Home / Romance / Unexpectedly Yours, Doctor / CHAPTER 5: We Meet Again

Share

CHAPTER 5: We Meet Again

Author: SiaSays
last update Last Updated: 2025-06-01 20:58:44

Pagpasok ko sa ospital, parang may mali. Hindi ko maipaliwanag, pero may tension sa paligid. Parang may hangin ng pagbabago, na kahit ayaw mong pansinin, kusa kang hihilahin pabalik.

Katatapos ko lang mag-leave. Hindi madali ang pagbalik lalo na sa dami ng bumabagabag sa isip ko. Pero kailangan. Para sa sarili ko. Para sa—para sa buhay na nabubuo sa loob ko.

Nakaputi pa rin ang paligid. Mga pasyente, doktor, nars. Lahat abala sa kani-kanilang mundo. Ako? Pilit pa ring inaayos ang sa akin.

“Uy, Celeste! Welcome back!” bati ni May, isa sa mga ka-duty ko noon.

“Thanks,” pilit kong ngiti. “Same floor pa rin ba ako?”

“Actually… may bagong head ng neurology. Siya na rin daw ang mag-aassign ng mga bagong rotation. Sa office daw siya ngayon.”

Napakunot ang noo ko. “Bagong head?”

Tumango si May. “Oo. Gwapong doktor, ‘teh. Alam mo ‘yung… mukhang seryoso pero may pasabog? Basta, good luck!”

Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung bakit may kutob akong ayokong makumpirma.

Kumatok ako sa pinto ng opisina. Isang beses. Dalawang beses. Walang sumagot. Hinawakan ko ang knob at dahan-dahang binuksan.

“Pasensya na po, sir, kung maaga ako. Pinapunta raw ako—”

Naputol ang salita ko.

Doon siya. Nakaupo sa swivel chair, nakayuko sa tablet, may suot na white coat, pero walang duda—si Damian.

He looked up.

Our eyes locked.

“Celeste,” he said. Calm, cool, almost rehearsed. But his eyes—hindi sila nagsisinungaling.

“Damian,” I replied.

“You’re back.”

“I work here,” matipid kong sagot.

Tumango siya. “And I’m the new head of neurology.”

Nanatili kaming tahimik ng ilang segundo. Ang tunog ng aircon lang ang naririnig. Ako ang unang bumasag.

“Bakit mo hindi sinabi?”

“I didn’t know I had to ask your permission,” he said, hinting a teasing smirk.

Umirap ako. “I’m here to work, not to play games.”

“Good,” sagot niya, tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Then let’s work together—professionally.”

Pero bago pa ako makalabas ng opisina niya, may inilabas siyang envelope mula sa drawer. “By the way,” he said, hawak ang puting sobre. “It came in this morning.”

Huminto ang puso ko.

Alam ko na agad kung ano ‘yon.

“Paternity test,” he said softly. “Open it with me?”

Huminga ako nang malalim. Hindi na ako nagtanong kung paano niya ito nakuha. Ibinigay ko ang blood sample ko noong huli kaming nagkita. Siya na ang nag-asikaso sa sarili niya.

Kumuha siya ng gunting at dahan-dahang binuksan ang sobre.

“Celeste…”

“Huwag mo nang basahin kung ayaw mo,” sabi ko, nanginginig ang boses. “Alam ko na naman ang sagot.”

Tumingin siya sa akin. “Then let’s see it together.”

Binuksan niya ang papel. Basang-basa ko ang mga letra. “Probability of Paternity: 99.99%.”

Napaupo ako. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil sa bigat ng iniisip ko. Pero isa lang ang malinaw—Damian ang ama ng dinadala ko.

Walang ibang lalaki. Wala akong ibang sinamahan. Isang gabi lang. Pero isang gabing hindi ko rin malimutan.

Damian sat beside me. Tahimik siya sa una.

“Anong balak mong gawin?” tanong niya, marahang boses.

Huminga ako ng malalim. “Alam kong wala akong karapatang humingi ng kahit ano sa’yo. Wala akong inaasahan.”

“But I’m not just anybody, Celeste.”

“I know,” bulong ko.

Hinawakan niya ang envelope, parang hindi niya rin alam kung paano siya dapat mag-react. Pero marahan niyang sinabi:

“I want to be part of this.”

“Damian…”

“I’m not asking you to marry me. Not yet,” dagdag niya, may konting biro sa tono. “But I want to know you. And I want you to let me in.”

Tumingin ako sa kanya. Iba siya ngayon. Hindi ‘yung lalaking kilala ko sa isang gabi lang. Mas mahinahon. Mas buo. Pero malinaw pa rin ang kislap sa mga mata niya—‘yung hindi ko maintindihan kung pasakit ba o pag-asa.

“Let me take care of you,” dagdag niya. “Not just because of the baby. But because I want to.”

Hindi ko alam ang isasagot. Lahat masyado pang mabilis. Pero isa lang ang sigurado: hindi ko na siya kayang itaboy na parang wala lang siya.

“So ano?” tanong niya, nakangiti, pero may bahid ng kaba. “Do I pass your first-trimester interview, Nurse Celeste?”

Napatawa ako. Muntik na. “Hindi kita pasusukatin sa blood pressure ng basta-basta,Dr Alcantara.”

“Then that means I’ll have to earn it.”

Hindi ko masabi kung anong klaseng relasyon ang meron kami ngayon. Pero sa halip na takot, kakaibang aliwalas ang naramdaman ko.

Lumipas ang ilang araw. Balik-duty na ako. At oo, pareho kaming nasa isang ospital. Sa parehong floor. Parehong team.

Mahirap iwasan si Damian. Hindi dahil laging may interaction. Kundi dahil kahit wala siya sa paligid, naroon siya. Sa bulong ng mga kasamahan. Sa mga matang sumusulyap kapag napapadaan kami sa hallway.

“Bagay kayo ni Doc Alcantara, ‘teh,” sabi ni May minsang nagka-break kami.

“Excuse me?” kunyari kong tanggi.

“Halata, no! Ang awkward niyong dalawa pag nagkakasalubong. Tapos ‘yung titigan? Para kayong nasa teleserye.”

Napangiti ako nang pilit. Pero totoo, may nararamdaman akong tension. Parang isang bagay na sinisimulan pero hindi matuluyang sabihin.

Kahit si Damian, professional siya sa lahat ng aspeto. Pero ‘pag magkausap kami—may ibang init. Hindi bastos. Hindi rin romantic outright. Pero may kilig na hindi inaamin.

Minsan habang nagri-rounds ako, bigla siyang sumulpot.

“Need help with the chart?” tanong niya, kunwari casual.

“Thanks, I got it,” sagot ko, hindi tumitingin.

Lumapit pa siya. “Sure ka? I’m quite good with messy handwriting, especially when the nurse is trying to avoid me.”

“Ang kapal ng mukha mo,” bulong ko, napatawa.

Napailing siya, pero ngumiti. “That’s more like it.”

Late na nang matapos ang shift ko. Tahimik na ang hallway. Pa-uwi na ako nang may narinig akong yabag.

“Celeste.”

Lumingon ako. Si Damian. Nakapikit na coat, hawak ang tablet, pero halatang hindi pa uuwi.

“Can we talk?” tanong niya.

“Pagod na ako,” iwas ko.

“Two minutes,” sabay hakbang palapit.

Wala akong nagawa. Napahinto ako sa hallway. Tahimik. Walang ibang tao.

He stood close. Too close.

“You really don’t want to talk about it?”

“About what?”

He leaned slightly. “About what really happened that night.”

Napakapit ako sa ID lanyard ko. Hindi ako handa. Pero alam kong hindi na ito matatakasan.

“Celeste,” marahang bulong niya. “You keep avoiding me, but I see it in your eyes.”

I swallowed.

He smiled—just a little. “Don’t you want to know the truth, too?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 33 –Glamour in Disguise

    Tahimik ang buong biyahe namin ni Damian papunta sa hotel ballroom kung saan gaganapin ang recognition dinner ng hospital board. Ayon sa email na natanggap niya kaninang umaga, ito raw ay para parangalan ang mga “frontliner volunteers” na tumulong sa gitna ng bagyo. Pero alam ko sa loob-loob ko, hindi iyon purely recognition. Parte ito ng damage control ng ospital. They needed to polish their reputation after suspending two of their own doctors — lalo na’t kumalat na rin online ang ilang larawan naming dalawa sa evacuation center.Naka-gown ako ngayon, simpleng itim na may maliliit na beadwork sa neckline. Damian insisted na ipagamit ang stylist na kilala niya, pero tumanggi ako. Ayokong dumating na parang pinilit ipasok sa mundong hindi ko naman kinalakihan. Kaya ito, understated, elegant, pero hindi nakaka-intimidate. Damian, on the other hand, looked effortlessly commanding in his tuxedo. His presence alone demanded attention — kahit wala pa kami sa venue, ramdam ko na ang titig n

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 32 – Ang Bigat ng Timbang

    Kinabukasan matapos ang nakakapagod na pagvolunteer sa ospital noong kasagsagan ng bagyo, halos hindi pa ako nakabawi ng lakas. Magkahalong pagod at kaba ang bumabalot sa dibdib ko habang nakaupo sa gilid ng sofa. Si Damian, naka-upo sa dining table, nakasandal habang hawak ang tasa ng kape. Tahimik siya, pero alam kong pareho kami ng iniisip: ang tawag ng HR kagabi.“Celeste,” malamig pero mahinahon ang boses niya, “handa ka ba sa board hearing mamaya?”Humugot ako ng malalim na hininga. “Hindi ko alam kung may sapat na lakas ako, pero wala naman tayong choice, hindi ba?”Alam kong mali ang ginawa namin—sumugod kami sa ospital kahit suspended. Pero paano mo pipigilan ang sarili mo kung buhay na ng tao ang nakataya?Pagdating namin sa conference room ng ospital, ramdam ko agad ang bigat ng atmospera. Mahaba ang mesa, puno ng executives at board members. Nasa gitna kami ni Damian, parang mga akusadong inaantay ang hatol.“Dr. Damian Alcantara,.Ms.Celeste Ramirez,” panimula ng chairman.

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 31 – Raindrops

    Pagod na pagod ako. Para akong piniga—hindi lang sa katawan kundi pati sa puso. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa ER kanina. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng maliit na katawan ng batang sinubukan naming i-revive, ang malamig niyang balat, at ang mga huling iyak ng nanay niyang hindi na bumitaw hanggang sa huli.Nakatulala lang ako habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Damian. Umuulan pa rin sa labas. Kumakalog ang bubong ng sasakyan sa lakas ng bagsak ng ulan. Wala kaming imikan mula nang lumabas kami ng ospital. Pareho kaming basang-basa, pareho ring duguan at pawisan ang mga uniporme namin.Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Parang gusto kong sumigaw, pero wala akong boses na lumalabas.“Celeste,” basag ni Damian sa katahimikan. Mababa, halos paos ang boses niya. “You shouldn’t have been there. You’re pregnant. You put yourself and the baby at risk.”Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Kita ko ang pagod sa mukha niya—ang pulang mga mata, ang mahigpit na p

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 30 – Between Breath and Silence

    Pagkabukas ng mata ko, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin. Damian was asleep beside me on the couch, his head tilted back, chest rising and falling steadily. Hindi ko alam kung paano nangyari—isang saglit lang ng kahinaan, ng pagkakahulog, at nadala na kami ng init ng sandali. Hindi iyon biro. Hindi iyon aksidente. I let him kiss me. I kissed him back.My lips tingled as I brushed them with the back of my hand. A whisper of shame mixed with something terrifyingly sweet curled inside my chest. Celeste, what did you just do?Before I could sink further into the thought, Damian stirred, eyes blinking open. His gaze immediately found mine. Walang salitang kumawala, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan. Then—like a reflex—he reached forward, brushing a loose strand of hair behind my ear. Simple. Intimate. My heart slammed against my ribs.Before either of us could speak, my phone buzzed violently on the coffee table. I snatched it up, expecting Clarice or maybe Jessa. Instea

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 29 – Storms Inside and Out

    Tahimik ang kwarto ni Damian, tanging kaluskos lang ng pages at tik-tak ng wall clock ang naririnig ko. Nasa opisina siya sa condo, nakaupo sa harap ng desk, habang ako naman ay nakasandal sa gilid ng shelf, hinihigpitan ang yakap sa sarili.Kanina pa kami nagbubukas ng folders at files na iniwan ng abogado. Statements, properties, records. Puro dokumento ng yaman ni Papa. Yaman na parang bigla na lang sumulpot.“Hindi ko maintindihan,” mahina kong bulong. “Nung bata ako… normal lang kami. Public school. Simpleng bahay. Kahit ang panggatas minsan, hirap pa si Mama. Then suddenly, years later… eto. Mansion. Company shares. How?”Damian glanced at me, may konting ngisi. “Maybe he was a secret genius in investments. Or… he hired someone like me in senior high school. Don’t underestimate my computer skills, Celeste. I could’ve built him an empire with just Excel and pirated Wi-Fi.”Napapailing ako pero napatawa kahit papaano. “Excel daw. Huwag mo kong pinaglalaruan.”“Serious ako.” Tumayo

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 28 – Bloodlines and Fault Lines

    Parang nawala ang dugo ko sa katawan ko. Hindi ko marinig ang sarili kong paghinga, pero ramdam ko ang matinding kaba na kumakain sa sikmura ko. Papa… collapsed? Critical?“Hello? Hello?!” halos pasigaw kong tanong, pero wala nang sagot. Dead line.Nabitawan ko ang phone ko sa sahig, at agad akong sinapo ni Damian bago pa ako tuluyang bumagsak.“Celeste, hey, look at me.” Mahigpit ang hawak niya sa balikat ko. “What did they say?”“Papa…” halos hindi lumabas ang boses ko. “Critical. They want me at the hospital. Now.”Mabilis siyang tumayo, kinuha ang susi ng kotse. “Let’s go.”Ang biyahe papuntang ospital parang multo—tahimik pero puno ng alingawngaw. Paulit-ulit sa utak ko ang huling beses kong nakita si Papa, kung paano siya tumingin sa akin na parang estranghero, kung paanong pinili niyang manatili sa bagong pamilya niya.And now he’s dying. And I have to face them.Pagdating namin sa ospital, sinalubong agad kami ng malamig na corridor at amoy antiseptic na masyadong pamilyar. Pe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status