Share

Chapter 5 (Part 2)

Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya tumigil din s'ya sa pagtawa. Bigla s'yang sumeryoso.

"Hayaan mo na Sam. Di naman na tayo pinababayad pa sa malaking utang natin sa Pamilya nila no'ng naaksidente si Inay. Ang importante nakapagtapos ako. May matinong trabaho. Si Itay 'di na masyadong nahihirapan sa trabaho. At ikaw makakapag-aral din dito sa Maynila. Kaya hayaan mo na si Miguel sa kakasingil n'ya. Di ko naman alam na s'ya talaga gumastos sa pag-aaral ko. T'saka, maniwala ka naman do'n kay Señorito JM. Isa din 'yong sinungaling. Hayaan mo sila."

"Nakakairita lang kasi. Bakit bukod tangi kang sinisingil? T'saka Ate napapansin ko noon si Señorito JM 'yong cellphone n'ya laging nakatutok sa'yo. Hindi kaya.... may gusto sa'yo 'yon at kinukuhanan ka ng mga stolen shots?"

"Ha? Kailan 'yon nangyari? Ba't ngayon mo lang sinabi?"

Umalis s'ya sa tabi ko. Dumiretso ng ref. at kinuha ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig. Uminom s'ya do'n. Nilagay sa ibabaw ng lababo at tiningnan ang niluluto.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status