Share

CHAPTER 16

“Jel. Anyare sa ‘yo?”

Napatingin ka agad ako kay Kate nasa harap ko na at mukhang kapapasok lang. “Ano? Nakahanap ka ng damit na maganda?” nakangiting tanong niya.

Hindi ako sumagot at dahan-dahan na humigpit ang hawak ko sa cellphone niya at kumyom ang mga kamao ko.

“K-Kate, ikaw ba kumuha nito?” Ipinakita ko sa ‘kaniya ang litrato kong saan hila ako ni Justin.

Natigilan siya at napalunok habang nakatingin sa litrato. “J-Jel,” nauutal na sambit niya sa pangalan ko.

Inis akong napatayo at tiningnan siya ng masama. “Ano?! Sumagot ka! Ikaw ba kumuha nito?!” Hindi ko na maiwasan hindi magtaas ng boses.

Kaagad naman namin, naagaw ang atensiyon ng lahat.

Nakailang lunok siya bago tumayo rin at hinablot ang cellphone niya sa ‘kin. Dahan-dahan nag salubong ang mga kilay niya.

“Hindi ba damit lang ang hinahanap mo?! At nasa latest screen shot ko lang ‘yon.  Bakit napadpad ka na dito?!” naiinis na tanong niya at ibinulsa ang phone niya.

Sarkisto akong napatawa. “Pwede ba, h‘wag mo ibihin ang usapan. Oo at hindi lang ang gusto ko marinig na sagot sa ‘yo!”

“Teka, ano ba nangyayari sa inyo? Ba‘t kayo nag-aaway—”

“H‘wag kayong dalawa mangealam!” Pagputol ko sa sasabihin ni Chunk at ng President namin.

Ibinaling ko ulit ang masama kong tintin kay Kate. “Mag-usap tayong dalawa sa labas,” madiin na sabi ko.

“At bakit naman ako susunod sa ‘yo?!” sigaw niya.

Medyo nagulat pa ako sa bigla niyang pagsigaw. Pero agad ‘din ako naka recover.

“Sinabing mag-uusap tayo sa labas, e!” Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya palabas.

Nag pupumiglas pa siya at napatingin pa sa ‘min ang mga taong nadadaanan namin. Pero wala akong pakiealam. Hindi ako mamatay sa tingin nila.

Dinala ko si Kate sa rooftop ng school kong saan walang tao at malaya kaming makakapag-usap o mag sigawan dito.

Padabog ko siyang binitawan dahilan na matumba siya.

“Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Ikaw ba ang kumuha ng picture?” pang-uulit ko sa tanong ko.

Dahan-dahan siya tumayo at taas noo akong tiningnan at ningitian. “Oo, ako nga. Bakit? Nagagalit kana sa ‘kin?” nakangising tanong niya.

Kumuyom ang mga kamao ko at gusto ko siyang sabunutan o sampalin pero hindi ko magawa dahil sa mga oras na ito. Itinuturing ko parin siyang kaibigan.

“B-Bakit? Bakit mo ‘yon ginawa ha? Para saan?”

Hindi ko mapigilan mamuo ang mga luha sa mga mata ko dahil sa pinaghalong galit at sakit, dahil sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya ‘yon.

Pinagkrus niya ang mga braso niya at nakangiti akong pinagmasdan. “Dahil…gusto ko magkasira kayo ng mama mo.”

“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

“Balita ko, sinampal ka daw ng mama mo. Masakit ba, Jel?” parang naawa na tanong niya.

“Talagang tinatanong mo sa ‘kin, ‘yan? Kong iparamdam ko kaya sa ‘yo ang sampal ng mama ko!”

Napatawa siya ng malakas. Pumalakpak pa siya at dahan-dahan na inalapit ang mukha niya. Kinuha niya ang palad ko at itinapat sa pisngi niya.

“Sige, nga. Subukan mo. Diyan ka naman magaling diba? Sa pananakit ng tao!”

Si Kate paba ‘tong kaharap ko? Hindi ko na talaga siya makilala sa mga oras na ito. Ibang-iba na siya. Ano nangyari? Bakit niya ginagawa sa ‘kin ‘to?

Inis kong hinablot ang palad ko sa ‘kaniya. Mas lalo ko nilapit ang mukha ko sa ‘kaniya at ngumiti. Pinigilan ko bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.

“Kulang pa itong palad ko para iparamdam sa ‘yo ang malutong at malakas na sampal ni mama. H‘wag kang mag-alala ipaparasan ko sa ‘yo ‘yon. Hindi bukas o sa tamang panahon. Kong hindi ngayon!”

Hindi pa man nakakadapo ang palad ko sa ‘kaniya. Napapapikit na ka agad siya at nanginig. Nang maramdaman niyang walang kong anong dumapo sa pisngi niya ay dahan-dahan niya iminulat ang mga mata.

Dahan-dahan ko ibinaba ang braso ko at ningisihan siya. “Practice lang. Pero pumikit kana at natakot? Paano pa kaya kapag tinotoo ko na? Baka maihi ka…mali baka mahimatay ka ng wala sa oras.”

Pinagkrus ko ang mga braso ko. “Tandaan mo, Kate. Si Charisse nga nabigyan ko ng pasa dahil sa sampal ko. Ikaw pa kaya?” Masama ko mo na siyang tiningnan bago siya nilagpasan at iwanan ng mag-isa sa rooftop.

Pagkababa ko ng rooftop. Tumulo ka agad ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ganito pala ang pakiramdam na pinlastic at sinasaksak ka patalikod ng matalik mong kaibigan. Sobrang sakit.

“J-Jel?”

Agad ko pinunasan ang mga luha ko ng makasalubong si Kyle pababa. Mukhang sinundan niya pa kami.

“Ano? Baka ikaw plastic karin? Sabihin mo na para madali ko matanggap na wala talagang totoo sa mga kaibigan ko,” sarkistong sabi ko.

Malalim siyang bumuntong hininga. “Jel, kilala mo ako. Halos ilang taon narin tayo magkaibigan at hindi ko gagawin ang ginawa sa ‘yo ni Kate.”

“So alam mo?”

Pamandalian siya natigil at napayuko. “Sorry.” Iyon lang ang nasabi niya.

“Ha! Alam mo, pero hindi mo man lang sinabi sa ‘kin?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

“Ay, oo nga pala. Girlfriend mo pala siya at ako best friend mo lang. Kaya kahit mali na ang ginagawa ng girlfriend mo, okay lang! Wow! Ang supportive mo namang Boyfriend.” Pumalakpak ako. “Gusto mo bigyan kita ng medal?” sarkistong tanong ko. 

“Jel, hindi sa gano‘n—”

“Sa mga oras na ‘to. Iniisip ko kong ilang tao pa kaya ang nasa paligid ko ang tulad niyo,” pagputol ko sa sasabihin niya.

Nilagpasan ko na siya matapos sabihin iyon at dali-daling bumaba. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin pa.

Bagsak ang balikat na pumasok ako sa klase namin. Napatingin ang lahat pati narin ang teacher namin sa ‘kin, pagkapasok ko. Walang ng bati-bati at dumeretso na akong umupo sa upuan ko.

“Miss Bonifacio. Next time you will late. Hindi ka na makakapasok sa room na ‘to,” sabi ni ma‘am.

“Sorry po, ma‘am.”

Pagkatapos ng class namin nagpa-iwan lang ako sa room at hindi lumabas para mag lunch.

Habang nakayuko ako sa desk ko. May yapak akong narinig papalapit sa ‘kin at may paa akong nakita. Dahan-dahan ko inangat ang tingin ko at si Charisse lang pala.

Ano naman kaya problema nito sa ‘kin? Aawayin niya nanaman ba ako? Tsk! Wala ako sa mood para makipag-away sa ‘kaniya.

“H‘wag ngayon. Hindi kita papatulan,” walang kabuhay-buhay na sabi ko.

“Hindi kita aawayin ‘no!” Inikotan niya ako ng mata.

“E, ba‘t ka nasa harap ko?”

May inalapag siya na cupcake sa lamesa ko. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. “Jel, I know we have a lot of misunderstandings and we are, mortal enimies.” Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit. “Pero this time hindi mo na siguro kita aawayin. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, because i feel that way before. Kaya sana maging okay ka. Dahil ang boring ‘pag hindi tayo nag-aaway.” Inikotan niya pa ako ng mata bago lumabas ng room. Habang ako tulala lang sa kawalan at nirerehestro sa isip ko ang mga sinasabi niya.

Tama ba ang mga narinig ko kay Charisse? May sakit ba siya? O baka pinaliguan siya ng holy water kaya bumait sa ‘kin.

Tiningnan ko ang cupcake na ibinigay niya sa ‘kin. Kulay white tapos may design pa na cute na bunny. Sa tabi ng bunny may isang note. Binasa ko iyon.

Jeltrod— Blah! Blah! Ang pangit talaga ng pangalan mo hindi ko kaya maisulat. Anyway, I give you that cupcake. Because I want you to feel better kahit papaano. Don't worry hindi kita aawayin ng isang linggo. Remember, isang linggo lang!

-Charisse

Bigla akong natawa at napatingin sa cupcake na ibinigay niya. Kahit papaano napagaan ng bakunawa na ‘to ang loob ko. Sige nga, tingnan natin kong matutupad niya ang pangako niyang hindi niya ako aawayin ng isang linggo.

“Hoy! Maldita!” Napatingin ako kay Scart na tumabi sa ‘kin at may dalang vegetables salad. “Ba‘t hindi ka nag lunch? Hinahanap ka ni Kyle at Chunk sa ‘kin.”

Hindi ko siya pinansin at kinain nalang ang cupcake na ibinigay ni Charisse sa ‘kin.

“Wala kaba sa mood?”

“Hindi ba obvious?” sarkistong sagot ko habang ngumunguya.

Tumawa siya at inilapag ang vegetables salad niya sa kabilang lamesa at nakangiti akong tiningnan.

Taka ko siyang tiningnan. “O? Anong tinitingin-tingin mo?”

“May alam akong kanta na laro para gumanda ang mood mo. Ito ang kinakanta at nilalaro namin ng best friend ko dati ‘pag siya sa mood. Effective ‘to promise.” Nanumpa pa siya.

“Tsk! Anong kanta o laro ‘yon?” tanong ko.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at tinapat ang palad ko sa palad niya. Para kaming mag babahay kubo.

“Ang title ng kanta na laro na ito ay, Papa Cola,” sabi niya.

“P-Papa Cola?” takang tanong ko.

Anong klaseng kanta o laro yon?  Ngayon ko lang narinig ang kanta na ‘yan.

“Sandali, ituturo ko sa ‘yo. Ganito ‘yan.” Huminga siya ng malalim bago nagsalita— este kumanta siya.

“Papa cola! Masarap, inomin! PapaC Cola masarap inomin!” naging mabilis ang pagkanta niya.

“My name is Druce Jampero. Peter suplado, Justin mukhang tiltik. Scart na singkit-singkit.”

Nagpigil ako sa pagtawa dahil sa huling part. Mas lalong pina singkit niya ang mga mata niya. Kaya para na siya nawalan ng mga mata. Isa pa nakakatawa ang lyrics ng kanta. Pero si Justin lang ang kilala ko at siya sa mga binanggit niyang pangalan.

“Tumawa ka!” Turo niya sa mukha ko at ngumiti. “Sabi sa ‘yo e. Effective!”

Tumigil ako sa pagtawa. “S-Sino ba kasi gumawa ng kanta na laro na ‘yan?”

Napangiti siya at matagal bago sumagot. “Best friend ko pero may original talaga ‘yan. Pinalitan niya lang ang ibang lyrics. May pagka-loko ‘din kasi ‘yon.”

Ang taba naman ng utak ng best friend niya kong gano‘n.

Napatango ako. “Pero, sino ang dalawa pang pangalan na ibinanggit mo sa lyrics? Kayo lang kasi ni Justin ang kilala ko.”

“Ah, si Druce at Peter ‘yon. Kaibigan rin namin ni Justin,” sagot niya.

“Okay. So paano pala laruin ang laro na ‘yon?” tanong ko.

Itinuro niya sa akin kong paano laruin iyon. Kapag daw natapos ang kanta at kapag sasabihin niya na “tenga” pero ang itinuro ng daliri niya ay mata at ako namang kalaro niya ay tenga ang tinuro, imbis na mata. Ibig sabihin mali ako. Dapat magkapareho ang tinuro naming dalawa.

“Hayst, pambata ‘to, e!” reklamo ko.

“Ano kaba. Walang age limit sa pagkanta at paglaro nito,” sabi niya.

Pero aaminin ko nag enjoy ako. Madali at masaya laruin at parang laro ng mga batang 90s noon.

Hindi ko akalain na ang enemy ko ay bibigyan ako ng cupcake at hindi ako aawayin ng isang linggo para gumaan daw pakiramdam ko kahit papano. At ito naman kinaiinasan ko noong una ay ang nag iintroduce sa ‘kin ng nakakatawang kanta at masayang laro para mawala daw ang bad mood ko.

Akalain mo ‘yon? Iyong mga taong ayaw mo at kinaiinisan mo ang magpapagaan ng loob mo at magpapasaya sa ‘yo.

Pero ang tanong. Totoo ba sila sa ‘kin? O nagpapanggap lang rin?

Sabay kaming lumabas ni Scart at Chunk sa eskwelahan. Nakasalubong ko pa kanina si Kate, pero nilagpasan ko lang siya at hindi pinasin.

“Jel, ano ba ang dahilan kong bakit hindi kayo nagpapansinan nila Kate at Kyle?” tanong ni Chunk habang naglalakad kami.

“Oo nga. Bakit?” tanong rin ni Scart.

Huminto ako sa paglalakad at bumuntong hininga. “Pwede bang h‘wag na kayo mag tanong. Ayo ko na pag-usapan ang dahilan kong bakit hindi kami nagpapansinan.” Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at naramdaman kong sumunod ‘din sila sa ‘kin.

Nakakapanibago. Kong dati si Kate at Kyle ang kasabay ko palabas ng eskwelahan. Ngayon ang dalawang ‘to, na.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Justin nakasandal sa kotse niyang nakaparking sa labas ng school. Napatingin siya sa ‘kin at sa dalawa kong kasama.

Naglakad siya papalapit sa ‘min. “Bakit magkasama kayo?” tanong niya sabay tingin sa dalawa.

“Nagkasabay lang,” sagot ko.

“Oo nga. Ikaw bakit ka nandito?” tanong ni Scart.

Napalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Parang may kidlat sa pagitan nilang dalawa. Lalo na ang tinginan nila sa isa‘t-isa.

Ngumiti si Justin. “I‘m here to take her home,” sabi ni Justin.

Pagkahawak ni Justin sa braso ko. Hinawakan rin ni Scart ang braso ko.

Gusto ko tuloy magpakain sa lupa lalo na at pinagtitinginan kami ngayon. Mga itong esksena lagi ang nakikita ko sa mga K-Drama lalo na, kapag inaagawan ang bidang babae.

“Scart. Let go of that hand.” Tono ng pananalita ni Justin ay parang nagbabanta. Tiningnan ko ang braso ko— hindi kamay ko na pala ang hawak ni Scart.

“Bakit naman?” Inosenteng tanong ni Scart.

Napalunok ako ng napatingin ako kay Justin dahil ang sama-sama ng tingin niya kay Scart. Ano ba nangyayari sa dalawang ‘to? Diba magkaibigan sila? Bakit parang magkaaway sila ngayon?

Hinablot ko ang braso ko sa dalawa. “Hindi niyo na ako kailangan ihatid. Kaya ko umuwi mag-isa,” sabi ko at iniwan sila.

Hindi pa man ako nakakalayo ng may nabangga akong dalawang lalaki. Dahilan na malaglag ang mga hawak nilang libro.

“Ano ba miss?! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?!” sigaw ng isang lalaki.

“Hoy! Nakatingin ako sa dadaanan ko. Hindi ko lang sinasadiya na mabangga kayo!” Sinigawan ko rin siya.

Akala ko maninigaw ulit siya pero naistatwa siya sa kinatatayuan niya tulad ng kasama niya. At para silang nakakita ng mga multo.

“P-Peter, nakikita mo ba ang nakikita ko?” nauutal na tanong ng lalaking sinigawan ako sa kasama niya.

Napalunok ang kasama niya at tumango.

Nagulat ako ng biglang nahimatay sa harap ko ang lalaking sinigawan ako. Agad naman siyang sinalo ng kasama niya na tinawag niyang Peter.

“Hoy! Druce!” Biglang lumapit si Justin at Scart.

Duce at Peter? Iyon ang pangalan na ibinanggit ni Scart sa kanta niya kanina. Hindi kaya sila ang tinutukoy ni Scart na kaibigan rin nilang dalawa ni Justin?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status