Dalawang araw na ang lumipas nang sila'y makarating sa bahay nila Kriesha dito sa Cebu. Ang bahay nila ay nakatayo sa isang compound, kung saan sagana sa mga kahoy at minahan. "Pagkatapos mo'ng punoin ang limang dram na iyan ay pumunta ka sa likod at sibakin ang mga kahoy doon." Kasalukoyang nag-iigib ng tubig si Tres mula sa poso. Tagaktak ang pawis at halos nabasa na ang kabuoan ng white t-shirt na suot. "Masusunod po, tay." Mula no'ng tinanggap niya ang hamon ng kaniyang manugang. Binigyang pahintulot na rin siyang tawagin ang ama ni Kriesha as tatay, na siyang ikinasaya niya naman.Dalawang araw pa lang ang nakalilipas, pero naaawa na si Kriesha sa asawa. Hindi nga lang niya tinatanong, dahil baka mahalata siya ni Tres at maging stress siya nito. Saka, mukhang maayos naman ang lagay nito. Makisig naman ang asawa niya at mukhang madali nga lang dito ang mga pagsubok na ginawad ng kaniyang ama dito. "Heto, uminom ka muna mahal ko." Wika niya rito nang makalapit at nasa likuran
Hindi naging madali, pero ang mga araw ay tila nagmamadali sa bilis ng signo ng oras. "Bukas na ang birthday ng anak natin." "Yes. Time flies real fast. Parang nagmamadali yatang lumaki ang munting prinsesa natin." Hinagkan ni Tres ang anak, at bumungisngis naman ito ng tawa. Animo'y nakikiliti sa ginagawa ng ama sa kaniyang leeg. "Pero si Mama... wala na ba talagang pag-asa?" She meant for her mother's forgiveness. Napatigil sa pakikipaglaro sa kaniyang anak si Tres at napabaling ng tingin sa asawa. "Mosh, I know this matter still bother's you. But we don't have any other option but to wait. It may take long, pero time will come." Alo ni Tres sa kaniya. Napapabuntong hininga at pilit na ngiti si Kriesha. Araw-araw niya talagang pinagdarasal na sana patawarin na siya ng kaniyang ina. Na realize niyang, hindi masaya ang buhay kung ang nanay niya ay may galit pa rin sa kaniya. Hindi niya naman ito masisisi, at hoping pa rin siya... na kagaya ng sabi ng kaniyang asawa ay may araw d
Kriesha's POV"Ma, huwag mo na po kaya akong ihatid?" nag-aalangan kong suhestiyon. Alam ko kasi na kapag ihahatid niya ako sa airport ay iiyak lang siya. Ayaw ko pa naman na makita siyang umiyak. Ngumiti sa'kin si Mama at kinuha ang duffel bag ko sa'kin. "Huwag ng makulit, anak. Hayaan mo na akong ihatid ka sa airport. Isa pa, Tatlong taon din tayong hindi magkikita." Bigla na lang akong nakakaramdam ng lungkot at panunubig ng aking mga mata. Ito kasi ang unang beses na malalayo ako sa piling niya. Kinuha ni Mang Oscar ang bag mula kay Mama at isinakay na iyon sa car trunk ng taxi. Nauna na ding sumakay si Mama. Nagpahid na muna ako ng luha at binalingan ng huling tingin ang aming munting bahay. "See you after three years." pamamaalam ko sa bahay namin at sumunod na sa taxi. Masyado ba naman kasing mahirap ang buhay, kung hindi lang na ospital si Papa ay hindi ko tatanggapin ang trabaho ko sa isang Hotel sa Manila. Kailangan talaga ng pera, at paubos na rin ang savings namin, k
Kriesha's POV "S-Salamat po, Kuya." pagkarating sa mismong entrance ng hotel ay nagpahinto na ako dahil dito na ako baba-ba, pero bago pa ako makababa ay naunahan na ako ni Sir Tres. Hindi ko inaasahan na dito na rin pala siya baba-ba. Nakakaloka ito, hindi ko alam na Boss ko pala siya, tapos heto ako, makapal ang mukha na nakikisakay sa mamahalin niyang kotse. Jusko, hindi ko tuloy mapigilan na hindi makaramdam ng hiya. "Walang anuman, hija. Mag enjoy ka sana sa pag stay mo dito sa Manila." maligalig na sabi ni Kuyang Driver at ibinigay sa'kin ang mga bagahe ko sa'kin. Ngumiti ako kay Kuyang Driver sabay tango. Pagkalingon ko patungo sa kinaroroonan ng entrada ng hotel ay halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad ang mukha ni Sir Tres malapit sa aking mukha. Nakakunot ang kaniyang noo na nakatingin sa akin. "Ahh..." feeling ko para akong natutuyuan ng laway dahil sa napakalapit ng mukha namin. Tapos, dito pa mismo sa harapan ng malaking gusali ng hotel! Na may maraming mga
KRIESHA"Bago po ako magsisimula, Sir Tres. Maaari ko po bang malaman kung ano 'yung preferred food mo? Will it be related to dietetics or you just want something delicious and native?" Hindi ko kasi alam kung ano sng preferred dish niya. Baka kapag saka lang ako matapos ay saka lang siya mag react. Nakikita ko kasi ang ganitong troubleshoot sa iilang drama sa TV. Kung saan 'yung bida, magkakaroon ng problema in the middle or the end of the competition. Bakit ako nag-alala in advance? Dapat lang naman siguro 'yon dahil ako ang bida ng buhay ko, di'ba? Alam naman natin na ang problema, papasok ng walang paalam. Aalis kung kailan solved na. Okay na ang maging wa-is at advance, kaysa tanga. Madalas pa naman ako pumapalpak. Napabuntong hininga na lamang ako sa katotohanang iyon. Kaya sana Lord, kung nakikinig ka man... Tulongan niyo sana akong huwag pumalpak. Taimtim akong nanalangin. Sana, makarating kay Lord. "Good question, and you are quite vigilant with your work. That's grea
Kriesha's POVPagkaalis mismo ni Sir, dumating agad ang sekretarya niyang si Sam. Siya ang nag instruct sa'kin sa mga bagay-bagay na kailangan kong malaman. Lalo pa't makikitira din ako kay Sir dito sa kaniyang penthouse. "Ang importante sa lahat, Kriesha. Ayaw ni Sir Tres ng ingay, lalo na't nag ta-trabaho siya. Kung maaari, iwasan mong mag ingay." Wika niya nang ihatid niya ako sa magiging kuwarto ko. "Okay po," tugon ko at hinila papasok ng binuksan niyang silid ang aking bags at maleta. "Ayaw din ni Sir nang may taong nakapaligid sa kaniya sa tuwing working hours niya, kaya ikaw na ang mag adjust, okay?" Dagdag niya, saka ako tinulongan sa backpack ko. "Ako na magdala nito para sa'yo." "Salamat po." Hinayaan ko siyang tulongan ako, lalo pa't mabigat din talaga ang maleta ko. Paano ba kasi, pang dalawang buwan ang dala kong damit, plus iba pang gamit na dala ko like skin care and beauty products. Sa balay, natural lang naman sa babae ang magdala no'n. Nalula ako sa ganda at k
Kriesha's POVKINABUKASAN... Alas sais na ng umaga at kanina pa ako gising. Gusto ko ng lumabas, tiyaka kanina ko pa talaga naisip na lumabas. Pero, 'yung tipong pinangungunahan ka ng kaba, hiya at matinding pag overthink ay siyang pumipigil sa'kin. That feeling na takot mong pakiharapan ang tao? Gano'n ang nararamdaman ko ngayon. Parang ayoko na lang magpakaita o makita siya. Ano ba kasi ang pumasok sa kukuti ko kagabi at nilabanan si Sir? Like, really? Sa unang gabi ng unang araw ko matapos ma hired ay may gano'n pa talaga akong lakas para suwayin siya?! Pabalik-balik ako ng lakad dito sa loob ng kuwarto ko. Parang baliw. Baka sa oras ng paglabas ko ay sasalubongin niya na agad ako ng 'You're fired!' Jusko, huwag naman po sana. Humugot ako ng isang malalim na hininga, pero hindi ko pa man na exhale ang hangin na in-inhale ko, napigil ko ang aking hininga nang may magkasunod na katok ang kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Agad akong dinaganan ng kaba at matinding panlalamig.
KRIESHAKASALUKOYANG nakapahinga ako dito sa sala nang tumunog bigla ang cellphone ko. Mabilis akong napadilay at napabangon. Inayos ko pa ang sarili ko, lalo na ang buhok kong bahagya na nagulo, bago ko ito sinagot. "Hello?" Pero nagtaka ako nang mapansin na isang unregistered number ang tumawag sa'kin. "Sino po sila?" "Where are you?" Halos mapaigtad ako sa paglitaw ng malalim at baritonong boses ni Sir Tres sa kabilang linya. Ibig sabihin, sa kaniya itong numero? "S-Sir?" Nauutal kong pag kompirma. Narinig ko pa siyang napabuntong hininga, "Yes, it's me." Pag kompirma niya rin. "Gawan mo ko ng kape, I'll be waiting here in my office." Utos niya, saka naputol ang tawag na hindi man lang ako hinayaang makasagot. Naiiling na napapatayo na lamang ako. Nagpunta sa kusina at ipinagtimpla siya ng ni request niyang kape. Subalit, sa kalagitnaan ng paggawa ko sa kape niya, naaalala ko ang trabaho ko sa kaniya. Hindi lang ako basta katulong niya, kundi NUTRITIONIST! at ang kape ay hi