Share

Chapter 1: Boss?

Kriesha's POV

"S-Salamat po, Kuya." pagkarating sa mismong entrance ng hotel ay nagpahinto na ako dahil dito na ako baba-ba, pero bago pa ako makababa ay naunahan na ako ni Sir Tres. Hindi ko inaasahan na dito na rin pala siya baba-ba.

Nakakaloka ito, hindi ko alam na Boss ko pala siya, tapos heto ako, makapal ang mukha na nakikisakay sa mamahalin niyang kotse.

Jusko, hindi ko tuloy mapigilan na hindi makaramdam ng hiya.

"Walang anuman, hija. Mag enjoy ka sana sa pag stay mo dito sa Manila." maligalig na sabi ni Kuyang Driver at ibinigay sa'kin ang mga bagahe ko sa'kin. Ngumiti ako kay Kuyang Driver sabay tango.

Pagkalingon ko patungo sa kinaroroonan ng entrada ng hotel ay halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad ang mukha ni Sir Tres malapit sa aking mukha. Nakakunot ang kaniyang noo na nakatingin sa akin. "Ahh..." feeling ko para akong natutuyuan ng laway dahil sa napakalapit ng mukha namin.

Tapos, dito pa mismo sa harapan ng malaking gusali ng hotel! Na may maraming mga tao at mata na nakatingin sa amin.

Naku! Ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa'kin. Madalas ko pa naman na makikita sa telenobela na kinokotya ang mga babaeng bida sa tuwing napapalapit lang saglit sa Boss.

S****p yarns?

Huwag naman sana akong magaya sa mga babaeng kawawa sa drama. Mahirap na at realidad pa naman 'tong kinatatayuan ko ngayon at hindi pantasya. Hindi lahat nababago ng naaayon sa kung sino mang writer.

Pero itong nadarama ko ngayon, para yata akong nagpapantasya sa cloud 9! Ang guwapo kasi talaga ni Sir eh. Kung baga para siyang si Park Hyung-Sik ng strong woman. Pansin ko nga na matangkad ka, may mahahabang legs, tapos neat pang lalake. I think hanggang balikat niya lang ang height ko.

Tapos, naiisip ko pa lang ngayon na makikita ko siya sa company everyday, I think aahon na sa'kin ang best of best ko, dahil nga may inspirasyon na ako.

Mahirap na't tamad pa naman akong nilalang.

Inakala ko pa naman kanina ay hindi ko na siya makikita. Pero sa isang iglap ay malalaman kong Boss pala siya. Grabe, may nakabantay yata sa'kin na fairy godmother eh. She graces me with luck na may kasama pang Prince Charming!

"I've heard that you will be applying to my Hotel?" malagong niyang tanong, na ikinakurap-kurap ko. Napapabalik tuloy ako sa realidad. Gastog, nakatitig pala ako sa kaniya na parang tanga.

Ang boses niya ay may pagka-crisp at deep. Hulma ko, sintonado rin siya na may baritonong uri ng boses.

"O-Opo. Dito nga po, ang... sadya ko." hindi ko tuloy mapigilan ang sarili na mautal. Sininok pa ako.

Nakakahiya...

"Then, let's go inside. Let me be the one to interview you." nakangiti nitong sambit na ikina-awang ng aking bibig.

Ano daw? Siya ang mag interview sa'kin? Hindi ba't trabaho 'yun ng recruitment department na mag interview sa applicant?

"P-Po? Ikaw ang mag interview? B-Bakit naman po ikaw?" natataranta kong usal. Hindi naman sa ayaw ko siya na ang mag interview. Pero kasi, hindi ako komportable na siya ang gagawa no'n.

"Why? Can't I do interviews? I'm the boss, you know." pagmamalaki niya, na para natural na sa kaniya. Ngumiti pa siya. Uri ng ngiti na nakakapamutla ng laman loob.

Mas nagulat pa ako ng kinuha niya mula sa'kin ang maleta ko at siya na ang nag hatak no'n papasok. Napahabol tuloy ako sa kaniya nang wala sa oras. Inayos ko muna ang glasses ko habang buhat-buhat ko pa ang aking duffel bag.

"S-Sir... Ako na po ang magdadala ng bag ko po..." sabi ko sa kaniya sa mababang boses nang makasunod ako sa kaniya. Ka-muntikan pa akong mabangga ng glass door kanina pagpasok ko. "N-Nakakahiya po kasi sa inyo..." hindi lang talaga sa kaniya. Pati na rin sa mga empleyado at guests na labas-masok sa Hotel.

Side-by-side kaming naglalakad, ang la-laki ng kaniyang mga hakbang, to the point na kinailangan ko pang mag jogging. "Just let me do this, Miss?" patanong niyang sambit, at oo nga pala, hindi niya pa alam ang aking pangalan.

"Uhm, Kriesha po."

"Okay, Miss Kriesha. Once we're done with the interview, I'll leave you alone. How about that?" nakapasok na kami sa elevator, at tingin ko ay exclusive elevator niya ito dahil kami lang naman ang nakasakay. Tapos pansin ko pa na sa ibang elevator nakapila ang ibang tao para makasakay.

Pero base sa kaniyang sinagot sa'kin, para bang wala siyang plano na lubayan ako. Okay, overthink lang siguro ako. Ginagawa lang naman niya 'to dahil sa pagkabunggo niya sa'kin sa eroplano. Kung baga ang pagpapasakay niya sa'kin sa kotse niya ay sobra-sobra na.

Tumahimik na lamang ako at hinintay na huminto ang elevator sa palapag na baba-baan namin. Awkward dahil super hot at guwapo niya, samantalang ako, wala man lang ka stylish. At ang suot ko pa ay pang teen, na shirt with jumper, naka boots pa. Haist, hindi naman ako ma-insecure sa sarili kung hindi dahil sa kaniya eh.

Baka isipin ng iba na may special treatment ako mula sa Boss.

But truly speaking, wala naman akong pakealam sa fashion ko. Kasi iba-iba naman ng style ang mga tao. And I like this korean-trendy outfit kaya. Isa pa, bata pa din naman ako. Kaya bagay 'to sa'kin.

"Good afternoon, Mr Santillan." nabalik lang ako sa katinuan nang makarinig ako ng magandang boses ng babae. Napatingin ako sa babae na naka corporate attire, naka pencil skirt at polo na white na may hapit na blazer. Her body figure was flexed also.

Nakababa na pala kami ng elevator. Hindi o man lang pansin.

"Good afternoon." dinig kong pagbati rin ni Sir Tres sa babae. Samantalang ako ay nasa likuran niya lang. "By the way, Miss Kriesha. This is Sam, my planner." gumilid na lang bigla si Sir Tres at pinakilala sa'kin ang babae.

"Hi, po. Nice to meet you. I'm Kriesha." naiilang kong pagpapakilala sabay marahan na yukod.

Pansin ko naman na ngumiti ang babae sa'kin, "Ahh, siya na po ba 'yung dietitian na hi-nire niyo from Cebu, Sir?"

Ako naman ngayon ang blangko, nalilito. Kasi wala akong ideya sa kanilang pinag-uusapan. Taga Cebu nga ako, pero hindi naman dietitian ang in-applyan ko.

"Yes, she is. From now on, she will be preparing everything that tackles my drinks and foods. You'll be focusing on your field without caring to prepare my drinks and foods." laglag ang panga ko sa narinig.

Ano daw? Hindi naman siguro ako nagkakamali ng narinig, hindi ba?

"I'm Sam. Nice to meet you too, Kriesha. I'm looking forward working with you." maligalig niyang sabi, na ikinatango at ikinangiti ko lang ng pilit. Kasi matindi talaga ang pagkakailang ko eh.

After namin do'n sa may counter tanggapan ng planner ni Sir Tres ay nagtungo kami sa nag-iisang opisina ng floor na aking nakita. He opened the door and motioned me to come in.

Bumungad sa'kin ang kaniyang simple, at organisadong office. Malaki ito at spacious.

May dalawang baitang pa na aakyatin sa maliliit na ang-ang ng baitang sa disenyong parang hagdan para makapunta ka sa may malayuan na personal table ni Sir. Ang maganda pa ay mula dito ay kita ko ang view ng labas dahil sa glass wall na ang kalakip sa likuran ng swivel.

Naglakad ako papasok at nakita ang parang mala-bahay na tekstura ng silid. May napansin din akong isang pintuan sa isang banda na tingin ko ay pintuan ng banyo.

Hindi din naman gano'n ka maliwanag dito, I bet gusto ni Sir ang dimmed lang. Bet niya yata ang natural na liwanag na nagmumula sa labas.

"Come and sit down here, Miss Kriesha." hindi ko pansin na kanina pa pala nakatingin si Sir sa'kin at ngayon ay nakaupo siya sa may sala ng opisina niya na may complete sala set. Single sofa ang kaniyang inuupuan.

Itinuro niya sa'kin ang couch at ako'y naglakad papunta do'n at naupo. "Your resume." hingi niya sa resume ko pagkaupo ko mismo.

Hinanap ko ang maleta ko dahil doon nakapaloob ang files ko. Nakita ko naman ito sa may gilid niya. Pansin niya siguro na nakatuon ang mga mata ko doon, dahil siya na ang naghatak no'n upang ibigay sa'kin. "P-pasensya na po, Sir." sabi ko at nagmamadaling binuksan ang aking maleta na sinampa ko sa couch.

Pero gano'n na lang ang pamimilog ng aking mga mata nang sa pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga undies at bra ko!

Sh't! Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasilip kay Sir mula sa pinakagilid ng aking mga mata at napapikit na lamang nang nakita siyang nakatingin sa ginagawa ko.

Nakita niya kaya ang mga 'yun?

Grabe, nakakahiya. Tinago ko kaagad ang mga undies ko at kinuha agad ang files. Sinarado din ang maleta pagkatapos. Napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa ngayon ay gustong-gusto ko na magpalamon sa lupa dahil sa sobrang hiya.

"I-Ito na po ang resume ko." nauutal kong sabi at nilahad sa kaniya ang resume ko. Tinanggap niya naman ito. "Pero may tanong sana ako, Sir. Bakit mo po sinabi na diatitian niyo ako? Eh, Hotel and Restaurant naman ang korso na natapos ko at hindi diatetics." hindi ko na pinigilan ang sarili ko na magtanong dahil kanina pa kasi talaga naglalaro sa isipan ko ang paksang iyon.

"Well, is an HRM graduate can't be a dietitian?" puna niya sa seryosong boses. Na sa sobrang seryoso niya ay nakaka-kaba.

"H-Hindi naman po sa gano'n-" hindi ko pa nagawang matapos ang nais kong sasabihin nang sumapaw siya sa pagsasalita ko.

"An HRM course tackles food and safety, so that must be relevant to basic dietitics. And you should be knowledgeable enough to know the pyramid of basic healthy foods and drinks. Why? Don't you want the job? If not, I'll let you go right away."

Hindi ko alam na ganito pala siya ka straight forward to the point na speechless ako. Hindi lang pala siya guwapo for nothing, may appeal for nothing, mukhang matalino din naman siya, 'yun nga lang strikto. Nakakatakot.

"So, any change of mind?" tanong niya ulit. Ramdam ko pa ang matiim niyang titig sa'kin.

Nag-isip naman ako. Kung hindi ko tatanggapin ang job offer na ito, baka makakauwi ako kaagad ng Cebu nang wala man lang dala na kahit sentimo. Papaano na si Papa? Hindi na siya magagamot kung susukuan ko na 'to agad, porke't hindi naman line of course ko ang in-offer nilang job ay papalampasin ko na lang?

"Uhm, Sir. Wala na po ba kayong job slot para sa chefs or waiters? Kahit 'yun na lang po ang e offer niyo po sa'kin..." nakakahiyang magtanong pero kinailangan kong tatagan ang loob ko. Bahala na kung iisipin niyang demanding ako.

"No more slots available. You arrived late, so the only option you have here is to be my dietitian. I cannot offer you anything more than that." paliwanag niya. "Besides, this job is not different to being a waitress or a chef. You can be a chef because I want you to personally cook my food, and you can be a waitress because you will be the one who should serve my food too. I don't want anyone to prepare my food, but you. My dietitian. So, will you accept the offer or leave Manila with nothing in hand?"

Sa sobrang talino ni Sir ay naisahan niya ako. May point naman siya sa kaniyang sinabi. Pwede nga akong maging chef at waitress at the same time, siguro ako lang itong ayaw kasi ang dami kong keme.

"Okay po, Sir. Tatanggapin ko na po ang offer. Pero..." pag tanggap ko na may mabigat na balikat. Ako na nga yata ang applicant na malungkot habang tumatanggap ng isang napaka-gandang offer.

"Bakit? Any doubts?"

Ngumiwi ako dahil sa, "Hindi kasi ako masarap magluto..." nahihiya kong usal.

"Well, that explains your expression." komento niya at tinuro ang hindi maipinta kong mukha. "I'm not dumb you know, so I prepared something for you." saka siya tumayo at sinenyasan ako na sumunod. Papatungo kami ngayon sa nag-iisang pintuan na nakita ko kanina sa isang banda.

Ano naman kaya ang sinasabi niyang hinanda niya raw para sa'kin?

Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya at nang makapasok kami sa pintuan na noon ay inakala kong banyo lang ay isa pa lang bahay!

"This is my personal space. My penthouse." kasuwal niyang sabi. "This is where I lived." dagdag niya habang naglalakad pa rin kami papasok. Hanggang sa tumigil ang paa ko sa sala. Kasi naman hindi ko inakala na bahay pala ang kalakip ng office ni Sir. Mula sa kinatatayuan ko ay kaharap ko lang ang cylindrical na hagdanan papuntang taas. May chandelier pa sa ibabaw ko.

Hindi naman crowded sa gamit ang penthouse ni Sir at gaya ng knaiyang opisina ay neat na nakahanay ang mga gamit. Super nalula ako sa ganda. Hinanap naman ng aking mga mata si Sir, which is nakita ko lang sa kalapit na kusina.

As expected napaka bongga rin ng kaniyang kusina. May counter top na may tatlong stall chairs, may tatlong hanging lights pa na kalakip do'n. Ang tema naman ng bahay niya ay panglalaki talaga, grayscale. That explains the sheets of his couch and sofas. And then kulay ng dingding light gray, sa sulok naman at sa hagdan, pati barandilya na kalakip ng ikalawang palapag ay itim. Pati TV at shelfs na lagayan ng DVD at mga libor.

Ang tiles ay granite na gray. Ang lamesa, itim na glass and such. Basta halos lahat ng nakapalibot dito ay gray at itim.

"Quit fantasizing, Miss Kriesha. You have to come over here." pukaw niya na ikinapitlag ko, sumunod naman ako sa kaniya, pagkarating ko sa kusina ay minuwestra niya ang refrigerator. "Everything that you need is inside."

"Eh, ano po ba ang gagawin ko sa mga nandirito, Sir?" nakangiwi kong salaysay.

Tinalikuran niya ako at nagtungo sa counter top at naupo sa isa sa mga stall chairs, "Cook me something."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status