Share

Chapter 1

Valeen's POV

"Dad ayoko! Please mom pigilan mo siya." Pagmamakaawa ko kay mommy habang nakaluhod pa sa harap nito't umiiyak. Naluluha naman si mommy na pinunasan ang luha sa aking mga mata.

"Matanda na ako Valeen! Bilang na lang ang araw na nabubuhay dito sa mundo kaya ako ang magdedesisyon kung sino ang lalaking makakasama mo kapag pumanaw na kami ng mommy mo." Galit na sigaw sa akin ni daddy.

"Daddy lahat na lang po sinunod ko. Wala po akong sinuway ni isa sa utos niyo kaya sa ngayon please dad! Hayaan niyo naman po sana akong pumili kung sino ang lalaking papakasalan ko-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumayo ito tsaka ako hinawakan sa braso ng pagkadiin-diin.

"H-Hon, nasasaktan ang anak mo." Suway ni mom pero hindi nagpatinag si daddy at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.

"Huwag nang matigas ang ulo, Valeen. Ayaw kitang saktan kaya kung ano ang gusto ko ay iyon ang masusunod! Pakakasalanan mo si Eroze at iyon ang masusunod!" Sigaw ni daddy tsaka padabog na binitawan ang aking braso at tuluyan ng umalis ng bahay.

Wala na lang akong nagawa kundi ang umiyak sa harapan ng aking martir na ina.

"Anak." Umiiyak na tawag sakin ni mommy tsaka ako niyakap.

"Boyfriend ng kaibigan ko si Eroze at siguradong magagalit sa akin si Jaya kapag nalaman niya ang tungkol dito, pakiusap mom pigilan mo si dad." Hagulgol ko.

"Gustuhin ko 'man anak wala akong magagawa dahil kagustuhan ito ng daddy mo. Alam mo naman na wala na akong nagagawa kapag ang daddy mo na ang nagdedesisyon 'diba?" Sagot lang nito na mas lalong ikinadurog ng puso ko.

"Ayaw kong masira kay Jaya, mom." Sabi ko pa.

Matalik kong kaibigan si Jaya at hindi ko gusto na nang dahil lang sa kalokohang ito ay mawawala sa akin si Jaya ng ganon-ganon na lang.

Apat na taon nang magkasintahan si Eroze at Jaya. Saksi ako kung paano umiyak si Jaya kapag nasasaktan dahil lang sa lalaking 'yon. Alam ko kung gaano kamahal ni Jaya si Eroze at wala akong balak maging kontrabida sa mata ng kaibigan ko.

Ni hindi manlang ako binigyan ng chance para pumili ng lalaking papakasalan ko. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo bakit si Eroze pa!

Nagkulong lang ako dito sa kwarto ko maghapon at ayaw 'kong makita sila mom at dad. Lalo na si dad na kasalukuyang kinakausap ang ama ni Eroze para sa nalalapit naming kasal.

Gusto 'kong tumakas pero mahal ko si daddy. Lahat ng utos nito sinusunod ko kahit labag pa sa kalooban ko. Maski kursong gusto ko'y hindi na nasunod dahil sa kagustuhan ni daddy.

Noong nag-aaral ako, siya 'din ang nasunod sa university na papasukan ko. Wala pa akong hinindian kapag si daddy ang nagsabi at until now? Siya parin ang masusunod kung sino ang mamahalin ko?

Nakakasama siya ng loob! Anak niya ako, hindi isang alila na kung ano ang gustuhin niya'y 'yun dapat ang masusunod. Hindi ko na lang maiwasang maiyak kapag naaalala ko si Jaya.

Paano na lang kami ng kaibigan ko? Saan na lang pupulutin lahat ng pinagsamahan namin?

"Valeen, anak?" Boses ni mama ang nasa pinto. Kumakatok ito tsaka pinipihit ang doorknob pero naka-lock ito.

"Tawag ka ng daddy mo. Gusto ka 'daw makilala ni mr. Valdez." Sabi pa nito ngunit nanatili akong tahimik at umiiyak.

"Valeen, anak? Tulog ka ba?" Muling tanong nito.

Paano ko ba pipigilan ang pesteng kasal na 'to? Isa itong malaking kalokohan!

"Valeen, open the door! Huwag kang bastos! Huwag mo akong ipahiya, magbihis ka na diyan ay gusto kang makilala ng kumpare ko." Boses ni daddy ang nagsalita. Mas lalo lang akong umiyak. Hindi naman siguro pagiging bastos ito e. Mahalaga sa akin si Jaya. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko naranasan ang magkaroon ng mabuti at tapat na kaibigan. Tapos susuklian ko lang siya ng ganito? Hindi maaari.

Sapilitan na lang akong bumangon at nagtungo ng banyo upang maligo't mag-ayos. Nag-suot lang ako ng white dress kagaya ng kinagigiliwan kong suotin. Naglagay na 'din ng kaonting make-up tsaka iniikot ang aking buhok at lumabas.

Habang pababa ako ng hagdan, hindi ko maiwasang makuha ang atensyon nila mom at dad lalo na si mr. Valdez na matamis pa ang ngiti sa akin.

"Mukhang hindi ako nagkamali sa pagpili ng mapapangasawa ng anak ko, mr. Cruz. Napakaganda ng anak mo." Papuri nito kay daddy. Nagbigay na lang ako ng besa sa mga ito tsaka ako umupo.

Habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal ko'y hindi ko na lamang maiwasan ang hindi maluha sa mga naririnig ko. Bukas makalawa'y hindi na ako dito sa bahay titira dahil susunduin na 'daw ako ni Eroze at doon na tumira sa bahay nila para 'daw magkakilala pa kami habang hindi pa dumarating ang araw ng kasal.

Ang sakit-sakit lang sa pakiramdam dahil handa kang ibugaw ng ama mo para lang sa negosyo nito. Sikat at malaking kumpanya ang pag-aari nila Eroze na tanging kailangan pa ni dad pandagdag sa yaman nito o pondo ng kanyang kumpanya.

Gusto 'din ni Eroze ang tungkol sa kasal dahil 'din sa yaman. Kapag 'daw ikinasal ito'y tsaka pa lamang makukuha ang malaking hati ng yaman ni mr. Valdez kumpara kay Renzo na kapatid nito kaya ganoon na lang 'din kagusto ni Eroze na makasal sa akin. Hindi ko kilala ang pagkatao ni Eroze at sa tingin ko'y hindi magiging maayos ang kalagayan ng buhay ko sa piling nito.

Bukod sa pagiging seryoso't tahimik ni Eroze ay lapitin 'din ito ng gulo na laging ikinababahala ng kaibigan ko. Walang sinasanto si Eroze,  wala 'ding pinipiling tao kapag nagalit. Napakadami na 'din niyang nakabangga at sa tingin ko ay hindi mo gugustuhing makalaban siya. Sa likod ng kaakit-akit niyang histura ay hindi mo mapag-aalamang mayroon siyang nakakatakot na ugaling itinatago.

"Nakikinig ka ba, Valeen? Ang sabi ko bukas susunduin ka na dito." Pag-uulit ni daddy. Tumango na lang ako at pinipigil ang luhang sa tingin ko'y tutulo na ano mang oras.

"E-Excuse me po. Gusto na pong magpahinga." Palusot ko tsaka patakbong umakyat ng hagdan at nagtungo sa kwarto tsaka humagulgol. Ano pa bang kulang sa ginagawa ko dad? Bakit kailangan mo akong parusahan ng ganito? Ano bang inilabag ko sa mga utos mo! Sobra naman yatang kaparusahan ito!

Dumapa na lang ako sa kama at naisipang tawagan si Jaya upang kamustahin.

"Oh! Ang aga mo yata ngayon ah! Anong nangyari sayo? Bakit ganyan mukha mo,  para kang nalugi ah." Bungad nito nang makita ako sa pamamagitan ng video call.

"Kamusta ka na diyan?" Pangiiba ko ng usapan.

"Hmm. Heto malungkot." Sagot nito. Kinabahan ako ngunit nagpatuloy parin ako sa pakikipag-usap sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala na kasi kami ni Eroze." Naiiyak nitong bungad sa akin. Sumikip pa lalo ang d****b ko't naghintay pa ng susunod nitong sasabihin. Paano kung alam niya ang tungkol sa amin?

"H-Ha? B-Bakit naman?" Maang-maangan kong tanong.

"Arrange marriage kasi siya sa iba, so kailangan niya 'daw muna akong hiwalayan makuha lang ang yaman na gusto niya kaysa 'daw mapunta lang lahat iyon sa kapatid niya." Paliwanag nito.

"Pero pagkakuha 'daw niya ng mana niya, ididivorce niya 'daw 'yung babae tapos babalik sa akin." Dagdag pa nito. Para bang nabunutan ng isang tinik ang d****b ko.

"Kilala mo ba kung sino 'yung babae?" Tanong ko. Umiling ito tsaka sumagot.

"Nope! Wala naman akong balak alamin o kilalanin." Sagot nito. Lumuwag na lang ang d****b ko nang marinig ang mga sagot nito. Mabuti nang ganito, wala siyang alam kaysa masira kaming dalawa.

Saglit lang kaming nakapag-usap dahil may trabaho pa ito. Pareho kasi kami nv kursong kinuha. Kung saan kasi ako, doon 'din siya. Hindi niya kailan 'man ipinaramdam na nag-iisa ako.

Kaya ba kahit sa lalaki ay magsasalo kami sa iisa?

Napatingin ako sa relo ko. Kailangan ko na palang pumasok ng maaga dahil ngayon ang schedule ng opera ng pasyente 'kong nagpacheck-up last week.

Binigyan ko na lang kasi muna ng isang linggong pamamahinga bago sasabak sa ganitong bagay. Nagmadali na lang akong naligo't nagsuot ng uniporme tsaka naglagay ng kaonting make-up at pumasok.

"Good morning,  sweetie!" Bati sa akin ni mom. Ngumiti ako't bumati pabalik.

"Hindi ka na ba kakain? Ang aga mo naman anak." Tanong ni mama.

"Sa office na lang po. Bye mom." Sagot at paalam ko kay mom tsaka umalis.

"Maam, hindi po kita masusunod mamayang hapon." Panimula ni manong. Nagtaka ako dahil sa makalawa pa ang day-off nito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bilin po kasi sa akin ni sir Val na may susundo na 'daw po sa inyo mamayang hapon." Paliwanag nito.

"No! Ikaw ang susundo sa akin manong. Ikaw ang susundo sa akin at hihintayin kita." Galit kong sagot sa kanya.

"O-Opo maam." Tanging sagot na lang nito tsaka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pagkarating ko dito sa office ko'y agad sumulpot si nurse Claire.

"Doc, ready na po ang lahat. Kayo na lang po ang hinihintay." Saad nito.

Saglit ko lang inoperahan ang pasyente ko at sa kabutihang palad ay nagiging maayos naman lahat ng nag naooperahan ko. Pagkatapos nito ay ipinaayos ko na agad ang magiging kwarto ng pasyente tsaka nagtungo sa mga silid ng bawat pasyente at kinamusta sila ng para bang walang problemang dinadala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status