Beranda / Romance / Unexpectedly Yours, Doctor / CHAPTER 6 - new routine

Share

CHAPTER 6 - new routine

Penulis: SiaSays
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-01 21:06:29

“Do you want to know the truth?”

Napatigil ako sa paglalakad. Nasa dulo kami ng hallway. Tahimik. Walang ibang tao. Tanging fluorescent lights sa kisame at ang mahinang hum ng aircon ang saksi sa katahimikan naming dalawa.

Dahan-dahan akong lumingon pabalik sa kanya.

Damian didn’t look away. His eyes were steady. Hindi confrontational. Hindi galit. Pero may bigat. Parang matagal na niyang gustong sabihin ‘to, at ngayon lang niya nahanap ang tamang timing.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, kahit alam ko na. Parte ng sarili kong umaasa, parte rin ng sarili kong natatakot marinig ito.

“I remember everything,” he said quietly. “That night. You. Me. It wasn’t just a blur. It wasn’t just one of those drunken regrets. I knew it was you.”

Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Hindi dahil sa kilig—hindi pa. Kundi dahil may kung anong kirot at gulo sa loob. “Then bakit hindi ka nagsalita noon?”

“I didn’t think you wanted me to,” sagot niya. “You left. And I respected that. But now… we’re here. And I won’t pretend like none of it mattered.”

Nanatiling tahimik ang pagitan namin. Ilang hakbang lang siya mula sa akin, pero parang may pagitan pa ring ilang kilometro ang layo.

“I wasn’t planning to drag you into this,” I finally said. “Akala ko… isang gabi lang ‘yun. Isang pagkakamali.”

Damian’s jaw tensed, but his tone remained even. “Maybe it started that way. But it didn’t stay that way. Not for me.”

Hindi ko alam kung anong isasagot. Kaya tumalikod ako. “I need to go.”

“Celeste.”

Huminto ako, hindi lumingon.

“You don’t have to do this alone.”

Hindi ko sinagot. Pero sa loob-loob ko, nagsimulang pumutok ang mga tanong—Paano kung totoo lahat ng sinasabi niya? Paano kung may chance kami?

I stayed up all night thinking.

About the test result we opened together. Damian’s name—clearly there. Hindi na ako nagulat, pero iba pa rin ang impact. I’d been bracing for it, pero nang makita kong siya nga… parang nawala ang huling piraso ng denial.

At ngayon, eto siya. Not just willing—but insistent. Hindi lang siya nagtatakbo. He’s standing still. Steady.

The next day, I handed in my leave form.

I needed space. And he offered it—literally.

“Kung gusto mong sumama sa’kin temporarily,” sabi niya, “walang pressure. Pero at least, hindi ka mag-isa. Safe ka. Comfortable.”

I said yes.

Maybe out of exhaustion. Maybe curiosity. Maybe… hope.

Tahimik ang sasakyan. Bukod sa mahinang tunog ng makina at ang ilaw ng mga poste sa labas, wala kaming ibang marinig.

Nasa passenger seat ako. Malayo ang tingin. Sa labas ng bintana. Sa dilim ng kalsada. Sa ingay sa loob ng dibdib ko.

“Kung gusto mong bumalik, just say the word,” Damian said quietly.

Umiling ako. “Hindi. Okay lang ako.”

Tumingin siya sa akin, sandaling hindi nagmaneho. “Sigurado ka?”

“Wala naman akong ibang mapupuntahan, diba?” biro kong pilit.

Pero ang totoo, hindi biro ang lahat ng ‘to.

Pagdating namin sa condo niya, hindi ko alam kung saan ako dapat titingin. Everything was minimalist—clean, modern, cold. Wala masyadong gamit, wala ring bakas ng personal touch. Halos parang show unit pa.

He walked in first. “You can have the guest room. Malapit sa CR, and may sariling cabinet.”

Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko. Hindi naman ito ang unang beses na nasa condo ako ng isang lalaki—but this was the first time na dala ko ang buong mundo ko sa isang maleta.

Buntis ako. At kasama ko ang ama ng dinadala ko. Isang lalaking halos hindi ko kilala.

“Gusto mo ng tubig?” alok niya mula sa kitchen.

“Sure.”

I sat on the couch. Soft leather. Medyo malamig.

Nang iabot niya ang baso, nagpasalamat ako. Saglit siyang umupo sa kabilang dulo. Magkalayo kami, pero ramdam ko pa rin ang presence niya. Iyon ang problema kay Damian—kahit tahimik siya, kahit walang ginagawa, ramdam mo siya. Parang may magnet.

“Celeste,” he started.

Napalingon ako. Mahinahon ang tono niya, pero diretso.

“This isn’t just about responsibility for me.”

Nagtaas ako ng kilay. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“I’m not doing this just because I got you pregnant. Hindi ako andito para lang ‘magpakabait’ or ‘magpakalalaki.’ I want to be here because I want to know you. And if you’ll let me—makilala rin ako.”

Hindi ko alam kung ano’ng isasagot. Kaya umiling ako, dahan-dahan. “Damian… hindi ko alam kung kaya ko pa. Hindi ko alam kung anong iniisip mo, but this isn’t a romance movie.”

Napangiti siya, bahagya. “Bakit, ayaw mo ba ng slow burn?”

“Alam mo ba kung ilang buntis ang nagpi-prioritize ng slow burn?” tanong ko, sarcastic.

Tumawa siya. “Touché.”

Bumuntong-hininga ako. “Tingnan natin kung paano ito gagalaw. No promises. No expectations. Okay?”

He nodded. “New rules.”

Paglipas ng ilang araw, unti-unti na akong nag-a-adjust sa bagong setup. Maaga akong umaalis ng bahay para sa shift. Hindi kami sabay umuuwi. At kahit magkausap kami tuwing gabi, maiksi lang—updates lang sa checkup, pagkain, meds. Walang labis.

Pero kahit gaano kami ka-civil, may mga sandaling hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

Minsan habang nagluluto siya ng breakfast—nakasuot lang ng gray shirt at pajama pants. Minsan habang nagbabasa siya ng reports sa balcony habang nakasandal, hawak ang kape. Hindi siya perfect. Pero may disiplina. Tahimik pero observant. Hindi nagpipilit pero laging andiyan.

And the way he looked at me—hindi bastos. Pero may init. May tanong. May kilig.

Bumabalik sa isip ko ang gabing ‘yon.

Isang gabi lang. Pero isang gabing hindi ko malilimutan.

At ngayong alam na naming pareho kung sino ang ama, hindi ko alam kung paano uulitin ang mundo na iniwan ko.

One night shouldn’t mean forever. Pero minsan, one night can change everything.

Isang gabi, habang kumakain kami ng dinner, napansin kong tahimik siya.

“Anong iniisip mo?” tanong ko.

Tumingin siya sa akin. “Wala naman. Just… wondering kung kumusta ka talaga.”

“Okay lang ako.”

“I mean really, Celeste. How are you doing—mentally, emotionally, physically?”

Huminto ako sa pagkain. Hindi ko inaasahan ang tanong na ‘yon.

“Physically? Pagod. Laging inaantok. Madaling mapagod. Parang may hinog na pakwan sa tiyan,” sabi ko, trying to keep it light.

“Emotionally?”

“Floating. Sometimes okay, sometimes not.”

“And mentally?”

Napangiti ako. “Overthinking. Lagi.”

Tumango siya. “You can talk to me, you know.”

“I know. I’m just… not used to it.”

“Then let’s get used to it. Slowly.”

Tumigil ako. Tumingin ako sa kanya. Minsan mahirap paniwalaan na ganito siya. That he actually means well. That he’s not running away.

“You’re really in this?” tanong ko.

“Do I look like I’m not?” sagot niya.

“No. But you’re a good actor.”

Tumawa siya. “Hindi ako ganun kagaling. Pagod lang talaga ako minsan.”

“Me too.”

He leaned forward. “Let’s make a deal.”

“Ano?”

“You tell me one thing about you every night.”

Napakunot noo ko. “Bakit?”

“Para makilala kita. Diba slow burn?”

Napatawa ako, in spite of myself. “Fine. Pero ikaw din.”

“Deal.”

That became our routine.

Tuwing gabi, bago matulog, may tanungan kami.

“I’m scared of storms,” sabi ko isang gabi.

“I got food poisoning in med school and never ate shellfish again,” sagot niya.

“I used to write poems,” sabi ko.

“I used to box. Secret lang ‘yun.”

Unti-unti, natutunan kong makinig sa boses niya. Sa kwento niya. Sa galaw niya. Hindi ko namamalayan, pero unti-unti siyang nagiging parte ng araw-araw ko.

Minsan habang nasa kusina siya, tinutulungan ko siyang i-chop ang veggies.

“Careful with the knife,” sabi niya.

“Relax. I’m a nurse.”

“Exactly. I don’t want you patching yourself up.”

Napailing ako. “You’re bossy.”

“And you love it.”

Hindi ko siya sinagot. Pero sa loob-loob ko, hindi ko rin maitanggi.

Isang gabi, hindi ako makatulog.

Lumabas ako sa balcony. Malamig ang hangin. Tahimik ang lungsod.

Kasunod niya akong lumabas, hawak ang dalawang mug.

“Warm milk,” sabi niya. “Para makatulog ka.”

Tinanggap ko ito. “Thanks.”

“Something on your mind?”

“Marami,” sagot ko.

“Like?”

“Like… paano kung masanay ako sa’yo?”

“Then I’ll just have to stay.”

Napatingin ako sa kanya. He wasn’t smiling. He was serious.

“Damian…”

“I’m not saying you need to love me today, Celeste. I just want you to let me try.”

Hindi ko alam kung dahil sa hormones o dahil sa kabuuan ng araw, pero napaiyak ako.

Lumapit siya, dahan-dahan. Tinapik niya ang balikat ko. Hindi siya nangahas yumakap. Hinayaan lang niya akong umiyak sa tapat ng city lights.

And in that moment, I knew.

This wasn’t about the baby anymore.

It was about us—starting something neither of us planned, but maybe… just maybe, we both needed.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 33 –Glamour in Disguise

    Tahimik ang buong biyahe namin ni Damian papunta sa hotel ballroom kung saan gaganapin ang recognition dinner ng hospital board. Ayon sa email na natanggap niya kaninang umaga, ito raw ay para parangalan ang mga “frontliner volunteers” na tumulong sa gitna ng bagyo. Pero alam ko sa loob-loob ko, hindi iyon purely recognition. Parte ito ng damage control ng ospital. They needed to polish their reputation after suspending two of their own doctors — lalo na’t kumalat na rin online ang ilang larawan naming dalawa sa evacuation center.Naka-gown ako ngayon, simpleng itim na may maliliit na beadwork sa neckline. Damian insisted na ipagamit ang stylist na kilala niya, pero tumanggi ako. Ayokong dumating na parang pinilit ipasok sa mundong hindi ko naman kinalakihan. Kaya ito, understated, elegant, pero hindi nakaka-intimidate. Damian, on the other hand, looked effortlessly commanding in his tuxedo. His presence alone demanded attention — kahit wala pa kami sa venue, ramdam ko na ang titig n

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 32 – Ang Bigat ng Timbang

    Kinabukasan matapos ang nakakapagod na pagvolunteer sa ospital noong kasagsagan ng bagyo, halos hindi pa ako nakabawi ng lakas. Magkahalong pagod at kaba ang bumabalot sa dibdib ko habang nakaupo sa gilid ng sofa. Si Damian, naka-upo sa dining table, nakasandal habang hawak ang tasa ng kape. Tahimik siya, pero alam kong pareho kami ng iniisip: ang tawag ng HR kagabi.“Celeste,” malamig pero mahinahon ang boses niya, “handa ka ba sa board hearing mamaya?”Humugot ako ng malalim na hininga. “Hindi ko alam kung may sapat na lakas ako, pero wala naman tayong choice, hindi ba?”Alam kong mali ang ginawa namin—sumugod kami sa ospital kahit suspended. Pero paano mo pipigilan ang sarili mo kung buhay na ng tao ang nakataya?Pagdating namin sa conference room ng ospital, ramdam ko agad ang bigat ng atmospera. Mahaba ang mesa, puno ng executives at board members. Nasa gitna kami ni Damian, parang mga akusadong inaantay ang hatol.“Dr. Damian Alcantara,.Ms.Celeste Ramirez,” panimula ng chairman.

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 31 – Raindrops

    Pagod na pagod ako. Para akong piniga—hindi lang sa katawan kundi pati sa puso. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa ER kanina. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bigat ng maliit na katawan ng batang sinubukan naming i-revive, ang malamig niyang balat, at ang mga huling iyak ng nanay niyang hindi na bumitaw hanggang sa huli.Nakatulala lang ako habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Damian. Umuulan pa rin sa labas. Kumakalog ang bubong ng sasakyan sa lakas ng bagsak ng ulan. Wala kaming imikan mula nang lumabas kami ng ospital. Pareho kaming basang-basa, pareho ring duguan at pawisan ang mga uniporme namin.Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Parang gusto kong sumigaw, pero wala akong boses na lumalabas.“Celeste,” basag ni Damian sa katahimikan. Mababa, halos paos ang boses niya. “You shouldn’t have been there. You’re pregnant. You put yourself and the baby at risk.”Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Kita ko ang pagod sa mukha niya—ang pulang mga mata, ang mahigpit na p

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 30 – Between Breath and Silence

    Pagkabukas ng mata ko, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin. Damian was asleep beside me on the couch, his head tilted back, chest rising and falling steadily. Hindi ko alam kung paano nangyari—isang saglit lang ng kahinaan, ng pagkakahulog, at nadala na kami ng init ng sandali. Hindi iyon biro. Hindi iyon aksidente. I let him kiss me. I kissed him back.My lips tingled as I brushed them with the back of my hand. A whisper of shame mixed with something terrifyingly sweet curled inside my chest. Celeste, what did you just do?Before I could sink further into the thought, Damian stirred, eyes blinking open. His gaze immediately found mine. Walang salitang kumawala, pero ramdam ko ang bigat ng katahimikan. Then—like a reflex—he reached forward, brushing a loose strand of hair behind my ear. Simple. Intimate. My heart slammed against my ribs.Before either of us could speak, my phone buzzed violently on the coffee table. I snatched it up, expecting Clarice or maybe Jessa. Instea

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 29 – Storms Inside and Out

    Tahimik ang kwarto ni Damian, tanging kaluskos lang ng pages at tik-tak ng wall clock ang naririnig ko. Nasa opisina siya sa condo, nakaupo sa harap ng desk, habang ako naman ay nakasandal sa gilid ng shelf, hinihigpitan ang yakap sa sarili.Kanina pa kami nagbubukas ng folders at files na iniwan ng abogado. Statements, properties, records. Puro dokumento ng yaman ni Papa. Yaman na parang bigla na lang sumulpot.“Hindi ko maintindihan,” mahina kong bulong. “Nung bata ako… normal lang kami. Public school. Simpleng bahay. Kahit ang panggatas minsan, hirap pa si Mama. Then suddenly, years later… eto. Mansion. Company shares. How?”Damian glanced at me, may konting ngisi. “Maybe he was a secret genius in investments. Or… he hired someone like me in senior high school. Don’t underestimate my computer skills, Celeste. I could’ve built him an empire with just Excel and pirated Wi-Fi.”Napapailing ako pero napatawa kahit papaano. “Excel daw. Huwag mo kong pinaglalaruan.”“Serious ako.” Tumayo

  • Unexpectedly Yours, Doctor   Chapter 28 – Bloodlines and Fault Lines

    Parang nawala ang dugo ko sa katawan ko. Hindi ko marinig ang sarili kong paghinga, pero ramdam ko ang matinding kaba na kumakain sa sikmura ko. Papa… collapsed? Critical?“Hello? Hello?!” halos pasigaw kong tanong, pero wala nang sagot. Dead line.Nabitawan ko ang phone ko sa sahig, at agad akong sinapo ni Damian bago pa ako tuluyang bumagsak.“Celeste, hey, look at me.” Mahigpit ang hawak niya sa balikat ko. “What did they say?”“Papa…” halos hindi lumabas ang boses ko. “Critical. They want me at the hospital. Now.”Mabilis siyang tumayo, kinuha ang susi ng kotse. “Let’s go.”Ang biyahe papuntang ospital parang multo—tahimik pero puno ng alingawngaw. Paulit-ulit sa utak ko ang huling beses kong nakita si Papa, kung paano siya tumingin sa akin na parang estranghero, kung paanong pinili niyang manatili sa bagong pamilya niya.And now he’s dying. And I have to face them.Pagdating namin sa ospital, sinalubong agad kami ng malamig na corridor at amoy antiseptic na masyadong pamilyar. Pe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status