FAZER LOGIN"Attorney, hindi ba si Sir Ephraim ang tipo mo?" nakangiting tanong ng host."Hindi." Mabilis ang sagot ko. Bakit naman ako magsisinungaling? Huh! wala siyang pag asa sa akin! "Walang kahit isang katangian niya ang tipo ko."Biglang umingay ang buong venue."Ayyy!""Defense agad!""Objection sustained!"May ilan pang napahampas sa mesa sa kakatawa.Akala ng karamihan ay nakikipagbiruan lang ako.Pero ang totoo?May laman ang sinabi ko. Hindi talaga siya ang tipo ko. Kaya noon pa man, kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi ko gusto ang mga lalaking masyadong friendly sa lahat ng babae.Hindi ko gusto ang mga lalaking parang may fan club saan man magpunta.At higit sa lahat...Ayoko ng katulad ng tatay ko. Ayoko ng mahilig sa babae. Bilang miyembro ng isang broken family, iyon ang pinakahuling bagay na ayaw kong mangyari sa akin, ang masaktan ako.Napatingin ako kay Ephraim. Nakangiti pa rin siya. Pero sa unang pagkakataon ngayong gabi, may kakaiba sa ngiti niya. Nakaanga
Malas.Kamalas-malasan.Dahil ang isinigaw ng host ay—"Si Miss Santan!"Biglang sumabog ang venue sa sigawan at palakpakan.Parang nanalo ako sa isang beauty pageant.O mas malala pa roon.Parang bigla akong binigyan ng love team nang wala man lang konsultasyon."Bagay sila ni Mr. Hotdog!""Team Hotdog at Santan!""Isang masarap kagatin, isang masarap sips*pin noon!""Hoy, childhood memories!"Halos magkandatumba ang mga tao sa kakatawa.Ang iba ay pumapalakpak.Ang iba ay sumisipol.Ang iba naman ay tila masyadong invested sa love story na sila lang ang gumagawa. Parang mga langgam na nawalan ng direksyon at sabay-sabay na nagkagulo.Napailing na lamang ako. Hindi ko naman gustong sirain ang saya ng reception. Kaya ngumiti na lang ako.Sanay naman akong magsalita sa harap ng maraming tao dahil sa trabaho ko. Pero iba ang kaba kapag ikaw ang pinagtitripan ng buong venue."Ito na po ang ating winner, si Miss Santan!" sigaw ng host. "Ngayon naman, nasaan na si Mr. Hotdog?"Agad na itin
Katulad ng naunang laro, sa lakas ng palakpakan muling pagbabatayan ang magiging panalo.Nakakainis talaga.Hindi ko kailanman nagustuhan ang mga ganitong kaartehan sa mga kasal. Iyong tipong kailangan mong tumayo sa harap ng maraming tao habang pinagtitripan ka ng host at pinapanood ng lahat.Kung tutuusin, wala naman talaga akong balak sumali. Pero wala na akong magagawa.Napasubo na ako.At ang may kasalanan?Si Chantal.Napalingon ako sa direksyon niya at agad ko siyang nakita kasama si Jeremiah.Pareho silang nakangiti. Masayang masaya.Hindi.Mali.Pareho silang nakangising parang mga kontrabidang nagtagumpay sa kanilang masamang plano.Pumapalakpak pa ang dalawa.Todo suporta.Todo sigaw.Parang hindi nila ako kaibigan kundi isang contestant sa noontime show.Nang magtagpo ang aming mga mata, kumaway pa si Chantal sa akin. Hindi niya alam na magkakilala kami ni Ephraim, at kinaiinisan ko ang lalaking iyon ng husto. Ayoko pa naman sa mga palikero."Go, Leila!"Nginitian ko siya
"At ngayon..." sigaw ng host habang pinupunasan ang luha sa kakatawa, "oras na para piliin ang mananalo!"Naghiyawan ang buong venue. Ang sampung kalalakihan ay pumila sa harapan na para bang mga kandidato sa isang beauty pageant."Mga bisita, simple lang ang judging natin! Kapag tinawag ko ang pangalan ng bet ninyo, palakpakan ninyo nang malakas!"Agad na umalingawngaw ang sigawan. May mga nagsimulang mang-asar sa kanilang mga kaibigan. May ilan pang nagsisigawang parang nasa concert."Unahin natin si Dok Papaitan!"Pumalakpak ang crowd.Malakas.Pero hindi ganoon kalakas."Si Sir Bicol Express!"Mas lumakas ang palakpakan."Si Dok Ginisang Ampalaya!"May sumigaw pa ng "Mahal kita, Dok!"Lalo namang nagtawanan ang lahat.Isa-isa silang tinawag.At nang marating ng host si Ephraim, parang may sumabog na bomba sa venue."At para kay Sir Hotdog!"BOOOOOM!Palakpakan.Tilian.Sigawan.May ilang babae pang tumayo sa kanilang upuan."Single pa yan!""Sa akin na yan!""Anakan mo naman ako!"
"Tinatawagan po ang lahat ng kalalakihan na magtungo sa unahan!"Malakas at masiglang anunsyo ng host."Iyon lang pong mga binata! Inuulit ko, mga binata! Hindi binabinata, hindi binata noon pero may tatlo nang anak ngayon, hindi rin iyong nakikipaghiwalay pa lang. Ang kailangan namin ay iyong mga tunay na walang sabit!"Agad na nagtawanan ang buong venue. Maraming mga nagtangkang sumali kahit may mga sabit na.May ilang lalaki pa ang napaatras sa kanilang upuan habang tinuturo sila ng kanilang mga kaibigan."Hoy! Bumalik ka rito! May asawa ka na!""Kuya, may wedding ring ka pa!""Aba, kapal ng mukha!"Mas lalo pang lumakas ang tawanan.Sa wakas, may dahilan na para umalis si Ephraim sa tabi ko. Nakisali siya sa kalokohang iyon.Halos gusto ko pa siyang itulak papunta sa harapan para lang iwanan niya ako.Mabuti naman at tumigil siya sa walang katapusang pagkukuwento.Sampung lalaki ang napiling sumali.Mukhang mas interesado pa ang mga bisita sa kanila kaysa sa programang nakasulat s
POV: LeilaMagkatabi kaming umiiyak ni Chantal habang pinapanood ang masayang pagtatapos ng kasal nina Doktora Eli at Lionel.Hindi ko akalaing magiging emosyonal ako nang ganito. Hindi naman ako mahilig sa mga romantikong eksena, pero iba ang dating ng araw na iyon. Kitang-kita kung gaano kamahal ni Lionel si Eli. Para silang mga karakter sa nobela na sa wakas ay nakarating sa masayang wakas matapos pagdaanan ang lahat ng pagsubok.Napasinghot ako habang pinupunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata."Grabe..." bulong ni Chantal. "Nakakaiyak.""Tama ka," sagot ko. "Pero kapag may nakakita sa atin, iisipin nilang tayo ang ikinakasal."Natawa siya sa pagitan ng kanyang paghikbi.Matapos ang seremonya, nagtungo ang lahat sa engrandeng reception.Napakaganda ng lugar.Nagniningning ang mga kristal na ilaw sa kisame. Ang mga bulaklak ay nakapalamuti sa bawat sulok. Para akong napunta sa isang kastilyong madalas ko lamang makita sa mga pelikula.Habang abala ang lahat sa pakikipagkuwentu
"Kuya Jeremiah, kailangan ko ng tulong mo!" inis kong sabi, habang nanggigigil ako kakapindot sa aking cellphone.Wala na akong ibang mapagpipilian. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakahawak sa manibela ng kotse, gamit ang isang kamay para idikit ang cellphone sa tainga ko. Si Jeremiah na l
"Hindi po pumasok si Dok..."Parang bombang sumabog sa tainga ko ang sinabi ng guard pagkarating ko sa ospital. "Noong umalis po siya kahapon na parang galit, hindi na po siya bumalik.""Kahapon? Umalis siyang... parang galit?"Naulit ko ang tanong niya dahil biglang umikot ang paningin ko. Ang pus
Tiningnan ko ang mga babae na nakasiksik sa sofa na ngayon ay umiiyak na rin sa takot. Nanginginig ang kanilang buong katawan habang nakatingin sa akin na tila nakakita ng isang halimaw."Huwag kayong kikilos kung ayaw ninyong maranasan ang ginawa ko sa tatlong ito," malamig kong babala sa kanila.
HINDI ko na nagawang kumain. Lumipas ang tanghalian, at ngayon ay alas-tres na ng hapon. Ang sikmura ko ay hindi naghahanap ng pagkain, kundi ng hustisya at kasagutan.Masyado na akong stressed. Punong-puno na ang utak ko sa mga posibleng senaryo, ngunit sa kabila ng nag-aalab kong pagod, nahihiya







