LOGINWarning:Mature Content‼️ "First boyfriend,it will be my husband to be." Iyan ang katagang pinanghahawakan ni Michelle Santos sa sarili niya. Isang architect, simpleng babae pero palaban sa hamon ng buhay. Hanggang sa nakilala niya si Drake Montemayor hindi lang sa telebisyon kundi sa personal na mismo.One of the hot billionaire, arogante at playboy iyan agad ang first impression niya sa binata. Ngunit nahulog ang loob niya dito.Hindi lang sa gwapong mukha nito kundi pinaramdam din sa kanya ng binata na mahal siya nito. Mapanghawakan pa kaya niya ang pangako sa sarili.Kung ang isang Drake Montemayor, na unang boyfriend niya ay ikakasal na pala ito sa iba? Kaya niya bang ipaglaban ang binata kung mismong pamilya nito ay ayaw sa kanya?
View MoreMichelle's POV
" Congrats, anak..." bati sa akin ni mama,bago ako niyakap ng mahigpit.Ganun din si papa sa akin. Tinanggal ko ang toga na nakapatong sa ulo ko. Nilagay ko ito sa ibabaw ng ulo ni papa. " Congratulations, papa and mama...soon may magandang architect na kayong anak." Inakbayan ko silang dalawa. " Ikaw lang naman ang nag-iisa naming anak..." agad din na singit ni mama sa sinabi ko. " Proud kami sa'yo,anak. Kami ng mama mo ay natutuwa sa pagtatapos ninyo ng kaibigan mo na si,Tanya." si papa. "Pwede ka ng magboyfriend, Michelle," biro ni mama sa akin.Agad naman akong natigilan. Hindi naman nila akong pinagbawalan na magboyfriend.Habang nag-aaral ako. Pareho lang talaga kami ni bestie Tanya. Hindi pa talaga dumating ang lalaking nakuha ang kiliti ko. Kung saan ang kiliti ko? Siyempre secret ko lang iyon. Kung sino man ang unang maging boyfriend ko. Sana siya na ang magiging asawa ko. Iyan ang pinaghahawakan ko sa sarili.Weird man sa iba, pero my body, my rule. I myself thank you... Nakita ko sila bestie Tanya at si tay Lito na papalapit sa pwesto na namin.Kaya agad akong sumalubong kay Tanya. " Congratulations to us, bestie." Masayang bati ko sa kanya. Nagyakapan kaming dalawa dahil sa kasiyahan. Talagang solid ang aming samahan at pagkakaibigan ng bestie Tanya ko.Simula pa elementarya hanggang sa kolehiyo. Finally, after five years of studying harder, emotionally and financially. Naitawid din namin ang pag-aaral sa college.Through thick and thin iyan ang friendship goals namin ni Tanya. Ganunpaman thankful parin kami na sa kabila ng mahirap na hamon sa buhay. Hindi man kami tulad ng ibang kaklase namin na mayaman na magkaibigan. Nakapag-aral parin kami isa sa prestihiyosong unibersidad sa Manila. Malaking pribelihiyo narin ang pagiging scholar namin. Nandito na kami ngayon sa isang restaurant kung saan kami kasalukuyang kumain at para na rin sa pagcelebrate ng graduation namin ni bestie Tanya. Habang masayang nagkukwentuhan sila mama,papa at tay Lito. Nagpaalam muna kami ni Tanya na mag-cr muna. " Gwapo talaga ni sir,Drake Montemayor..." ito iyong bulungan ng mga staff dito sa restaurant na narinig namin ni Tanya . Habang papunta kami sa restroom. Kilala ko na iyan binanggit nila na Drake Montemayor,sa tv nga lang. Well, nandito lang naman kaming kumain sa isang branch ng DM restaurant. Na walang ibang nagmamay-ari kundi ang isang hot billionaire na ubod ng gwapo na si Drake Montemayor. Iba din naman kasi ang pagka generosity ng amo ni tay Lito. Binigyan kami ng vip access, eat all you can sa restaurant na ito. Bilang regalo daw sa anak ni tay Lito na si Tanya.Siyempre sinama na din kami ni tay Lito pati mga magulang ko. Swerte naman ang nagtratrabaho dito. Boss nila ang isang Drake Montemayor.Ano kaya ang pakiramdam kapag may boss ka ng isang hot billionaire? Siguro laging kinikilig ang mga babaeng staff dito. Ganado sa pagtatrabaho kumbaga. Siniko ako ni Tanya, " Iihi ka pa ba? O makikinig nalang sa kanila,bestie?" " Hehe...sorry,bestie.Tara na..." hinila ko na siya. Hindi ko pala napansin na napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ni Drake Montemayor. Simpleng celebration lang sana ang plano. Kakain lang kami sa isang fast food chain.Pero salamat sa amo ni tay Lito. Nakapagcelebrate kami ni bestie Tanya sa isang mamahaling restaurant. Crush ko pa ang may-ari dito sa tv nga lang hehe... Drake Montemayor,i love you crush wetwew...kinilig na naman ako sa sarili ko. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami ni Tanya sa dorm namin. Si tatay Lito ay umuwi agad sa sa bahay ng amo niya. Iyong mga magulang ko naman ay pumunta sa kamag-anak namin. Para makapasyal narin sila sa kamag-anak namin dito sa Manila. Lumuwas lang kasi ang mga ito galing Bulacan.Dahil graduation ko. " Bestie, nag-imbita iyong grupo nila ni, Jake, sa bar.Para narin daw makapag celebrate mga batch natin. Bago tayo maghihiwalay-hiwalay, " wika ko kay Tanya.Habang naglalakad na kami pauwi sa dorm namin. Napataas agad ang kilay nito. Speaking of Jake isang taon narin itong nanliligaw sa kaibigan ko.Hanggang ngayon ay hindi parin ito tumigil sa panliligaw kay Tanya.Haba nga ng hair ng isang ito. May nagtiyagang nanligaw sa kanya na ganun katagal. Well, may iilan din naman nanliligaw sa akin. Pero agad ko din na binasted. Ayun, kinabukasan nabalitaan ko nalang iba na ang nililigawan. Magaling! Hindi matiyaga.Sabagay, kahit ako naman siguro. Ayaw ko din ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Biglang nanahimik si Tanya.Iniisip din siguro nito si Jake. " Oy! ano na sama na tayo,ha. Natahimik ka na diyan," Siniko ko siya,mukhang nawawala sa sarili ang bestie kong ito. " Hmm...pwede naman. Total, after nito busy narin naman tayo sa pag-rereview class natin. For board exam." Naging tugon naman niya. "Okay, enjoy natin ang sarili mamaya,bestie." Inakbayan ko na siya. NANDITO na kami ngayon sa nasabing bar. Kung saan nakipag-celebrate kami ni Tanya sa mga ka-batch namin. May ibang imbitado na hindi pamilyar sa amin ni Tanya ang mukha.Mga kamag-anak siguro at mga barkada ito ni Jake.Binayaran lang naman ni Jake ang buong gabi na ito. Iba talaga magagawa ng isang mayaman. Iyong iba naman ay humahataw na sa dance floor.May kanya-kanya narin mga partner.Kami ni Tanya ay tamang upo lang muna. Habang sumimsim lang ng alak na bigay sa amin ng waiter.Humagod pa nga sa lalamunan ko. Binigyan ko din si Tanya. Nakita ko nga din ang reaksiyon ng mukha niya.Hindi niya nagustuhan ang lasa.Kaya napangiti nalang ako ng lihim. Kung ako ang tatanungin. Malambing at mahinhin si Tanya. Samantalang palaban naman ako at may pagka loka-loka,minsan lang naman hehe... " Bestie, cr lang ako,ha." Paalam ko kay Tanya. Tango lang ang naging tugon nito sa akin. Ito naman ang hinintay na pagkakataon ni Jake para malapitan niya ang kaibigan ko. Ngumiti lang ako kay Jake at nagpaalam narin na pupunta muna ako ng cr. Medyo natagalan ako sa pag-cr.Dahil narin sa madaming gumamit.Pabalik na sana ako sa pwesto namin ni Tanya.Kung saan ko sila iniwan ni Jake. Pero laking gulat ko nalang ay nagkagulo na.Nakita ko nalang na nakahandusay na sa sahig si Jake. Nagtatanong ang aking mga mata.Nang magtama ang aming paningin ni Tanya.Napailing naman ako sa nangyari . Agad siyang lumapit sa akin.Mabilis na namin nilisan ang nasabing bar. Ang masayang graduation celebration sana ay nauwi pa sa kaguluhan. " Bakit? Anong nangyari, bestie? " agad na tanong ko kay Tanya. Nang makarating na kami sa dorm. Napabuntong-hininga siya at agad na kinwento sa akin ang buong nangyari. " Really? Nagagawa ni, Jake, iyan sa'yo? Wala naman pala siyang modo. Bet ko pa naman sana siya para sa'yo." Inis na wika ko. Hindi na namin inisip ang nangyari ngayon. Hindi naman siguro na kami magkikita ng mga kabatch namin.Drake's POV " Kailan ka pa dito,Drake? " masayang tanong niya sa akin. Hindi na ako makapagsinungaling. Hayaan ko ng magalit siya sa akin. " Actually, kahapon lang din,little kitten. Nakasunod lang ako sa inyo." Nagulat naman ang reaksiyon niya," Aray!..." mabilis na bulalas ko nang agad niya akong dinibdiban. Ito yata ang isang dahilan kung bakit mahal ko ang little kitten na ito. Masyado siyang mapanakit kapag naiinis sa akin. Pero may kabayaran naman ito mamaya kaya okay lang. " Kainis ka,Drake!Bakit hindi mo sinabi di sana sa'yo nalang ako sasabay." aniya, na nakairap pa sa akin. Sarap na niyang paluhudin. Napakamot ako sa ulo," Na sa abroad sila mommy at may event sila, Thalia at Dianna. Kaya nagkaroon ako ng oras na makapunta dito. Pero hindi pwedeng malaman nila na nagkikita tayo dito, little kitten. Magulo pa ang sitwasyon.Ayaw ko na madamay kayo." Mahabang paliwanag sa seryoso na boses. Tahimik naman siyang tumango. Pero naiba na ang hilatsa ng mukha niya. "
Drake's POV Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko. Bukod sa kaalaman ni Michelle. Nakasunod lang ako sa kanila ni mang Lito na pauwing Bulacan. Nasa ibang bansa sila mommy at daddy. May event naman dinaluhan sina Dianna at Thalia.Kaya malaya akong makauwi sa resthouse ko na hindi nila ako ginugulo. Gusto ko man bisitahin ang little kitten ko sa bahay nila ay matindi ang pagtitimpi ko sa sarili na wag gawin ang mga bagay na ikapahamak ng taong mahal ko. Naalala ko pa ang matinding sagutan namin ni mommy dito sa resthouse bago ako bumalik ng Manila. Noong araw na nakilala nila si Michelle. " Mom, you're still awake." Mataman nakaupo si mommy sa couch nang dumating ako galing sa paghatid ni Michelle. Tahimik na ang buong paligid.Hindi ko alam kung nandito parin sila Dianna at Thalia. " We have to talk, Drake Montemayor!" alam ko na galit na si mommy dahil buong pangalan ko na ang tawag niya sa akin. Napabuntong-hininga muna ako bago umupo sa sofa.Gusto ko na sanang matul
Michelle's POV Nakarating na kami sa apartment ni bestie Tanya. Mabuti nalang nauna na kami ni Drake dumating bago pa sila dumating dito.Kung nagkakataon pa ay mahaba ang paliwanag ko kay Tanya nito. Hindi naman sa ganun na ilihim ko talaga ng tuluyan ang relasyon namin ni Drake sa kanya. Sa ngayon kasi na kumplikado pa ang sitwasyon ni Drake.Mas mabuti nga na wala munang alam ang bestie ko. Masaya ang lovelife niya ngayon at engaged na nga siya. Kaya ayaw ko naman na maging malungkot at mag-alala pa siya sa akin. " What are you thinking?" basag ni Drake sa pananahimik ko. Kasalukuyan pa kaming na sa loob ng sasakyan.Pinarada lang muna niya sa gilid ang kanyang sasakyan. " Iniisip ko kasi na hanggang ngayon wala parin alam ang bestie ko sa relasyon natin." " Tanya is your bestie, little kitten.The decision is yours, kung ipaalam mo sa kanya ang relasyon natin." Mabilis akong umiling,"Tsaka na siguro kung maging okay na ang lahat, Drake.Ayaw ko din na alalahanin pa ako n
Michelle's POV Wala na naman kaming imikan sa loob ng sasakyan ni Drake. Hangga't hindi pa niya masabi sa akin ang dahilan ng pag-iwas niya sa akin n'ong nakaraan na isang buwan ay hindi kami magkakaayos nito. Nasasaktan lang ako dahil wala na yata siyang balak na magpaliwanag sa akin. Hinaharot lang niya ako at ako naman si gaga nagustuhan ang panghaharot niya. " Tayo pa ba, Drake?" sa wakas may lakas na loob narin akong itanong sa kanya ito.Matagal ko ng gustong itanong sa kanya ang bagay na ito.Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon. Bigla niya akong nilingon at hinawakan ang kamay ko. " Of course, little kitten. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo." Madiin niyang sabi sa seryosong boses. " Pero bakit pakiramdam ko ang labo na ng relasyon natin, Drake?" Napabuntong-hininga siya," Kung iniisip mo ang hindi ko pagkontak sa'yo sa loob ng isang buwan. Kaya nasabing mong malabo na tayo nagkamali ka, little kitten. Walang oras na hindi kita namiss. " Seryosong wika niya. " Ba












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore