Share

CHAPTER 17

Nakaupo lang ako habang nakipagtitigan sa dalawang kaibigan ni Justin at Scart. Mga ilang minuto narin siguro kaming ganito at nakakailang na.

Pinakilala na sila kanina sa ‘kin ni Scart noong magising si Druce. Si Druce pala ang nahimatay sa harap ko kanina. Siguro inakala niyang nakakita siya ng multo dahil nga kamukha ko iyong kaibigan nilang matagal ng patay.

“P-pwede ba na alisin niyo na ang tingin sa ‘kin,” utos ko. “Alam kong sobrang kamukha ko iyong kaibigan niyo at kung tatanongin niyo ako kong bakit. Hindi ko rin alam.” Pinangunahan ko na sila bago pa man sila mag tanong sa ‘kin.

Bumuntong hininga si Peter. “I still can't believe you look so much like her. Para kayong iisang tao,” sabi niya. “Hindi kaba talaga si Damania?”

Umiling lang ako bilang sagot.

“Justin, Scart,” tawag ni Druce sa dalawang kaibigan. “Kailan niyo pa alam na may kamukha si Damania?”

Napatingin ako kay Justin at Scart. Nagkatinginan mo na silang dalawa bago nagsalita.

“Matagal na,” sabay nilang sagot.

Nagsalubong ang mga kilay ni Druce. “But you didn't even tell us?” hindi makapaniwalang tanong ni Druce.

“Sasabihin ko naman sana sa inyo pero…” Tumingin si Scart kay Justin. Malalim siyang bumuntong hininga at ibinalik ang tingin sa dalawang kaibigan. “I‘m sorry bro.”

“Ang daya niyong dalawa! Kayo alam niyo habang kami…” Naging pahina ng pahina ang boses ni Druce hanggang sa hindi niya natapos ang sasabihin. Natigilan siya at napatulala sa likuran ko.

Tumingin ako sa likod ko. Natigilan ako ng makita si Kate. Nasa counter siya at umoorder. Hindi niya naman ako napansin o nakita.

Iniwas ko ang tingin kay Kate at ibinalik kay Druce. Ang kaninang naiinis niya na mukha napalitan ng ngiti habang nakatingin kay Kate.

H‘wag niyang sabihin, na naatrack siya kay Kate?

“Nakakita lang ng babae. Nawala bigla ang init ng ulo ah,” sarkistong sabi ni Peter.

Tumayo si Druce. “Just a moment mga bro. Kukunin ko lang number ng magandang dilag,” paalam niya at naglakad papalapit kay Kate.

Kinalabit niya si Kate kaya napatingin sa ‘kaniya. May sinabi siya na kong ano dahilan na magtaka ang mukha ni Kate. Malayo sila sa ‘min kaya hindi ko marinig kong ano ang pinag-uusapan nila.

“Jel, si Kate ‘yon diba?” tanong sa ‘kin ni Scart. Tumingin ako sa ‘kaniya at tumango lang biglang sagot.

“Kilala niyo?” tanong ni Justin at Peter.

“Oo, kaibigan ko kasi siya—” Pinutol ko ang sasabihin ko at malalim na bumuntong hininga. “Kaklase namin siya,” dugtong ko sa huli.

Tumingin ulit ako kay Kate at nakatingin na pala siya sa ‘kin. Medyo nagulat pa siya noong makita ako pero iniwas niya ‘din ang tingin sa ‘kin. Nagpaalam muna siya kay Druce at dali-daling lumabas ng Milk Tea Shop.

Hindi ko alam pero napatayo ako at sinuot ang bag ko.

“Aalis kana?” tanong nila sa ‘kin.

Hindi ko sila sinagot at lumabas ng Milk Tea Shop. Pgkalabas ko nahagip ng mga mata ko si Kate hindi kalayuan sa ‘kin. Nakatalikod siya sa ‘kin. Lalapitan ko sana siya para kausapin ng marinig kong may kausap siya sa cellphone niya.

“Ayaw mo maniwala? Edi pumunta ka dito. Nandito siya kasama ang mga tao na hindi niya dapat makilala. Napakasaya nga nila para bang matagal na sila mag kakilala,” sabi niya.

Dahan-dahan nag salubong ang dalawa kong kilay. Hindi ako makapaniwalang nirereport niya ang mga galaw at kong sino ang mga kasama ko. Araw-araw niya rin ba ginagawa ‘to?

“May tanong ako sa ‘yo tita. Bakit kaya bigla ka nalang bumait sa ‘kaniya? Bakit parang hindi ka na nagagalit na makita siyang kasama ang mga ‘yon? May binabalak ka ba?”

Anong ibig sabihin ng mga tanong niya at bakit niya tinanong ng ganiyan si mama? Kong magsalita siya habang kausap si mama para bang kumakausap siya ng ibang tao. Hindi ganito makipag-usap noon si Kate kay mama.

“Alam mo ba na isa sa mga kasama niya si—” Bago niya pa matapos ang sasabihin. Hinablot ko ang cellphpone niya.

Gulat siyang napalingon sa ‘kin. Binitawan ko ang cellphone niya at dinurog gamit ang paa ko. Lumaki ang mata niya sa ginawa ko.

“Jel ang cellphone ko!”

Mas lalo ko dinurog ang cellphone niya gamit ang paa ko. Sinisigurado ko na hindi niya mapapaayos o makikinabangan ang cellphone na ‘to.

“Bakit gano‘n ang mga sinasabi mo?” tanong ko.

“E, ano naman sa ‘yo? Pwede ba Jeltrod alisin mo ang paa mo sa cellphone ko.”

Ningisihan ko siya. “Anong pakiramdam na sinisira ang gamit mong napaka importante sa ‘yo?” tanong ko.

Regalo kasi ng mama niya itong cellphone niya at importante sa ‘kaniya ang mga ibinibigay ng mama niya sa ‘kaniya. Masama niya lang ako tiningnan at hindi nagsalita. Nakita kong dahan-dahan kumuyom ang mga kamao niya.

“Ngayon, alam mo na ang naramdaman ko noong sinisira mo ako sa mama ko.” Inalis ko ang paa ko sa cellphone niyang durog. “Paano kaya kong siraan rin kita sa mama mo?”

“Subukan mo lang,” madiin na nag babantang sabi niya.

Ningitian ko siya. “Talagang susubukan ko.” Sinamaan ko muna siya ng tingin bago tinalikuran.

Nakita ko pa si Justin kasama ang mga kaibigan niyang nakatingin sa ‘min ni Kate. Nilagpasan ko lang sila at hindi pinansin.

***

Pagkapasok ko ng bahay. Sumulubong sa ‘kin ang mukha ni mama. Nakaupo siya habang nakaharap sa pinto at mukhang kanina pa ako hinihintay umuwi.

Inaasahan kong magagalit nanamam siya sa ‘kin dahil sa nireport ni Kate sa ‘kaniya. Sabihin man o hindi ni Kate  alam kong si mama ang kausap niya kanina.

Pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Imbis na magalit siya. Tinanong niya lang ako kong bakit ako umuwi tapos pinakain. Iyon lang.

Tulala lang ako habang nakatingin sa mga bituin dito sa bintana ng kwarto ko. Buti pa ang mga bituin, ang sarap ng life nila sa taas.

Malalim akong napabuntong hininga.

Isasara ko na sana ang bitana ko ng may nag landing sa noo ko na eroplanong papel. Talagang nang-aasar ang gumawa at nagpalipad ng eroplanong papel na ‘to.

Pinulot ko ang eroplanong papel at tumingin sa paligid. Nahinto ang paningin ko sa lalaking kumakaway at nakangiti sa ‘kin. Pustahan si Justin ‘to.

May sinulat siya sa board niya at tinaas iyon.

May nakasulat diyan sa eroplanong papel.

Magsasalita sana ako ng bigla siyang kumaripas ng takbo. Napatingin ako sa gate namin at lumabas si papa na may hawak na plastic ng b****a. Mahina akong napatawa ng muntik pang madapa si Justin sa pagtakbo.

Isinara ko ang bintana at umupo sa kama ko habang hawak ang eroplanong papel galing kay Justin. Tiningnan ko ang gilid ng eroplano at may nakasulat doon.

Hihintayin kita bukas sa Park kong saan tayo pumunta makailan.

-Justin

***

Pumunta ako sa Park kinabukasan. Nag paalam lang ako kay mama at papa napupunta ng mall kaya pinayagan ako ka agad. Hindi na nila tinanong kong sino ang kasama ko. Tamang-tama at walang pasok dahil sabado.

Mga hapon na ako pumunta sa Park. Wala naman kasi siyang sinabi kong ano oras. Kaya kong kanina pa siya do‘n naghihintay sa ‘kin. Edi kasalanan niya na ‘yon.

Pagkarating ko ng Park nahagip ka agad ng mga mata ko si Justin. Kahit nakatalikod siya alam kong siya ‘yon. Nakaupo siya sa swing habang pinagmamasdan ang mga bata na naglalaro at nag bibisekleta.

Lumapit ako sa ‘kaniya at tinapik siya sa balikat niya. Napalingon siya sa ‘kin ng gulat. Mukhang nagulat ko pa yata siya.

“Kanina ka pa, nandito?” tanong ko.

Tumayo siya at umiling. “Kakarating ko lang.”

“Bakit mo pala ako pinapunta dito?” tanong ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa isang manong na nag paparenta ng bisekleta. “Dalawa nga po,” sabi niya sa manong.

“H-hoy! Hindi ako marunong mag bisekleta,” bulong ko.

Naiingit nga ako noon sa mga marunong mag bisekleta. Gusto ko matuto pero natatakot ako dahil baka ma bungi ako. Kwento kasi sa ‘kin ng mga kaibigan ko dati nabago daw sila matuto mag bisekleta. Naranasan daw nila ang ang mawalan ng isang ngipin at magkabukol at normal lang daw ‘yon sa nag prapractice sa pag bibisekleta.

Kaya dahil sa kwento nila. Ayo ko na matuto. 

“Alam kong hindi ka marunong mag bisekleta. Kaya tuturuan kita.” Kumindat siya sa ‘kin.

“Paano mo nalaman?”

“Secret,” ngiti niya.

Nang makuha ang nirentahan na bisekleta. Kinuha niya ang shoulder bag ko at sinuot iyon. Natawa ako sa itsura niya dahin mukha siyang madam. Sinuotan niya ako helmet, pagkatapos. Napatulala pa ako sa mukha niya dahil sobrang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan.

Nang matapos akong suotan ng helmet at mga kong ano-ano sa braso ko. Sinenyasan niya akong umupo sa upuan ng bike. Tinitigan ko palang parang naiimagine ko na ang sarili kong sumeplang.

“Ayo ko. Ikaw nalang,” sabi ko.

“Kaya mo ‘yan. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi ko hahayaan na magkasugat ka o sumemplang.” Ngumiti siya.

Pamandalian akong napatulala sa ngiti niya. Dahil sa ngiti niya nag kalakas loob ako bigla na sumakay sa bisekleta. Kahit medyo natatakot pinilit kong ngumiti sa harap niya.

Lumapit siya sa ‘kin at nasa kaliwang banda ko siya. Ang kanang kamay niya ay nasa bandang kinauupuan ko at ang isa naman ay nasa manibela. Naramdaman kong nanlalamig ang kamay ko at nanginginig ang hawak sa manibela.

“Relax lang. I‘m just here,” sabi ni Justin. Tiningnan ko siya at ningitian niya ako. Nahawa nalang ako ngiti niya.

Marahan akong pumidal. Noong una kinakabahan dahil iniisip kong isang mali apak ko sa pidal bumangga na ako. Gano‘n ako ka advance mag-isip.

“H‘wag mong bibitawan ha. Pag ako nahulog at nagkabukol. Lagot ka sa ‘kin,” banta ko sa ‘kaniya ng hindi siya nililingon.

Napatawa siya at tumango. “Promise, hindi ko bibitawan.”

Mabagal lang ang pag-andar ko ng bisekleta hanggang sa inisipan kong bilisan. Muntik pa nga ako matumba, buti nalang hindi natuloy. Pero sa huli nawala ang kaba ko at napalitan ng pag eenjoy. Ganito pala kasarap mag bike. Idagdag mo na ang ganda ng Park na pinuntahan namin.

“Ang saya naman pala nito!” natutuwang sabi ko.

Napatingin ako kay Justin pero wala na siya sa gilid ko. Inihinto ko ang bisekleta. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko doon si Justin. Nakatayo siya at mahinang tumawa ng makita ang reaction ko.

Tsk! Sabi niya dito lang siya sa tabi ko. Pero iniwan niya na ako.

Pinaandar ko ang bisikleta patungo sa ‘kaniya. Nang makalapit ako sa ‘kaniya. Masama ko siyang tiningnan. “Ba‘t umalis ka sa tabi ko? Sinungaling!” inis na sabi ko.

“Kailangan para matuto ka. Look, you can ride the bike without me next to you,” sabi niya.

Natigilan ako sa sinasabi niya at itinuro ang sarili ko. Tumango siya at natawa ulit. Oo nga ‘no, bakit ngayon ko lang na realize na nakapag paandar ako ng bike ng walang nakahawak at nakabantay sa sinasakyan kong bisekleta.

“I-ibig sabihin…marunong na ako mag bisekleta?”

“Oo,” sagot niya.

Sinungaling naman pala ang mga nagsabi sa ‘kin na bago daw matuto mag bisekleta. Mararansan mo daw muna mabungi at magkabukol. Parang gusto ko na gamitin ang bisekleta ni papa papuntang school.

“Dahil marunong na ako mag bisekleta. Hahamonin kitang mag paunahan, makaputan do‘n.” Tinuro ko ang nag bebenta ng mga street food.

“Manghahamon ka ka agad?”

“Oo naman. Magaling na ako eh,” mayabang na sabi ko kahit hindi pa naman ako sobrang galing.

“Sige, at kong sino ang huling makapunta doon. Manlilibre siya ng kwek-kwek.” Tinanggap niya ang hamon ko.

Kinuha niya ang nirentahan na isa pang bisekleta at sumakay doon. Gaya ng sabi ko nag paunahan kaming dalawa makapunta sa nagtitinda ng street food.

Ngayon ako ang nangunguna at siya ang sa huli. Halatang binabagalan niya ang pagpatakbo ng bisekleta niya. Pero okay lang, para ako makauna papunta do‘n.

Kampante akong mauuna, kaya binigalan ko ang pagpidal. Pero hindi ko namalayan ng nasa unahan ko na siya at ako na ang nasa likod niya.

Lesson learned. H‘wag makampante.

“Hoy! Ang bilis mo naman!” sabi ko.

“Bye!” Kumaway siya patalikod at binilisan ang pag pidal.

“Hoy! Sandali, hinanatyin mo ‘ko!”

***

“Ayan.” Ibinigay ko sa ‘kaniya ang kwek-kwek niya. Reward niya ‘yan, dahil tinuruan niya ako mag bisekleta at ako ang nahuli.

“Salamat,” ngumiti siya sa ‘kin. Ningitian ko rin siya bilang ganti.

Nakaupo kami ngayon sa bench dito sa ilalim ng puno. Malapit na gumabi at kaunti nalang ang mga bata na nadito sa Play Ground. Ang iba umalis na kasama ang mga magulang nila.

Nakakatuwa pag masdan ang mga batang nandito kasama ang mga magulang nila. Sana ganito rin kami ni mama at papa kahit malaki na ako.  Lagi ko kasing nakakasama kapag gagala o magsisimba ay si papa lang at wala si mama. Hindi ko maiwasan hindi maiingit ngayon sa mga batang nandito dahil pareho nilang kasama ang mama at papa nila.

Nagulat ako ng may malamig na bagay ang dumapo sa pisngi ko. Pagtingin ko ice candy lang pala na hawak ni Justin ang nasa pisngi ko.

“Bakit nakatulala ka? Anong iniisip mo?” tanong niya.

Umiling ako. “Wala.”

“Binili ko sa ‘yo. Alam kong favorite mo ‘yan,” nakangiting sabi niya.

“Manghuhula kaba? Ang dami mong alam tungkol sa ‘kin,” natatawang sabi ko at tinanggap ang ice candy.

Ang flavor ng ice candy na binili niya ay strawberry. Pati favorite flavor ko ng ice candy alam niya.

“Justin,” tawag ko sa ‘kaniya. Nilingon niya ako at tiningnan ng nagtatanong na tingin. “Gaano mo ba ako kakilala?”

“Bakit mo naitanong?”

“Napansin ko kasi na ang dami mong alam tungkol sa ‘kin. Pati favorite ko alam mo. Paano mo nalaman ‘yon?”

Ngumiti lang siya at ginulo ang bangs ko. Masama ko siyang tiningnan at hinampas sa braso niya. “Pwede ba kapag tinatanong kita. H‘wag ngiti ang isagot mo sa ‘kin!” inis na sabi ko.

“Bakit?”

“Nakakahawa kasi!” Iniwas ko ang tingin ko sa ‘kaniya at kumain nalang ng ice candy.

Sinulyapan ko siya gilid ng mata ko at kita kong pasimple siyang natatawa. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap ulit ako sa ‘kaniya. Tiningnan niya ako sa mga mata ko at dahil do‘n napalunok ako.

“B-Bakit?” nauutal na tanong ko.

Ningitian niya ako. “Jeltrod, gusto kita.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status