Share

Unfortunate Hookups and Romance
Unfortunate Hookups and Romance
Author: Kyssia Mae Tagalog

Prologue

Kriesha's POV

"Ma, huwag mo na po kaya akong ihatid?" nag-aalangan kong suhestiyon. Alam ko kasi na kapag ihahatid niya ako sa airport ay iiyak lang siya. Ayaw ko pa naman na makita siyang umiyak.

Ngumiti sa'kin si Mama at kinuha ang duffel bag ko sa'kin. "Huwag ng makulit, anak. Hayaan mo na akong ihatid ka sa airport. Isa pa, Tatlong taon din tayong hindi magkikita."

Bigla na lang akong nakakaramdam ng lungkot at panunubig ng aking mga mata. Ito kasi ang unang beses na malalayo ako sa piling niya.

Kinuha ni Mang Oscar ang bag mula kay Mama at isinakay na iyon sa car trunk ng taxi. Nauna na ding sumakay si Mama. Nagpahid na muna ako ng luha at binalingan ng huling tingin ang aming munting bahay.

"See you after three years." pamamaalam ko sa bahay namin at sumunod na sa taxi.

Masyado ba naman kasing mahirap ang buhay, kung hindi lang na ospital si Papa ay hindi ko tatanggapin ang trabaho ko sa isang Hotel sa Manila.

Kailangan talaga ng pera, at paubos na rin ang savings namin, kaya need kumayod.

Marami naman sanang Hotel dito sa Cebu, kaso 'yung University na pinasukan ko, masyadong ginalingan at sa isang sikat pa na 'The Grand' Hotel pa ko sina-suggest. Kaka-graduate ko lang sa college eh. Imbes na mag relax muna, ay grab the opportunity agad ang peg ko.

May free accommodation naman ang company, kaya hindi na ako ma-bother sa paghahanap ng mapagtitirhan.

"Anak, mag-iingat ka ha?" paalala sa'kin ni Mama. "Huwag kalimutan na palaging magdasal at humingi ng gabay sa panginoon. Kung may problema man, tawagan mo lang ako at pakikinggan kita, okay ba 'yun?" pinakatitigan niya ako habang hawak ang mga pisngi ko. Nasa airport na kami, at maya-maya lang ay tatawagin na ang flight ko.

"Opo, ma. Tatandaan ko po." ngumiti ako kahit mami-miss ko siya ng todo. Lalo na ang boses niya, yakap at mga payo niya. "Ikaw din, ma. Alagaan mo ang sarili mo, may sakit si Papa kaya hindi ka niya maaalagaan. Tiyaka, kung may problema din po, tawagan niyo rin ako ha?" sabi ko, kahit hindi naman niya talaga ugali ang magsabi ng problema niya. "Mangako ka, ma."

Naiiyak siyang tumango at kinabig ako para sa isang yakap. Ang bagay na hindi ko mararamdaman ng ilang taon.

Pwede bang mag back out?

Haist, huwag ka ngang timang self! Kailangan ka ng Papa mo! Act mature, Bessy! -Untag ko sa aking sarili.

"Pangako, anak." mahigpit ko siyang niyakap pabalik, at bago kami naghiwalay, masuyo niya akong hinalikan sa noo.

"Bye, ma. Mami-miss kita ng sobra." Hindi ko pansin na basa na pala ang mukha ko sa kakaiyak.

"Mami-miss din kita, anak. Palagi mong tatandaan na mahal kita."

Matapos magpaalamanan ay dinarag ko ang aking maleta kasama ang aking duffel bag papunta sa departure area, humihikbing kumaway ako kay Mama.

Hindi ko bet ang feeling na ito, masyadong mabigat. Pero gano'n talaga... sana ay maging mabait ang Maynila sa'kin. Rinig ko pa namab kila Aling Ising na marami daw snatcher at kidnapper do'n.

Habang naglalakad ako papunta sa seat ko dito sa loob ng eroplano ay may bigla nalang nag overtake sa daanan ko tapos nabangga pa ako, at natapon ang hawak kong duffel bag.

Naiinis ako, dahil muntikan pa akong madapa.

"Pasensya ka na, miss. It was my fault." ang baritono at malalim nitong boses ay umagaw sa aking pansin. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na magtaas ng tingin ko sa kaniya.

Naiimagine ko na lang ang sarili ko na halos mag laway dahil nakakita lang naman ako ng anghel.

Este, pogi na lalake.

Well, may pogi bang babae?

Ang bobo noh?

"Ahh... A-Ayus lang." naiilang kong sagot. Nagawa ko siyang mamukhaan, pero saglit na sulyap lang. Hindi rin naman siya nakatingin sa'kin kaya safe ako.

"Here's your bag." aniya at nilahad ang bag ko na kaagad kong tinanggap. "Hello, Mr Sy... Yes, I'm going back to Manila now..." agad rin siyang umalis nang walang baling-baling sa'kin. Mukha siyang busy at sa ayus niya ay para siyang mahalagang tao.

Naka corporate attire siya. Swabe lang sa katawan niya, fit. Matangkad siya. At kung pagbabasehan ang mukha niya, tila may lagi siyang Chinese.

Maputi siya, may manipis at mapupula na labi, singkit na mata, hindi naman gano'n kakapal ang kilay niya, sakto lang, and matangos din ilong niya.

"Ma'am, I'm sorry to interrupt. But you have to go to your seat now, dahil aalis na po ang eroplano." untag sa'kin ng isang magandang stewardess. Shems, masyado na naman akong dinarang ng imahinasyon ko.

Para ba naman akong na love at first sight. To the point na hindi ko pansin ang mga taong kasama ko sa plane at nakatuon sa'kin ang atensyon.

"Uhh-Pasensya na. U-Uupo na ako." nauutal kong sambit dala na rin ng hiya.

Nang makarating na ako sa may uupuan ko, ay napaawang na lang ang labi ko nang magtagpo ang mga mata namin nitong kabanggaan ko kanina.

"You were the girl I bumped earlier, right?" Aniya, sabay tayo.

Napatanga ako sa kaniya. Papaano niya ako naalala, kung gayo'ng hindi niya ako tiningnan?

"Let me help you place your things. Mauna ka ng maupo." And to think na isa siyang gentleman, naku bhe, hindi pa nga ako naka landing sa NAIA ay na love at first na agad ako. Lalo na ng nginitian niya ako.

"O-Okay. Salamat." Medyo nautal pa ako at nauna na ring naupo.

Sa buong byahe ay pinilit kong hindi ma distract, pero ang tindi talaga ng kuryusidad ko dahil napapansin ko na lang ang sarili ko na napapasilip ng patago sa kaniya.

He's wearing a pair of ear pieces na itim, tila nakikinig ng music. Hindi naman siya tulog at nakatitig lang sa cellphone niya.

Bumaba naman ang tingin ko sa cellphone niya, 'Wow, siguro girlfriend niya 'to.' hindi ko mapigilan na mamangha dahil sa ganda ng babaeng tinitingnan niya sa gallery.

Mukhang rejected na ang mema, ni hindi pa nakapag confess. Saklap.

Ang pagka broken hearted ko ay itinulog ko na lang. Nagising na lang ako nang magsibabaan na ang mga tao. Pero wala na si handsome slash gentle guy sa upuan niya.

Sayang talaga.

Inayos ko ang nagulo kong double braided hair, at ang eyeglasses ko bago ko kinuha ang mga bagahe ko at bumaba na rin.

PAGKALABAS ko ng airport, ay sasakay na sana ako ng taxi nang may humintong kotse sa mismong likuran ng taxi. Bumaba ang bintana sa backseat at sumilip doon ang lalake.

Nagulat ako.

"You seemed to be a newbie here in Manila, do you want a ride?" alok niya sa nice na pamamaraan.

Ayy, Hala! Seryoso ba siya? Napakurap-kurap pa ako, para masiguro na hindi ako nananaginip.

"Uhm... Ayus lang ba sa'yo?" pilit kong pinakasuwal ang boses ko. Tiyaka, mukha naman siyang maaasahan.

"Don't worry, gusto ko lang talaga bumawi sa pagka bangga ko sa'yo kanina. Kaya sagot ko na ang ride mo, sabay ka na sa'min."

Yun na nga ang nangyari, sumabay ako sa kaniya at ilang minuto na kaming nasa byahe, pero awkward na katahimikan lang ang namutawi sa'min.

Well, sino ba naman kasi ang makikipagusap sa'kin? Isa pa, bumabawi lang naman daw siya. Hindi ko rin expect na magagawa ko pa siyang makita sa pangatlong pagkakataon.

Pansin kong napasilip sa'kin 'yung driver, ngumiti ako dahil ngumiti din siya sa'kin. I think, mabait rin ang driver. Dahil hindi ko feel na nasa panganib ako.

"Saan pala ang punta mo, ma'am?"

"Sa 'The Grand Hotel' po, Sir." direktang sagot ko sa maligalig na tono.

"What a coincidence, do'n din ang baba ni Sir Tres." natutuwang sambit nito. Napasulyap ako sa lalakeng nagngangalang Tres. Ang guwapo niya talaga, kahit na ganitong nakatagilid lang. Pantasya ko.

"Mag che-check in po ba kayo, ma'am? Hanggang kailan kayo dito mag bakasyon?" tanong ulit ni Sir Driver, para ako'y mapabaling sa kaniya ulit ng tingin.

Marahan akong natawa. "Hindi po. Actually, doon po ako na appoint na magtrabaho."

Napatawa bigla si Sir Driver na ikinakunot-noo ko. "Tingnan mo nga naman ang tadhana, ang swerte mo hija." nakakalimutan ko pa lang sabihin na mukhang nasa fifties na si Sir Driver.

"Bakit po?" walang ka ide-ideya kong tanong.

Ngumiti siya at inginuso si gentle guy. "Si Sir Tres ang may ari ng Hotel. Siya ang magiging boss mo."

At ganito nga ang naging bungad sa'kin ni Manila. Hindi ko inaasahan na ang bumangga sa'kin ay ang magiging soon-to-be boss ko pala.

Tindi ng gulat ko, sa sobrang tindi, hindi ko na nagawang igalaw ang sarili ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status