Share

Chapter 11

"Ang mga ipinapasok lang rito sa Unibersidad ay ang mga suwail, at ang mga kabataang sakit sa ulo," saad ni Susein habang nakatingin sa malayong lugar nang aming dormitoryo. Nasa 4th floor kasi kami, kaya mula rito ay kitang-kita namin ang view nitong buong lugar.

"Ha?" tumingin ako sa gawi nila ni Vina, "Ang alam ko'y hindi naman ako suwail na apo, ha?" kunot noong sagot ko.

Tumaas lang ang sulok ng labi nito, "'Di mo sure? E, bakit ka narito ngayon?"

Iyon nga ang ipinagtataka ko, bakit ako nilagay ni lolo rito, e hindi naman ako ganoon.

"Ang alam ko'y gusto niya lang maranasan ko ang mga makalumang bagay noon, kaya linagay niya ako rito?" hindi ko nga sure na sagot bago nagkibit-balikat.

"Rebeldeng mga anak kami sa Maynila no'n Agnes, kung nagtataka ka pa rin kung bakit kami narito," rinig kong usal ni Vina, na nakatingin din sa malayo. Habang nakasalampak ang yosi sa bunganga nito. Tinignan niya muli ako at nagbuntong hininga, "Bukod pa kasi sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status