LOGINSa wakas, pagkatapos ng mahaba at mabagal na paglalakad, nakarating din kami ni Lolo George sa harapan ni Lionel. Ang puso ko ay tumitibok nang mabilis, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa excitement sa susunod na mangyayari. Bago ko harapin ang aking iyaking groom, humarap muna ako sa kanyang mga magulang. Ngumiti ako nang matamis at nagmano sa kanila bilang tanda ng paggalang. Subalit ang lalaking pakakasalan ko—si Lionel—ay tila ba tuluyang nawala sa kanyang sarili. Ang kanyang mga mata ay tulala, namumula, at basang-basa ng luha. Parang lumulutang ang kanyang kaluluwa sa ibang planeta at hindi niya alam kung bakit siya nakatayo sa unahan ng simbahan.Dahil oras na para ibigay ako ng aking pamilya, dahan-dahang inilahad ni Lolo George ang kanyang kamay. Ang layunin ni Lolo ay kunin ang kamay ni Lionel upang doon ilagay ang kamay ko, tulad ng tradisyon sa bawat kasal.Subalit ang tarantadong lalaking ito, sa halip na kunin ang kamay ko, ay biglang nakipag-shake hands kay Lolo! Nak
Habang naglalakad kami nang mabagal sa gitna ng simbahan, hindi ko napigilang bumulong kay Lolo George. Ang aking mga mata ay nakatitig pa rin kay Lionel na nasa unahan. Kawawang lalaki. Parang konti na lang ay hihimatayin na siya sa takot, at ang kanyang tuhod ay halatang nanginginig sa ilalim ng kanyang mamahaling suit."Lolo," panimula kong bulong, habang sinusubukang itago ang aking tawa sa pamamagitan ng pagkunwari na inaayos ko ang aking belo. "Parang napakalala naman po yata ng sinabi niyo kay Lionel kanina sa sasakyan? Bakit naman ganun na lang siya umiyak ngayon? Tingnan niyo siya, Lolo, parang pasan niya ang buong daigdig. Kulang na lang ay maglupasay siya sa sahig."Nangiti si Lolo nang palihim, isang ngiti na puno ng kalokohan. Pero dahil marami ang nakatingin na mga bisita, mabilis niyang pinanatiling seryoso at kagalang-galang ang kanyang mukha. Nagkunwari siyang isang mapagmahal na lolo na naghahatid sa kanyang apo, ngunit ang totoo, may balak siyang sabotahehin ang ser
POV: ElizzaBago ko pa man gawin ang enggrandeng planong ito, ilang buwan na ang nakakaraan, may ginawa muna akong maliit na paglilinis. Ginulpi ko lang naman nang husto ang mga walang-kwentang kaibigan ni Lionel. Nalaman ko kasi mula kay Jeremiah na kung ano-anong dumi ang lumalabas sa mga bibig nila. Minumura nila ako at sinasabihang malandi. Ang kakapal ng mukha, pati daw si Kuya Jeremiah ay pinapaikot ko! Kaya naman, hindi ako nag-atubili. Inutusan ko si Jeremiah na tanggalan ng dila ang mga taong nagmura at sumira sa pangalan ko.At siyempre, hindi naman ako nagkamali sa hinala ko. Si Dahlia at si Marcus lang naman ang may lakas ng loob na gumawa ng ganoong kagaguhan. Ngayon, tikom ang mga bibig nila. Masayang-masaya ako dahil sa wakas ay nakaganti na ako sa kanila. Akala siguro ng mga taong iyon, basta-basta na lang nila akong pwedeng apihin at apakan. Hindi nila alam kung sino ang kinalaban nila.Matapos kong maayos ang problemang iyon, nakipag-usap kami ni Lolo George sa mga m
Nasa gilid lang kami ng aking mga magulang. Nakatayo kami roon, nakikisalamuha sa karamihan ng mga tao, at katulad ng ibang mga seryosong bisita, hindi kami umuupo. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang umupo. Pakiramdam ko ay isa lamang akong multo na napadpad sa isang lugar kung saan hindi ako nararapat.Ang higpit ng hawak nina Mama at Papa sa aking mga braso ay hindi nagbabago; parang mga rehas ng kulungan na pumipigil sa akin na gumalaw o huminga nang malaya.Nanlalambot na ang aking mga tuhod. Ang bawat kalamnan sa aking katawan ay tila nawalan na ng lakas at enerhiya dahil sa matinding kaba na kanina pa sumasakal sa akin. Nais ko nang maglupasay sa sahig. Nais ko nang lumugmok at umiyak na lamang doon hanggang sa maubos ang aking hininga, ngunit ang takot ko kay Lolo George at ang banta niya sa aking buong pamilya ang pumipigil sa akin. Kaya pinilit kong manatiling nakatayo, kahit na ang totoo ay gumigewang na ang aking buong katawan sa tindi ng nerbiyos.Ang aking paningin ay
Maraming tao sa lugar na iyon. Pagtingin ko sa labas ng bintana, nakita ko ang mga nagniningning na ilaw, ang magagandang dekorasyon na gawa sa mga mamahaling bulaklak, at ang mga taong nakasuot ng kanilang pinakamagagandang pormal na damit. May mga ngiti sa kanilang mga labi, mga tawanan na naririnig ko kahit sarado ang bintana ng sasakyan.Hindi ako maaaring magkamali. Hindi ito sementeryo, hindi ito libing. Dadalo kami sa isang kasal.Ngunit sa halip na gumaan ang aking pakiramdam, mas malala pa sa nakakatakot na bangungot ko kanina ang nararamdaman ko ngayon. Kung kanina ay natakot ako sa isiping patay na si Eli, ngayon ay mas pinapatay ako ng ideya na makikita ko siyang ikakasal sa iba. Ang kaba sa aking dibdib ay naging mas masakit, mas matalim, parang bawat segundo ay binabali ang aking mga buto."Lolo... si-sinong ikakasal?" naguguluhan, nanginginig, at natatakot kong tanong. Halos hindi ko mailabas ang hangin sa aking baga."Si Eli," kaswal niyang sagot. Simple lang ang pagka
"Hindi na niya kinaya ang depression... hindi niya kinaya ang sakit at ang lahat ng gulo. Nagpakamatay siya," malamig na pagpapatuloy ni Lolo George.Ang bawat salita niya ay parang mabibigat na suntok na tumatama sa aking mukha at dibdib. Nagpakamatay siya. Nagpakamatay si Eli. Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na umalingawngaw sa aking isipan, parang mga sumasabog na bomba na nagwasak sa natitirang bahagi ng aking buhay.Halos panawan ako ng bait sa narinig ko. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng tunog sa mundo. Ang iyak ng mga tao, ang tunog ng hangin, ang ugong ng sasakyan—ang lahat ay nawala at napalitan ng isang nakabibinging katahimikan. Biglang may isang milyong nagbabagang karayom na sabay-sabay na tumusok at sumaksak sa aking puso.Ang sakit ay napakatindi, isang uri ng sakit na hindi ko akalaing kayang maramdaman ng isang buhay na tao. Hindi ako makahinga. Ang aking dibdib ay sumikip nang husto, parang unti-unting dinudurog ang aking mga tadyang ng isang dambuha







