Tahimik pa rin ang paligid. Nasa balcony pa rin kami ni Damian, pareho naming hawak ang mug ng warm milk na halos hindi na malamig.Nakatingin siya sa akin—hindi mapilit, pero malinaw ang intensyon. “I’m not saying you need to love me today, Celeste. I just want you to let me try.”Ang hirap magtiwala sa taong halos hindi mo kilala. Pero mas mahirap yatang tanggihan ang isang taong nagpapakita ng effort—hindi lang dahil kailangan niya, kundi dahil gusto niya.Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong tumango, sapat na siguro ‘yon bilang pansamantalang sagot. Binalik ko ang tingin ko sa ilaw ng lungsod sa ibaba, habang unti-unting tumahan ang luha ko.“Salamat,” bulong ko.“Anytime,” sagot niya, sabay inom ng natitirang milk sa mug niya.Kinabukasan, back to routine kami.Nauna akong magising. Na-sense ko rin agad ang presensya niya sa kusina, nagluluto ng breakfast habang nakasuot ng gray hoodie at boxers. Kung dati, parang out of place ako dito sa condo niya, ngayon, kahit papaano, paran
Last Updated : 2025-06-07 Read more