hindi ito basta taguan lang. Isa itong pasilidad na idinisenyo para sa digmaan. Makakapal ang pader, walang bintana sa pangunahing bahagi, at ang ilaw ay malamig—puti, walang emosyon, parang paalala na dito, bawal ang kahinaan.Huminto ang sasakyan sa loob ng isang underground bay. Kaagad itong sinalubong ng ilang armadong lalaki at babae, lahat ay naka-itim, lahat ay alerto. Hindi sila nagtaas ng baril, pero ramdam ko ang pagsusuri sa bawat galaw namin.Bumukas ang pinto at nauna si Troy na bumaba. Sumunod ako, kasunod si Charm.Sa sandaling tumapak ang paa ko sa sementadong sahig, alam kong wala na kaming atrasan.“Welcome back, sir,” sabi ng isang lalaking nasa hulihan, diretso ang tindig. Halatang may ranggo. “Handa na po ang briefing room.”Tumango si Troy. “Good. Tipunin mo lahat ng core team.”“Yes, sir.”Habang naglalak
Tahimik ang loob ng sasakyan habang unti-unting umaandar palayo sa hideout. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang kontroladong paghinga naming dalawa—parang parehong may iniiwasang banggitin, parehong may binabantayang emosyon.Nakatanaw ako sa bintana, pinapanood ang mga ilaw ng siyudad na isa-isang nilalamon ng dilim. Pakiramdam ko, bawat metro na nalalayo kami ay isa ring piraso ng dating buhay na tuluyan nang iniiwan.“Hindi ba tayo makikita ni Heidi nito?” tanong ko, binasag ang katahimikan. Hindi ko siya tinitingnan, pero ramdam kong nakatuon ang pansin niya sa akin at ang mga mata niya naman ay nasa daan.“Higit pa sa triple ang mga nakabantay sa atin mula sa malayo,” sagot ni Troy, kalmado ang boses, parang normal lang ang lahat. “Hindi lang mga tao. May mga mata rin tayo sa system niya. Kahit gumalaw ang anino, malalaman natin.”Tumango ako, kahit hindi niya nakikita. Alam kong totoo ang sinabi niya. Si Troy ang klase ng lalaking hindi nagsasalita kung
Matagal akong nakatayo sa gitna ng sala, hawak ang phone ko, nakatitig sa pangalan ni Troy sa screen. Isang pindot lang ang pagitan ng katahimikan at ng panibagong yugto ng gulo. Isang pindot lang, at tuluyan ko nang isinasama siya sa digmaang matagal ko nang tinatahak—kahit hindi niya alam ang buong katotohanan.Huminga ako nang malalim.Ito ang desisyong hindi na puwedeng ipagpaliban.Pinindot ko ang call.Isang ring.“Emie?” sagot niya, agad. Walang tanong kung bakit ako tumatawag. Parang alam na niya.“Kailangan kitang makausap,” sabi ko, diretso. “Now.”Sandaling katahimikan sa kabilang linya. Narinig ko ang mahinang ingay sa background—mga boses, marahil ay opisina pa rin.“Nasaan ka?” tanong niya.“Sa hideout.”“Okay,” sagot niya. “Magsalita ka.”Humigpit ang hawak ko sa phone. Pinili kong maging kalmado, kahit ang loob ko ay parang hinihila sa magkabilang direksyon.“Pumayag na ang ibang leaders,” panimula ko. “Papayag na sila sa joint operation laban kay Heidi.”“Good,” sagot
Pagdating ko sa hideout, agad kong naramdaman ang bigat na hindi ko naiwan sa labas ng pinto.Hindi ito simpleng pagod. Hindi rin ito takot lang. Isa itong klase ng bigat na alam mong may kasunod na desisyon—at kahit anong piliin mo, may masasaktan.Isinara ko ang pinto sa likod ko at agad kong tinanggal ang sapatos ko. Tahimik ang buong lugar, pero alam kong hindi talaga kami nag-iisa. Ang bawat sulok ng hideout na ito ay may mata, may tenga, may alaala ng mga planong minsan nang nagtagumpay at minsan ding nauwi sa dugo.Naroon si Charm sa harap ng monitors, naka-upo, seryoso ang mukha. Hindi na niya ako kailangang tingnan para malaman niyang dumating na ako.“Hindi naging tahimik ang araw mo,” sabi niya, hindi tanong kundi obserbasyon.“Hindi kailanman,” sagot ko habang inilalapag ang bag ko sa sofa.Huminga siya nang malalim at tumayo. “Kailangan na nating tawagan si Valeria.”Tumango ako. Alam kong iyon ang susunod na hakbang. Wala nang paligoy-ligoy pa. Ang oras ay kalaban na nam
Pagkababa ko ng sasakyan, hindi na nagtagal si Gio.Isang tango lang, isang ngiting may halong kaba at pananabik, saka siya umalis—parang gusto niyang ipakita na kaya niyang maging “kaswal,” kahit malinaw sa kilos niya na mas marami na siyang iniisip kaysa kanina.“Text me when you get home later,” sabi pa niya bago tuluyang sumara ang bintana ng kotse.Tumango lang ako. “Sure.”At ganoon lang—umalis siya, iniwang mag-isa ang katawang sanay nang magpanggap, pero ang isip ay palaging ilang hakbang ang layo sa kasalukuyan.Huminga ako nang malalim at napairap sa kawalan, nakakapanindig balahibo! Pumasok na ako sa building.Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko agad na parang may mali. Parang may nakabantay na mata, parang may hanging hindi gumagalaw.At hindi nga ako nagkamali.Kakalabas niya lang ng elevator nang makita ko siya.Si Heidi.Nakatayo siya roon na parang kanina pa naghihintay, suot ang mamahaling blazer niya, buhok na perpektong nakalugay, at ang ekspresyong hindi mo al
Tahimik ang loob ng sasakyan habang umaandar kami palayo sa building.Hindi awkward—pero hindi rin komportable.May katahimikang parang sinasadya. Iyong uri ng katahimikan na alam mong may gustong sabihin ang isa sa inyo, pero pareho ninyong hinihintay kung sino ang unang bibitaw.Si Gio ang unang nagsalita.“So, saan mo gusto?” tanong niya, isang kamay ang nasa manibela, ang isa ay relaxed na nakapatong sa gilid.“Kung saan ka sanay,” sagot ko. “Wala naman akong preference. Iyong sa malapit na sinabi mo na lang siguro.”Tumango siya. “May isang place akong alam. Simple lang. Hindi fancy.”“Okay,” sagot ko ulit.Normal.Iyon ang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Normal. Dapat normal lang ito. Lunch lang. Dalawang taong magkasabay kumain. Walang mas malalim. Walang mas mabigat.Pero alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko.Hindi dahil kay Gio—kundi dahil sa plano.Pagdating namin sa restaurant, isang maliit pero maaliwalas na lugar malapit lang sa opisina, agad niya ako





![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

