Share

Chapter 2

Valeen's POV

"Doc, may naghahanap po sa inyo sa baba." Sulpot ng nurse. Sino naman kaya 'yon? Wala naman akong inaasahan na pasyente o bisita ngayong araw a.

"Sino 'daw?" Tanong ko tsaka inayos ang mga gamit at bag ko. Hapon na 'din kasi at oras na ng pag-uwi ko.

"Susundo 'daw po sa inyo, doc." Sgaot nito. Baka si manong na 'yon. Buti naman at sumunod siya sa akin. Tumayo na lang ako at nagtungo ng parking lot.

"Maam." Tawag ng hindi pamilyar na lalaki sa akin. Hinayaan ko itong lumapit sa akin dahil baka may kailangan.

"Maam Valeen?" Muling banggit nito sa pangalan ko. Tumango ako habang nagtataka pa.

"Maam pinapasundo ka po ni boss Eroze."  Saad nito na nakapagpainit ng ulo ko. Napangisi na lang ako tsaka umirap.

"Sabihin mo diyan sa boss mo na may sarili akong sundo, actually iyan na siya oh." Asik ko sabay turo sa kotseng susundo sa akin.

"E-Eh maam. Malalagot po kami kay boss kapag hindi ka sumama." Pakiusap nito.

Hindi ko masabi pero pakiramdam ko'y mayroong ugali si Eroze na hindi marunong maghintay. Napaka-iksi ng pasensiya, napakamainitin ng ulo at hindi mo gugustuhin kung magalit. Ewan ko ba kung anong nagustuhan ni Jaya diyan sa gwapong impakto na 'yan!

"Pakisabi diyan sa impakto na boss mo, wala akong pakialam kahit magalit pa siya. Hindi ako uuwi sa bahay niya, iparating mo 'yan sa kanya." Asik ko.

Bigla na lang lumabas ang isa pa nitong kasama na may kausap sa cellphone at lumapit sa driver na kausap ko at bumulong.

"Manong tara na." Saad ko nang pumarada ang sundo ko sa harap ko.

"Maam sorry pero napag-utusan lang." Biglang sambit ng dalawa tsaka ako hinawak sa braso at pwersahang isinakay sa van.

"Maam pasensiya na po kayo. Sumusunod lang po kami sa utos ng aming boss." Sagot ng isa habang hawak ako sa braso.

"Ano ba nasasaktan ako! Bitawan niyo nga ako!" Sigaw ko. Binitawan naman ako tsaka mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

"Alam mo maam, hindi ka naman masasaktan basta sumunod ka lang. Mas magiging maayos pa buhay mo kung tatahimik at magpapakabait ka lang lalo na sa harap ni boss." Sabat naman ng isa sa likod. Ngayon ko lamang napansin na lima pala silang nandidito.

Inirapan ko na lang sila tsaka tumahimik. Humanda-handa talaga 'yung impaktong 'yon pagdating ko 'dun! Kahit lalaki siya, akala niya matatakot ako sa kanya? Kahit pa ikamatay ko. Kaysa naman maging asawa niya mas gugustuhin ko na lang talaga ang mamatay.

"Nandito na tayo." Sabi ng driver.

Mabilis ko naman inayos ang bag at sarili ko tsaka huminga ng malalim. Kapag inaway ko 'yon sigurado akong ito na ang huling araw ko.

"Nasaan ang impaktong 'yon? Mag-uusap kami!" Galit kong tanong sa mga lalaki tsaka lumabas ng van at nagtungo sa kung saan.

"Maam, maling daanan po 'yan. Papunta po iyan sa mga asong alaga ni boss." Sabi ng isang lalaki. Agad akong bumalik sa kanila tsaka nagkunwaring hindi napahiya. Nagtawanan naman ang mga ito.

"Dapat nga kay boss ka matakot hindi sa aso." Sabat ng isa sa likuran ko kaya matapang akong humarap sa kanya at sumagot.

"Alam mo ikaw? Ikaw dapat ang matakot e. Kasi baka magbago isip ko, ipapatay pa kita kay Eroze. Kaya tumahimik ka pwede?" Inis kong asik sa kanya. Kanina pa 'to masungit e.

Nang makarating kami dito sa loob ay namangha ako sa ganda at laki ng bahay. Parang kalahati lang ito ng bahay namin a.

Pero bakit ganito? Napakadilim. Sarado lahat ng kurtinang itim. Lahat 'din ng pader nito ay may nga patalim at baril na nakasabit na sobrang nakakatakot talaga.

"Mabuti naman at nandito ka na." Sulpot ni Eroze habang pababa ng hagdan.

"Iwan niyo muna kami." Utos nito sa nga tauhan.

"Oo nandito na ako, hindi ba obvious? Tsaka ano ba! Madami naman diyan iba bakit ako pa?! Kaibigan ako ni Jaya at alam kong alam mo 'yon." Bulyaw ko sa kanya pero ngumiti lang ito tsaka nagsalita.

"Alam ko, hindi ako tanga." Sagot nito.

"Tsaka isa pa, hindi naman ikaw ang kailangan ko e. Nagkataon lang na ikaw ang gusto ni dad bago ibigay sa akin ang mana na ayaw kong mapunta lang kay Renzo. Gagamitin lang naman kita e, kapag nakuha ko na ang yaman ni dad edi magdidivorce tayo. Wala naman akong pakialam sayo. Dagdag pa nito.

"At sa tingin mo, magpapagamit ako sa kasamaan mo? Uuwi na ako!" Sigaw ko tsaka naglakad paalis nang mapatigil ako sa sinabi nito.

"Mahal mo ang parents mo 'diba? Hindi mo naman siguro gugustuhing makita na bangkay na lang nila ang aabutan mo pag-uwi mo." Sabi nito.

"Bakit? Papatayin mo? Ako na lang ang saktan mo. Tutal mawawalan na 'din naman ako ng isang tapat at tunay na kaibigan dahil lang sa kagustuhan mong makuha 'yang mana mo." Sagot ko. Ngumisi ito tsaka lumapit sa akin.

"Alam mo, Valeen. Ilugar mo 'yang tapang mo. Hindi mo naman siguro gugustuhing bangkay na lang nila ang daratnan mo? At kung pipiliin mong mag-stay dito? Wala kang magiging problema." Usad pa nito.

"At 'yang tapang mo? Bawas-bawasan mo kung ayaw mong masaktan." Banta nito tsaka ako iniwan. Nakadama ako ng matinding takot sa aking katawan kaya't tumahimik na lamang ako.

"Doc, pasok po tayo sa magiging kwarto mo." Sulpot ng dalawang katulong.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama habang naluluha. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Napakahirap ng sitwasyon ko. Bukod sa pagkasira namin ni Jaya ay buhay na 'din ng magulang ko ang nakataya.

"Sa kwarto 'daw ni boss siya matutulog." Bulong ng isa niyang kasama. Hindi na lang ako nagsalita dahil patuloy ko lang dinadamdam ang tinik na tumutusok sa d****b ko.

"Ito po ang kwarto ni boss Eroze. Dito 'daw po kayo matutulog." Saad ng isa tsaka binuksan ang pinto. Isang madilim ngunit mabango na silid ang bumungad sa akin.

"Paki-ulit? Kwarto ni Eroze kamo?" Pag-uulit ko. Tumango ang dalawa.

"Ibig sabihin, dalawa kami sa kwartong 'to?' Tanong ko. Tumango ulit ang dalawa.

"Huwag ka ng maarte diyan, hindi naman ikaw si Jaya para pagnasahan ko." Boses ni Eroze mula sa pinakamadilim na parte ng silid na ito.

"Mukha mo! Hindi ako dito matutulog!" Sigaw ko.

"Iwan niyo muna kami!" Sigaw nito na halata ang galit sa tinig nito. Taranta namang umalis ang dalawa.

Matalim ang tingin ni Eroze sa akin habang palapit pa ito. Wala na akong ibang nararamdaman kundi ang takot at kaba sa oras na ito.

Nang makalapit ito sa akin. Mabilis ako nitong itinulak sa pader at kinulong sa mga bisig nito.

"Ako ang masusunod hindi ikaw." Galit at madiin na sinabi nito.

"Sumunod ka sa gusto ko kung ayaw mong masaktan." Asik nito tsaka padabog na lumabas ng kwarto.

Napaupo na lang ako sa sahig tsaka niyakap ang mga tuhod ko habang umiiyak. Bakit na ako napunta sa kamay ng lalaking ito? Ano bang kasalanan ko bakit ako pinarurusahan ng ganito.

Ito ba ang gusto ni daddy? Ang palagi akong iiyak at matatakot sa piling ng lalaking gusto niya para sa akin? Ito ba 'yung sinasabi niyang ikakabuti ko? 'Yung iiyak ako, masasaktan.

Minsan naisip ko, anak niya ba talaga ako? Mahal niya ba talaga ako? Ang sama-sama ng loob ko sa ama ko. Hindi ito ang pangarap ko.

Oo tama si dad. Nasa lalaking ito ang maganda pangangatawan, gwapong mukhamatalino at mapera na kayang ipagmalaki nino man.

Pero naisip kaya ni dad kung anong klaseng tao mayroon si Eroze? Nananakit at pumapatay ng tao.

Sa dami ng taong may galit sa kanya sigurado akong pati buhay ko'y delikado na 'din at dahil sa pera nagawa sa akin ito ni daddy. Ang sakit-sakit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status