“Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan.
Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan. “May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling. “Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?” Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siya ng boss nila na may kinakalantari siyang kliyente? Hindi pa rin maalis sa kanyang dibdib ang mga katagang sinabi nito sa kanya. Naaalala pa niya nang sabihin niya dito, na ito ang tatay ng kanyang dinadala. “Miss, kung sino mang Poncio Pilato ang nagsabi sayo kung sino ako at kung gaano ako kayaman, magaling siyang tsismoso! Pero hindi ako umaako ng mga bagay na hindi akin, at hindi ko inaangkin ang mga hindi ko pag aari! Magaling ka, at nahanap mo ako dito, sa layo ng Maynila, napadpad ka pa talaga dito sa Davao? Wag mong sabihing nagkataon lang din yan? Pinagplanuhan mo ang lahat, aminin mo na!” inaalipusta siya ng lalaking ito, mula ulo, hanggang paa. “Ako pa talaga ang tinarget mo!” “Wala akong paki, sa kung ano ang iniisip niyo. Tanggalin niyo ako sa trabaho, kung gusto niyo, pero hindi niyo maaaring yurakan ang pagkatao ko! Kung naaalala niyo, inilabas niyo lahat ng binhi mula sa pantog niyo, sa akin! Sa loob! Enjoy na enjoy pa nga kayo, hindi ba?” sumambulat na sa lalaki ang kinikimkim niyang inis. Pinag iisipan pa siya nito ng masama, “makakakuha pa ako ng trabaho, maliban dito sa kumpanya niyo! Hindi lang kayo ang mga negosyante sa mundo.” “Saka sa palagay niyo, ginusto ko bang may mangyari sa atin ,ha? Kung tutuusin nga, pinagsamantalahan niyo ako eh! Lasing ako nung galawin niyo ako. Kung pera niyo ang habol ko, sana, matagal ko na kayong hinanap!” “Paano mo nga ako hahanapin, eh hindi mo naman ako kilala?” ngumisi pa si Jethro sa kanya, “kung ako sayo, titigilan ko na ang pagpapantasya ko, na makabingwit ng tulad ko. Dahil kahit sa panaginip mo, hindi mangyayari yun!” “Kung kayo din lang naman ang magiging lalaki sa buhay ko, hindi bale na lang! Wala akong planong makipagrelasyon, sa gaya niyong demonyo!” “At anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Ang lakas ng loob mo ah,” dinuro siya ng lalaki, “sino ka? You're nothing!” “Eh di iterminate niyo ko! Wala akong paki! Sagwa ng ugali niyo, akala mo naman, kagwapuhan!” tinalikuran niya ito at nagmartsa siya palabas ng opisina nito. “Danica! Bumalik ka! Wala pang taong–” tawag ni Jethro kay Danica, subalit nagulat pa siya ng pasalyang isara ng babae ang pinto. “Bwesit na yun!” “Danica?” inalog pa ni Siren ang kanyang balikat, okay ka lang ba?” nag aalala ang hitsura ng kanyang kaibigan, “kanina ka pa namin kinakausap, natulala ka na diyan.” “Ah– eh– wa- wala, may naalala lang ako,” alanganin ang ibinigay niyang ngiti sa mag ito, “pagod lang ako..” “Masyado ka kasi kung magtrabaho, hindi naman ipapamana sayo ang kumpanya ni sir,” natatawa pa si Vohn habang papalayo sa kanila,”magpahinga ka rin kasi, masyado mo ng ginagalingan.” “Okay ka lang ba?” nilapitan ulit siya ni Siren, “May sinabi bang hindi maganda sayo si sir?” “Wa-wala naman hahaha, ano namang sasabihin niya sa akin, hindi naman kami magkakilala..” nakangiti niyang sagot sa kaibigan. Subalit ang ngiting iyon ay halatang fake, mapagpanggap. Marahil ay ayaw na lang siyang kulitin ng kaibigan, kaya nanahimik na lang ito. Ngunit ramdam niya sa sulok ng kanyang mga mata, na pinapanood nito ang bawat kilos niya. Hanggang matapos ang kanilang trabaho, wala ng nangahas na magtanong pa sa kanya, kung ano ang napag usapan nila ng kanilang boss. Hihintayin na lang niyang iterminate siya nito, o bigyan ng isa pang chance. Hindi naman maglalaon, ay mahahalata din ng mga taga doon sa opisina nila ang kanyang tiyan, kaya pagsapit ng apat na buwan, at wala pang ibinababang memo sa kanya ang mga ito, kusa na siyang magreresign. “Tuloy ba tayo ngayon? Inom naman tayo,” sabi ni Siren sa kanila, habang naglalakad at nakahawak sa kanyang braso, “pwede ba kayo?” “Ako, pwede”, sabi ni Vohn, ikaw Ian?” “Pwede rin ako, binata eh..” inilabas pa nito ang kanyang malalaking mussle at ipinakita iyon sa kanilang tatlo. “Ikaw, Danica?” “Ha? Ah–eh- pass muna ako ngayon,” humugot siya sa kanyang bag ng pera, “ito ang pera, pasensiya na kayo at hindi ako makakasama ngayon.” Inilagay niya iyon sa kamay ni Siren. “Ha? Bakit naman? Hindi ka naman tumatanggi noon ah? Saka kahit hindi ka ulit uminom, basta naroroon ka lang,” oangungumbinsi pa nito sa kanya. “Kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko, Siren. Pakiramdam ko, lalagnatin ako,” pagdadahilan niya pa dito. Hinawakan siya ni Ian, at waring nababasa ng kaibigan na ayaw talaga niyang sumama, “malamig siya guys, baka may usog siya. Maigi pa, ihatid ko na muna siya sa bahay nila, umuna na lang kayo sa napagkasunduan nating tambayan.” “Ha? Hindi mo ba talaga kaya?” tanong pa ni Siren, “baka naman mahihilot pa natin yan?” “Hindi ito sakit ng tiyan na kapag naitae ay okay na, baka mamaya, doon pa ito mawalan ng malay, lalo lang tayong mag alala,” tugon dito ni Ian. “Oh, sige,” napakamot na lang sa ulo si Siren, “uuna na kami ni Vohn, sunod ka na lang? Danica, sure ka ha? Ikaw pa naman ang taya ngayon.” “Okay lang ako, kailangan ko talagang magpahinga,” hawak niya ang kanyang bag, na basa na, dahil sa kanyang pawising palad. “Bye..” umalis na ang dalawa nilang kaibigan. Naiwan na lang sila ni Ian. Tiningnan siya ng kaibigan niya, hindi naman niya alam kung paano magreresponse dito. Chapter 7 “Ano ang totoo, Danica?” tanong ni Ian sa kanya, “hindi ako naniniwala sa alibi mo. Hindi ka ganyan. Ano talaga ang pinag usapan niyo ni sir kanina?” “Wa- wala.. wala naman siyang sinabi sa akin,” pagsisinungaling niya dito. Hanggang maari sana, ayaw niya munang malaman ng kahit na sino ang kanyang kalagayan. Subalit hanggang kailan niya ito makakayanang itago? gayong nakakahalata si Ian? “Maaaring mabilog mo ang ulo nung dalawa, ngunit ako? hindi Danica. Kaya magsabi ka ng totoo, may nangyari ba? ano ba ang naging problema?” pangungulit nito sa kanya, “Hindi pwedeng wala ang isasagot mo sa akin. Alam mo kung gaano ako kakulit.” Huminga siya ng malalim. Nag iisip siya kung paano ipagtatapat sa kaibigan ang kanyang kalagayan. Naaalala niya pa ang sinabi sa kanya ni Jethro. Na hindi ito naniniwala na sa kanya ang batang dinadala niya. “Ano Danica? wala kang maiisip na palusot sa akin, kaya ngayon pa lang, magsabi ka na ng totoo. Malay mo naman, matulungan kita.” pangungumbindi ni Ian sa kanya, “kaibigan mo ako, wala ng ibang magtutulungan, kundi tayo tayo lang.” “Ka– kasi..” nakagat niya ang kanyang pang ibabang labi. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang lahat. “Ano?” tila nauubusan na ng pasensiya ang kanyang kaibigan, “ako ang aakyat kay sir para magtanong..” “Buntis ako.” “Oh? buntis ka lang naman pala, anong masama dun?” parang hindi naaabsorb ng kanyang kaibigan ang ipinagtapat niya. “Ian.. buntis ako. I’m pregnant!” pag uulit niya dito ng kanyang ipinagtapat. “Ha?” parang noon lang nito naintindihan ang kanyang sinabi, “bu-buntis? paano? baka naman akala mo lang, saka wala ka namang boyfriend hindi ba?” kunot na kunot ang noo nito. Hindi talaga makapaniwala sa kanyang ipinagtapat. “To–too ba ang bali balitang– ibinabayad mo ang katawan mo sa mga kliyente mo?” “Hindi ah!” mariin niyang tanggi dito, “ba-bago pa lang ako makapasok dito.. ma–may naka–naka sex na ko sa Manila..” napayuko siya sa sobrang kahihiyan. Hindi niya malaman kung paano niya iyon masasabi ng maayos sa kaibigan, gayong ang alam ng mga ito, ay isa siyang matinong babae? may matino bang nabuntis ng walang boyfriend? “Nakipag one night ka?” halos hindi na maibuka ni Ian ang labi nito. Wala naman sanang kaso iyon, kung siya talaga ay isang pakawalang babae, “di ba, bawal sa office code yan?” “Yun ang dahilan, kaya ako ipinatawag ni sir kanina.”Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa
Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'
Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M