LOGINMalas.Kamalas-malasan.Dahil ang isinigaw ng host ay—"Si Miss Santan!"Biglang sumabog ang venue sa sigawan at palakpakan.Parang nanalo ako sa isang beauty pageant.O mas malala pa roon.Parang bigla akong binigyan ng love team nang wala man lang konsultasyon."Bagay sila ni Mr. Hotdog!""Team Hotdog at Santan!""Isang masarap kagatin, isang masarap sips*pin noon!""Hoy, childhood memories!"Halos magkandatumba ang mga tao sa kakatawa.Ang iba ay pumapalakpak.Ang iba ay sumisipol.Ang iba naman ay tila masyadong invested sa love story na sila lang ang gumagawa. Parang mga langgam na nawalan ng direksyon at sabay-sabay na nagkagulo.Napailing na lamang ako. Hindi ko naman gustong sirain ang saya ng reception. Kaya ngumiti na lang ako.Sanay naman akong magsalita sa harap ng maraming tao dahil sa trabaho ko. Pero iba ang kaba kapag ikaw ang pinagtitripan ng buong venue."Ito na po ang ating winner, si Miss Santan!" sigaw ng host. "Ngayon naman, nasaan na si Mr. Hotdog?"Agad na itin
Katulad ng naunang laro, sa lakas ng palakpakan muling pagbabatayan ang magiging panalo.Nakakainis talaga.Hindi ko kailanman nagustuhan ang mga ganitong kaartehan sa mga kasal. Iyong tipong kailangan mong tumayo sa harap ng maraming tao habang pinagtitripan ka ng host at pinapanood ng lahat.Kung tutuusin, wala naman talaga akong balak sumali. Pero wala na akong magagawa.Napasubo na ako.At ang may kasalanan?Si Chantal.Napalingon ako sa direksyon niya at agad ko siyang nakita kasama si Jeremiah.Pareho silang nakangiti. Masayang masaya.Hindi.Mali.Pareho silang nakangising parang mga kontrabidang nagtagumpay sa kanilang masamang plano.Pumapalakpak pa ang dalawa.Todo suporta.Todo sigaw.Parang hindi nila ako kaibigan kundi isang contestant sa noontime show.Nang magtagpo ang aming mga mata, kumaway pa si Chantal sa akin. Hindi niya alam na magkakilala kami ni Ephraim, at kinaiinisan ko ang lalaking iyon ng husto. Ayoko pa naman sa mga palikero."Go, Leila!"Nginitian ko siya
"At ngayon..." sigaw ng host habang pinupunasan ang luha sa kakatawa, "oras na para piliin ang mananalo!"Naghiyawan ang buong venue. Ang sampung kalalakihan ay pumila sa harapan na para bang mga kandidato sa isang beauty pageant."Mga bisita, simple lang ang judging natin! Kapag tinawag ko ang pangalan ng bet ninyo, palakpakan ninyo nang malakas!"Agad na umalingawngaw ang sigawan. May mga nagsimulang mang-asar sa kanilang mga kaibigan. May ilan pang nagsisigawang parang nasa concert."Unahin natin si Dok Papaitan!"Pumalakpak ang crowd.Malakas.Pero hindi ganoon kalakas."Si Sir Bicol Express!"Mas lumakas ang palakpakan."Si Dok Ginisang Ampalaya!"May sumigaw pa ng "Mahal kita, Dok!"Lalo namang nagtawanan ang lahat.Isa-isa silang tinawag.At nang marating ng host si Ephraim, parang may sumabog na bomba sa venue."At para kay Sir Hotdog!"BOOOOOM!Palakpakan.Tilian.Sigawan.May ilang babae pang tumayo sa kanilang upuan."Single pa yan!""Sa akin na yan!""Anakan mo naman ako!"
"Tinatawagan po ang lahat ng kalalakihan na magtungo sa unahan!"Malakas at masiglang anunsyo ng host."Iyon lang pong mga binata! Inuulit ko, mga binata! Hindi binabinata, hindi binata noon pero may tatlo nang anak ngayon, hindi rin iyong nakikipaghiwalay pa lang. Ang kailangan namin ay iyong mga tunay na walang sabit!"Agad na nagtawanan ang buong venue. Maraming mga nagtangkang sumali kahit may mga sabit na.May ilang lalaki pa ang napaatras sa kanilang upuan habang tinuturo sila ng kanilang mga kaibigan."Hoy! Bumalik ka rito! May asawa ka na!""Kuya, may wedding ring ka pa!""Aba, kapal ng mukha!"Mas lalo pang lumakas ang tawanan.Sa wakas, may dahilan na para umalis si Ephraim sa tabi ko. Nakisali siya sa kalokohang iyon.Halos gusto ko pa siyang itulak papunta sa harapan para lang iwanan niya ako.Mabuti naman at tumigil siya sa walang katapusang pagkukuwento.Sampung lalaki ang napiling sumali.Mukhang mas interesado pa ang mga bisita sa kanila kaysa sa programang nakasulat s
POV: LeilaMagkatabi kaming umiiyak ni Chantal habang pinapanood ang masayang pagtatapos ng kasal nina Doktora Eli at Lionel.Hindi ko akalaing magiging emosyonal ako nang ganito. Hindi naman ako mahilig sa mga romantikong eksena, pero iba ang dating ng araw na iyon. Kitang-kita kung gaano kamahal ni Lionel si Eli. Para silang mga karakter sa nobela na sa wakas ay nakarating sa masayang wakas matapos pagdaanan ang lahat ng pagsubok.Napasinghot ako habang pinupunasan ang luha sa gilid ng aking mga mata."Grabe..." bulong ni Chantal. "Nakakaiyak.""Tama ka," sagot ko. "Pero kapag may nakakita sa atin, iisipin nilang tayo ang ikinakasal."Natawa siya sa pagitan ng kanyang paghikbi.Matapos ang seremonya, nagtungo ang lahat sa engrandeng reception.Napakaganda ng lugar.Nagniningning ang mga kristal na ilaw sa kisame. Ang mga bulaklak ay nakapalamuti sa bawat sulok. Para akong napunta sa isang kastilyong madalas ko lamang makita sa mga pelikula.Habang abala ang lahat sa pakikipagkuwentu
Naantala ang aming pabulong na pag-uusap nang magsimulang mag-ingay ang buong simbahan. Ang mga bisita, kasama sina Jeremiah, Chantal, at siyempre ang palaging nangungunang malakas na boses ni Lolo George, ay nagsimula nang sumigaw nang sabay-sabay."Kiss!!! Kiss!!! Kiss!!!" sigaw ng lahat, habang walang tigil sa pagpalakpak ang iba.Ang mga photographer naman ay pawang nakatutok at nakahanda na ang mga hawak na kamera para sa pinakahihintay na eksena ng araw na ito. Ang lahat ng tao sa loob ng kapilya ay parang nanonood ng isang nabitin na teleserye na sa wakas ay narating na ang kapana-panabik na huling yugto. Lahat sila ay nakangiti, nag-aabang, at excited na makitang maglapat ang aming mga labi.Natawa kaming dalawa ni Lionel sa ingay at gulo ng buong paligid. Bahagya kong inilingon ang aking ulo sa likod niya at doon ko nakita si Lolo George na sumisensyas pa gamit ang dalawa niyang kamay. Kulang na lang ay humawak siya ng megafono, dahil ang hitsura niya ay tila ba siya ang direk
"Talaga bang... talaga bang ako ang mapapangasawa mo?" tanong niya muli sa akin.Sa isang kurap ng kanyang mga mata, ang takot, kaba, at malalim na lungkot na nakaguhit sa kanyang mukha kanina ay biglang napalitan ng isang napakaliwanag na kasiyahan. Nagliwanag ang kanyang buong mukha na parang isa
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus







