ログイン"CHANTAL!!" panay ang pindot ni Jansen sa doorbell ni Chantal.Kanina pa siya naroroon, subalit ni silip, walang lumalabas.Natatandaan niya noon, na isang pindot pa lang niya doon, nagmamadali na ang babaeng buksan iyon.Bigla siyang natigilan ng may isang kamay na humawak sa kanyang braso. Para siyang nakahinga.Sinasabi na niya sa sarili niya, na hindi siya kailanman kayang tiisin ni Chantal."Chantal.. sabi ko na---" biglang napawi ang ngiti sa kanyang labi, ng makita kung sino ang taong humawak sa kanya."Nakakainis ka naman, Jansen. Bakit mo ba kasi ako iniwan?" nakangusong reklamo ni Veronica."Ikaw pala," pasimple niyang inalis ang kamay ng babae sa kanyang braso.Agad naakaramdam ng pagkadismaya si Veronica sa inasal ni Jansen. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao, hanggang bumaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad."Tawagan mo kaya siya.." sabi ni Veronica.Iyon nga ang ginawa ni Jansen.Sa hindi malamang dahilan, mula sa ospital ang sumagot."Naiwan po ito ng isang babae
"SINO ang nagpiyansa sa kanya?!" malakas ang tinig ni Jansen habang pinupukpok ang mesa ng opisyal ng pulisya."Sir, hindi po namin masyadong kilala, assistant lang po niya ang nakipag usap sa amin, saka biglang tumawag si Major," seryosong sagot ng police in charge.Habang nakikipagtalo naman si Jansen sa pulis, dahan dahan namang naglakad si Veronica paungo sa selda.Nagkalat ang ngipin at ang mga bakas ng dugo. Wala nang mga nakakulong doon.Dahan dahang sumilay ang ngiti sa kanyang labi."Huh! ano ka ngayon, Chantal. Akala mo siguro, matatalo mo ako. Ano kayang hitsura mo ngayon? tsk.. ilang ngipin kaya ang nawala sayo?" bulong niya, saka siya nagpakawala ng mahinang halakhak. "Mas pangit ka na sakin ngayon.."Naglakad siya pabalik kina Jansen, at kita pa rin niya ang pang gagalaiti sa litid ng leeg nito."Ano?! nakita niyo na ba kung sino?" muling singhal ni Jansen habang napapasuklay sa sariling buhok ang daliri, "sayang lang ang ibinayad ko sa inyo. Isang simpleng bagay, hindi
Nakakuha kami ng lahat ng requirements bago pa man pumutok ang bukang liwayway!Hindi ako makapaniwala. Ganito ba talaga ang nagagawa ng connections? Iba talaga ang nagagawa ng pera.Subalit parang nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ba namin ito."Hmm.. wait nga lang Mr. Smith," hinawakan ko siya sa braso habang naglalakad siya sa aking unahan upang pigilan siya."Ano?" malamig ang tinig na iyon. Kung ibang tao ang makakarinig, mas pipiliin nilang huwag magsalita."Ah-- maaari naman siguro na fake marriage tayo hindi ba? nanaisin mo bang magpakasal sa taong kakakilala mo lang at.."Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin. Pahina na ng pahina ang boses ko, subalit ang mga mata niya, para akong binubusalan."Kapag nalaman ng lolo na fake ang kasal ko, sa palagay mo ba, paliligtasin ka niya? ayaw niya sa lahat ang niloloko siya!" madiin niyang sabi.Sa bagay, sino ba naman ang nagnanais na maloko, hindi ba?Agad akong nakaramdam ng guilt. Bakit ba kasi naisip ko ang bagay na iy
Namula ako ng bahagya, saka ako nag iwas ng tingin at sumilip ako sa bintana. Gusto ko sana siyang barahin, subalit masyado naman akong walang utang na loob kung gagawin ko iyon. Tinulungan na nga niya ako, tapos magiging ingrata pa ako masyado."Ano, Chantal, nagaguwapuhan ka ba sa akin?" ulit niya.Sasagot na sana sa kanya, ng biglang gumewang ang sasakyan pakaliwa.Umusod ako palapit sa kanya, at bahagyang napahawak sa kanyang mga braso. Ang mas nakakahiyang part, biglang naglapat ang aming mga labi.Na-shock ay, at hindi ako agad nakakilos.Sa loob ng limang segundo, naglapat ang aming mga labi.Ako ang unang nakabawi. Magsasalita sana ako, subalit nauna ng magsalita ang driver."Sorry po Mr. Smith. Bigla po kasing may nag counter flow, iniwasan ko lang po."Very apologetic ang kanyang tinig. Subalit hindi ko nakita sa rearview mirror ang kakaiba niyang ngiti habang nakatingin siya kay Jeremiah."Miss Gray, wag mong isipin na maaari mong samantalahin ang mga pagkakataon upang mat
"CHANTAL GRAY, laya ka na!" binuksan ng jail guard ang rehas na bakal."Salamat," sagot ko, "by the way, may paraan ba para makalaya silang tatlo dito?" tanong ko sa kanya."Magpapiyansa sila ng tig sing kwenta mil.. saka magkocommunity service sila ng tatlong buwan. Sa loob ng panahong iyon, hindi sila maaaring makipag away, para hindi masayang ang kanilang paglaya."Habang naglalakad kami naitanong ko kung ano ang kaso nila."Miyembro sila ng isang gang na nangingikil at nananakit kapag may pinagtitripan. O kaya, binabayaran sila upang manakit."Napatangu tango ako.Ang akala ko, si Shane ang nagpiyansa sa akin, dahil siya lang naman ang kinontak ko. Nagulat ako, dahil ang nasa harapan kjo ngayon, ay si Jeremiah Smith, kasama ang assistant niyang si Lionel."Paano niyo nalamang narito ako?" tanong ko sa kanila."Ma'am.." si Lionel iyon, "kanina, napadaan ako dito at nakita kita sa loob. Napag alaman ko mula sa pulis na ipinapulis daw kayo ni Jansen Moore at ni Veronica Divina. Tinaw
NAKAUPO ako sa harapan ng opisyal ng presinto. Naroon din sina Jansen at Veronica, na animo mag asawang nagpapakulong ng yaya ng kanilang anak."Miss Chantal Gray, may katotohanan ba ang sinasabi ng dalawang ito, laban sayo?" tanong ng police officer sa akin."Hindi ako magsasalita hanggang walang kaharap na abogado," mahinahon kong tugon.Nagdilim ang paningin ni Jansen, saka niya ako binalingan, "Chantal! umamin ka na lang, para iurong na namin ang demanda. Humingi ka lang ng tawad kay Veronica. Please, Chantal.."Tiningnan ko siya ng malamig. Parang kutsilyo na tumatarak sa balat ang talim niyon."Jansen.. unang una, ako ang nobya mo hindi ba? pero palagi mong kinakampihan ang babaeng iyan. Pangalawa, ibinigay mo sa kanya ang proposal na ginawa ko, at idinimote mo pa ako, para palitan niya. Pangatlo, ako ang nagtayo ng kumpanya, para sayo.. Hindi ba, mukha ka naman atang ingrato kung hihhilingin mo pang humingi ako ng tawad inyo? Hindi ba valid ang feelings na nararamdaman ko? ma
Nagulat din si Jansen sa kanyang ginawa. Tinangka niya akong lapitan, subalit agad na nagreklamo si Veronica.“Jansen, ang sakit ng bukong bukong ko. Parang may naipit na ugat..” Umarte si Veronica na parang napilay. Napakahusay umarte ng babae sa aking harapan. Bakit kaya hindi na lang siya nag ar
“MISS GRAY,” bahagyang yumukod ang lalaki at ngumiti sa akin, “Ako po si Lionel Briones, assistant po ako ni Mr. Smith. Ako po ang mag aasikaso sa inyo habang nagpapagaling po kayo. Kahit ano pa po ang kailangan niyo, sabihin niyo lang po sa akin.”Maya maya pa, may isang nurse na pumasok sa loob.
Nakatingin si Jeremiah sa glass wall ng VIP ng bar na iyon. Nasa ikalawang palapag iyon ng bar na pagmamay ari ng kanyang kaibigang si Rhamesis Wilton. Napapailing siya habang pinapanood ang isang magandang dilag sa ibabaw ng entablado, na sinasabing pinopormahan daw ng kanyang kaibigan."Whatta fu
"TALAGA?!" masayang tanong ni Jansen kay Veronica, "nakuha mo ang kontrata sa SUMMIT?""Oo!" masayang sagot ni Veronica, "inaral ko lang yung ibinigay mo sa aking draft ni Chantal. At yun n! Hindi man lang nagdalawang isip ang SUMMIT!"Ang kontratang iyon ay orihinal na ginawa ni Chantal. Pinag ara







