"Mamili ka, siya, o ako?" tanong ni Danica kay Jethro. Natatawa pa ang lalaki ng bahagya sa kanyang sinabi, "anong kalokohan naman ang naiisip mo at pinapapili mo ako?" "Puro ka na lang. Lovely, lovely.. lovely! ni hindi mo nga naalala ang birthday ko eh. " may hinagpis sa kanyang tinig. Tiningnan lang siya ni Jethro, at tumalikod sabay labas ng bahay. Hindi siya makapaniwala na pipiliin nito ang babaeng iyon. Agad siyang nag alsa balutan, upang iwanan ang lalaki.
Lihat lebih banyak“No!!” nanginginig ang kanyang kalamnan sa narinig sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang naisipan nitong ipagkasundo siya sa isang matandang halos kasing edad na nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa labis na galit. Hindi niya maiwasang maghimagsik ang kanyang puso. Nagngingit ngit ang kanyang damdamin.
“Danica, siya lang ang makakatulong sa atin. Si Amante na lang ang nais sumugal sa ating kumpanyang lubog na sa pagkakautang. Hindi na tayo makabawi magmula ng mamatay ang iyong mama,” paliwanag ng kanyang ama, “matitiis mo bang mawala ang kompanyang pinaghirapan namin sa matagal na panahon? Nasa kamay niya ang ating muling pagbangon.” “Papa,” nangingilid na ang kanyang luha dahil na rin sa labis na frustration, “matitiis niyong ako ang ibayad sa matandang iyon kapalit ng tulong na nais niyang ibigay sa atin? Kung totoo niyo siyang kaibigan, bakit hindi niya kayo tulungan ng walang kapalit?” Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na gagawin siyang collateral ng kanyang ama, “maaatim ninyong gawin sa akin ito? Papa, sarili niyo akong dugo at laman, anak niyo ako!” “Wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang tatay mo,” saway sa kanya ng kanyang madrastang si Rodora, “tatay mo pa rin siya kahit ano pa yang sabihin mo!” “And? Kayo nga, wala naman kayong ambag sa kompanya namin, pero puro kayo gastos! May pa- feeling blessed pa kayong nalalaman kapag nagtatravel kayo ng mga anak nyo! Samantalang kami ng papa, nakukuba na kakatrabaho!” sita niya kay Rodora, “saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha para pagsabihan ako?” “Aba– hoy, Danica! Ako ang tumulong sa papa mo, noong panahong nalugmok siya sa lungkot noong mamatay ang iyong ina!” panunumbat nito sa kanya. May gana pa itong maghinanakit gayong ito ang lumulustay ng kanilang salapi! “Malamang! May nahuhuthot kayong mag-iina sa tatay ko eh, natural, paliligayahin niyo siya. Ano na lang pakinabang niyo kung hindi niyo pa yun nagawa, hindi ba?” panunuya niya dito, “dapat lang, mapaligaya niyo ang papa ko.” “Wag mo ngang binabastos ang mommy, Danica!” saway sa kanya ni Jalen, “akala mo naman kung sino kang magaling.” “Magaling talaga ako. Subsob ako sa trabaho eh, ikaw ba Jalen? Anong naiambag mo para mapalago ang negosyo?” nginisihan niya ito, “kahit saang department ka ilagay, wala kang silbi. Either may nakakaaway ka, o hindi ka nagtatrabaho! Ano yan? Gastos lang? Ayaw kumilos?” “Sobra ka namang makapagsalita, Danica,” si Ingrid iyon, ang isa pang ingratang anak ng kanyang madrasta, “mahirap naman talaga ang trabaho eh, hindi lang kami makasabay.” “Andun na tayo sa mahirap, Ingrid. Lahat naman mahirap kaya dapat pag- aralan! Pero ang nangyari, wala na nga kayong ambag, gastador pa kayo! Maigi pa kayo, nakarating na kayo ng Singapore, eh ako? Ni hindi ako makapunta sa Palawan, dahil inuuna ko ang mga dapat kong gawin! Tapos ngayon, nang nagkakagipitan na, ako ang iipitin niyo? Makapal ang mukha niyo sa parteng iyan.” inis niyang sagot sa mga ito. Mas lalo pa siyang nasasaktan, dahil pakiramdam niya, pinagtutulungan siya ng mga ito. “Sampid na lang kayong lahat, ni hindi ko kayo kadugo, tapos, hindi kayo marunong makisama?” “Aaaah– aaaah–” daing ng kanyang ama. Hawak nito ang kanyang dibdib, na parang nahihirapang huminga. “Luke!! Luke!!” agad inalalayan ng kanyang madrasta ang kanyang tatay, katulong ang kanyang mga mga anak. Lalapit sana siya, ngunit agad siyang itinaboy nito, “kapag may nangyaring masama sa tatay mo, ikaw ang sisisihin ko! Kasalanan mo ito Danica, tandaan mo yan!” Inakay ng mga ito ang kanyang tatay patungo sa kwarto. “Hindi ba sa hospital isusugod ang papa?” nag- aalala niyang tanong, ngunit hindi na siya pinansin ng mga ito. Lahat sila ay umakyat at naiwan siyang mag-isa sa salas. Napaupo na lang siya sa sofa. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng kamatayan ng kanyang tatay. Doon pa lang niya napakawalan ang mga luhang kanina pa nais malaglag. Hindi na niya iyon nakayanang pigilan, sunod sunod iyong umagos sa kanyang pisngi. “Tulungan mo akong mag- isip mama.. Ano ang gagawin ko?” usal niya habang nakayuko. Lingid sa kanyang kaalaman, pinapanood siya ng dalawang anak ng kanyang madrasta sa may hagdanan. Lihim na tumatawa ang mga ito habang siya ay nakakaramdam ng pighati. “PUMAPAYAG na akong magpakasal kay Amante, papa,” pumasok siya sa kwarto ng kanyang ama, at pinalabas ang mga kasama nitong ingrata para makapag- usap sila ng sarilinan. Nakahiga ito, at mukhang hinang hina ang katawan. Nilukob siya ng awa at takot. Naaawa siya sa ama, dahil pakiramdam niya ay masama ang lagay nito, at takot dahil baka bigla siyang iwan ng kanyang tatay. “Salamat anak,” mahina ang tinig ng kanyang ama, at hinawakan ang kanyang kamay. Pinisil pisil iyon ni Luke, “pasensiya ka na anak, kung may pagpipilian lang ako, hindi naman mangyayari sa atin ito.” “Magpahinga lang kayo papa, wag niyo akong iiwan,” niyakap niya ang kanyang papa. Hindi na niya napansin ang gulat at lungkot sa mukha nito, “hindi ko kakayaning iwanan ninyo ako. Kayo na lang ang pamilya ko.” “Pangako ko sayo anak, narito lang ako palagi. Naipit lang tayo ng pagkakataon,” mahina pa rin ang tinig nito, at hinaplos haplos ang kanyang buhok. “Pupunta muna ako sa opisina, dito lang muna kayo. Gusto niyo ba, ipatawag ko si doctor Alejandro?” kumalas siya buhat sa pagkakayakap sa papa niya, “para malaman natin ang problema niyo? Baka mamaya, kung ano na yang sakit niyo kaya nahirapan kayong huminga?” “Okay lang ako anak. Wala ito. Sige na, baka malate ka pa. Nandiyan naman ang tita Rodora mo saka ang mga kapatid mo,” nakangiti nitong sabi sa kanya. Napangiwi naman siya sa huling kataga nitong binanggit. “Hindi ko sila kapatid papa. Ang magkakapatid, nagtutulungan, hindi naglalamangan!” medyo nainis siya ng kaunti sa isiping iyon. “Sige na papa, aalis na ako,” hinalikan niya ito sa noo, “magpahinga kayo ng maayos.” Kinawayan pa siya ng tatay niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan niya sa salas ang dalawang m*****a niyang step sister, na makahulugang nakatingin sa kanya. May gana pang lumapit ang mga ito para asarin siya. “Oh, paano ba yan? Magiging asawa ka na ni Amante Robles. Gagalingan mo ha, ayaw daw nun ng tuod sa kama,” nagtawanan ang magkapatid sa sinabi ni Jalen. Nag apir pa ang dalawang iyon. “Paayaw ayaw pa, bibigay din naman pala,” natatawang sabi pa ni Ingrid. “Eh kung umayaw kaya ulit ako, dahil nabwesit ako sa inyong dalawa?” asik niya sa mga ito. Unti unti ng naiksi ang pisi niya para sa dalawang ito. “Gawin mo, tutal, tatay mo naman ang mamamatay eh,” sagot sa kanya ni Jalen, “kaya mo ba?” Natigilan siya bigla sa sinabi nito. Tiningnan na lang niya ng masama sina Ingrid. “Oh, anong tinitingin tingin mo ngayon?” tanong ni Ingrid, “galit ka?” “Oo, galit ako!” kinuha niya ang gunting at hinila ang buhok nito, “gusto mo ba, kalbuhin kita?” Nahintakutan ang mga ito sa kanyang ginawa. Susugurin sana siya ni Jalen, ngunit itinutok niya ang gunting sa leeg ni Ingrid. “Nababaliw ka na ba?” saway sa kanya ni Jalen. Tumitingin ito sa hagdanan, hinihintay marahil ang ina. Ngunit ang kwarto ng kanyang papa, ay naka sound proof, kaya kahit sumigaw ito, hindi din maririnig sa taas. “Oo, nababaliw na ako, lalo na sa inyong dalawa! Sige lang, pagsalitaan niyo pa ako ng hindi maganda, mananagot kayo sakin!” ginupit niya ang mahabang buhok ni Ingrid. Nanlaki ang mga mata ng mga ito sa nasaksihan. “Ang buhok ko!” nagtutungayaw si Ingrid. Ibinalibag niya ito patungo sa kapatid nito. “Tigilan niyo na akong dalawa, habang kaya ko pang magtimpi,” iniwan niyang iyak ng iyak si Ingrid habang yakap yakap ni Jalen. Gumaan ang kanyang pakiramdam, dahil nakaganti siya sa mga ito kahit papaano. Sumakay na siya sa kanyang kotse, kailangan niyang magtungo sa opisina. May sinabi sa kanya si Martha tungkol sa mga dokumentong nakita nito sa drawer ng kanyang papa. “NAGSUSUGAL ang papa?,” hindi siya makapaniwala sa mga papeles na nakita sa drawer nito. Mga listahan iyon ng pinagkakautangan ng kanyang ama. At nasa listahan si Amante Robles. Nakasulat doon ang lahat ng transaction dito ng kanyang tatay. Si Robles ay may ari ng isang casino, at doon nalulong ang kanyang ama at ang kanyang madrasta. Mas lalo pang gumuho ang kanyang mundo, ng malaman niya, na siya ay ginawang collateral talaga. Na kung ipapakasal siya dito, ay kakalimutan na lang lahat ng pagkakautang ng kanyang papa. Pakiramdam niya ay nais na lang humiwalay ng kanyang kaluluwa sa kanyang katawang lupa. Parang gusto na lang niyang maging multo. Ang awang nararamdaman niya para sa kanyang tatay, ay napalitan ng poot at hinagpis. Paano nito natiis na gawin siyang pambayad sa utang? Kaya pala nalugi ang kanilang kumpanya ay dahil na rin dito. Hindi naman pala nag iisa ang mag iina sa paglustay ng kanilang pera, kundi pati ang kanyang ama ay kasabwat din. Napaupo na lang siya ng makita ang kasunduang iyon. Hindi niya akalaing kaya siyang traydurin ng sarili niyang ama. Nalungkot siya sa isiping iyon na ang sinisisi lang niya ay ang bagong asawa at mga anak nito, yun pala ay lahat sila ang may kasalanan! Hindi niya alam ngayon kung paano ioopen sa kanyang tatay ang kanyang nalaman. Natatakot siyang baka ito pa ang maging sanhi upang tuluyan ng atakihin ang kanyang ama sa puso, subalit wala naman siyang choice. Kailangan niyang pangalagaan ang kanyang sarili. “Uuwi muna ako, Martha,” paalam niya sa kaibigan. “Saan ka pupunta?” nagulat ito, kararating lang kasi niya ng mga oras na iyon. “Kailangang linawin ko ito sa papa. Hindi maaaring basta ako magsakripisyo tapos ito lang pala ang dahilan ng lahat,” kinalap niya ang lahat ng papeles na maaaring magamit kapag nag usap sila ng ama. “Kailangang maipaliwanag niya ito sa akin ng maayos!” Nagmamadali siyang lumabas ng opisina. Maging ang pagtawag ng kanyang kaibigan ay waring hindi na niya marinig. Para sa kanya, mahalagang malinawan ang lahat. Hindi siya makakapayag na gaganituhin lang siya. Lahat ginawa niya upang makabangon, tapos malalaman niya lang na kaya pala hindi sila makausad ay dahil sa pesteng pagsusugal na iyon! Masamang masama ang kanyang loob. Hindi niya matanggap sa sarili na pumayag siyang magpakasal dito, subalit yun pala ang dahilan. Nakakasira ng buhay ang sugal, paano natuto ang tatay niyang mag casino?Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa
Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'
Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen