Danica
ILANG bloke pa lang ang layo niya sa kanyang bahay, ay napansin niya ang mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon. Nagtataka siya kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong araw, samantalang wala namang ibang nakakaalam kung nasaan siya. Bumaba siya ng kotse, at nagtago sa likod ng isang sasakyan. Baka natunton siya ng kanyang papa. Doon niya lang naalala ang kanyang cellphone, maaaring nalocate iyon gamit ang GPS! Pinanood niya ang mga taong pumasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at ang mga importante niyang gamit ay nasa kanya pa ring sasakyan. Narinig pa niya ang usapan ng naroroon. “Babalik dito yun, baka namasyal lang. Dapat may maiwan dito,” boses iyon ni Rodora, “malalagot tayo kay Amante kapag hindi natin naiharap sa kanya si Danica sa loob ng anim na buwan!” “Gaga din, mukhang nagpapahabol lang. Nakaopen ang GPS ,bakit hindi natin alam na may bahay siyang sarili?” si Jalen naman iyon, na kita niya sa kamay nito ang kanyang cellphone. “Dapat, makaganti ako sa kanya, mommy!” reklamo pa ni Ingrid, “wala na namang magagawa si daddy kapag kinalbo ko siya!” “Oo, anak.. makakaganti ka dun, hihintayin lang natin siya dito. Ipark niyo sa malayo ang mga sasakyan para hindi niya alam na naririto tayo,” utos nito sa mga anak. Malikot ang mata ni Jalen, napatingin iyon sa dako niya, nangunot ang noo nito, “wait lang ma..” kumabog ang kanyang dibdib ng mapansin ang paa nito na papalapit sa kinaroroonan niya. Napapikit siya ng mariin, wala na siyang maaaring takbuhan. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. “Ma.. tulungan mo ko,” dasal niya sa ina. “Ma’am, ano pong ginagawa niyo diyan?” napamulagat siya sa tinig na iyon. Walang tao sa kanyang harapan, ngunit may ibang boses siyang naririnig. “Bakit ho kayo pumasok diyan? kay Miss Danica po yang bahay!” napasilip siya sa kinaroroonan ng tinig, mga guard iyon ng subdivision, “may nagreklamo ho na may naninira daw ng pinto ng bahay, kaya nagmamadali kaming pumunta dito.” Nakahinga siya ng maluwag ng makitang pati si Jalen ay naroon na, kasama ng ina at kapatid. “Anak ko ang nakatira dito, chief..” nakangiting sabi ni Rodora, “nagkatampuhan kasi kami, kaya namin siya hinahanap, naglayas kasi siya.” alanganin ang ngiti ng kanyang madrasta, tila ba kinakabahan sa nangyayari. “Kahit na ho ma’am. Hindi na ho teenager ang anak niyo, kaya hindi niyo na dapat sinasaklawan ang pansarili niyang buhay,” magalang na tugon ng mga gwardiya. “Saka may katunayan ho ba kayong anak niyo siya?” Hindi nakapagsalita ang mga ito, kaya dinaan na naman nila sa pagsusungit. Mahilig sa away ang pamilyang ito. “Ano bang pakialam mo ha? guwardiya ka lang naman dito, kapamilya kami ah,” mataray na sagot ni Ingrid dito, “kaya gagawin namin, kung ano ang gusto namin!” “Ma’am, mukhang nagkakamali ho kayo, kung gusto niyo, ireport niyo sa pulis ang pagkawala ni ma’am Danica, pero wala ho kayong karapatan, na sirain ang bahay niya.” sagot ng guwardiya dito, “ngayon ho, kung ipagpipilitan niyo pa rin ang gusto niyo, tatawag na ho kami ng pulis..” “Hmp! tara na nga mga anak, at baka ma- stroke pa ang hayop na to pagpapaalis sa atin!” nagmamartsang umalis ang mga ito at nagsisakay sa mga kotse. “Sundan mo brad, hanggang makalabas ng subdivision, itanong mo doon kung paano nakapasok,” utos ng isang guwardiya sa kasama nito. “Sige,” sinundan nito ang mga sasakyan ng mag- iina. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na niya matanaw ang mga ito, doon pa lang niya naisipang lumabas. Nagulat pa ang guwardiya pagkakita sa kanya, agad siyang nilapitan nito, “Ma’am Danica, andiyan ho pala kayo..” “Oho.. kanina pa. Buti na lang at dumating kayo. Masasama talaga ang ugali ng mga yun,” ipinagpag niya ang kanyang tuhod na nadumihan. “Nanay niyo ba yun?” tanong nito na sinabayan siya sa paglakad. “Hindi ho, patay na ho ang mama ko,” nakita niya ang hitsura ng kanyang door knob, pinukpok iyon ng matigas na bagay. “Sino ho yun?” nagulat pa ito, “una pa lang ho, hindi na ako maniwalang yun ang mama niyo, at mga lapatid niyo ang kasama niya, ang sagwa ho ng hitsura eh,” biro pa nito. “Salamat talaga kuya. Buti may nakapagsabi agad sa inyo. Ayoko na kasing umuwi doon, lalo na kapag nakikita ko sila. May ipapakiusap ho sana ako sa inyo.” “Ano ho yun ma’am?” tanong nito sa kanya. “Aalis ho ako, pasilip silip na lang po nitong bahay ko. Ipapaayos ko ho ang aking door knob at iiwanan ko sa inyo ang susi. Wala pa naman ho akong gamit diyan. Lalagyan ko ho iyan ng for sale, kapag may nakuha kayong buyer, bibigyan ko kayo ng kumisyon,” wika niya dito. “Aalis na ho kayo dito, ma’am?” tanong nito, “bakit naman ho?” “Alam na nila kung nasaan ho ako. Ayoko na matunton pa nila akong muli. Lalayo na lang po ako,” nakangiti niyang sagot, “sana ho, pumayag kayo.” “Oho naman.. marami hong nag iinquire sa bahay niyo ma’am, akala nila walang nakatira. Madali po iyang mabibenta dahil ready to occupy na,” sagot nito. ANG hindi niya napaghandaan, ay ang mga susunod na pangyayari. Pumunta siyang convenient store upang bumili, at doon pala siya inabangan ng mag- iina. “Akala mo ba, makakatakas ka sa amin?” hinawakan siya ni Jalen sa kabilang braso, mahigpit iyon. “Makakalbo kita ngayon!” mala demonyo naman ang hitsura ni Ingrid. “Bitiwan niyo ko!” sigaw niya sa mga ito habang kinakaladkad siya palabas ng convenient store. “Wag ka ng pumalag.. mommy! buksan mo na ang pinto!” sigaw ni Jalen sa ina na nagmamadaling bumaba ng sasakyan. “Tulong!! tulungan niyo ko, kinikidnap nila ako!” sigaw niya, na umagaw ng atensiyon ng mga naroroon, “tulungan niyo po ako!!” “Wag kang maingay, p*****a ka!” sinabunutan siya ni Ingrid. Nakakaagaw na sila ng atensiyon ng mga naroroon. “Peste ka, kakalbuhin talaga kita!” “Wag kayong maniwala dito, baliw to, kapatid namin to,” awat ni Jalen sa mga taong naroroon, na mukhang naghahanda na para tulungan siya. “Kailangan na namin siyang dalahin sa mental hospital.” “Hindi ko sila kilala, please!! gusto nila akong patayin!” sigaw pa rin niya, “tulungan niyo ko!!” “Bitiwan mo siya!” sigaw ng isang babaeng naroroon, pati mga lalaki, nagsilapitan na rin. “May baliw bang ganyan ang hitsura? Tumawag kayo ng pulis!!” Nakalikha sila ng komosyon, at napalibutan sila ng mga tao. Nahintakutan ang mag iina sa nangyayari. “Peste ka talaga, Danica, anong ginagawa mo?” gigil na tanong ni Rodora sa kanya. “Bitawan niyo siya!” hinila siya ng mga taong nakapaligid sa kanila, palayo sa mag- iina. “Salamat ho.. salamat! kailangan ko lang hong puntahan ang tatay kong may sakit, kayo na ho ang bahala sa kanila,” pakiusap niya sa mga naroroon. “Sige, ineng, mag iingat ka. Mukhang galit na galit sayo ang mag iinang ito ah. Kapatid mo ba sila?” Tanong ng babaeng humila sa kanya. “Naku, hindi ho.. “Bumalik ka, Danica!! Danica!!” sigaw ng mag iina sa kanya. Bago siya tuluyang umalis, inilabas niya ang kamay, at binigyan ang mga ito, ng isang matigas na middle finger. Kita niya sa mukha nina Jalen ang labis na takot, dahil kinuyog na sila ng mga taong naroroon. “Deserve!” natatawa niyang sabi habang pinupukpok ang manibela sa sobrang kaligayahan niyang nadarama.Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa
Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'
Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M