POV: Crisostomo
Pagkahawak ko pa lamang sa door knob ng pinto ng silid, ramdam ko na ang matinding bigat sa aking dibdib. Ang mga salita ni Renata—ang bawat lason na ibinuhos niya sa akin sa labas—ay patuloy na umaalingawngaw sa aking tainga. 'Buntis si Gia... at baog ka.' Ang mga salitang iyon ay tila mga patalim na sumasaksak sa aking utak, ngunit pinilit kong patayin ang anumang emosyon bago pumasok. Ang mahalaga sa akin ngayon ay si Gia.
Subalit nang tuluyan kong maibukas ang pinto, agad n