Share

Chapter 4

Valeen's POV

Bakit ba parang gusto 'kong halikan ang mga labi niya? Napapalunok ako sa pagsuri sa manipis at mapula nitong labi. Agad 'kong napansin ang pag-awang ng kanyang labi kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Halikan mo 'kung gusto mo. Walang nagbabawal sayo." Usad nito na mas lalong ikinainit ng mukha ko.

Ano 'bang pinagsasabi ng gagong 'to? Alam na ngang nahihiya ang tao e!

"Gago ka ba?!" Sigaw ko tsaka pinalo ang d****b nito tsaka umiwas. Agad naman itong napangisi.

"Labas! Maliligo na ako." Giit ko tsaka ito inirapan.

"Ito na lang susuotin mo." Usad nito sabay bigay ng paper bag. Napataas naman ako ng kilay tsaka napatingin sa paper bag na hawak ng gagong 'to.

"Sa pagkakaalam ko wala 'kang pakialam sa akin, bakit mo ako binibigyan ng ganyan?" Tanong ko. Napatikhim naman ito tsaka nagsalubong ang kilay.

"Isuot mo na lang. Bakit ba ang arte mo?" Inis na tanong nito tsaka ako tinalikuran at tuluyan ng lumabas ng silid.

Binuksan ko ang bag tsaka kinuha ang dark blue dress na si Eroze ang bumili. Hindi ko gusto ang kulay nito at mas gusto ko parin ang white dress na bigay ni Renzo.

Ibinalik ko ang dark blue dress na bigay ni Eroze sa paper bag tsaka inilapag sa kama at naligo. Pagkalabas ko ay ang bigay ni Renzo ang isinuot ko. Bumagay naman sa akin kaya naglagay na 'din ako ng kaonting make-up.

Hindi naman ako a-attended ng charity ball para mag-ayos ng bonggang-bongga 'diba? Okay na ito kaya nagsuot na lang 'din ako ng rubber shoes na bumagay sa suot ko pang-itaas tsaka lumabas.

Nang makarating ako sa sala, naabutan ko si Eroze at Renzo na abala sa pag-uusap. Agad 'din naman silang napatingin sa akin nang mapansin nila ang prisensiya ko.

Ang nakangiting Renzo at isang galit na Eroze.

"Ang ganda. Bagay sayo." Papuri ni Renzo habang nakangiti.

"Hindi bagay sayo. Masyadong bakat ang bewang mo at ang iksi. Hindi tayo aalis hangga't hindi ka nagpapalit." Giit ni Eroze. Hindi ko naman kasi hinihingi ang opinyon niya kung gusto ba nito ang suot ko o hindi.

"Edi huwag na tayong umalis." Usad ko.

"Bagay naman sa kanya eh. Actually ang ganda niya lalo." Saad ni Renzo. Tama nga naman. Okay sa akin ang suot ko.

"Hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo." Pambabara ni Eroze kay Renzo.

"Magbihis ka!" Muling pagsusungit ni Eroze.

Bakit ba napakasungit nito? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ito kasama sa lakad namin ni Renzo kaya bakit ba nangingialam 'to?

"Ano 'bang problema sa suot ko? Wala naman ah? Ikaw lang ata may problema sa utak!" Singhal ko. Lumapit ito sa akin tsaka bumulong.

"Magbibihis ka o hahalikan kita?" Tanong nito. Napatingin naman ako kay Renzo pati na 'din sa mga tauhan ni Eroze at sa ibang mga katulong.

Huh?! Tatakutin mo na ako, ganyan pa? Akala mo naman kikilabutan ako niyan.

"Gawin mo kung kaya mo. Ako pa tinakot mo." Singhal ko. Gago pala 'to e!

Taas noo 'kong nilabanan ang mga titig nito kahit ang puso ko'y gustong-gusto ng kumawala. Napalaki na lang ang mga mata ko nang mabilis nitong hinawi ang bewang ko sabay lapat ng mga labi nito sa labi ko.

Napatulala ako nang masuyo niyang ipinasok ang dila sa loob ng bunganga ko. Anong ginagawa niya? Ginagawa niya ito sa harapan ng madaming tao?

"Yieehhh!" Tilian ng mga katulong habang mabilis naman na lumabas si Renzo at sa tingin ko ay nauna na sa kotse.

"Ano? Magbibihis ka o isa pa?" Muling pananakot ni Eroze nang bumitaw ito sa mga labi ko.

"M-Mag-bibihis n-na." Utal 'kong sagot habang wala parin sa sarili.

Ngumisi ito tsaka ako hinawakan sa magkabilang balikat at dahan-dahan na pinatalikod sa kanya at masuyo akong itinulak pabalik ng kwarto upang magbihis.

Nang makarating ako dito sa kwarto ay wala parin ako sa sarili at nanatiling naglakad nang matama ang noo ko sa pinto na nakasarado pala. Ang sakit naman!

Hinalikan niya ako? Bakit? Sa harap pa talaga nga mga tauhan, katulong at sa kapatid niya? Kapal-kapal ng mukha ng gagong 'yon!

"Maam pakibilisan 'daw po dahil late na kayo." Sulpot ni manang na agad ko naman na ikinataranta.

Mabilis akong nagbihis habang sumasagi parin sa isip ko ang mainit at masarap na h***k ni Eroze. Bakit ba ako apektado? H***k lang 'yon, hindi niya ako gusto. Pero bakit ganito? Tila ba nagwawala ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang h***k ni Eroze kanina lang?

Nang matapos 'kong isuot ang dark dress na bigay ni Eroze ay napanganga ako sa ganda ng damit na nababagay sa akin. Napakaganda at napakagalanteng tignan kahit simple lang ang design.

Matapos akong magbihis ay agad akong lumabas at umaktong walang nangyari. Nang makita ko naman si Eroze na nakatingin sa akin ay agad 'kong iniwasan ng tingin.

"Better!" Saad nito na ikigalak ng puso ko.

"Tara?" Anyaya ni Eroze. Tumango ako habang nahihiya pa. Pagpasok ko ng sasakyan ay atensyon agad ni Renzo ang agad 'kong nakuha.

"Ang ganda mo lalo." Muling papuri ni Renzo kaya naman ngumiti ako.

"Salamat." Sagot ko.

"Ay wait! Nakalimutan ko 'yung bag ko." Sabi ko tsaka nagmadaling bumalik sa kwarto.

Pagkatapos 'kong kunin ang bag ko at agad akong bumalik sa sasakyan. Pagpasok ko ng sasakyan ay napansin 'kong mag-isa ni Renzo sa likod kaya naman sa tabi ako nito pumwesto nang marinig ko si Eroze na nagsalita.

"Tss! Tangina! Sa akin ikakasal pero sa kapatid ko lumalandi." Bulong nito sa sarili pero narinig ko.

Napakunot naman ako ng noo. Lumalandi? Naririnig niya ba ang sinasabi niya? Siya nga itong hindi ko maintindihan e! Bigla-bigla na lang magsusungit, maglalambing at m-manghahalik. Mabuti nga itong si Renzo, matino pa kausap.

"Gusto mo?" Tanong ni Renzo sa akin sabay abot ng biscuit na kinakain niya. Since favorite ko naman ang biscuit na iyon, inabot ko ito tsaka kinain at muling nakipagkwentuhan sa kanya.

NANDITO kami ngayon sa harap ng mall ngunit kasalukuyang nasa sasakyan pa. Naunang lumabas ng sasakyan si ate Minda at ate na Anna na katulong ni Erroze. Sumunod naman na lumabas ang dalawang tauhan nito bago si Erroze. Nauna naman na lumabas si Renzo sa akin.

Inayos ko lang ang gamit ko tsaka bababa na sana ng sasakyan nang ilahad ni Renzo ang kanyang kamay upang alalayan ako pababa ng sasakyan. Ngumiti naman ako tsaka iniabot ang aking kamay. Buti pa talaga 'tong si Renzo.

"Tss!" Iritang saad ni Erroze tsaka naunang naglakad papuntang mall.

"Saan tayo?" Ngiting tanong ni Renzo kay Erroze nang makarating kami dito sa loob ng mall.

"Kami lang ni Valeen, hindi ka kasama." Pagsusungit naman ng gago sa harap ko.

Kami lang dalawa? Bakit niya pa isinama ang dalawang katulong at dalawang tauhan niya kung kami lang 'din na dalawa? Mas gusto ko pa ngang kasama itong si Renzo kaysa naman mapunta ako sa taong 'to!

"Doc?" Sulpot ng pamilyar na boses ng lalaki.

"V-Valeen! Kamusta, ang ganda mo lalo sa suot mo." Ngiting papuri ni Edwin sa akin. Doctor 'din kasi siya sa hospital kung saan ako na assigned dati.

"Thank you, okay lang naman ako. Ikaw kamusta?" Sagot at tanong ko pabalik.

"Okay lang 'din naman. Pinuntahan kita sa office mo 'nung nakaraan hindi manlang kita naabutan. So free ka ba tonight?" Tanong nito sa akin.

"Ehem."

"Uhmmm... Busy ako e, may mga pinapaasikaso kasi si dad na kailangan 'kong tapusin kaya sorry ah?" Pagsisinungaling ko. Nakakairita na 'din kasi kung manligaw itong si doc Edwin.

"Ehem!" Biglang boses ni Erroze.

"Ganon ba-" Hindi nito natuloy ang sasabihin 'nang mapansin nito ang lalaking kasama ko.

"M-Mr. Valdez? H-Hi, im Edwin po-" Alam ko kasing matagal ng idolo ni Edwin 'yang si Erroze dahil sa husay ng kanyang pamilya sa negosyo.

"Wala akong pakialam. Bitawan mo ang kamay ng asawa ko." Pagsusungit nito. Agad naman na binitawan ni Edwin ang kamay ko na pati ako ay hindi ko naramdamang hawak pala niya ito.

"A-Asawa?" Halata ang pagkagulat at lungkot sa mga mata ni Edwin.

"A-Ahhh biro niya lang 'yon hehe." Saad ko. Ako 'daw asawa niya? Ang tanong, matutuloy ba ang kasal? Pweh!

"Haha! Mapagbiro ka 'din po pala." Baling ni Edwin kay Erroze na dahilan naman ng pagsalubong nito ng kilay.

"Hindi lang ako mapagbiro, pumapatay 'din ako ng tao." Agad naman na napatigil si Edwin sa sinabi ni Erroze.

"Hehe, biro niya lang po iyon, doc. Sige mauuna na po kami." Paghingi ko ng pasensiya tsaka hinila si Erroze palayo kay doc Edwin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status