INICIAR SESIÓNUmiiyak si Veronica habang paatras na umaalis sa harapan ko. Halatang takot na takot ang gaga sa akin—at sa totoo lang, dapat lang.Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili.“Subukan mo pa ulit…” bulong ko habang pinapanood siyang tuluyang mawala sa paningin ko, “hindi na kita sasantuhin.”Napakawalanghiya talaga.Pero hindi pa ito tapos. Hindi ako gano’n kadaling tapakan. Hihintayin ko ang susunod niyang galaw—at sisiguraduhin kong hindi na siya makakabangon ulit kapag sumobra siya.Lahat ng mang-aapi sa akin… papatulan ko.Ngunit habang naglalakad ako papasok ng building, unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko.Masakit.Hindi lang emosyonal… kundi pisikal.Napahawak ako sa gilid ng dingding habang naglalakad. Parang bawat hakbang, may kapalit na kirot sa katawan ko. Umiikot pa ang paningin ko.Pagpasok ko sa lobby, agad akong napansin ng guard.“Ma’am?” nag-aalalang tawag niya habang lumalapit. “Okay lang po ba kayo?”Pilít akong ngumiti, kahit ramdam ko na ang pagkirot
POV:ChantalHalos manginig ang buong katawan ko sa galit. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o sisigaw. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya—mga salitang parang kutsilyong paulit-ulit na tumataga sa pagkatao ko.“Maaari mo akong sampalin, ipahiya…” nanginginig ang boses ko pero pilit kong pinatatag, “pero hindi ako papayag na yurakan mo ang pagkatao ko!”Tinitigan ko siya nang diretso. Hindi na ako natatakot.“Tinatanong mo ako kung bakit ako narito?” napatawa ako nang mapait. “Ikaw? Bakit ka narito, ha?!”Hindi siya agad nakasagot.“Basta ka na lang umalis ng bahay, sasabihin mo lang may kikitain ka. Pero ano? Nandito ka sa club!” diin ko sa bawat salita. “Ako, kasama ko ang kaibigan ko. Hindi ako nag-eentertain ng lalaki dahil alam kong married na ako!”Huminga ako nang malalim, pero parang hindi sapat.“Anong karapatan mong bastusin ako?” nangingilid na ang luha ko. “Nagkamali ba akong pumayag sa gusto mo? Ipinaparamdam mo ba sa akin kung sino ang may
“Damn!” napamura ako nang makita ko ang eksena sa baba, sabay bagsak ng hawak kong baso sa lamesa.“Anong nangyayari sa’yo?” nakangising sabi ni Ymilio habang sumandal sa couch ng VIP room. “Ang ganda ng dalawang ‘yon, no? Kapag naiuwi ko ‘yan ng sabay, ako na ang pinakamaligayang lalaki sa mundo.”Huminto ang hangin sa lalamunan ko. Alam kong biro lang ‘yon sa bibig niya, pero parang may kumaskas na asin sa dibdib ko.Tiningnan ko siya nang masama.“Wanna die?”“Ha?” napakunot siya ng noo, saka napaangat ng tingin sa akin. “Seryoso ka ba o joke lang? Sige na, aminin mo na lang kasi na type mo rin sila. Magpapaubaya naman ako.”Naningkit ang mga mata ko.“That’s my fvcking wife.”Biglang natahimik ang lahat.“Talaga?” sabay-sabay nilang sabi, sabay tingin sa akin, tapos ibinalik ulit ang tingin sa baba kung nasaan ang dalawang babae.“Wait— you mean you have two wives?” tanong ni Damon habang nakakunot ang noo.“The one with coords blue,” bigla akong tumayo.“Woah…” halos sabay-sabay
POV: JeremiahHawak ko ang baso ng whisky, dahan-dahang pinapaikot ang laman nito habang nakasandal ako sa sofa ng VIP floor. Mula rito, kitang-kita ko ang buong ibaba—isang magulong mundo ng mga taong naghahanap ng aliw.May mga nagsasayawan sa gitna, tila ba wala nang pakialam sa paligid. May mga nakasandal sa bar counter, abala sa pag-inom at pakikipagkwentuhan. May mga bagong magkakilala—nakangiti, nagkakapalagayan ng loob sa loob lamang ng ilang minuto.At meron ding mga lumalabas nang magkaakbay… parang matagal nang magkakilala kahit kakakilala lang.Ang iba naman, sumasakay sa elevator. Diretsong paakyat sa mga hotel rooms sa itaas.Napailing ako.Nakakabaliw ang lugar na ‘to.Pakiramdam ko… isa akong tsismosong nag-oobserba, iniisip kung ano ang mga kwento sa likod ng bawat ngiti, bawat hawak, bawat tingin.“Ang lalim ng iniisip mo ah.”Naputol ang pag-iisip ko nang may tumapik sa balikat ko. Umupo si Kim sa tabi ko, kasabay ng pagkuha niya ng sariling baso.Hindi ko siya tin
“ANO?!” halos lumuwa ang mga mata ni Leila nang marinig ang ibinalita ko. Napatingin pa siya sa akin na parang hindi makapaniwala. “Seryoso ka?”Tumango lang ako bilang sagot, saka ibinaling ang tingin ko sa bintana ng sinasakyan naming cab. Kita ko ang mga ilaw sa labas—paunti-unti nang nagliliwanag ang lungsod habang papalalim ang gabi.“Akala ko ba, hahanapin mo yung naka-one night mo?” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. Napansin kasi naming kanina pa pasulyap-sulyap ang driver sa amin sa rearview mirror.Bahagya akong napairap.“Okay na ako kay Jeremiah,” pabulong kong sagot, pilit na kalmado.“Jeremiah pala ang pangalan niya…” napatangu-tango siya, parang iniipon ang impormasyon. “Mayaman siya ha? Nabili niya agad yung bahay niyo. Daang milyon din kaya ‘yon.”Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong nakatingin sa labas, pero sa loob ko, hindi matahimik ang isip ko.“Magaling ba siya?” bigla niyang bulong ulit, may halong pilyang ngiti.Napalingon ako sa kanya, kunot-noo.“
Iniabot sa akin ni Lolo George ang isang kahong gawa sa kahoy. Agad kong napansin ang kakaibang disenyo nito—mga ukit na tila may kwento, bawat guhit ay parang may pinanggalingang panahon. Mukha itong antigong-antigo, pero lalo itong gumaganda habang tinititigan.Kasunod noon, iniabot din niya sa akin ang isang maliit na susi. Lumang-luma na rin, may bahid ng kalawang ngunit halatang matibay pa rin.“Kapag niloko ka ng apo ko,” seryoso niyang sabi, habang nakatingin diretso sa mga mata ko, “pumunta ka lang sa akin. Ako mismo ang bubugbog sa kanya.”Hindi ko napigilang mapangiti. May kakaibang init sa paraan ng pananalita niya—parang biro, pero may halong paninindigan.“Grabe naman po kayo, Lolo,” natatawa kong sagot, pero sa loob ko, may konting kilig. Hindi ko inaasahan na ganoon niya ako kadaling tatanggapin.Ilang oras na rin kaming nagkukwentuhan noon. Kung anu-ano na ang napag-usapan namin—mula sa kabataan niya, hanggang sa mga kalokohan daw ni Jeremiah noon. At sa kalagitnaan ng







