Share

Chapter:6

Vien POV

Agad akong tumawag sa CCP group ng makatanggap ako ng message galing kay Dion, nagpapa sundo siya..

Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan pang nag stay siya sa Isang pagamutan ng mga aso! Ano bang ginagawa niya roon!

Ang lalaking yun! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang pakabahin kaming lahat...alam naman niyang delikado ang buhay niya sa labas pero nagagawa pa niya ang ganitong bagay.

"Vien!" Tawag niya sa akin ng makapasok kami sa loob ng veterinarian..

"Alam mo-"

"Sssh." 

Awat niya sa akin sabay turo sa folding bed na naroon..kunot noong napa lapit ako bed kong saan nakita ko ang isang lalaking naka higa.

Napaawang ang labi ko ng makita ko siya,kong hindi ako nagkakamali isa ang lalaking to sa mga kamag anak ng pasyenteng inaalagaan ko.

"Bakit siya nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Iniligtas niya ang buhay ko sa mga kamay ni kuya Mark,siya ang nasa likod ng lahat." Sagot ni Dion habang naka tingin sa binata.

Sa halip na sagutin ang sinabi niya,lumapit lang ako sa pasyente at kinunan siya ng vital sign..maayos naman ang vital sign niya.

"Kailangan nating madala siya sa hospital, para matiyak na walang ibang part ang na damage sa kaniya." Wika ko.

"Antayin natin siyang magising." Sagot ni Dion.

"Hindi pwede,habang narito siya mas delikado ang buhay niyong dalawa." Sagot ko.

"Sa totoo lang ang ingay niyong dalawa." Ingos ni Shin na nagising.

"Mabuti naman at gising kana." Komento ni Dion sa binata." Alam mo bang balak na kitang ipalapa sa aso." Biro pa niya.

"Tsk! Hindi pa ako tapos sayo." Sagot naman ni Shin bago pilit na tumayo." Dra.Vien hindi ko alam na kilala mo pala ang sira ulong lalaking to." Wika pa niya.

Napa ngiti ako sa sinabing iyon ni Shin,alam kong biro lang yun sa kaniya..sa totoo lang nakakatuwa silang panuurin.para silang mga bata na nagpipikunan.

"Kilala mo si Vien." Gulat na tanong ni Dion sa binata.

"Oo,ikaw bakit kilala mo siya?" Balik tanong ng binata kay Dion.

"She's my-"

"I'm his friend." Agaw ko na baka ano pang sabihin ng ungas na to..kilala ko si Dion sa lahat ng kakilala niya o kakikilala pa lang girlfriend na ang pakilala niya sa akin..

"Ah kaya pala."

"Nga pala,Shin thank you sa pag ligtas kay Dion,utang namin sayo ang buhay niya." Pasasalamat ko sa kaniya..tumingin lang siya kay Dion.

"Name your Price,ayaw kong magkaroon ng utang- ouch! Vien." Ang di makapaniwalang bulalas niya paano ba kasi bigla siyang sinikmuraan ng dalaga.

"Pasensya kana sa kaniya,sira ulo lang talaga siya alam mo na." Hinging paumanhin ko kay Shin na tinanguhan naman niya.

........

Kristen POV

Isa lang ang pumasok sa isip ko ng mapag alaman naming si Shin ang nakita ko sa CCTV pottage. Kaya nga inutusan ko ang mga tauhan ko na hanapin si Shin at dalhin sa akin.

Nandito ako sa rooftop matapos nilang ibalita sa akin na nahanap na nila si Shin,hindi na ako makapg hintay na masapak siya sa ginawa niyang iyon kay Dion.

Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang iyon! Kaya humanda siya sa akin..mararamdaman niya talaga ang galit ko.

"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Inis nang sigaw ni Shin sa mga tauhan ni Tin ngunit agad din siyang natigilan ng makita ang dalaga.

Walang imik na lumapit ako sa kaniya then I slapped his cheeks within 4x.. Ang gusto ko lang ay saktan siya ng mga sandaling iyon..

Sinabi ko na sa kaniya kong ano ang pinaka ayaw ko sa lahat pero ginawa pa rin niya..Inis na sinuntok ko siya sa may sikmura,wala akong pakialam kong gaano pa yun kalakas..hindi ko ma control ang anger ko.

"Aaah!" D***g ni Shin at hindi sinasadyang mapayakap sa dalaga.pero inis na itinulak lang siya nito palayo sa kaniya na tila ba pinandidirian siya.

"Tandaan mo to Shin! I will do anything para pahirapan ka! Hindi ako titigil hanggat hindi ka nagtatanda!" Galit kong banta sa kaniya.

Then galit ko na siyang tinalikuran, kasunod nun ang mga Bodyguard ko..

Nandito na ako sa basement ng ipagbigay sa akin ni Mr. Liam na nahanap na si Dion, na ngayon ay kausap na ng mga pulis.

"Ah Ms.Tin mawalang galang na po." Awat ni Mr.Liam habang naka tingin sa damit na suot ng dalaga.

Kunot noong napa tingin ako sa kaniya.

"Ano ba yun?" Mataray kong tanong sa kaniya.

"Mukha pong na mantsahan ang damit niyo." Wika pa nito.

Takang tiningnan ko ang itinuro niya,may nakita akong blood stain sa damit ko. Wala naman akong sugat ni hindi nga ako nadikit sa kong saan..

But wait! Si Shin lang ang naka dikit kanina sa akin nong mapayakap siya sa akin dahil sa suntok ko.

Maybe nagkaharap sila ng mga tauhan ni Dion,ang lalaking yun! 

"Young Lady."

" I need to change my clothes!" Inis kong sabi sa kanila bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ko.

After I changed my clothes,inutusan ko na silang dalhin ako kay Dion kong saan inabutan kong naghihintay si Vien sa investigating area,na tila ba hinihintay si Dion..

Bakit ba lagi siyang naka dikit kay Dion,sa totoo lang hindi ko siya gusto.naiirita ako sa tuwing lumalapit siya kay Dion.Pero ganun pa man kailangan kong ipakitang mabait ako sa kaniya.

"Vien," Tawag ko sa kaniya."is he okay or what?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Don't worry about him,maayos na siya actually I tried to called Shin,pero hindi niya sinasagot ang phone niya." Komento pa niya.

Kunot noong napa titig ako sa kaniya,sinong Shin ba ang tinutukoy niya.

"You mean Shin Xavier Gomez?" Tanong ko sa kaniya na tinanguhan niya lang." Kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes." Sagot ni Vien na may pagtataka rin.

Paano niya nakilala ang lalaking yun! Anong relasyon niya kay Shin! Malabong magustuhan siya ni Shin,kilala ko yun maselan yun sa babae.

Pero maganda si Vien,I admit it! 

"Anong kinalaman niya sa case ni Dion?" Usisa ko sa kaniya.

"Kong ganun kilala mo rin si Shin." Usisa ni Vien.

Bakit hindi ko nagugustuhan the way kong paano niya tawagin ang pangalan ni Shin..ewan mas lalo akong naiirita sa kaniya.

"Yes,He's my ex PA." Sagot ko." Now tell me,anong kinalaman ni Shin sa case ni Dion?" Ulit ko sa tanong.

"Malaki, siya lang naman ang nag ligtas kay Dion mula sa mga kamay ni Mark, I'm just worried about him,kasi nga hindi pa niya sinasagot ang phone niya,nag aalala ako na baka mamukhaan siya mg mga tauhan ni Mark,and besides my gunshot siya." Hayag ni Vien.

Bakit hindi ko nagugustuhan ang pag aalala niyang ito kay Shin..wala siyang karapatan na gawin yun!

Pero wait! May gunshot siya...kong ganun yung blood stain sa damit ko galing yun sa dugo ni Shin.. Oh shock! Sinuntok ko yung sugat niya! Possible na magkaroon siya ng internal bleeding dahil sa ginawa kong yun.

Sinaktan ko siya without knowing the truth! Ano ba naman tong ginawa ko sa kaniya..dapat tinanong ko muna siya sa bagay na to.

"I have to go!" Paalam ko.

Bakit ba ako nagpapa alam pa sa kaniya! Nanay ko ba siya para gawin yun! Ni hindi ko nga siya kaibigan.

"Tin saan ka pupunta?" Kunot noong tanong ni Vien sa dalaga.

"I need to find him." Sagot ko then tinalikuran ko na siya." Mr.Liam bumalik tayo sa hotel kong saan naroon si Shin." Utos ko sa kaniya.

Natitiyak kong hindi pa nakakaalis si Shin ng tuluyan sa hotel..

Habang pabalik sa hotel dalangin ko na sana hindi pa naka alis si Shin,dahil kong hindi,hindi ko na alan kong saan pa siya hahagilapin.

Buti nalang talaga hindi ma traffic ng mga sandaling ito kaya malapit na kami sa hotel,nahinto nga lang kami sa stop light.

"Young Lady,hind ba't si Shin iyon?" Tanong pa ni Liam na naka tingin sa tawiran kong saan nakita nila ang binata na patawid.

Buti nalang pala nandito pa siya,I gasps my breath ng may dumaang motor sa harap niya,may hawak itong baseball bat,tapos agad iyong ipinalo sa ulo ni Shin..

Nanlaki ang mata ko ng makita kong bumagsak si Shin..naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa nakita ko.

      ON THE HOSPITAL!

ghad! Bakit ang tagal ng mga Doctor lumabas sa emergency room,nag aalala na talaga ako kay Shin..hindi ko na nga alam kong anong gagawin ko..paano kong- shock! Ayaw kong isipin.

"Young Lady,huminahon muna kayo." Wika pa ni Liam sa dalagang frustrated.

Agad akong napalapit sa Doctor ng makita ko siyang lumabas mula sa Emergency room.

"Doc,how is him?" Tanong ko.

"Stable na ang kalagayan niya,but one thing na hindi kami sigurado pa,malalaman lang natin kapag nagising na siya,masyadong napinsala ang ulo niya dahil sa lakas ng pagkaka hampas sa kaniya." Paliwanag pa nito.

I hold my breath nang makita kong inilabas si Shin mula sa Emergency room..tahimik na sumunod ako sa nurse..ang totoo natatakot ako sa posibleng mangyari..

Paano kong mawalan siya ng alaala,paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat ng to..

Matapos siyang ilipat ng mga nurse sa bed niya umalis na ang mga ito, tahimik na naupo ako sa tabi niya.

Marahan kong hinawakan ang kamay niya, ang laki ng kasalanan ko sa kaniya..lagi ko nalang siyang nasasaktan.

"Shin,I'm sorry,please gumising kana,hindi ko gustong nakikita kang nasa ganyang kalagayan,kahit na hindi tayo magka sundo minsan mas gusto ko pa rin na makita kang tumatawa at nang aasar,hindi yung ganyan." Bulong ko sa kaniya.

I want him back! I want to fix my mistake..

.........

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status